• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

After ‘Manila’s Finest’, mapapanood naman sa ‘Andoy’… CEDRICK, itinangging siya ang dahilan kaya nag-back out si KATE sa sexy play

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ni Cedrick Juan ang napabalita na isa raw siya sa dahilan kung bakit nag-back out si Kate Alejandrino sa sexy play na ‘Anino sa Likod ng Buwan.’
“No. Hindi po ako,” umpisang bulalas ni Cedrick.
“I think it’s a personal decision and at the same time, it’s a decision of Idea First Company to really cast the right actor na kailangan po nila.
“Ganun naman ang casting. It’s not only about the skills that you can give, it’s really yung proper casting na nakikita and visually ng director din, aside from yung skills,” paglilinaw ni Cedrick.
Pagdating sa projects, hinahayaan ni Cedrick ang misis niyang magdesisyon kung alin o ano ang pipiliin nito?
“Well, siyempre sa ngayon po 6 months pa lang yung baby namin, para sa akin, it’s more of parang sanity.
“Kung kaya na niya, maybe she can work from time to time, minsan meron siyang mga projects na tinatanggap.
“Pero I think ang mahalaga sa ngayon is yung recovery, kasi very important po yun lalo na sa postpartum stage ng mga mommies and iyon po yung goal, to recover and eventually, siyempre nandyan naman yung lagi yung pagiging aktor namin ni Kate.
Ikinasal last February 25, 2025 sina Cedrick at Kate, kamusta naman si Cedrick bilang isang family man.
“Ayos naman po. I think married life naman always challenging in a good way. I think it’s parang ever-growing development naman ng dalawang nagsasama sa isang married life.
“Ganun naman siya and siyempre may another blessing pa with our baby boy. So always exciting, always challenging, but always worth it,” pahayag pa niya.
Kasama si Cedrick sa ‘Manila’s Finest’ na patuloy na napapanood bilang bahagi ng 51st MMFF.
Mapapanood soon si Cedrick sa “Andoy,” isang psychological/torture/horror film na kung saan kasama sina Jennica Garcia, Albie Casiño, Angelica Lao, Victor Relosa, Paolo Gumabao at Aya Fernandez.
Mula ito sa Wonderlust Films, ang pelikula ay magsisilbing feature length directorial debut ni Mark Putian, na kilala sa mga short films at music video.
Paano napa-oo si Cedrick na gawin ang ‘Andoy’?
“Siguro ever since lalo na lang nandun pa ako sa first management na Idea First Company kina direk Jun Lana and direk Percy, every time na mag-uusap kami na parang kung ano yung dream ko na gawin na role, ang alam ko naalala ko na unang kong nabanggit sa kanila na film, yung Split, yung kay James McAvoy.”
Ang ‘Split’ ay ang 2016 psychological thriller film ng director na si M. Night Shyamalan at pinagbidahan ni James.

(ROMMEL L. GONZALES)

Matapos pagdiskitahan ang kakaibang wedding cake… CARLA, tinawag na maldita ni JANUS dahil na-mass report ang FB page

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAGDISKITAHAN at pinagtawanan ni Janus del Prado ang kakaibang wedding cake ni Kapuso actress na si Carla Abellana at ni Dr. Reginald Santos na nagpakasal noong December 27.
Feeling kasi ng character actor, parang kabaong sa burol ang slab cake sa kasal ni Carla dahil sa haba nito at may bulaklak pang nakapaligid dito.
“Cake! Ba’t mo kami iniwan! Huhu!” ayon sa naging caption ni Janus sa kanyang post. Hirit pa niya, “Sisiw na lang kulang.”
Dagdag panglalait pa ni Janus ang viral cake, “Yung CAKE ang inorder mo pero WAKE ang ibinigay.”
May nag-agree naman kay Janus at nag-comment kung bakit pahaba ang cake at kakulay pa ng ataul.
Say ni Janus, “Till death do us part ata daw meaning niyan. Yung bulaklak talaga sa harap yung kumumpleto eh.”
Nakarating naman kay Carla pang-ookray at nagkomento sa post ng aktor.
“Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante,” sagot ng aktres.
Narito naman ang naging reaksiyon ng netizens…
“Hahahhahahahahaha bat kasi hahahahhahahahahahahaha buti walang salamin”
“Are they close friends? I like Janus especially when he stands up for Bea sa mga posts niya but this one isn’t funny for me.”
“Un din una kng naisip nong nakita ko ang video sa cake nila! Dapat heart nalang na malaki eh.”
“Itawid na ang mga bata.”
“Maganda naman nga kaso ung design at ung pwestuhan ng flower medyo naging awkward yung itsura.”
“Janus, making comments like that on someone’s wedding day is disrespectful and unnecessary.”
Samantala, may bagong kaganapan sa naturang isyu.
Sa deleted Facebook post ni Janus ay tila galit na galit si Janus kay Carla dahil na-mass report ang kanyang page.
Narito ang pinost niya; “Maldita pala talaga tong si bagong kasal. Pina mass report yung page ko ngayon naka-hold ang monetization.
“To your new husband. Ingat ka dyan sa napili mo. Remember that she dragged all her exes name into the mud. Wag na wag kang magkakamali. Hay.
“Yun lang napikon ka na? Over react much? Best wishes. Sana tumagal kayo kahit 6 months lang. 😂😂😂”
Dagdag post pa ni Janus, “Ayan binura ko na. Bahala kayo sa buhay niyo ang bababaw niyo.😆”
“Ano gusto niyong joke? Yung knock knock na lang para di tayo na mamass report at nadedemonetize.😆”
Hinihintay naman ng netizens kung ano ang magiging reaction dito ni Carla.

(ROHN ROMULO)

Excited na sa mga projects na naka-line up… JILLIAN, new look sa bagong hairstyle para ngayong 2026

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NEW look si Jillian Ward ngayong 2026.
May new hairstyle ito at pinost siya ito via Instagram noong nakaraang Dec. 27, 2025.
Ayon sa Star of the New Gen, naging productive ang 2025 sa career niya. Kaya ngayong 2026, gusto niya ay fresh look dahil na rin sa mga projects na naka-line up para sa kanya.
Last year, bukod sa ‘My Ilonggo Girl’, nagkaroon ng special participation sa ‘Mga Batang Riles’ at ‘Hating Kapatid’ as Dr. Analyn Santos
Nagbida din siya sa isang episode ng horror flick na ‘KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie.’
Sa taong ito, katambal ni Jillian si Pambansang Ginoo David Licauco sa action-drama series na ‘Never Say Die’. Kasama rin sa serye sina Kim Ji-soo, and Raheel Byhria.
***
PUMANAW noong Dec. 27, 2025 ang French film icon na si Brigitte Bardot sa edad na 91.
Naging symbol si Bardot ng sexual liberation noong 1950s and ‘60s. At wala itong regrets sa pagtalikod sa showbiz para i-devote ang kanyang sarili sa pagprotekta sa mga hayop sa pamamagitan ng kanyang foundation.
“The Brigitte Bardot Foundation announces with immense sadness the death of its founder and president, Madame Brigitte Bardot, a world-renowned actress and singer, who chose to abandon her prestigious career to dedicate her life and energy to animal welfare and her foundation,” ayon sa statement.
Born on September 28, 1934 in Paris, Bardot was married four times, pero iss lang ang naging anak niya na si Nicolas with her second husband, actor Jacques Charrier.
Naging global star si Bardot after magbida sa pelikulang ‘And God Created Woman’ in 1956. After 50 movies, nag-retire ito from acting in 1973.
Tinawag ng President of France na si Emmanuel Macron si Bardot bilang “legend” of the 20th century: “Brigitte Bardot embodied a life of freedom. We mourn a legend of the century.”
Bardot went on to found the Brigitte Bardot Foundation in 1986, which now has 70,000 donors and around 300 employees, according to its website.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads January 5, 2026

Posted on: January 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads January 3, 2026

Posted on: January 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Djokovic wala pang balak na tuluyang magretiro

Posted on: January 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang konkretong plano si 24-time Grand Slam tennis champion na si Novak Djokovic kung ito ay magreretiro na.

Sinabi ng 38-anyos Serbian tennis star na nananatiling hindi nawawala ang hilig niya sa tennis.

Target pa rin nitong makalahok sa 2028 Los Angeles Olympics.

Bagama’t nasa world ranked number 4 ito ay masaya pa rin ito sa paglalaro ng tennis.

Mas pinipili niyang makaharap sa torneo ang ilang mga batang tennis players para subukan ang kaniyang lakas sa paglalaro.

Pilipinas magiging host ng kauna-unahang SEA Plus YG

Posted on: January 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAPILING maging host ang Pilipinas ng kauna-unahang Southeast Asian Plus Youth Games o SEA Plus YG sa taong 2028.

Ang nasabing torneo ay isang paghahanda sa mga atletang may edad 17 pababa para sa Asian Youth Games at ang Youth Olympic Games (YOG).

Ito ay binuo sa pamamagitan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino kung saan siya rin ang founding president.

Nakakuha si Tolentino ng suporta mula sa siyam na national Olympic committee (NOC) presidents ng mga bansang Thailand, Indonesia, Malaysia, Laos, Cambodia, Myanmar, Vietnam at Timor Leste.

Tiniyak din sa kanila ng Olympic Council of Asia (OCA) ang tulong na ibibigay para sa ikakatagumpay ng nasabing torneo.

Dagdag pa ni Tolentino na ang SEA Plus YG ay siyang kasagutan sa Southeast Asia na humuhubog sa mga atleta.

Pagkatapos ng 2028 ay magiging kada dalawang taon na gaganapin ang SEA Plus YG.

New Year’s celebration ‘generally peaceful’ – PNP

Posted on: January 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., na generally peaceful ang pagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon sa buong bansa.

Sinabi ni Nartatez na walang banta o anumang insidente ng karahasan ang naitala mula nitong Kapaskuhan hanggang sa New Year’s revelry.

“I commend all our personnel on the ground for successfully implementing our security plan which led to the peaceful and orderly New Year celebration across the country,” ani Nartatez.

Ayon kay Nartatez, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga local government units na nanguna at nagpatupad mga regulasyon hinggil sa bentahan at pagpapaputok.

Bagama’t may iilang mga insidente ng pagpapaputok at biktima ng paputok, maituturing pa rin ligtas ang pagsalubong sa taong 2026

“The coordination with local government units and other agencies and stakeholders also played a key role in peace and order and in responding to all public safety concerns,”dagdag pa ng Acting PNP Chief.

Giit pa ni Nartatez, nakita sa publiko ang pagsunod sa mga awtoridad kabilang ang inspections, checkpoints, at kompiskasyon ng mga ipinagbabawal na paputok.

“Hindi kakayanin ng PNP mag-isa ang pagpapanatili ng kaayusan kung walang tulong ng mamamayan,” ani Nartatez.
( Daris Jose)

DOH: Pinas, walang aktibong kaso ng super flu TINIYAK ng Department of Health (DOH) sa publiko na walang aktibong kaso ng super flu sa bansa.

Posted on: January 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Ang pahayag ay ginawa ng DOH sa isang pulong balitaan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center kahapon, kasunod ng mga ulat na dumarami ang kaso ng super flu sa Estados Unidos at Europa.
Ayon kay DOH spokesperson and Assistant Secretary Albert Domingo, Agosto 6 hanggang Oktubre 24 pa nang huling makapagtala ang Pilipinas ng 41 kaso ng super flu AH3N o Subclade K.

Gayunman, nakarekober na ang mga naturang pasyente at sa ngayon ay wala silang naitatalang aktibong kaso ng sakit. Wala rin silang naitalang Subclade K cases bago ang Agosto 6.

Paliwanag ni Domi­ngo, ang Subclade K ay kahalintulad ng seasonal flu at ang kasalukuyang 2025 influenza vaccines ay napatunayang epektibo laban dito.

Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ang pagdami ng Subclade K cases ay nagaganap sa panahon ng tag-lamig sa malalamig na lugar, gaya ng US at Europe.

DOH: Sugatan sa paputok, umakyat sa 235

Posted on: January 2nd, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 235 firework-related injuries (FWRI) sa bansa, matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa DOH, ang naturang bilang ng mga taong nasugatan dahil sa paputok ay mula Disyembre 21, 2025 hanggang 4:00AM ng Enero 1, 2026.

Ito ay 42% na mas mababa kumpara sa 403 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Nabatid na 62 sa mga naturang kaso ay naitala nitong bisperas ng Bagong Taon lamang.

Nasa 161 sa mga biktima ay nagkaka­
edad ng 19-taong gulang pababa.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na maaaring­ madagdagan pa ang naturang bilang, sa pagpasok ng pinal na ulat sa tally ng FWRIs, sa unang linggo ng taon.

“Even as we see today a lower than last year count for fireworks related injuries, the DOH anticipates that late reports will come in from today Jan 1 all the way to Jan 5. We hope the lower count will stay,” ani Domingo.
Hinikayat din ni Domingo ang publiko na sakaling may mabiktima ng paputok sa kanilang pamilya ay kaagad na isugod sa pinakamalapit na pagamutan upang malunasan.
“Symptoms do not appear until around 8 days, some up to 21 days later, and they can be deadly. Vaccination against tetanus is available at hospitals,” dagdag pa niya.

Ang datos ay nakalap ng DOH mula sa binabantayang 62 sentinel hospitals ng ahensiya. (Daris Jose)