• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 14th, 2026

Gustong maging action star tulad ng amang si Jeric… SEAN, apektado rin sa matinding pambabatikos sa kapatid na si AJ

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

YOUNGER brother ni AJ Raval si Sean Raval na talent ngayon ng BORRAT o Borracho Artists and Talents na kapwa pag-aari ni Atty. Ferdinand Topacio.
Labingwalo silang magkakapatid sa ama nilang si Jeric Raval at sa dami nila, hindi alam ni Sean kung pang-ilan siya.
Hindi lingid kay Sean ang pambabatikos sa ate niya na ang dahilan ay ang hindi agad pagbubunyag na may tatlo na silang anak ni Aljur Abrenica.
At bilang kapatid, apektado si Sean kapag naba-bash si AJ.
“Siyempre bilang kapatid po. nasasaktan. Pero you know, showbiz po, hindi naman po mawawala ang pagba-bash.
“And kahit hindi naman po sa showbiz, may marami pong basher.”
Tinanong namin si Sean kung binibigyan niya ng advise ang ate niya.
“Hindi ko naman po ina-advise-an kasi I’m super proud na bilang kapatid po ni AJ na, ano po, she’s really tough, she’s really strong.
“And siyempre, she could handle all the issues herself. And so wala naman po akong advise na maibibigay sa kanya.”
May mensahe ba siya para sa mga bashers ng ate niya?
“Maibibigay ko po sa bashers ng ate ko, move on.
“And number two, don’t be judgmental without knowing yung full story po ng tao.”
Nasa music video si Sean ng pelikulang ‘Spring In Prague’ ng Borracho Films.
Ang pelikulang ay pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at ng Czech actress na si Sara Sandeva ay magkakaroon ng special screening sa Lunes, January 19, sa Gateway Cinema 12, Cubao, Quezon City.
Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa February 4, 2026, sa direksyon ni Lester Dimaranan.
Kamukha si Sean ng ama niyang si Jeric.
“Ah, I get that a lot po.
“Ah, siyempre masaya po ako.
“Pero siyempre, gusto ko rin pong sumikat bilang si Sean Raval, hindi po dahil kamukha daw po ako ng tatay ko.
“Siyempre may mga ganun pong comment pang ba-bash sa akin. Opo, ‘Kamukha nga ni Jeric, ang tanong, ganyan po ba?’ Ganyan, ganyan.
“So, marami pong comparison. So, para sa akin lang po bilang actor, returning actor din po, is a, I want to do my best and gusto ko pong makilala in my own image.”
Napanood na rati si Sean sa Kapamilya series na ‘Since I Found You’ na pinagbidahan nina Piolo Pascual, JC de Vera, at Arci Muñoz.
Gusto ni Sean na maging action star tulad ng ama niya.
“Action star po kasi I want to be an action star.
“Hindi po dahil action star yung father ko. I want to be an action star kasi yun po talagang passion ko.”
(ROMMEL GONZALES)

Ralph Fiennes takes on a larger role as Dr. Ian Kelson in “28 Years Later: The Bone Temple”

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AS the world of 28 Years Later: The Bone Temple reels at the onslaught of the Rage virus, humanity is left to adapt to the dangerous environment.

As the future remains bleak, survivors have found their own ways to cope and carry on. Three-time Oscar nominee Ralph Fiennes returns in the second installment of the 28 Years Later trilogy as Dr. Ian Kelson, a survivor that finds comfort in tending and honoring the dead, with his massive ossuary nickname The Bone Temple.

“The Bone Temple reminds us that everything seems hopeless,” director Nia DaCosta says. “But at the same time, if you’re still alive, you can accomplish something meaningful with your life. For Dr. Ian Kelson, it’s building this monument to death, which inversely, is what gives him the energy to live.”

Watch the trailer: https://youtu.be/zjgBeVg6-Ys

Dr. Kelson also goes against the grain when dealing with the infected, his roots as a doctor making him more empathetic towards them. This is best seen in how he deals with Samson, a towering Alpha infected that leads others in killing and eating humans. “We’ve seen Samson do monstrous things,” DaCosta notes, “but Kelson sees a lot more to him.”

Fiennes explains the foray into the psyche of an infected mind in 28 Years Later: The Bone Temple, and what it means for the future. “The new film explores the theme of innate humanity – is it still alive in the soul, in the heart, and in the mind of an infected person?” he asks. “Are they completely corrupted? Or is there the possibility of something human still there?”

Chi Lewis-Parry, who plays the intimidating Samson, shares how his character evolves from the first film to now. “Samson represents hope. When we met Samson, he was an apex predator committing monstrously violent acts. The mutation of the virus has had a steroidal effect on some of the infected, including Samson, turning him into a kind of super-infected.” For him, that means that there’s an awareness to the Alpha that may be a clue to how his mind works. “We understand that he is an intelligent creature and not just a mindless, rage-filled infected creature,” Lewis-Parry continues. “So, we tried to put a purpose behind the violence.”

image.jpeg

Fiennes’ character sees this, and with it comes a bond that may change the world. “The dynamic is fueled by Kelson’s loneliness, as well as his curiosity,” DaCosta explains. “It’s almost like one couldn’t exist without the other, and it’s a very potent combination. For Samson, the morphine brings them together in a way that’s initially terrifying – we’ve seen him rip people’s heads off! As the complexity of Samson’s thoughts and cognitive processes becomes apparent, Kelson recognizes this, leading to the development of a relationship between them.”

Step into the world ravaged by Rage as 28 Years Later: The Bone Temple now showing Philippine cinemas.

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Ground Breaking Ceremony ng Bagong District Hospital sa Bayan ng Rosario Batangas

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

₱500-milyong halaga ng proyekto para sa pagpapatayo ng isang district hospital ang nakatakdang itayo sa Barangay Sta. Cruz, Rosario, na siyang isa na namang mahalagang hakbang sa patuloy na pag-unlad ng munisipalidad.

Ang proyekto ay pinangunahan ni Gobernador Vilma Santos-Recto ng Batangas, kasama si Mayor Leovy Morpe ng Rosario at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Tany Zara.

Ang nasabing pagpapatayo ng bagong gusaling district hospital ay itatayo sa isang ektaryang lugar na may inisyal na badyet na ₱500 milyon.

Ang pasilidad ay magiging isang Level II hospital, na may Intensive Care Unit (ICU) at dialysis center, at magkakaroon ng inisyal na kapasidad na 125 kama. Ang proyekto ay bahagi ng adbokasiya ni Gobernador Santos-Recto para sa HEARTS, kung saan ang letrang “H” ay kumakatawan sa Kalusugan, na nananatiling isa sa mga pangunahing prayoridad ng pamahalaang panlalawigan. Ang inisyatibo ay naglalayong itaas ang mga serbisyong pangkalusugan sa buong Batangas sa mas mataas na antas ng kalidad at accessibility.

Ipinahayag ni Mayor Morpe ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Gobernador Santos-Recto sa pagbibigay-priyoridad sa mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ng Rosario at mga karatig-bayan, kahit na hindi nakamit ng Ikaapat na Distrito ng probinsya ang karamihan ng boto noong nakaraang halalan. Binigyang-diin niya na ang proyekto ay sumasalamin sa prinsipyo na ang serbisyo publiko ay walang kinikilingan sa politika, ngunit pinapatakbo ng tunay na pagmamalasakit at pangako sa kapakanan ng mga mamamayan ng Batangas.
(Kim Bornella / Photos Boy Morales)

PALASYO KINIKILALA ANG SAKRIPISYO NG MILITAR AT UNIFORMED PERSONNEL SA PAGPAPATUPAD NG DAGDAG NA BASE PAY AT SUBSISTENCE ALLOWANCE

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng pamahalaan na binibigyang-prayoridad ang kapakanan ng military at uniformed personnel (MUP) alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaya naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng PhP21.7 bilyon para sa unang yugto ng kanilang base pay adjustment na nagsimula noong Enero 1, 2026.
Sinabi ni DBM Acting Secretary Rolando Toledo na ang mga pagtaas ng base pay ay pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga sundalo, pulis, bumbero, jail officers, coast guard personnel, at iba pang military at uniformed personnel.
“Kahit pagod, puyat at kahit may pamilyang naiwan sa bahay ay patuloy pa rin ang serbisyo para sa ating Inang Bayan. Alam po namin ang sakripisyo ninyo. Alam namin na walang time-out ang panganib na habang ang bansa ay natutulog, kayo ang gising; habang ang bayan ay ligtas, kayo naman ang nasa unahan ng panganib,” ani Toledo.
“Kaya malinaw po ang mensahe ng Fiscal Year 2026 National Budget – nakikita namin kayo, naririnig namin kayo at hindi namin kayo kailanman kalilimutan at pababayaan,” dagdag pa ni Toledo.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 107 na inilabas noong Disyembre 3, in-update ni Pangulong Marcos ang base pay at tinaasan ang subsistence allowance para sa lahat ng military personnel sa ilalim ng Department of National Defense (DND) at uniformed personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Corrections (BuCor), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Ayon sa EO, ipatutupad ang base pay adjustment sa tatlong yugto: una nitong Enero 1, 2026; ikalawa sa Enero 1, 2027; at ikatlo sa Enero 1, 2028.
Mula sa PhP21.7 bilyon na inilaan para sa unang tranche ng base pay adjustment, PhP15.4 bilyon ang nakalaan para sa mga MUP na nasa aktibong serbisyo, habang PhP6.3 bilyon naman ang para sa pension obligations.
Samantala, sinabi ng DBM na PhP71.1 bilyon ang inilaan para sa pagtaas ng subsistence allowance sa PhP350 kada araw, epektibo noong Enero 1, 2026.
“Alam po namin na ang pagtaas ng subsistence allowance ng ating mga MUPs ay hindi luho, hindi pabor kung hindi isang matinding pagkilala – pagkilala na ang lakas ng loob ay kailangang may sapat na lakas ng katawan at pagkilalang ang nagbabantay sa bayan ay dapat may sapat na pagkain at nutrisyon sa araw-araw,” ani Toledo.
Dagdag pa ng DBM, PhP4.06 bilyon ang inilaan ngayong taon para sa 10,077 bagong posisyon para sa MUP.
“Ang mga posisyong ito ay hindi basta numero, ito ay karagdagang kamay, karagdagang lakas at karagdagang proteksyon para sa bayan. Alam po naming hindi nasusukat sa pera ang serbisyo ninyo pero tungkulin ng gobyerno na siguraduhing hindi kayo napapabayaan at ang sakripisyo ninyo ay may malinaw na pagtanaw ng pasasalamat,” pahayag ni Toledo.
Tiniyak ng DBM chief na hindi maaantala ang salary increases at pension o retirement benefits ng mga MUP. Ipinaliwanag niya na ang pondo para sa suweldo at benepisyo ng personnel ay nailipat na sa kani-kanilang ahensya para sa mas angkop at direktang alokasyon ng budget. ( Daris Jose)

Japan-level standards para sa Maharlika at Andaya highways

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Camarines Sur 3rd District Rep. Nelson Legacion na ibase sa ipinatutupad na road ng Japan ang pagsasaayos ng kalsada.
Kasunod ito sa planong pagbisita ni Public Works Secretary Vince Dizon sa Bicol.
Pinasalamatan din ng mambabatas si Presidente Marcos sa mabilis nitong aksyon para maipagawa ang Maharlika at Andaya highways.
Sinabi pa ni Legacion na ang desisyon ni Dizon na bumiyahe sa Bicol mula sa Manila at pag-imbita sa media na makita ang kondisyon sa daan ay pagpapakita sa pagiging seryoso nito sa pagtugon sa problemsa na kinakaharap ng motorista at commuters ng may ilang dekada.
“This is exactly what we have been asking for. Decision-makers must see and feel what our people experience every day. Hindi na ito puwede pang patagalin,” anang mambabatas.
Una nang inihayag ni Dizon ang pagsasagawa ng land inspection mula Enero 16 hanggang 17 para tingnan ang aktuwal na kondisyon ng Maharlika Highway, partikular na sa Bicol, kung saan malaking bahagi ang nasira na dahil sa katandaan, heavy traffic, at taon ng paulit-ulit na patchwork repairs.
Ang inspection ay bahagi ng paghahanda para sa gagawing malakihang rehabilitasyon na nakatakdang simulan ngayon taon na may initial cost estimate na P16 billion.
Inihayag ng Kongresista ang isyu sa kalagayan ng dalawang highways sa isang privilege speech noong Nov. 25, 2025, kung saan binanggit nito ang kondisyon ng mga ito.
Ang kanyang panawagan para sa agarang aksyon ay sinuportahan nang mahigit sa 40 miyembro ng Kamara na lumagda sa isang manifesto na humihikayat sa agaran at komprehensibong rehabilitation.
(Vina de Guzman)

Usec. Gilberto Cruz pinaunlakan ang mga miyembro ng Media

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA ISINAGAWANG panayam na ginanap araw ng Enero 13, 2026 sa mismong opisina nito sa Office for Transportation and Security sa Department of Transportation and Communications Compound, Pasay City.
Sinabi ni Undersecretary at Administrator Gilberto Cruz patungkol sa duty and responsibility ng kanilang ahensiya, at sa mga isyu patungkol sa tanim bala na kalimitan na nangyayari sa mga airports at ports.
Aniya, ang mga nahuhuling bala kalimitan ang paliwanag ay ginagawang nilang anting anting o mga pananggalang sa kulam, usog at sa aswang na pinaniniwalaan ng mga ilan natin mga kababayan.
Sinabi din niya na sa loob ng tatlo buwan niyang pananatili sa ahensya ay wala ng gaanong nahuhuling mga illegal na aktibidades sa mga airport, ports, tren at mga bus terminal.
Paalala niya sa ating mga kababayan na maging alerto at iwasan ang mga ipinagbabawal na dalhin sa panahon ng pagbibiyahe.
(Yvonne Bagang/Photos Boy Morales)

Napagalitan ng ina, delivery rider tumalon sa ilog sa Valenzuela

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGTANGKANG magpakamatay ang 22-anyos na delivery rider nang magtampo matapos umanong mapagalitan ng kanyang ina makaraang humingi umano ng pera sa Valenzuela City, Martes ng umaga.
Batay sa ulat, sumakay ng kanyang motorsiklo ang binata at nagtungo sa Polo Bridge sa M.H. Del Pilar, Brgy. Poblacion dakong alas-8:30 ng umaga at mula doon ay tumalon sa malalim na ilog sa pagnanais na wakasan na ang kanyang buhay.
Isang testigo naman ang nakasaksi sa ginawang pagtalon ng binata sa ilog kaya kaagad itong humingi ng tulong kay P/Capt. Doddie Aguirre, hepe ng Polo Police Sub-Station-5, upang masagip ang biktima.
Kaagad namang rumesponde sina P/SSg. Reileto Jasa at Pat. Keanu Colis sa lugar at pagdating ng mga ito ay nakita nila ang binata sa gilid ng ilog kaya’t pinagtulungan nilang i-ahon ang biktima hanggang tuluyang mailigtas.
Sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento na nahimasmasan at nagbago ang isip ng binata nang sumayad ang katawan sa ilog kaya’t nagpilit na lumangoy hanggang makarating sa gilid kung saan siya tuluyang nailigtas ng pulisya. (Richard Mesa)

Valenzuela police, napigilan ang tangkang pagpapakamatay ng welder

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAPIGILAN ng pulisya ang bantang pagpapakamatay ng 48-anyos na welder gamit ang isang patalim nang matagumpay na makumbinsi ng mga ito sa Valenzuela City.
Sa ulat, humingi ng tulong sa mga tauhan ng Police Sub-Station 1 ang engineer ng isang construction site nang malaman nito na isa sa kanilang trabahador na si alyas “Jem”, 48, ang nagbantang magpakamatay gamit ang isang patalim sa loob ng barracks sa isang ginagawang gusali sa Parada Elementary School, Brgy. Parada.
Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS1, Special Reaction Unit (SRU), Valenzuela City Rescue Team, at Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU), kasama si Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagsilbing negosyador.
Noong una ay nagmatigas pa si ‘Jem’ at sinabing wala ng makakapigil sa kanyang plano subalit, sa patuloy na paghimok ng opisyal at sa pangakong handa silang tulungang malagpasan ng lalaki ang dinaranas na depresyon, nabuksan ang isip ng welder hanggang isuko sa pulisya ang hawak na patalim.
Matapos nito, dinala si ‘Jem’ sa Valenzuela City Social Welfare and Development (CSWD) Office para sa tamang pagpapayo at interbensyon, upang matiyak ang kanyang kaligtasan at kagalingan.
Pinuri naman ni Mayor Wes Gatchailan ang Valenzuela CPS sa matagumpay na pagkakaligtas ng mga ito ng buhay at tiniyak nito ang patuloy na suporta at pangako ng Pamahalaang Lungsod sa kaligtasan ng publiko at rescue efforts. (Richard Mesa)

LTFRB, SINUSPINDE ANG OPERASYON NG RIDE-HAILING VEHICLE DAHIL SA VIRAL SEXUAL HARASSMENT POST, SCO INISYU LABAN SA KUMPANYA

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa isang ride-hailing service company kaugnay ng viral na post hinggil sa insidente ng sexual harassment ng isa nitong driver sa babaeng pasahero.
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan din ang kumpanya na iharap sa Board ang driver na sangkot sa viral post. Nakilala na ang driver sa naturang post.
“This is not acceptable. Napanood ko mismo ang viral video at bilang isang magulang, nakakagalit ang ginawa ng driver na ito. We already issued a show cause order and I will personally monitor the conduct of the investigation of this case,” ani Chairperson Mendoza.
Dagdag pa niya, “We assure the victim and his family and friends na hindi namin palalagpasin ito.” Binigyang-diin ni Mendoza na ang mabilis na aksyon ng LTFRB ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na protektahan ang interes ng riding public at habulin ang mga pasaway na driver.
Batay sa viral post, paulit-ulit na nagtanong ng mga hindi angkop na katanungan ang driver ng electric vehicle ride-hailing service sa kanyang babaeng pasahero.
Habang nasa biyahe, iminungkahi pa ng driver na mag-reroute sa C5 Road. Hindi pa nakuntento, ilang ulit niyang binagalan ang takbo ng sasakyan habang patuloy na nagtatanong ng mga hindi kanais-nais na katanungan.
Naging traumatic ang insidente para sa pasahero, ngunit sa kabutihang-palad ay nakauwi siya nang ligtas.
Sa inilabas na SCO, sinuspinde ng LTFRB sa loob ng 30 araw ang operasyon ng motor vehicle na may plakang DBV-1863, habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.
Inatasan din sa parehong SCO na sumailalim ang driver sa compulsory drug testing sa isang awtorisadong accredited agency ng Department of Health at Land Transportation Office.
Nakasaad sa kautusan: “Respondent-operator, is hereby directed to surrender the plates of the involved unit, to the Legal Division of this Board immediately upon receipt of this Order.”
Bukod dito, inatasan ang operator na magpaliwanag sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap ng SCO kung bakit hindi dapat kanselahin o bawiin ang Certificate of Public Convenience na ibinigay sa kumpanya kaugnay ng insidente. (PAUL JOHN REYES)

Cash aid distribution ng DSWD ititigil

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TAHASANG sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ititigil ang pamamahagi ng cash aid sakaling may ‘epal’ na pulitiko na magge-‘gatecrash’ sa lugar na pagdarausan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi niya papupuntahin ang kanyang paymaster sa lugar kung may mga nakaabang na pulitiko na makikisawsaw sa distribusyon.
“We have the option to stop. Kapag nag-gate crash, we can stop pero wag na natin paabutin sa ganun,” sabi nito.
Gayunman, bagama’t aminado si Gatchalian na ipinagbabawal ang partisipasyon o pakikialam ng mga pulitiko sa pamamahagi ng cash aid, wala namang malinaw na batas o parusa na maaaring ipataw sa mga ‘epalitiko’.
Nasa kamay naman aniya ng mga mambabatas kung ano ang dapat na ipataw na parusa sa mga ‘credit grabbing officials’.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi maaaring, gamitin ng mga pulitiko ang anumang cash aid distribution upang ‘magpabango’.
Ani Gatchalian, kapangyarihan ng DSWD na pigilan ang anumang gagawing pamamahagi ng tulong ng ahensiya kung may mga lilitaw na ‘epalitiko’ sa distribution sites.
Ang hakbang aniya ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag gagamitin ng mga politiko ang anumang gagawing financial aid o anumang tulong mula sa pamahalaan.