• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May pakiusap sa nagkakalat ng fake news: RUFA MAE, nagluluksa sa biglang pagpanaw ng dating asawa na si TREVOR

NAGLULUKSA ngayon si Rufa Mae Quinto dahil sa biglang pagpanaw ng dating asawa na si Trevor Magallanes.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktres at komedyante ang mga larawan nila ni Trevor, kasama ang emosyonal na pahayag.
“I’m deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter.
“Just pray for us that we will get thru this by the help of God!,” panimula ni Rufa Mae.
“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened.”
Pakiusap pa niya, “So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death.
“I am flying tomorrow for d US with my daughter so pls wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not fr any other source.”
Pagtatapos pa niya, “Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial.
“Hanggang sa huli…. Hanggang sa muli,
“Mahal kita Trev. “
Ikinasal sina Rufa Mae at Trevor noong 2016 at nagkaroon sila ng anak na si Athena. Early this year ay inamin ni Rufa Mae na naghiwalay na sila ng asawa, pero kasal pa rin dahil hindi naman sila nag-divorce.
Malamang pagdating ni Rufa Mae ng Amerika,, saka pa lang siya maglalabas ng official statement.
***

BINIGYAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng permit para sa pampublikong pagpapalabas ang tatlong pelikulang Pilipino.

Nangunguna rito ang “How To Get Away From My Toxic Family” na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo.  Ito’y mula sa OgieD Productions.

Ang pelikula ay rated PG (Parental uGuidance) at pwede itong panoorin ng mga batang edad 13 pababa basta’t may kasamanag magulang o nakatatanda.

Tungkol ito sa pamilya, pagsubok, at sakripisyo ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Rated PG rin ang pelikulang “Lasting Moments” na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at JM de Guzman sa direksyon ni Fifth Solomon. Kinunan sa Maynila at Singapore, tinatalakay ng pelikula ang mga hamon sa relasyon ng dalawang magkasintahan habang hinaharap ang buhay, pag-ibig at propesyon.

Samantala, ang psychological thriller na “P77” (kilala rin bilang Penthouse 77), na pinagbibidahan ni Barbie Forteza bilang isang dating OFW, ay umiikot sa nakakatakot nitong karanasan sa gusaling kanilang tinutuluyan. Ang pelikula ay rated R-13 (Restricted-13), angkop lamang sa mga edad 13 pataas.

“Ipinapakita ng mga pelikulang ito ang yaman ng kuwentong Pilipino at ang mga realidad sa buhay,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio. 

“Sa pamamagitan ng aming angkop na klasipikasyon, gusto namin na matulungan ang mga manonood, lalo na ang mga magulang, na makapili ng tama at angkop na pelikula para sa kanilang pamilya.”

Aprubado rin sa MTRCB ang pampublikong pagpapalabas ng mga sumusunod na banyagang pelikula:

– “Forever We Are Young,” isang documentary tungkol sa South Korean boy band na BTS, ay rated G (General Audience), puwede para sa lahat ng manonood.

– “The Bad Guys 2,” isang animated heist comedy, ay rated PG; at

– “I Know What You Did Last Summer” at “The Home,” parehong katatakutan, ay rated R-16 (Restricted-16) dahil sa tema, nakakatakot na eksena, at karahasan. Puwede lang sa edad 16 at pataas.

Noong nakaraang linggo, sa kabila ng malakas na ulan, ay naribyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Board ang apat na pelikula:  “Fantastic Four: First Steps” ng Marvel at ang Vietnamese horror-comedy na “The Ancestral Home” ay rated PG; Ang Korean horror film na “Incarnation” ay R-13; at ang lokal na pelikula na “Sunshine” ay may R-16.

Tiniyak naman ng MTRCB ang patuloy nitong pagsuporta sa mga lokal na pelikula habang pinangangalagaan ang kapakanan ng mga manonood sa pamamagitan ng responsableng pagpapalabas at angkop na klasipikasyon ng mga pelikula.

(ROHN ROMULO)