• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

LALAKI, HULI SA PAMBOBOSO SA MAYNILA

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang isang lalaki matapos mahuli na kumukuha ng video sa isang babae na naliligo sa Sta.Ana, Maynila .
Kinilala ang suspek na si Marvin Navarro o alyas ‘Chaka’, 30 anyos residente ng Barangay 773 Sta. Ana.
Sa ulat ng Sta Ana Police Station, napag-alaman na matapos maligo ng biktima at habang inaabot ang kanyang damit at napansin niya ang cellphone sa ceiling ng kanilang palikuran.
Agad itong sumigaw habang napatalon naman pababa ang suspek kung saan agad na naharang at napigilan ng ama na makatakas.
Sa barangay hall nagharap ang dalawa at sinuri ang cellphone ng suspek. Nakita sa “recently deleted” folder ang video na nakuhanan ang biktima habang nabibihis.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 laban sa suspek na nakatakdang iharap sa Manila Prosecutors Office. (Gene Adsuara)

PBBM, ipo-promote ang kapakanan ng mga kababaihan, kapayaan sa UN events

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BIBIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang commitment ng Pilipinas na isulong ang kapakanan ng mga kababaihan sa 70th session ng Commission on the Status of Women (CSW) sa New York, Estados Unidos.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona na inaasahan na magbibigay ng kanyang pananalita si Pangulong Marcos sa nasabing event.
“Magsasalita po ang Pangulo sa 70th Session ng Commission on the Status of Women o CSW 70,” ang sinabi ni Escalona sa press briefing sa Malakanyang.
“He will also highlight here the Philippines’ commitment to promote, advance and protect the rights and well-being of women and girls,” aniya pa rin.
Ang working visit ng Pangulo sa Estados Unidos ay mula Marso 8 hanggang 11.
Makakasama naman ng Pangulo sa byahe niyang ito si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, pati na rin sina DFA Secretary Maria Theresa Lazaro, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., at Presidential Communications Office acting Secretary Dave Gomez.
Ang CSW ay isang UN commission na nagsisilbi bilang principal global intergovernmental body na nakatuon para i-promote ang ‘gender equality, karapatan ng mga kababaihan, at women’s empowerment.’

Ang CSW 70 ay nakatuon naman sa pagpapalakas ng access sa katarungan para sa lahat ng mga kababaihan, pino-promote ang inclusive at equitable legal systems, inaalis ang discriminatory laws, at tinutugunan ang structural barriers.
( Daris Jose)

Pagbatikos at pambabastos kay Rep. Sarah Elago ni Atty. Ferdinand Topacio, kinondena ng Gabriela Women’s Party

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ng Gabriela Women’s Party si Atty. Ferdinand Topacio sa ginawa nitong pagbatikos at umano’y pambabastos kay Rep. Sarah Elago, kinatawan ng sektor ng kababaihan sa Kongreso.
Sa isang radio program sa dwIZ, pinagtanggol ni Topacio si Quezon City Rep. Bong Suntay sa ginawa nitong kontrobersiyal na pahayag sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Martes.
Ayon kay Topacio, ang ginawang paghahalimbawa ni Suntay na imahinasyon sa isang babae ay relevant sa isyu. Sa nasabing pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, inihalimbawa ni Suntay ang kanyang “desire” kay Anne Curtis, isang batikang aktres.
Sinabi ni Topacio natural lamang sa lalake tulad ni Suntay ang mag-imagine at kanya pang sinabi na kahit siya mismo ay nagnasa kay Elago.
Dahil dito nagalit si Elago at nagbantang magsasampa ng kaso laban sa abogado na tinawag niyang “misogynic.”
“Mariin naming kinukondena ang kanyang misogynistic at mapanirang mga pahayag. Hindi na ito nakakagulat mula sa isang abogado kuno na may mahabang track record sa panre-redtag at pambabastos sa kababaihan,” sinabi ni Elago.
Ayon kay Elago, hindi dapat pahintulutan na maging abogado si Topacio. “Ang mga katulad niya ay hindi dapat hinahayang maging abogado kung ginagamit lamang ang propesyon upang mang-alipusta sa kababaihang lumalaban sa abuso at korapsyon.”
“Pinag-aaralan namin ang mga posibleng ligal na hakbang upang mapanagot si Topacio. Hindi ito katanggap-tanggap, at lalong hindi dapat pinapalampas,” sinabi ni Elago.
(Vina de Guzman)

DOLE, nagsagawa ng NTIPC Pre-Inspection Seminar Intervention sa Navotas

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ng mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakabagong updates sa labor policies ngayong taon, pati na ang mga revisions at dagdag sa inspection at enforcement procedures sa ginanap na NTIPC Pre-Inspection Seminar Intervention.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, mahalaga ang ganitong seminar upang mas maging handa ang mga negosyo sa Lungsod ng Navotas at mas maintindihan ang tamang pagsunod sa mga umiiral na batas
“Alam nating mabusisi ang proseso ng inspection, at kapag may kakulangan ay may kaakibat na compliance order na nakakaapekto sa oras, resources, at operasyon ng negosyo,” aniya.
“Kaya patuloy nating hinihikayat ang ating mga stakeholders na makiisa at maghanda upang masigurong maayos, ligtas, at compliant ang ating mga workplace para sa kapakanan ng lahat,” dagdag niya.

Ginawaran din si Mayor Tiangco at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ng Plaque of Appreciation ng DOLE para sa pagiging program partner ng lungsod sa implementasyon ng Child Labor Prevention and Elimination Program sa pamamagitan ng Information and Service Caravan on Child Labor noong 2025. (Richard Mesa)

DOLE, nagsagawa ng NTIPC Pre-Inspection Seminar Intervention sa Navotas

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ng mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakabagong updates sa labor policies ngayong taon, pati na ang mga revisions at dagdag sa inspection at enforcement procedures sa ginanap na NTIPC Pre-Inspection Seminar Intervention.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, mahalaga ang ganitong seminar upang mas maging handa ang mga negosyo sa Lungsod ng Navotas at mas maintindihan ang tamang pagsunod sa mga umiiral na batas
“Alam nating mabusisi ang proseso ng inspection, at kapag may kakulangan ay may kaakibat na compliance order na nakakaapekto sa oras, resources, at operasyon ng negosyo,” aniya.
“Kaya patuloy nating hinihikayat ang ating mga stakeholders na makiisa at maghanda upang masigurong maayos, ligtas, at compliant ang ating mga workplace para sa kapakanan ng lahat,” dagdag niya.

Ginawaran din si Mayor Tiangco at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ng Plaque of Appreciation ng DOLE para sa pagiging program partner ng lungsod sa implementasyon ng Child Labor Prevention and Elimination Program sa pamamagitan ng Information and Service Caravan on Child Labor noong 2025. (Richard Mesa)

3 sangkot sa droga, tiklo sa Oplan Galugad sa Valenzuela

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng anim na indibidwal kabilang ang tatlong drug suspects matapos mahuli sa aktong naglalaro ng ilegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Batay sa ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Sub-Station 6 nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng baraha sa Road 1 Lingahan St., Barangay Malanday, alas-5:22 ng hapon.
Nakumpiska sa kanila ang perang pantaya at gamit na baraha habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “Ian”.

Nauna rito, naaresto ng mga tauhan ni Police Sub-Station 5 Commander P/Capt. Doddie Aguirre ang dalawang lalaki nang maaktuhang nagsusugal naman ng cara y cruz sa Bukid St., Brgy., Balangkas.
Nasamsam sa dalawa ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakumpiska kay alyas “Santo”, 45, construction worker.
Sa Brgy., Gen. T De Leon, naaresto naman ng mga tauhan ng SS2 ang dalawang sugarol nang maaktuhang naglalaro ng cara y cruz sa L. Bernardino Street dakong alas-5:45 ng hapon at nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas “Syn”.
Naisalang na sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang mga suspek para paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

PBBM, suportado ang MSMEs, skills training para palakasin ang trabaho

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na susuportahan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) at skills training programs para lumikha ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Filipino.
Matapos pangunahan ang paglulunsad ng Trabaho at Negosyo, araw ng Biyernes, Marso 6 sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na palalawigin ng gobyerno ang employment initiatives, kabilang na ang job fairs at mga programa, para matulungan ang mga manggagawa na makasabay sa nagbabagong mundo kung saan ang mga industriya ay muling hinuhubog ng digital technology at artificial intelligence (AI).
“Today, we live in a very uncertain world. What many of us have studied and developed a decade—or even just a couple of years ago— are sometimes no longer relevant,” ayon sa Pangulo.
“Traditional jobs are transforming. The skills that were once optional, now they are essential,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na maraming matagumpay na entrepreneurs ang nagsimula sa maliit na pakikipagsapalaran gaya ng ‘food carts, market stalls, o online stalls’ at naharap sa mga pagsubok dahil sa limitadong capital, market access, at mabilis na technological advancement.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo na maaaring makasabay ang mga pinoy sa pagbabago, tinukoy ang kanilang ‘resilience at resourcefulness.’
“Naniniwala ako kayang makasabay naman ang mga Pilipino. Alam naman natin na sa kabila ng mga hamon, maabilidad at madiskarte ang ating mga kababayan,” ang winika ng Pangulo.
Binigyang diin pa ng Chief Executive ang mahalagang papel ng pribadong sektor sa employment gaps, partikular na sa pamamagitan ng partnerships na nagpo- promote ng ‘entrepreneurship at skills development.’
Sa kabilang dako, pinuri naman ng Pangulo si Go Negosyo founder Jose Ma. “Joey” Concepcion III dahil napagtagumpayan ang MSMEs development sa bansa.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na pinalalawig ng kanyang administrasyon ang mga programa na may kinalaman sa ‘reskilling, upskilling, at enterprise-based training’ upang tulungan ang mga employers na sanayin ang mga potensiyal na manggagawa base sa pangangailangan ng industriya.
“We equip our people not only to survive, but to succeed in this changing world,” ang tinuran ng Pangulo sabay sabing “Through the advocacy of Go Negosyo, we promote a positive mindset towards business—not as a last resort, but as a strong complement to our collective role in nation-building.”
Aniya pa, may mahigit sa 74,000 katao na naghahanap ng trabaho ang nagawang makakuha ng trabaho nang magsagawa ang gobyerno ng 2,300 job fairs sa buong bansa noong 2025
Idinagdag pa na ng Pangulo na sa January 2026 lamang, may 47 job fairs ang inorganisa, mayroong mahigit sa 2,400 aplikante ang kinuha ‘on the spot.’
“Government services for entrepreneurs are being streamlined through Negosyo Centers, which provide mentorship, advisory services, and assistance in expanding market access,” ang sinabi ng Chief Executive.
Hinikayat naman ng Pangulo ang mga nagpartisipa na samantalahin ang learning sessions at oportunidad na inalok sa pamamagitan ng Trabaho at Negosyo program para palakasin ang kanilang kasanayan at negosyo
“Because when we build skills, we build confidence. When we create jobs, we restore the dignity of our people. And when we strengthen our economic foundations, we build a stronger nation for tomorrow,” ayon sa Pangulo.
Ang The Trabaho at Negosyo program, inorganisa ng Go Negosyo, ay nagtatampok ng learning sessions kasama ang industry experts at mga lider sa business development.
Kabilang din sa event ang job fair na nagkokonekta sa mga jobseekers sa mga employers sa iba’t ibang sektor.
Samantala, ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Trade and Industry, Technical Education and Skills Development Authority, at Bureau of Internal Revenue ay nagbibigay naman ng one-stop services at pre-employment assistance. (DARIS JOSE)

PBBM, mananawagan ng paggalang sa int’l law sa panahon ng kanyang US trip —DFA

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gagamitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang working visit sa Estados Unidos bilang pagkakataon para manawagan sa mga partidong sangkot sa matinding tensyon sa Gitnang Silangan na igalang ang international law.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona na hihikayatin din ng Pangulo ang mga ito na magbalik sa negotiating table.
”Napakahalaga po ng biyaheng ito, ito po ang tamang pagkakataon ngayon dahil sa mga nangyayari sa Middle East,” ang sinabi ni Escalona.
“The President would offer a voice from the region, calling for restraint and respect for international law and the UN Charter amid the ongoing conflict,” ayon kay Escalona.
Kabilang din aniya sa nakatakdang byahe ng Pangulo sa New York sa Marso 9 hanggang 10 ay ang high-level engagements sa United Nations (UN).
Winika ni Escalona na makakapulong ni Pangulong Marcos si UN Secretary-General Antonio Guterres sa sidelines ng kanyang US visit.
Magpapartisipa rin ang Pangulo sa pagbubukas ng 70th session ng UN Commission on the Status of Women.
Gayundin, magbibigay din siya ng mensahe sa special session ng UN General Assembly.
(Daris Jose)

Pagpirma ni PBBM sa Republic Act (RA) No. 12315 na pinalawig ang mandato ng EDCOM II, pinapurihan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAPURIHAN ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapalawig ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), na aniya ay tuluyang matutustusan ang mga major reforms sa ikauunlad ng Philippine education system sa mga susunod na taon.
Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) No. 12315 na pinalawig ang mandato ng EDCOM II mula sa inisyal nitong tatlong taon dagdag ng dalawang taon para matustusan ang research, consultations at oversight ng mga education reforms.

“Ang paglagda ng Pangulo sa panukalang magpapalawig sa EDCOM II ay malinaw na patunay ng iisang paninindigan ng Kongreso at ng administrasyon: seryoso tayo sa reporma sa edukasyon,” pahayag ni Dy.

Sinabi pa ni Dy na ang extension ay pagpapatibay ng mga reporma sa sektor ng edukasyon.

“Hindi ito simpleng extension. Isa itong malinaw na mensahe na ang mga repormang sinimulan ay kailangang tapusin, palalimin, at tiyaking may pangmatagalang epekto sa buhay ng ating mga mag-aaral, guro, at pamilya,” ani Dy.

Sinabi ni Dy na ipinapakita ng Kongreso ang determinasyon, hindi lamang sa pagbabalangkas ng batas, kundi pati sa pondo, sa pagbibigay ng pinakamalaking badyet na ₱1.3 trillion sa edukasyon, sa kasaysayan ng bansa.
“Dahil naniniwala tayo na ang tunay na puhunan ng bayan ay ang edukadong Pilipino. Sa EDCOM II, sinisiguro nating ang mga desisyon sa edukasyon ay batay sa datos, karanasan, at aktwal na pangangailangan sa buong bansa. Ito ang tamang hakbang, sa tamang panahon, para sa kinabukasan ng ating kabataan,” sinabi ni Dy.
(Vina de Guzman)

Gobyerno naghahanda sa pagtaas ng presyo ng langis dahil sa giyera sa Middle East – PBBM

Posted on: March 9th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang gobyerno sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa umiigting na tensyon at labanan sa Middle East.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mga hakbang upang mabawasan ang magiging epekto nito sa mga pamilyang Pilipino.

Sinabi ng Pangulo na nararanasan ngayon ng Pilipinas at ng buong mundo ang epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, lalo na sa pagtaas ng presyo ng langis.
Naapektuhan ang daloy ng mga barkong may kargang langis sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang daanan ng langis sa mundo.
Dahil dito, posibleng tumaas ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang madaragdagan ang presyo ng gasolina ng P7.48 kada litro, diesel ng P17.28, at kerosene ng P32.35.
Bilang tugon, nakikipag-ugnayan ngayon ang Malakanyang sa Kongreso upang mabigyan ang Pangulo ng kapangyarihang pansamantalang bawasan ang excise tax sa petrolyo kung aabot sa US$80 kada bariles ang presyo ng langis sa world market.
Plano ring amyendahan ang Biofuels Act of 2006 upang magamit ang mas murang bioethanol.
Siniguro rin ng Pangulo na maglalabas ang pamahalaan ng fuel subsidy at cash transfer para sa apektadong sektor.
Patuloy ding mino-monitor ng pamahalaan ang presyo ng mga bilihin upang maiwasan ang hoarding at profiteering, habang tinutulungan ng DFA, DMW, at OWWA ang mga Pilipinong nasa Gitnang Silangan, kabilang ang repatriation para sa mga nais umuwi.
Iginiit ng Pangulo na bagaman hindi kontrolado ng Pilipinas ang digmaan, gagawin ng pamahalaan ang lahat upang maprotektahan ang kapakanan ng mga Pilipino. ( Daris Jose)