Title 3 front
Ngayong annulled na ang kasal nila ni Paolo…
LIAN, plano at gustong maranasan na ikasal sa simbahan
TRENDING ang Mega Magazine cover ni Ashtine Olviga.
In fairness kay Ashtine, may nalaman kami about her during her shoot.
Nag-worry raw ang mga staff ng magazine at mga nasa photo shoot dahil ‘yung kabayong ginamit nila, mukhang magaan ang loob sa VIVA artist.
Talagang dikit daw ng dikit kay Ashtine at parang kini-kiss pa ito. Nag-aalala naman ang mga nasa shoot dahil baka bigla raw sipain si Asthtine.
Pero na-impress daw ang mga staff na nando’n dahil wala itong kaarte-arte. Hindi raw natakot sa kabayo at gusto pang sumakay sana.
Nalaman din namin na last August of last year lang, nag-cover na rin si Ashtine along with other considered fast-rising stars like Mika Salamanca, Bianca De Vera at Shuvee Etrata at iba pa, pero sa kanilang lahat, si Ashtine pa lang daw ang nakabalik for a solo cover.
***
Lian at John, plano pa ring magpakasal sa simbahan
BUKOD sa dumalaw sa kanyang pamilya sa Manila, naging guest din si Lian Paz sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’.
Pero bago ito bumalik ng Cebu kasama ang kanyang mister na si John Cabahug, nagkaroon kami ng chance na magkita muna.
Nang makita namin sina John at Lian, do’n lang namin sila natanong kung ano talaga ang nangyari bakit biglang na-annull ang kasal ni Lian at Paolo Contis?
Last year kasi, ang alam namin, pinatigil na ni Lian ang lahat ng annulment process na may 12 taon din, pero hindi nga nagkaroon ng resulta. Nalaman namin kina John at Lian na sa Cebu na sila nag-file.
Nag-file raw si Lian sa Cebu at halos isang taon lang, kumpara sa 12 taon at na-grant na ang annulment case nila ni Paolo.
“Naniniwala kami na si Lord lang talaga. Kasi, we attended our CCF D-Group Couple Retreat, meron part do’n na renewal of vow. Eh, hindi pa nga kami naikakasal, paanong magre-renew na, ‘di ba?”
Sabi ni John, “Naging honest ako. Sabi ko, hindi pa po kami married. Nagulat sila. Parang bliness na lang kami and they helped us na maayos. Kaya yun.”
‘Yung naging civil wedding din daw nila last September, pinaniniwalaan nilang dalawa na all by faith. Nang magpa-schedule raw kasi sila, wala pang result ang announcement. One week before their schedule wedding, saka lumabas ang resulta.
“Kung wala talaga, hindi matutuloy kahit na naka-sched na kami. Kasi, magiging void ‘yon.”
Plano pa rin nila magpakasal sa church. Sabi nga ni Lian, sa two weddings n’ya, hindi pa niya nararanasang maikasal sa church.
At sabi rin n’ya, kahit silang dalawa ni John, hindi nila inakalang magiging magkaibigan sila ni Paolo kung ano sila ngayon.
“Silang dalawa, silang dalawa ang close na, kagaya ngayon, silang dalawa, nagkita sila, lumabas, kuwentuhan,” sey ni Lian
At least, ‘di ba, wala naman din ibang magbe-benefit nito kung hindi ang kanilang mga anak.
(ROSE GARCIA)