Unang Ginang Liza, pinangunahan ang OFW ‘Serbisyo Caravan’ sa Dubai
- Published on January 13, 2026
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Unang Ginang Liza Marcos ang pagbubukas ng third leg ng “Bagong Bayani ng Mundo: OFW Serbisyo Caravan” sa Dubai nitong weekend.
Bahagi ito ng ginagawang pagsusulong ng administrasyong Marcosna magdala ng mas mabilis na government services sa mga Overseas Filipino workers (OFWs).
Ang caravan, isinagawa araw ng Sabado, sa pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) and Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nakaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang gawing mas accessible ang government services sa mga OFWs sa United Arab Emirates.
Mahigit sa 100 OFWs ang nakinabang naman mula sa caravan, kabilang na ang mga pasyenteng nakikipaglaban sa cancer
Ipinagkakaloob naman ang medical at disability assistance sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng DMW AKSYON (Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan) Fund, OWWA eCARES digital services, at Social Security System.
Suportado naman ang medical services ng LAB for All program ng Unang Ginang at Presidential Action Center.
Samantala, naghatid naman ang Department of Information and Communications Technology ng e-government services, kabilang na ang OFW Pass registration sa pamamagitan ng eGovPH app, online employment contract verification, at access sa Kumusta Kabayan app.
Maliban sa caravan, nakapulong naman ng Unang Ginang ang United Arab Emirates (UAE) Business Council at Filipino community leaders para palakasin ang ugnayan sa pamamagitan ng mga filipino at private sector partners sa Gitnang Silangan.
( Daris Jose)