SA Black Saturday na ang finale ng Paano ang Pangako?, ang top-rating teleserye ng The IdeaFirst Company, Cignal at TV 5.
May marathon viewing ang finale from 2 pm to 7 pm on Black Saturday kaya yung mga fans ng Paano ang Pangako?, tutok na para malaman ang magiging ending ng successful teleserye ng Kapatid Channel.
Ayon kay Direk Perci Intalan, the producer of the series, they are very thankful na three months after Christmas ay maganda ang takbo ng series in terms of viewership.
“We are glad that the show is doing very. What was meant as a Christmas serye kasi nga dahil sa pandemic, ang nasa isip ng mga tao paano na ang Pasko? Hindi tayo pwedeng magsama-sama. Walang chance na mag-reunion kasi nga bawal ang mga gatherings.
“Walang pera ang mga tao. Maraming nawalan ng trabaho. Naitawid naman namin show last December and we were glad that the network gave us the go signal to extend the series kaya Paano ang Pangako was born,” pahayag ni Direk Perci.
“Ang story arc naman ng Paano ang Pangako ay nagsimula sa uncertainty of the times. Dahil sa pandemya, hindi natin alam what await us in the future? Magkakaroon ba ng cure sa virus?
“The times are uncertain at apektado ang buhay ng bawat isa sa atin. Mapapanghawakan ba natin ang pangako? Ano ba ang mapapanghawakan natin sa situation that we are now?”
Paano ang Pangako? started a new book last week at kahit na two weeks lang ang itatakbo ng bagong kwento ng serye, may mga bagong characters na pumasok at marami pa rin mangyayari na dapat abangan sa series.
Napanood na nga ni Direk Perci ang rough edit ng ilang eksena sa finale week and he was pleased with what he saw.
If ever sabihin ng network na extend ang series, Direk Perci said they are always willing to do so. Masaya if the show will be extended anew kasi trabaho ito for the cast and production team.
Ayon pa kay Direk Perci, conscious naman daw ang production team sa mga safety protocols na dapat sundin. Hindi lang daw natin alam ang mga challenges na kanilang kinakaharap taping the show pero thankful din lang silang lahat they were able to overcome the challenges although kung minsan daw ay parang OA na ang mga pagsubok na dumarating sa kanila.
Tiyak na aabangan ang finale week ng Paano ang Pangako? sa Black Saturday. (RICKY CALDERON)
Nagtapos sa ikalawang puwesto si Filipino-American sprinter Kristina Knott sa 100-meter event sa Cylde Littlefield Texas Relays sa Austin.
Magpapakalat pa ng karagdagang 9,356 pulis ang Philippine National Police sa mga quarantine control checkpoints na sakop ng NCR Plus bubbles.
NAGDESISYON na ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ibigay ang pinakahuling donasyon ng China na 400,000 Sinovac sa mga medical health workers sa pinakaapektado ng new variants, kasama na ang NCR Plus, Cebu at Davao.
MALAKI ang pasasalamat ng Kapuso hunk Yasser Marta sa kanilang direktor sa teleserye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit na si Laurice Guillen.
PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nais na magsimba ngayong Semana Santa.
PIERCE Brosnan is joining DC’s upcoming
NAGING touching sa amin, kahit na wala sa mismong virtual concert ni Sarah Geronino na Tala The Film Concert ang mga magulang niya at kapatid.
Nagbagsak si Kawhi Leonard ng 28 points at nagdagdag si Terance Mann ng season-high 23 para banderahan ang Clippers sa 122-112 paglunod sa Philadelphia 76ers.