• June 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor JRT, nagbigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang nasunugan sa Navotas

PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 pamilyang nasunugan sa Brgy. NBBS Proper, Navotas City para mamahagi ng tulong pinansyal. Patuloy din nakikiramay ang alkalde sa bawat pamilyang naapektuhan ng trahedyang ito. Hindi man aniya sapat ang tulong na ito upang maibsan ang lahat ng kanilang pinagdaraanan, hangad niyang maipadama sa mga biktima na hindi sila nag-iisa. (Richard Mesa)