PINOY SEAFARERS NA SAKAY NG MV DEVON BAY, DUMATING NA
- Published on January 27, 2026
- by @peoplesbalita
DUMATING na ang 17 Filipino seafarers ng MV Devon Bay na lumubog sa karagatan malapit sa Scarborough Shoal.Ayon sa ulat ng PCG, itinurn-over sa kanila ng China Coast Guard (CCG) ang 17 crew kabilang ang dalawang nasawi nitong Linggo .Ang mga Filipino crew ay nailipat gamit ang rigid-hull inflatable boats sa gitna ng malalaking alon sa karagatan.Nangyari ang turnover operation sa tinatayang 168 nautical miles west off ng Tambobong, Pangasinan.Sakay ng BRP Teresa Magbanua ang mga Filipino crew na dumating sa Manila , umaga ng Lunes.Nabatid na ang MV Devon Bay ay isang Singaporean-flagged general cargo na may kargang iron ore mula sa Zambales ay patungo sana ng China para magdisgarka .Sakay nito ang 21 full crew o pawang mga Filipino kung saan apat pa ang patuloy na pinaghahanap kasama ang kapitan ng barko.(Gene Adsuara)