SA pagpasok ng bagong taon, pasabog agad ang hatad ng “Roja” matapos ilabas ang mid-season trailer, tampok ang umiigting na bakbakan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa action series, na napapanood na rin sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.Nagtala din ng serye ang bagong all-time high online record matapos makakuha ng 541,446 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live noong Lunes (Enero 5).Kaliwa’t kanan na rebelasyon ang dapat pang abangan sa serye, na kasalukuyang nasa listahan din ng Top 10 TV shows sa Pilipinas sa Netflix at iWant, dahil desidido nang magsanib-pwersa sina Liam (Donny) at Olsen (Kyle), kasama ang kaibigan na si Luna (Maymay Entrata), para tulungan ang mga pulis na pabagsakin ang mga hostage-taker ng La Playa Roja resort upang makatakas ng buhay ang mga natitirang biktima.Kasing tindi rin ng bakbakan ang mga plot twist dahil masisiwalat ang malaking eskandalo nang pagbintangan ni Greta (Lorna Tolentino) ang matalik na kaibigan na si Wendy (Janice De Belen) na mang-aagaw sa kanyang asawang si Magnus (Raymond Bagatsing).Sa pag-usbong nito, lilitaw din ang mga hinala hinggil sa tunay na pagkakakilanlan ng ama ni Olsen, ang anak ni Wendy.Pero hindi lang sa asawa magkakaroon ng problema si Greta dahil lalakas ang paghihinala ng anak nitong si Liam sa tunay na motibo ng kanyang ina nang mahuli ni Liam si Greta na palihim na nakikipag-usap sa hindi pa kilalang indibidwal sa telepono.Sa kabilang banda, magkakagulo rin sa kampo ng mga hostage-taker dahil sa lider na si Emil (Joel Torre). Madadala kasi si Emil sa kanyang kahibangan para patayin si Magnus bilang ganti sa panlolokong ginawa nito sa kanyang anak noon, at magdadalawang-isip naman ang sariling mga tauhan ni Emil na nais nang sumuko sa mga awtoridad.Sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga biktima, makakahanap pa kaya sina Liam at Olsen ng paraan para makaligtas? Paano nila haharapin ang mga paparating na rebelasyon na gugulat sa kanila?Panoorin ang maaksyong mga kaganapan sa “Roja” gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 at Kapamilya Channel sa cable, pati sa A2Z at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook.Mapapanood din ang pinakabagong mga episode ng “Roja” 72 oras na mas maaga sa Netflix at 48 oras na mas maaga sa iWant. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
***‘
Tatak ng Tapang, Tatak Ginebra’, pagkilala sa mga bakas ng tunay na katapangan MULING itinataas ng Ginebra San Miguel, ang pinaka-mabentang gin sa buong mundo, ang antas ng pagkukuwento sa pinakabagong kampanya nitong “Tatak ng Tapang, Tatak Ginebra.”Isa itong makapangyarihang ebolusyon ng kanilang matagal nang pagkilala sa giting at tapang ng mga Pilipino. Sa pagkakataong ito, nakatutok ang atensyon sa mga totoong tao—apat na indibidwal na ang katatagan ay hindi lamang bahagi ng isang kwento, kundi makikita sa mga peklat sa katawan na bakas ng kanilang mga pinagdaanan.Ayon kay Sales and Marketing Manager Allan Mercado, ang digital campaign na ito na inilunsad nitong ika-31 ng Disyembre upang salubungin ang bagong taon, ay nagmamarka ng isang makabuluhang pagbabago.“This is different from the past. We are honoring actual people—ordinary individuals whose stories our consumers can truly relate to. Our hope is that they inspire others through their authenticity and relatability to pursue their dreams, no matter how big on ambiguous.”Sa loob ng maraming taon, ang Ginebra San Miguel ay naging kasingkahulugan na ng katapangan, katatagan, at ng “never-say-die” spirt.Noong 2025, ipinagdiwang nito ang ideya ng kabayani—mga guro, tsuper ng jeepney, nars, at mga ordinaryong manggagawa na ang tahimik na kabayanihan ay nagbigay-kahulugan sa moderno at pang-araw-araw na bayanihan.“The concept of the “bayani” was born during the pandemic, when heroism took on new meaning. Today, we move toward real-life heroes—people who have actual battle scars to show. These are everyday heroes in their own fields, whose grit and discipline prove what true tapang looks like,” paliwanag ni Marketing Manager Ron Molina.Ang mga bakas na ito—na makikita sa mga kamay, paa, at mukha ng mountaineer at Mt. Everest conqueror na si Miguel Mapalad, visual artist na si Auggie Fontanilla, PBA top draft pick na si Sonny Estil, at billiards champion na si Chezka Centeno—ay hindi itinatago. Ang mga ito ay kanilang naging badge of honor.Para sa Ginebra San Miguel, ang mga markang ito ang tunay na “Tatak ng Tapang,” patunay ng mga labanang hinarap, tiniis, napagtagumpayan at napanalunan.Sino pa ba ang mas patunay sa “tatak ng tapang” kaysa kay Miguel Mapalad, habang sinasakop niya ang lamig, pagod, at panganib upang marating ang tuktok ng mundo. Ang kanyang pangarap ay ang maging isa sa mga Pilipinong makaka-summit sa Mount Everest. Ang mga taon ng mahigpit na pagsasanay sa buong mundo ay sumubok sa kanyang mga limitasyon, ngunit ang kanyang katapangan ay hindi kailanman natinag.Para kay Auggie, ang kanyang “tatak ng tapang” ay makikita sa mga kalye ng Maynila bilang isang graffiti artist. Sa araw, naghahanap-buhay siya para mabuhay; sa gabi, pinipinta niya ang mga pader ng lungsod.Sa paglipas ng panahon, nakilala ang kanyang mga gawa, at ngayon siya ay isa nang lead artist sa The Clothing at sa Pilipinas Street Plan Collective. Ang mga mural ni Auggie ay higit pa sa sining—ang mga ito ay pahayag ng katapangan, na ipininta araw at gabi.Sa tuwing makikita si PBA player Sonny Estil na pumupuntos para sa Barangay Ginebra Gin Kings, hindi mo aakalain kung paano siya nagsimula. Naglalaro siya sa mga lokal na liga gamit ang hiniram na sapatos na masikip at masakit. Tiniis niya ang sakit at nagsanay araw-araw hanggang sa magawa niya ang game-winning shot sa Draft Combine. Ngayon, bilang first-round draft pick para sa Barangay Ginebra, dala ni Sonny ang marka ng katapangan sa bawat hakbang na ginagawa niya sa PBA court.Eye on the ball, eye on the prize. Ito ang “tatak ng tapang” kay Chezka Centeno, ang world 10-Ball champion billiards player. Natutong maglaro ng bilyar si Chezka sa murang edad sa mga simpleng bar at hall sa Zamboanga, kung saan siya lamang ang tanging babae na nakikipaglaro laban sa mga lalaki.Noong 2025, kinoronahan siyang WPA Women’s World 10-Ball Champion, na ginamit ang bilyar hindi lamang para sa kanyang personal na tagumpay kundi pati na rin upang iangat ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Ngayon, gamit ang “Tatak ng Tapang,” ang bola ay nasa kanyang kamay, at ang mundo ang kanyang pool.“We celebrate courage in its most authentic form—Miguel, Auggie, Sonny, and Chezka are not celebrities or from well-off families, but they have shown what Tatak ng Tapang is all about—that when they face life’s challenges head-on, persevere against all odds, and inspire others through their strength, grit, and never-say-die spirit, they become real-life heroes,” pahayag ni Group Product Manager Paolo Jose Tupaz.Sa pamamagitan ng “Tatak ng Tapang, Tatak Ginebra,” ipinagpapatuloy ng brand ang legasiya nito sa pagbibigay-pugay sa katapangan—sa pagkakataong ito, sa pamamagitan ng mga totoong mukha, totoong mga peklat at marka sa katawan, at totoong kwento.(ROHN ROMULO)