• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

EJ Obiena nagkamit ng bronze medal sa torneo sa Germany NAGWAGI ng bronze medal si EJ Obiena sa 2026 ISTAF Indoor Dusseldorf na ginanap sa Germany.

Posted on: January 27th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS ng two-time Olympians ang 5.65 meters pero bigo ito sa 5.70 meters.

Naiuwi ng Dutch pole vaulter na isi Menno Vloon ang kampeonato habang silver medals naman ang naiuwi ni Sam Kendricks ng US.

Magugunitang noong Disyembre ay nagkampeon ang 30-anyos na si Obiena ganun din sa World Pole Vault Challenge.

Kasalukuyang ranked number 11 ngayon si Obiena na ang pinakamataas na ranking na nakamit nito ay world number 2.

LTFRB, TUTUGISIN ANG OPERASYON NG MGA ILLEGAL TERMINAL SA BUONG BANSA

Posted on: January 27th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Giovanni Z. Lopez ng Department of Transportation (DOTr), na tutugisin ang operasyon ng mga illegal na terminal sa buong bansa, lalo na sa mga urban na lugar.Ipinahayag ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II na kasalukuyan nang binabalangkas ng ahensya ang isang polisiya upang hindi na ma-renew ang prangkisa ng mga pampublikong sasakyang bulok at hindi ligtas.“Sa napakatagal na panahon, laging binabalewala ang kapakanan ng ating mga kababayang mananakay. Dapat na itong matigil. Ngayon ay nagsisimula na kami ng agresibong reporma na nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong commuter,” ani Chairman Mendoza.Ayon kay Chairman Mendoza, ang mga ilegal na terminal ay karaniwang pugad ng mga colorum na sasakyan at pinagmumulan ng katiwalian sa kalsada. Kadalasan, ang mga ito ay matatagpuan sa mga delikadong lugar na may mababang kalidad ng pasilidad, walang maayos na silungan, malinis na palikuran, at komportableng espasyo para sa mga buntis, bata, PWDs, at nakatatanda.Binigyang-diin niya na labag ito sa polisiya ng LTFRB hinggil sa tamang pamantayan ng mga terminal ng pampublikong transportasyon, kung saan ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero ang dapat na pangunahing prayoridad.Ipinaliwanag din ng LTFRB na ang mga colorum na sasakyan ay walang insurance system, kaya’t sa oras ng aksidente, ang mga pasahero at kanilang pamilya ang magbabayad ng gastusin sa pagpapagamot o libing.Ang kampanya laban sa ilegal na terminal ay hindi lamang nakatuon sa mga kalsada at makeshift na estruktura, kundi pati na rin sa mga ilegal na terminal sa loob ng mga mall at iba pang establisyimento.“Ang mga terminal na nagpapahintulot sa operasyon ng colorum na sasakyan ay hindi maa-accredit at ang kanilang mga opisyal ay kakasuhan,” babala ni Chairman Mendoza.Magpapadala rin ang LTFRB ng mga “mystery passengers” upang matukoy ang mga ilegal na terminal, partikular sa Metro Manila at iba pang urban na lugar. Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para sa mas masusing imbestigasyon.Inatasan na rin ang lahat ng Regional Directors ng LTFRB na magsagawa ng biglaan at random na inspeksyon sa mga bus station at PUV terminal sa kani-kanilang nasasakupan.“Hindi natin dapat hintayin ang mga holiday bago magsagawa ng inspeksyon. Ang mga hindi susunod ay dapat asahan ang kaukulang parusa,” giit ni Chairman Mendoza.Dagdag pa niya, hindi lamang pagtanggal ng mga ilegal na terminal ang layunin ng operasyon, kundi pati na rin ang imbestigasyon upang papanagutin ang mga taong responsable sa pagpapanatili at pamamahala ng mga ito.Malinaw na Instruksyon: Kapakanan ng Mananakay ang Una. “Ang utos ni Secretary siguruhin ang comfort safety and convenience ng mga pasahero” Said chairman Mendoza.Pinayuhan niya ang lahat ng PUV operators na gumamit lamang ng mga terminal na accredited ng LTFRB. “Kung patuloy silang susuporta sa mga hindi accredited na terminal, maaaring masuspinde at tuluyang mabawi ang kanilang prangkisa,” aniya. (PAUL JOHN REYES)

Sektor ng turismo sa bansa, mas matibay – Malakanyang

Posted on: January 27th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI ng Malakanyang na mas matibay ang tourism sector sa gitna ng target na patuloy na makapagbigay ng trabaho at pangkabuhayan sa taumbayan.Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang pagsuporta sa mga datos mula sa Tourism Department.Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na base sa ulat na ipinarating sa kanila ng DOT, umabot sa 6.48 million ang tourist arrival bitbit ang 694 billion pesos international visitors’ spending.Para kay Castro, tagumpay aniya ito sa turismo ng Pilipinas at pagpapakita sa mas matibay na sektor ng turismo ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos Jr.Aniya pa, lumawak din ang imprastraktura at konektibidad sa pagbubukas ng labing siyam na bagong international direct flight routes habang nagpatuloy din ang pag-usbong ng cruise tourism. (Daris Jose)

PINOY SEAFARERS NA SAKAY NG MV DEVON BAY, DUMATING NA

Posted on: January 27th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING na ang 17 Filipino seafarers ng MV Devon Bay na lumubog sa karagatan malapit sa Scarborough Shoal.Ayon sa ulat ng PCG, itinurn-over sa kanila ng China Coast Guard (CCG) ang 17 crew kabilang ang dalawang nasawi nitong Linggo .Ang mga Filipino crew ay nailipat gamit ang rigid-hull inflatable boats sa gitna ng malalaking alon sa karagatan.Nangyari ang turnover operation sa tinatayang 168 nautical miles west off ng Tambobong, Pangasinan.Sakay ng BRP Teresa Magbanua ang mga Filipino crew na dumating sa Manila , umaga ng Lunes.Nabatid na ang MV Devon Bay ay isang Singaporean-flagged general cargo na may kargang iron ore mula sa Zambales ay patungo sana ng China para magdisgarka .Sakay nito ang 21 full crew o pawang mga Filipino kung saan apat pa ang patuloy na pinaghahanap kasama ang kapitan ng barko.(Gene Adsuara)

Nagbigay uli ng update sa kanyang kalusugan… KRIS, nami-miss nang mag-interview kaya ita-try na mag-video podcast

Posted on: January 27th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA latest social media post ni Queen of All Media Kris Aquino, muling nagbigay ng update sa kanyang kalusugan at patuloy na nagpapasalamat sa mga tumutulong sa kanyang paggaling.
“This “carousel” of photos and videos happened January 24 6:30-10PM; January 25 from 4 PM to 6:45 PM. i said yes to have my PortaCath re-done,” simula ng post niya.
“Thank you to my cousin in law Dr. Nic Cruz who arrived 1 AM from a conference in Singapore and vascular surgeon Dr Jeff Chua.
“Thank you Dr Jonnel Lim, @ging.md, @drkatcee, not pictured BUT nagpuyat until 4 AM Friday sa pagbantay when i urgently needed to try a new medicine BUT had an allergic reaction, and again kept me company until Bimb arrived “home” it’s our monthsary here in SLMC Global, head of Rheumatology Dr Jombi Lichauco.”
Dagdag kuwento pa niya, “My chronic pain is being managed by the brilliant Dr Henry Lu and his 2nd year fellow for pain management and now my friend Dr. Angela.
“My personal nurses (happy birthday Nurse Kate!) led by Nurse Elle, Nurse Ky, and Nurse Mark. The nurses here in the 16th floor and all assigned in the OR and recovery room- thank you for continuing to have faith in my recovery.
“January 25 is my mom’s birthday. My mom never publicly shared with you all the excruciating operations and procedures she endured, and the difficult choices she made. “She protected her privacy. i’m now choosing to post pictures/videos but not give detailed medical info. Kapag gumaling ako, that’s when i should share what i wrote in my journals, the many witnessed holographic instructions should anything happen, and my many playlists.”
Hindi nakalimutang pasalamatan ni Kris sina Sen. Robin Padilla at Erich Gonzales sa kanilang pagbisita.
“Thank you Senator @robinhoodpadilla for your Wednesday visit and @erichgg & @rbchanco for Friday night’s visit. My blood earlier gushed out, i saw it because i was kept awake the entire time. My mom i know kept me SAFE. Until my wound heals completely we can’t move in to our semi permanent residence. (Our home in Tarlac is the other.)
“Thank you for your prayers and concern. Please change #fighting to #brave?
I thank God for all of you. You don’t need to know how much i suffer, you need to see that i’ll continue praying and believing that i will reach remission.”
Rebelasyon pa ni Kris, “With the correct safety protocols, pwede akong mag taped as live video podcast.
“I MISS DOING INTERVIEWS! Will you watch & subscribe? Like this post if you want my podcast to start soon with a partial home tour? My birthday gift to you. [yellow heart emoji].
Well, kaabang-abang ang napipintong pagbabalik ni Kris, hopefully makayanan ito ng kanyang kalusugan, kaya patuloy natin siyang ipagdasal.

(ROHN ROMULO)

Post ng aktres sa P.A. na si Marisol, tinanggal na… RAYMART, tahasang itinanggi ang mga paratang ni CLAUDINE

Posted on: January 27th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAG-DELETE si Claudine Barretto ng ipinost n’ya tungkol sa kanyang very loyal at long time P.A. na si Marisol Acap.
Ayon kay Claudine, diumano’y kinidnap daw ang tatlong anak n’ya kabilang si Sabina.
Nagbanta si Claudine na tatawag o ipapa-NBI si Marisol. Naglabas din sia Claudine ng diumano’y limang milyong pagkakautang daw sa kanya.
Hindi na mababasa ang post na ito ni Claudine sa kanyang Instagram account. Sa halip, ang meron na lang, ang tila facetime nila ng mga anak at may caption na, “Safe and sound.”
At may mga video rin ito na tila ba ang saya-saya. Kaya ang mga comment ng netizen, nakakaaliw rin basahin, huh!
Si Marisol ay nanahimik pa rin, pero marami ang nag-uudyok na sana ay magsalita ito para malaman din ang sife of her story. Plus, sa tagal n’ya kay Claudine, siguradong marami rin siyang alam.
Si Raymart Santiago pa lang, sa pamamagitan ng kanyang lawyer ang naglabas ng statement. At tahasan n’yang itinanggi ang paratang sa kanya ng estranged wife.
***
MISMONG ang Favor Church ang nag-announce sa kanilang social media account na Pastor na nga ang dating actor at singer na si Edward Barber.
Kasama si Edward sa na-ordinahan noong Sabado.
“Last Saturday, during our Leaders Advance, we ordained our new pastors and pastors in training — acknowledging the call of ministry on their lives and commissioning them for the work God has entrusted to them.
“We honor their yes and heart for Jesus and Favor Church! Keep them in your prayers as they step into this season.
We have an exciting year ahead, church!”
Naka-post din na, “Congratulations to Ps. Edward Barber on your ordination as a pastor at Favor Church Manila!
Wishing you wisdom, strength, and blessings as you shepherd and inspire many.”
Isa kami sa natuwa para kay Edward kahit noong una n’yang inanunsiyo na nag-aaral siya para maging Pastor. Ang ginawa n’ya ay pagsunod sa calling at hindi dahil sa profession.

(ROSE GARCIA)

Habang nasa taping at seryosong nakikipag-eksena kay Gabbi… YSABEL, ‘di napigilang maluha nang sorpresahin ni MIGUEL sa kanyang kaarawan

Posted on: January 27th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TUWANG-TUWA at napasigaw si Ysabel Ortega nang sorpresahin ni Miguel Tanfelix sa kanyang kaarawan habang nasa taping ng ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’
Sa Facebook, ibinahagi ni Ysabel ang video nang dalhan siya ng cake at flowers ni Miguel habang nasa taping at seryosong nakikipag-eksena bilang Hara Armea kay Gabbi Garcia, na gumaganap naman bilang Sang’gre Alena.
Hindi rin napigilan ni Ysabel na mapaluha sa tuwa sa natanggap na sorpresa, at niyakap si Miguel.
“At may pahabol pa nga na nag-surprise habang nag-eeksena. Thank you, Miguelito kooo,” sulat ni Ysabel na may kasamang heart emojis.
Ipinagdiwang ni Ysabel ang kanyang 27th birthday noong Linggo, January 25.
Bukod kay Miguel, nakatanggap din siya nang pagbati mula sa Sang’gre co-stars na sina Jon Lucas at Jenzel Angeles, at celebrities na sina Matt Lozano at Rayver Cruz.

***

NATUPAD ang wish ng ex-PBB 2.0 housemate at Sparkle teen na si Lee Victor na magkaroon ng sarili niyang single under GMA Playlist titled “Nagkakahiyaan.”
First love daw kasi niya ay music at singing.
“Honestly, what a dream come true. Simula pa lang nu’ng elementary ako and high school nangangarap na ako magkaroon ng sariling single. Like kung makikita ako ng younger self ko ngayon I think he will be super proud,” sey niya.
Ngayon ay ready na raw siya for more challenging roles sa TV. Lumabas na si Victor noon sa ‘Royal Blood’ at ‘Widows’ War.’
“I’m really open to explore new roles. Gusto ko rin po ng mga challenging roles, tipo ng roles na kailangan mong paghandaan. Willing to take that challenge.
“Siguro comedy, drama. Hindi ako marunong ‘yung mga action like kicks and punches pero kung turuan ako, dumaan ako sa workshops, why not? Baka maging sidekick ako ni Kuya Ruru Madrid,” tawa pa niya.

***

TAYLOR Swift becomes the youngest female artist inducted into the Songwriters Hall of Fame at age 36.
Sinundan niya si Stevie Wonder na naging youngest inductee noon sa edad na 32.
Proud ang ‘Opalite’ singer dahil makakasama niya sa pagpasok ay ang ilan sa most influential songwriters in music history na sina Gene Simmons and Paul Stanley of KISS, Alanis Morissette, Kenny Loggins, Christopher “Tricky” Stewart, Terry Britten and Graham Lyle, and Walter Afanasieff.
They will be formally welcomed as part of the 2026 class in New York City on June 11.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads January 26, 2026

Posted on: January 26th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Malakanyang kay Sen. Imee: ‘Huwag gawing biro ang usapin ng kalusugan ng Pangulo’

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan si Palace Press Officer, Undersecretary Claire Castro na igalang at huwag gawing biro ang usapin ng kalusugan ng Pangulo.
Ito ay kaugnay ng pahayag ni Senador Imee Marcos na nagsabing tila “uncared” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Usec. Castro, hindi nararapat na gawing katawa-tawa o palabas ang pagbibigay ng payo hinggil sa kalagayan ng isang taong may pinagdaanang karamdaman.

Aniya, ang kinakailangan ng Pangulo at ng sinumang may karamdaman ay taos-pusong malasakit at tunay na pagkalinga, hindi pagiging “komedyante o payaso” sa harap ng publiko.
Binigyang-diin din ni Castro na hindi dapat magpakaplastik o gumamit ng isyu ng kalusugan para lamang makakuha ng simpatiya ng nakararami, at hinikayat ang lahat na maging responsable at makatao sa kanilang mga pahayag.

” Huwag natin gawing biro ang kalusugan ng Pangulo. Huwag maging komedyante o payaso sa pagbibigay ng payo. Totoong puso at pagkalinga ang kailangan ng isang tao na may pinagdaanang karamdaman. Huwag magpakaplastik sa mata ng nakararami,” mensahe ni USec. Claire Castro. (Daris Jose)

Quezon City LGU paiigtingin pa ang social services

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HIGIT pang mapapaigting ng Quezon City LGU ang ipinagkakaloob na serbisyo sa kanilang mamamayan tulad ng social services, infrastructure, edukasyon at economic programs ng lungsod.

Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council ang Ordinance no. SP 3465 na nagtatakda ng P43.3-bilyong budget ng QC LGU ngayong taong 2026 o may 6.65 porsiyento na mas mataas mula sa P40.6 bilyong budget noong 2025.
“The productivity and quality of life of our citizens depend on the quality of services we deliver. This budget underscores our commitment to putting people at the center of our governance,”ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.

Ang malaking pondo ng 2026 budget o ang P24 bilyong budget mula dito ay gagamitin sa pagpapaigting sa social services tulad ng social welfare, environmental services, health services, at sa edukasyon gayundin ng pagkakaloob ng financial assistance, medical at iba pang healthcare support services sa QCitizens gayundin ng pondo para sa QCity Bus Libreng Sakay at burial assistance.

Samantalang mula P6 bilyon noong 2025, ginawang P6.1 bilyon naman ang nailaang pondo ngayong taon para sa edukasyon partikular na ang pagpapalakas ng access ng mga mag-aaral sa kalidad ng edukasyon.
( Daris Jose)