PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naareatong suspek na si Uriel Hewe Jr., 31, (watchlisted) ng Block 15, Lot 7, Mangga St., Amparo Subdivision Brgy. 179.
Sa report ni PBGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Dano Jr., alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Amparo Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr. sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Ani Col. Mina, narekober sa suspek ang aabot sa 5 kilos at 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinayatayang nasa P34,680,000.00, buy bust money na binubuo ng 2 tunay na P1,000 at 138 piraso boodle money, isang cal. 45 pistol na may magazine at 4 na bala, digital weighing scale, cellphone at P10,150 cash.
Sinabi ni NCRPO Chief Danao na nag-ugat ang operation dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen na ipinadala sa NCRPO SMS Compliance Monitoring System hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.
“Kung ayaw niyo tumigil sa droga at talagang ginawa niyo nang hanapbuhay yan eh ikamamatay niyo Yan, Swerte ito buhay dahil hindi lumaban!” babala ni RD Danao sa mga ayaw maglubay sa droga.
Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang suspek sa grupong nasakote din ng Caloocan Police SDEU kamakailan na nahulihan ng 26 kilos ng shabu. (Richard Mesa)
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon.
Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng Gabinete at Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
MAARING hindi matuloy ang ‘binyag’ ni Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas sa darating na Pebrero 18-22 sa pagsabak sa International Basketball Federation (FIBA) 2021 Asia Cup final window bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.
MULING umiskor si Orencio James Virgil ‘OJ’ de los Santos sa pangalawang sunod na pagkakataon na Manalo ng tatlong gold medal sa isang araw lang sa buwang ito sa mga online karate tournament para upang sementuhan ang pagiging world No. 1 e-kata karateka.
Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021.
Umatras na sa 2021 Australian Open si Swiss tennis star Roger Federer.
NAKAHANDA na ang mga balak ni Ercito ‘Chito’ Victolero para sa kanyang Magnolia Hotshots para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021) Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9.