SERYOSO na talaga si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na tuparin ang kanyang childhood dream na maging isang piloto.Certified flight school student na ngayon ang Kapuso award-winning actor bilang si Cadet Richard Faulkerson
Bata pa lang kasi si Alden ay isa na sa mga pinapangarap niya ang makapagpalipad ng eroplano kaya naman talagang sineryoso niya ang pag-i-enroll sa isang flight school.
“I’ve always been so curious paano lumilipad ng ganu’n kalaki at kabigat na sasakyang panghimpapawid,” pahayag ni Alden sa “24 Oras.”
“Tapos of course, how it’s being navigated sa langit, ganiyan, from point A to point B, paano nakakarating, paano nag-take-off.”
Sa kanyang flight school induction ceremony, after 15 years niya sa entertainment industry, bibigyang-priority naman niya ang iba pa niyang mga pangarap sa buhay.
“Since nagkaroon ako ng isip sa mundo, parang meron akong core objective to fulfill my parents’ dreams na hindi nila natupad in their lifetime.
“And surprisingly, kagaya ng showbiz para sa nanay ko, for me, ito naman, dream ni dad for himself, pero eventually, nagustuhan ko na rin,” say pa isa ng EDDYS Box Office Hero na tinanggap niya sa 8th EDDYS last July 20.
Ipinakita rin ni Alden ang mga kaganapan sa first day sa pagiging flight school student sa Pampanga, kabilang na ang pagpunta niya classroom hanggang hangar at runway.
Sumabak na agad ang actor/TV host sa isang flight simulator, kung saan naranasan niya ang real-life na situations mula sa isang umaandar na eroplano tulad ng turbulence, at mula take-off, mid-flight, hanggang landing.
“There’s no such thing as a busy schedule when you make time and you have time management. Time management is the key.
“Definitely this year for ground school, and then tuloy-tuloy na toh, this will be a two-year course.
“And after I graduate, I’m going to be able to fly a commercial plane,” masayang pahayag pa ni Alden.
(ROHN ROMULO)

