Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi nila ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) sa mga mag-aaral sa oras na matapos na ang application process para sa ayuda.
Paliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nagkaroon ng delay sa application process dahil sa napakalawak na sakop ng mga potential beneficiaries.
“Medyo natagalan po sa DepEd ang pag-finalize at pag-umpisa ng ating application process for the subsidy kasi mas malaki po iyong aming coverage. Kasama ang public at private [school] learners from kinder to Grade 12,” wika ni Sevilla.
“Ongoing po iyong aming application process. Wala pa pong nadi-disburse. Gagawin po namin ito as soon as makuha namin ang mga application,” dagdag nito.
Ani Sevilla, makakakuha ng P5,000 ang mga benepisyaryo mula sa mga pribadong paaralan, habang may P3,000 naman ang mga recipient sa public schools.
Kamakailan nang hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang DepEd na bilisan ang distribusyon ng subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2.
Nasa P300-milyon ang inilaan para sa basic education subsidies ng naturang relief measure.
Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.
IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya.
Hindi pa rin ligtas sa virus ang mga taong nakapagpaturok na ng bakuna dahil maaaring muli silang mahawa ng COVID-19 dahil wala namang perpektong bakuna.
NAKATAKDANG sa hardcourt ang ex-professional na si Mark Reynan Mikesell ‘Macmac’ Cardona sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2021 sa Hunyo.
NAGDIWANG ang sambayanang Pilipino sa sa pagtanghal sa ng BREN Esports na kampeon nitong Linggo lang sa M2 World Championships 2020 sa Singapore kung nagantimpalaan pa nang tumataginting na $140,000 (P6.7M).
Ruptured aortic aneurysm, na isang medical condition, ang ikinamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, batay sa resulta ng autopsy nito ayon sa findings ng Philippine National Police Crime Laboratory na inilabas Miyerkoles, Jan 27.
NAGPALISTA na sa para sa darating na Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 ang Filipino-American at dating National Basketball Association (NBA) G League player na si Taylor Statham.
“Ang karanasan ko sa pakikisalamuha sa mga kriminal, nagagamit ko ngayon bilang isang Mayor”