AFTER ng tatlong lock-in taping ng top-rating GMA Primetime romantic comedy series na First Yaya, topbilled by Gabby Concepcion and Sanya Lopez, nagkaroon muna sila ng break.
Bale pahinga ng cast at production staff, kaya naman inimbita ni Gabby ang mga kasama niya sa kanyang beach resort sa Batangas.
‘Nagpainit’ si Sanya sa sexy bikini photos niya sa kanyang instagram account habang nagtatampisaw sila ni Kakai Bautista sa beach resort.
Pinusuan ng mga fans at netizens ang post niya sa social media, kaya naman umabot na ito ng libu-libong likes and comments, dahil sa kaseksihan niya.
Comment nga ni @missrheatan, “Ganda ng anak ko.” Sagot ni Sanya, “@missrheatan next time Ma, tayo-tayo naman.”
Enjoy sina Sanya, Kakai, Pancho Magno, dahil ang sipag daw magluto ni Gabby ng mga pagkain nila, na-miss daw naman nila ang mga co-stars nila sa series na sina Maxine Medina, Cai Cortez, Glenda Garcia, even si Ms. Pilar Pilapil. Magri-resume sila ng lock-in taping after the Holy Week.
Napapanood gabi-gabi ang First Yaya pagkatapos ng 24 Oras.
***
SA pagtatapos ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Kylene Alcantara at Zoren Legaspi last Friday, March 26, inasahang papalitan ito ng Ang Dalawang Ikaw na nagtatampok for the third time sa love team nina Ken Chan at Rita Daniela.
Pero hindi na muna ito matutuloy at sa halip magkakaroon ng replay ang pinag-usapan noong Ang Dalawang Mrs. Real na nagtatampok kina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Ms. Maricel Soriano.
So, maswerte si Lovi, dahil araw-araw at gabi-gabi, mapapanood siya sa dalawang serye niya sa GMA-7. Sa hapon nga ang Ang Dalawang Mrs. Real at sa gabi, ang romantic comedy series na pinagtatambalan naman nila ni Benjamin Alves na Owe My Love mula sa GMA News & Public Affairs, pagkatapos ng I Can See You: On My Way To You.
Tiyak na muling pag-uusapan ang mahusay na pagganap nina Maricel, Dingdong at Lovi, at ang maiinit at matitinding eksena, tulad nang pinag-usapang pagsampal ni Maricel kay Dingdong sa eksena, na nagpamanhid sa pisngi ng actor.
Mapapanood ito simula ngayong Lunes, 4:15 p.m. sa GMA-7.
***
BINISITA ni Aga Muhlach, kasama ang wife niang si Charlene Gonzalez, ang kaibigang si Willie Revillame sa private beach resort nito sa Puerto Galera, at ipinost ito ni Aga sa kanyang Instagram:
“A good friend since the 80s! Puno ng paghihirap at saya ang mga pinagdaanan din natin. Happy for what you’ve become, Willie. Continue to do what do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend. Cheers! Your turn to visit us soon.”
Ang beach resort ni Willie ay balitang nabili niya noon pang 2018 at ipinaayos niya at inihalintulad sa luxury resort sa Amanpulo sa Palawan.
Last year, isa rin sa nag-stay ng ilang araw sa beach resort ni Willie si Kris Aquino at mga anak niyang sina Joshua at Bimby, nang abutan sila roon ng lock-down dahil sa Covid-19 pandemic. (NORA V. CALDERON)
Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ang mga paaralan ay dapat na gamitin lamang bilang last resort o huling opsiyon bilang vaccination sites, ngayong nagpapatuloy na ang inoculation rollout ng pamahalaan laban sa COVID-19.
LUNGSOD NG MALOLOS– Nanawagan si Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan sa mga Bulakenyo ng pagkakaisa at pagsunod sa batas sa pagsasailalim sa Bulacan, kasama ang iba pang lugar na kabilang sa “NCR bubble” na binubuo ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal, sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula sa Lunes, Marso 29, 2021 hanggang Abril 4, 2021.
DAHIL opisyal nang PBA player na si Andre Paras after siyang ma-draft sa Blackwater team, kikita ito ng higit na P3 million for two years sa pinirmahan niyang kontrata.
Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) District Special Operations Unit (DSOU), agad naaresto ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang estudyante sa Caloocan city.