TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro ng media sa Maynila.
Ito ang kinumpirma ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.
Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station 10 ay bunsod sa pag-aresto sa reporter ng radio station ng PTV 4 (Radyo Pilipinas) na si Lorenz Tanjoco.
Kabilang sa mga sinibak ay sina PLt Joel Pinon bilang Beata PCP Commander, PSMS Jonathan Hernandez, PCpl Charles Bronzon Dela Torre, Pat Marvin Anthony Comboya at Pat Jonathan Abad.
Linggo ng hapon ng masita sa chekpoint si Tanjoco dahil sa walang suot na facemask dahil sa kadahilanang natanggal ito habang nagmomotorsiklo.
Sa kabila ng paliwanag ni Tanjoco ay tinuluyan pa rin at dinala sa Baeta Police Community Precinct kung saan siya ikinulong na tumagal na mahigit sampung oras bago ito tuluyang pinalaya.
Ayon kay Francisco, ang mga pulis na ito ay inilipat na sa DIDMD/D7 ng MPD habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.
Ang agarang pagkakasibak sa puwesto ng mga tauhan ng MPD ay nangangahulugan na hindi kinukunsinti ni Francisco ang abusadong mga pulis sa kanyang panunungkulan. (GENE ADSUARA)
Imbes na umuwi sa Pilipinas ay babalik si 2021 Olympic Games qualifier Hidilyn Diaz sa kanyang training camp sa Kuala Lumpur, Malaysia para mu-ling sumabak sa ensayo.
Isang 24-anyos na rider ang nasawi habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kanyang angkas matapos salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang Isuzu Elf truck sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Ikinatuwa ng opisyal ng simbahan ang pagtutulungan ng mamamayan upang maibsan ang paghihirap ng kapwa dulot ng coronavirus pandemic.
Pinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang inagurasyon ng 2 bagong estasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension mula sa dating April 26 at inilipat sa June 23 dahil na rin sa kagustuhan na magpatupad ng striktong health protocols.
PUMAPANGATLO ang Pilipinas sa ASEAN countries pagdating sa vaccination roll out ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
ARESTADO ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno.
Siyam na track and field competitions ang nakatakdang lahukan ni Fil-American trackster Eric Cray sa hangaring makakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Kinumpirma ni tennis star Roger Federer ang pagsabak nito sa French Open.
Nasa malubhang kalagayan ang isang 32-anyos na drug personality na nagtangkang gahasain ang isang 15-anyos na estudyante matapos pumutok ang service firearm ng isang pulis na kanyang tinangkang agawin sa isang entrapment operation sa Caloocan city.