• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TESDA TOOLKITS, IPINAMIGAY SA MAYNILA

NAMIGAY ng livelihood toolkits ang TESDA sa pamahalaag lungsod ng Maynila upang palakasin ang kabuhayan program para sa mga Manileno.
Pinangunahan nina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang turnover ceremony kung saan kabilang sa mga ipinagkaloob ng TESDA ay mga
kagamitan para sa baking, pastry, at beauty services na magsisilbing panimulang puhunan ng mga trainees.
Ayon sa pamahalaang lungsod, agad itong ipamamahagi sa mga kasalukuyang trainees at mga susunod pang benepisyaryo upang magkaroon ng sapat na kasanayan at mapagkakakitaan.

Tinatayang aabot sa halagang P463,343.62 ang tool kits at training equipment na ipinamahagi mula sa TESDA .

Layon ng nasabing programa na magbigay ng de kalidad na kasanayan at oportunidad para sa mga Manileño.

Sa pamamagitan ng mga tool kits na ito mas magiging handa ang mga trainees na harapin ang aktwal na trabaho dito man o sa ibayong dagat.

Hinihikayat naman ang mga interesadong Manileño na hintayin ang opisyal na anunsyo kaugnay ng aplikasyon sa programa.
(Gene Adsuara)