• July 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 2nd, 2021

5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.

 

 

Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na tatanggap ang Pilipinas ng inisyal na 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech sa kalagitnaan ng Pebrero para sa unang quarter. Nakatakda pang kumpirmahin ang delivery ng kumpanya para sa mga suplay sa mga susunod na quarters ng taon.

 

 

Tatanggap din ang Pilipinas ng mula 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca vaccine para sa unang dalawang quarter ng taon.

 

 

Nilinaw ni Galvez na ang bilang ng bakunang inilaan sa Pilipinas ay “indicative” at magdi-depende pa sa global supply nito.

 

 

Una nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca para ligtas na magamit na ang kanilang mga bakuna sa oras na may suplay na para sa Pilipinas. (Daris Jose)

Pamahalaan, papasok na sa huli at ika-apat na yugto ng National Action Plan

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAPASOK na ang pamahalaan sa ika- apat na phase ng National Action Plan kaugnay ng mga ginagawa nitong aksiyon laban sa COVID 19.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hanggang sa 1st quarter na lang ng 2021 ang phase 3 at pagkatapos nitoy papasok na ang phase 4 o ang huling phase na ang pokus ay vaccination roll out na.

 

Aniya, ang Phase 4 sabi ni Nograles ang pinakamalaking bahagi ng apat na phase na inihanda ng gobyerno na makapagpapabangon sa bansa.

 

Matatandaang, Marso hanggang Hunyo 2020 nang ikinasa ang phase 1 kung saan dito ay nagsimulang magpatupad ng community quarantine at kasunod nitoy ang detect-isolate-treat-reintegrate strategy na nasa ilalim naman ng phase 2.

 

Layunin ng pamahalaan na siguruhin na maayos ang kalusugan ng bawat isa habang unti- unting binubuhay ang ekonomiya ang target ng Phase 3 na makukumpleto na sa buwan ng Marso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mister itinumba ng riding-in-tandem sa harap ng kainuman

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dedo ang isang 45-anyos na mister matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsilo habang nakikipag-inuman ang biktima sa Caloocan city.

 

 

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Luisito Villarruz, driver ng Block 42 Lot 5 Palmera spring II,, Celerina St., Brgy. 173, Congress, ng lungsod.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:30 ng gabi, kainuman ng biktima ang saksing hindi nabanggit ang pangalan sa labas ng kanyang bahay sa Celerina St. nang dumating ang mga suspek na sakay ng isang kulay itim na Yamaha NMAX.

 

 

Bumaba ang back rider saka naglabas ng hindi mabatid na uri ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang humingi naman ng tulong ang saksi sa mga awtoridad.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)