• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Sugatan sa paputok, umakyat sa 235

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 235 firework-related injuries (FWRI) sa bansa, matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa DOH, ang naturang bilang ng mga taong nasugatan dahil sa paputok ay mula Disyembre 21, 2025 hanggang 4:00AM ng Enero 1, 2026.

Ito ay 42% na mas mababa kumpara sa 403 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Nabatid na 62 sa mga naturang kaso ay naitala nitong bisperas ng Bagong Taon lamang.

Nasa 161 sa mga biktima ay nagkaka­
edad ng 19-taong gulang pababa.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na maaaring­ madagdagan pa ang naturang bilang, sa pagpasok ng pinal na ulat sa tally ng FWRIs, sa unang linggo ng taon.

“Even as we see today a lower than last year count for fireworks related injuries, the DOH anticipates that late reports will come in from today Jan 1 all the way to Jan 5. We hope the lower count will stay,” ani Domingo.
Hinikayat din ni Domingo ang publiko na sakaling may mabiktima ng paputok sa kanilang pamilya ay kaagad na isugod sa pinakamalapit na pagamutan upang malunasan.
“Symptoms do not appear until around 8 days, some up to 21 days later, and they can be deadly. Vaccination against tetanus is available at hospitals,” dagdag pa niya.

Ang datos ay nakalap ng DOH mula sa binabantayang 62 sentinel hospitals ng ahensiya. (Daris Jose)