• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 5th, 2025

P170K droga, nasamsam sa drug bust sa Valenzuela

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat Kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Gerson Bisayas ang suspek na si alyas “JR”, 38, Area 4, Pinalagad, Brgy., Malinta.
Ayon Kay P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan, ikinasa ni Capt. Dorado ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil, sa koordinasyon sa PDEA.
Dakong alas-12:30 ng hating gabi nang makipagkita umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Paraiso St., Brgy. Karuhatan na nagresulta sa kanya.
Nakumpiska sa kanya ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P170,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, at pitong 1000 boodle money, at 200 cash.
Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng Inquest Proceedings. (Richard Mesa)

DA, inirekomenda ang pagtaas ng taripa sa imported rice, pinahinto ang importasyon—PCO

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ANG PAGTAAS sa taripa sa imported rice ay kabilang sa mga usapin na tatalakayin sa sidelines ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa India.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez, araw ng Lunes.
“The Department of Agriculture is recommending an increase in tariff on imported rice,” ang sinabi pa ni Gomez.
Ipinanukala rin ng ahensiya ang pansamantalang pagpapatigil sa lahat ng importasyon para protektahan ang mga lokal na magsasaka.
Ani Gomez, ang lahat ng detalye ay pag-uusapan pa rin at pagkakasunduan.
Napaulat na sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hangda niya ang ‘gradual return’ ng rice import tariff rate mula sa kasalukuyang 15% sa 35%, dahil ang biglaang pagtaas ay maaaring magpahina sa pagsisikap na ibaba ang presyo ng produkto.
Tinukoy ni Tiu Laurel ang kanyang testimonya sa House of Representatives’ Murang Pagkain Super Committee hearing, inirekomenda nito sa Tariff Commission na ang mga pagtaas sa hinaharap sa rice import duty ay dapat na “strategically timed to minimize its impact on both local and global markets.”
“Our suggestion is a gradual increase…eventually returning to the 35% duty,” ang sinabi ni Tiu Laurel. Sa kabilang dako, nagbabala naman si Tiu Laurel na ang biglaang 20-percentage-point hike ay maaaring makasira sa rice market at mapahina ang pagsisikap ng gobyerno na patatagin ang presyo simula pa noong nakaraang taon.
“A sudden increase could shock not only the local market but also ripple across the global rice trade,” aniya pa rin.
Winika pa ni Tiu Laurel na ang Pilipinas, bilang isa sa major rice importers ng buong mundo, may mahalagang papel sa global rice pricing dahil sa demand-supply nito at maging sa regulatory dynamics.
Matatandaang inaprubahan ni Marcos na bawasan ang taripa ng imported na bigas na ginawang 15% mula sa dating 35% sa pamamagitan ng Executive Order 62 na nilagdaan noong Hunyo 2024.
Layunin nito na bawasan ang presyo ng bigas sa merkado ng hanggang P7 per kilo.  ( Daris Jose)

OPERASYON NG PDEA AT IBA PANG LAW ENFORCEMENT AGENCIES NAGBUNGA NG POSITIBONG RESULTA

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BILANG bahagi ng malawakang operasyon laban sa iligal na droga, nagsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 56 na high-impact operations mula Hulyo 25 hanggang Agosto 1, 2025, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 97 drug personalities at pagkakakumpiska ng iba’t ibang iligal na droga.
Ang mga operasyon laban sa droga ay nagbunga ng:
– 8,196.65 gramo ng shabu (crystalline methamphetamine); 78,800 fully grown na halaman ng marijuana at 4,256 gramo ng tuyong dahon ng marijuana; at 52 ecstasy tablets.
Ang Major highlights ng week-long nationwide anti-drug operations ay sumasaklaw sa pag-aresto sa 53 drug pushers, 22 drug dens bisita/kliyente, 11 drug den maintainers, at 8 drug den employees; 48 buy-bust operations ang karamihan sa mga naaresto, kabilang ang high-value seizure tulad ng 4.28 kg. ng shabu sa Zambales, 1 kg. sa Lanao del Norte at 701.72 gramo sa Pampanga; Ang Marijuana Eradication sa Kalinga (CAR) ay bumunot ng 78,800 halaman ng marijuana, 3 drug possessor, 53 drug pushers, at 11 drug den maintainers, na nagpatibay sa PDEA crackdown sa street-level at organized trafficking.
Binigyang-diin ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez ang walang humpay na pagsusumikap ng ahensya laban sa ilegal na droga, aniya, “Ang mga nagawa nitong linggong ito ay sumasalamin sa hindi natitinag na pangako ng PDEA na puksain ang salot ng iligal na droga. Patuloy nating paiigtingin ang mga operasyon, hindi lamang ang mga street-level peddler ang target natin kundi pati na rin ang mga financier at supplier na nagpapalaganap ng droga.”
Ang Regional Breakdown
– Pinakamalaking Shabu 4,000 gramo ang nasabat sa Mandaue City, Cebu (Region 7);.
– Karamihan sa mga Arestado 8 suspek, arestado sa iisang Cavite buy-bust (Region IV-A);
– Ecstasy Interdiction, 52 tablets ang naharang sa Clark Freeport Zone, Pampanga (Region 3).
“Nangangako ang PDEA na ipagpatuloy ang mga all-out intelligence-driven operations nito laban sa ilegal na droga, at inter-agency collaboration para lansagin ang mga network ng drug trafficking sa buong bansa.” Nagtatrabaho kami sa kalidad, hindi sa bilang. Dapat panagutin ng PDEA ang mga supplier ng droga, tiyakin na sila ay dadalhin sa hustisya at mapapasa ilalim ng buong bigat ng batas. Ito ay hindi lamang tungkol sa istatistika ito ay tungkol sa dignidad, kaligtasan, at kinabukasan ng bawat Pilipino. Sama-sama tayong lalaban para sa Bagong Pilipinas na walang droga, kung saan pinahahalagahan ang buhay, at kung saan nananaig ang rule of law”, dagdag pa ni DG Nerez. (PAUL JOHN REYES)

PANININDIGAN NI DND SECRETARY SA WEST PHILIPPINE SEA, SUPORTAHAN – GOITIA 

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY prinsipyo at tumindig lamang para ipaglaban  ang bansa ang Department of  National Defense  matapos umalma ang Chinese Embassy sa kanyang pahayag hinggil sa West Philippine Sea (WPS).
Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, kilalang tagapagtanggol ng soberenya ng Pilipinas, malinaw ang mga salitang binitiwan na may paninindigan si Secretary Gilberto C.  Teodoro Jr.  at  walang  dapat ikahiya kapag ipinaglalaban ang bayan .
“Hindi ito pambabastos. Hindi ito pagyayabang. Ito ay simpleng pagtatanggol sa karapatan natin bilang isang Pilipino, ” ani Goitia.
Bunsod ito sa reaksyon ng Chinese Embassy sa naging tugon ni Secretary Teodoro kaugnay sa WPS.
“Kapag may nagsalita nang direkta at makatotohanan, tinatawag agad nilang ‘destabilizing’ pero sa totoo lang, iyon ang kailangan natin, yung mga lider na hindi takot magsabi ng totoo,” ayon pa kay Goitia.
Pinuri niya ang pagiging prangka ni Sec. Teodoro na nagsabing hindi Amerika ang dahilan ng tensyon sa karagatan kundi ang mismong agresyon ng Tsina.
“At ngayon na may opisyal na matapang na nagsalita para sa atin, aatras pa ba tayo? Hindi na pwede. Suportahan natin ang katotohanan. Suportahan natin ang Pilipinas. Suporthan natin ang kinabukasan ng mga Pilipino,” diin niya.
Pero hindi lang pagtindig ang punto ni Goitia, may dalang solusyon din siya.
“My 4 cents suggestion on the WPS: balikan natin ang December 1987 Manila Declaration ng Association of Southeast  Asian Nations (ASEAN), lalo na ang ZOPFAN o ‘Zone of Peace, Freedom and Neutrality’ sa West Philippine Sea,” pahayag niya.
“Hindi tayo aasenso kung laging may veto power ang China sa United Nations  Security Council. Kailangan ng sama-samang hakbang ng ASEAN para baguhin ang sistema.”
Para kay Goitia, ang laban sa West Philippine Sea ay hindi lang laban ng gobyerno, kundi ng bawat Pilipino. Hindi ito dapat pulitika lang. Buhay at kabuhayan ang nakataya.
Ang panawagan ni Goitia ay simple: huwag matakot tumindig, huwag ikahiya ang pagiging makabayan.
“Wala tayong ginagawang masama. Ang mali ay ‘yung tahimik na pumapayag. At hindi na tayo dapat maging ganun,” ani Goitia.
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement. (Gene Adsuara)

PBBM, hangad ang mas murang gamot para sa mga Pinoy sa gitna ng India visit

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa India na magresulta ng mas murang medisina para sa mga Pinoy, bukod sa iba pa.
“I want this visit to bring concrete benefits for the Filipino people, such as more affordable medicine and greater connectivity and food security,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang departure speech.
“It is incumbent upon us, now more than ever, to maximize the opportunities in trade and investment with the world’s fourth largest economy,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, tatayong caretakers naman habang wala ang Pangulo sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella III, at Education Secretary Sonny Angara.
Winika ng Pangulo na kasama niya sa kanyang biyahe sa India ang ilang miyembro ng kanyang gabinete para tiyakin ang kanyang vision na “a close strategic relationship with India is turned into a reality as quickly as possible as we make our commitments at the highest levels of government and business.”
Ayon sa Pangulo, maraming potensyal para sa kooperasyon kasama ang India na parehong mapakikinabangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
“We intend to explore these potentials by charting a plan of cooperation across a broad spectrum of shared interests: from defense, trade, and investment, to health and pharmaceuticals, connectivity, agriculture, tourism, and many others,” ani Pangulong Marcos.
Sa kanyang pagdating sa New Delhi, kaagad na tutuloy si Pangulong Marcos sa meet and greet kasama ang Filipino community.
Maliban sa pakikipagpulong sa Indian leaders, partikular na kay Prime Minister Narendra Modi, makikipagpulong din ang Pangulo sa business sector ng India.
Samantala, marami na aniyang multinational Indian firms ang nago-operate sa bansa. ( Daris Jose)

Manny Pacquiao, hawak na ang 9th spot sa welterweight ranking ng The Ring

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Hawak na ni 8-division world champion Manny Pacquiao ang ika-siyam na spot sa welterweight ranking, batay sa huling analysis ng The Ring, dalawang linggo matapos ang kaniyang laban kay Mario Barrios.
Agad bumalik ang pangalan ni Pacquiao sa ranking, sa kabila ng apat na taong pamamahinga kasunod ng kaniyang retirement.
Sinusundan ng Pinoy legend ang kaniyang nakalaban na si Barrios bilang No. 8.
Ang The Ring ang tinaguriang ‘bible of boxing’ na regular na naglalabas ng updated ranking para sa mga boksingero sa buong mundo.
Samantala, nangunguna naman sa naturang listahan ang undefeated welterweight fighter na si Brian Norman na sinusundan ng bagitong si Eimantas Stanionis. Pumangatlo sa naturang listahan si Giovanni Santillan.
Ayon sa The Ring, ang bagong ranking ay resulta ng panel discussion, at analysis sa tulong ng Ratings Panel ng mga boxing journalist sa buong mundo.
Ang naturang panel ay binubuo ng mga historian, at boxing journalist na ikinokonsidera bilang eksperto sa kani-kanilang larangan.
Ilan sa mga ikinonsiderang salik ay ang resulta ng kanilang laban, performance ng bawat isa, at kani-kanilang mga track record.

Luka Dončić, nilagdaan na ang 3-taong $165-M contract sa Los Angeles Lakers

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Pinirmahan na ni Luka Dončić ang isang tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $165 million, na magtutulak sa kanya na manatili sa Los Angeles Lakers hanggang 2028.
Kasama sa kontrata ang isang player option para sa huling taon, na nagtitiyak ng matagal na pag-upo ng Slovenian superstar sa Lakers.
Sa isang press conference noong Sabado, sinabi ni Dončić na isang malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng Lakers at ipagpapatuloy ang kanyang pangarap na makapag-ambag sa mga championship at maging bahagi ng mga legend ng team.
“I want to be up there too one day,” aniya, na tinutukoy ang mga pangalan ng mga Lakers legends sa rafters.
Ang 26-taong-gulang na guard ay nakuha mula sa Dallas Mavericks noong Pebrero, at agad na nagbigay ng malaki sa kanyang unang season sa Los Angeles, na may total na score na 28.2, 8.2 assists, at 7.7 rebounds.
Bagaman natapos ang kanilang playoff run sa unang round, kumpiyansa si Dončić na ang Lakers ay may sapat na lakas para makipaglaban sa championship.
Kasabay ng kontrata, pinagtibay ni Dončić ang kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng kondisyon at pisikal na aspeto ng laro, matapos ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang fitness sa Dallas.
Ang 26-taong-gulang na guard ay nakuha mula sa Dallas Mavericks noong Pebrero, at agad na nagbigay ng malaki sa kanyang unang season sa Los Angeles, na may total na score na 28.2, 8.2 assists, at 7.7 rebounds.
Bagaman natapos ang kanilang playoff run sa unang round, kumpiyansa si Dončić na ang Lakers ay may sapat na lakas para makipaglaban sa championship.
Kasabay ng kontrata, pinagtibay ni Dončić ang kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng kondisyon at pisikal na aspeto ng laro, matapos ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang fitness sa Dallas.

There’s new blood to spill. Meet the new cast of “I Know What You Did Last Summer,” led by Jonah Hauer King 

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OLD horrors meet a brand new set of characters in I Know What You Did Last Summer, the continuation of the hit 1997 slasher film of the same name.

Rising stars portray the young group of people dealing with the horrific consequences of their actions, and for director Jennifer Kaytin Robinson, the chemistry of the cast feels genuine. “The cast chemistry really leaps off the screen,” she continues. “It was like lightning in a bottle. It just was there, and it was amazing.”

Watch the trailer: https://youtu.be/O83Q0ewud-k

The level-headed Milo Griffin is played by Jonah Hauer King, known for his roles in The Little Mermaid and Doctor Who. “Milo is the voice of reason a lot of the time,” says Jonah Hauer-King, explaining his character’s personality. “He’s practical and rational, and when bad things happen, he’s the one who tries to bring everyone down to earth. Milo has really struggled with guilt about the accident. But they all know that how they handled the situation was really bad.”

Hauer-King had a blast being part of an iconic franchise, and as a newbie to the genre, is sure that I Know What You Did Last Summer isn’t going to be his last horror film.  “There’s all the fear factor, mystery, blood, and slasher stuff, which is brilliant,” he says. “We introduce some great new characters to root for, and Jenn and the other writers have brought a contemporary, fresh humor to it. There’s a wink, which is fun because the horror and comedy are intertwined and play off each other nicely,” he says.

Chase Sui Wonders plays Milo’s high school sweetheart, Ava Brucks. Perceptive and volatile, Ava initially refuses to be complacent in a deadly accident that the friend group caused, but is pushed into silence by the rest of the gang. “What happens at Reaper’s Curve tests Ava, and the group, in ways that you can’t really come back from,” explains Wonders. “It’s a new reality that everyone has to contend with.”

Danica Richards is Ava’s closest friend, played by Danica Cline. Their relationship is tested with the accident that changes their lives, but their bond is unbreakable. “Danica and Ava are two peas in a pod,” Cline points out. “They’ve been best friends forever, and it’s one of those friendships that will remain strong – no matter what they go through.”

Teddy Spencer, played by Tyriq Withers, is local royalty in the town of Southport. Heir to a real estate business, his sense of privilege might be what lands the group in trouble. “Teddy has a vulnerable side because despite his parents’ resources, there was a lack of real support, and Teddy experienced some real trauma,” says Tyriq Withers. “Still, he is always the light of the group. I’d say he’s even the glue, the comedic factor that tries to alleviate painful situations. Teddy just wants to be around good energy all the time, because he missed out on that in the family home.”

Stevie, played by Sarah Pidgeon, feels stuck in the small town, but circumstances let her roots grow into the Southport soil, and now works in the bar owned by original Southport massacre survivor Ray (Freddie Prinze Jr.). “I’ve certainly been there as Stevie,” says Sarah Pidgeon. “You find a corner to hide in, but I think Stevie is the realist of the group. She’s a foil to Danica, who has been able to skirt around a lot of consequences in her life. Stevie has not been able to do that. Every time her life has gone off the rails, she’s suffered for it.”

Grab your friends and watch these friends fall into a nightmare as I Know What You Did Last Summer arrives in Philippine cinemas on July 30. Connect with the hashtag #IKnowWhatYouDidLastSummer @columbiapicph

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

May pakiusap sa nagkakalat ng fake news: RUFA MAE, nagluluksa sa biglang pagpanaw ng dating asawa na si TREVOR

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGLULUKSA ngayon si Rufa Mae Quinto dahil sa biglang pagpanaw ng dating asawa na si Trevor Magallanes.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktres at komedyante ang mga larawan nila ni Trevor, kasama ang emosyonal na pahayag.
“I’m deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter.
“Just pray for us that we will get thru this by the help of God!,” panimula ni Rufa Mae.
“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened.”
Pakiusap pa niya, “So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death.
“I am flying tomorrow for d US with my daughter so pls wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not fr any other source.”
Pagtatapos pa niya, “Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial.
“Hanggang sa huli…. Hanggang sa muli,
“Mahal kita Trev. “
Ikinasal sina Rufa Mae at Trevor noong 2016 at nagkaroon sila ng anak na si Athena. Early this year ay inamin ni Rufa Mae na naghiwalay na sila ng asawa, pero kasal pa rin dahil hindi naman sila nag-divorce.
Malamang pagdating ni Rufa Mae ng Amerika,, saka pa lang siya maglalabas ng official statement.
***

BINIGYAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng permit para sa pampublikong pagpapalabas ang tatlong pelikulang Pilipino.

Nangunguna rito ang “How To Get Away From My Toxic Family” na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo.  Ito’y mula sa OgieD Productions.

Ang pelikula ay rated PG (Parental uGuidance) at pwede itong panoorin ng mga batang edad 13 pababa basta’t may kasamanag magulang o nakatatanda.

Tungkol ito sa pamilya, pagsubok, at sakripisyo ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Rated PG rin ang pelikulang “Lasting Moments” na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at JM de Guzman sa direksyon ni Fifth Solomon. Kinunan sa Maynila at Singapore, tinatalakay ng pelikula ang mga hamon sa relasyon ng dalawang magkasintahan habang hinaharap ang buhay, pag-ibig at propesyon.

Samantala, ang psychological thriller na “P77” (kilala rin bilang Penthouse 77), na pinagbibidahan ni Barbie Forteza bilang isang dating OFW, ay umiikot sa nakakatakot nitong karanasan sa gusaling kanilang tinutuluyan. Ang pelikula ay rated R-13 (Restricted-13), angkop lamang sa mga edad 13 pataas.

“Ipinapakita ng mga pelikulang ito ang yaman ng kuwentong Pilipino at ang mga realidad sa buhay,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio. 

“Sa pamamagitan ng aming angkop na klasipikasyon, gusto namin na matulungan ang mga manonood, lalo na ang mga magulang, na makapili ng tama at angkop na pelikula para sa kanilang pamilya.”

Aprubado rin sa MTRCB ang pampublikong pagpapalabas ng mga sumusunod na banyagang pelikula:

– “Forever We Are Young,” isang documentary tungkol sa South Korean boy band na BTS, ay rated G (General Audience), puwede para sa lahat ng manonood.

– “The Bad Guys 2,” isang animated heist comedy, ay rated PG; at

– “I Know What You Did Last Summer” at “The Home,” parehong katatakutan, ay rated R-16 (Restricted-16) dahil sa tema, nakakatakot na eksena, at karahasan. Puwede lang sa edad 16 at pataas.

Noong nakaraang linggo, sa kabila ng malakas na ulan, ay naribyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Board ang apat na pelikula:  “Fantastic Four: First Steps” ng Marvel at ang Vietnamese horror-comedy na “The Ancestral Home” ay rated PG; Ang Korean horror film na “Incarnation” ay R-13; at ang lokal na pelikula na “Sunshine” ay may R-16.

Tiniyak naman ng MTRCB ang patuloy nitong pagsuporta sa mga lokal na pelikula habang pinangangalagaan ang kapakanan ng mga manonood sa pamamagitan ng responsableng pagpapalabas at angkop na klasipikasyon ng mga pelikula.

(ROHN ROMULO)

Binalikan ang masakit na break up nila: NASH, ginawa ang lahat para magkabalikan sila ni MIKA at sabay nag-propose 

Posted on: August 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINALIKAN ni Nash Aguas ang naging breakup nila noon ng misis niyang si Mika dela Cruz noong mag-celebrate sila ng kanilang first wedding anniversary last month.
Inamin ni Nash na masakit sa kanya yung breakup at ginawa niya ang lahat para magbalikan sila at sabay na nag-propose na siya kay Mika.
Post ni Nash sa Instagram: “I still remember the night we broke up 2 years ago. No one knew, just us and God. It was the most painful thing and I didn’t understand why. After months, I saw a video of you testifying how you met Jesus.
“I remember seeing your smile, it was so peaceful, so pure, so full of joy. The kind of joy I’ve been trying so hard to give you, but didn’t get to see during our relationship. That’s when I prayed “Lord, thank you for making her happy and allowing me to see it, even from a far. I really thought that was my purpose in your life, to lead you to Jesus.
“But He had other plans, and it’s always more than what you ask, think or imagine. Now, I get to see that smile everyday. That smile that brings warmth and comfort to people. You bring joy in every room you walk into. You make people feel seen and heard. You are a reminder to me of God’s Faithfulness. Thank you.”
***
PAGKATAPOS ng series na ‘Nine Perfect Strangers Season 2’ sa Prime Video, mapapanood ulit si Dolly de Leon sa bagong series titled ‘Maximum Pleasure Guaranteed.&
The 10-episode Apple+ series will star Primetime Emmy winner (for Orphan Black) Tatiana Maslany. The half-hour darkly comedic thriller is about blackmail, murder and youth soccer.
Gaganap si Dolly as Detective Sofia Gonzalez at co-star nila ang comedian and New Girl star na si Jake Johnson.
(RUEL J. MENDOZA)