• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 4th, 2025

Crackdown sa online gambling apela ng mambabatas 

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMAPELA si House Deputy Speaker at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na tuldukan ang online gambling sa bansa dahil na rin sa paglaganap nito na sumisira sa pamumuhay ng pamilyang Pilipino at komunidad.
Sa isang statement, nagpahayag din ng pagkaalarma ang mambabatas sa tumataas na bilang sa pamilyamng naapektuhan ng online gambling, isyu ng moralidad, mental health, livelihood, at kinabukasan ng mamamayan.
“Mariin kong tinututulan ang patuloy na paglaganap ng online gambling sa ating bansa. Sa unang tingin, ito’y tila simpleng aliwan lamang—isang virtual na laro ng suwerte. Ngunit sa likod ng makukulay na graphics at mabilisang kita, libo-libong pamilya ang unti-unting nasisira,” ani Khonghun.
Ikinabahala din nito ang kadalian na ma-access ang iba’t ibang gambling platforms na nauwi sa pagkakalulong, kahirapan sa pera at pagkakapabaya sa pamilya.
“Hindi ito simpleng isyu ng moralidad—ito’y isang isyu ng kapakanan, kabuhayan, at kinabukasan… Ang online gambling ay tahimik na salot—sumisira, sumasakal, at nagpapahina sa pundasyon ng ating lipunan,” anang mambabatas.
Hhinikayat pa ni Khonghun ang mga government officials at regulators na agad gumawa ng aksyon laban dito.
“Bilang lingkod-bayan, tungkulin nating pigilan ang anumang uri ng sistemang nagpapayaman sa iilan kapalit ng pagkasira ng marami. Hindi natin kayang ipikit ang ating mga mata habang dahan-dahang nilalamon ng bisyo ang ating mga kababayan,” dagdag ng mambabatas. (Vina de Guzman)

Photo Caption

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ang pangalawang araw ng pagsasagawa ng 12th Implementation Support Mission (ISM) ng World Bank (WB) para sa Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT ng DAR sa Cagayan Valley. Susuriin ng naturang aktibidad ang mga kasalukuyang proyekto ng Project SPLIT, mga hamong kinaharap sa pagpapatupad nito, at sa huli ay ang pagbuo ng mga hakbang para mas mapabilis ang pamamahagi ng indibidwal na titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs).  ( BOY MORALES SR.)

Tatlong departamento ng gobyerno, pag-uusapan ang Lifeline Rate utilization

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG talakayin ng Department of Energy (DOE) kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno ang pagsama sa mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa Lifeline Rate program.
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, sa isinagawang post-State of the Nation Address (SONA) discussion sa San Juan City, araw ng Miyerkules na may 330,000 ng 4.5 million 4Ps beneficiaries ang kasalukuyang naka-enrol sa discounted power rate program.
Iniugnay ito ni Garin sa mga gulo sa paga-apply para sa subsidized electricity rate program, na sinadya para sa mga households na kumokunsumo ng mas mababa sa 100 kilowatt hours (kWh) kada taon.
At para mag-apply sa programa, ang kuwalipikadong power consumers ay kailangan na magsumite ng application forms sa kanilang distribution utility (DU), kasama ang identification card na may lagda at address na saklaw ng DU.
Samantala, kailangan namang kumuha ng non-4Ps beneficiaries ng sertipikasyon mula sa kanilang lokal na Social Welfare and Development Office (SWDO) na magpapatunay na kabilang sila sa sambahayan na mababa sa ‘poverty threshold.’
Sinabi pa ni Garin na maliban sa mga nasabing dokumento, kailangan din ng mga aplikante na gumastos para sa kanilang pamasahe papuntang DUs.
Ayon sa Kalihim, pag-uusapan ng DOE at National Electrification Administration (NEA) kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga paraan para awtomatiko isama ang mga 4Ps beneficiaries at iyong nasa Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) para sa program.
“So pag-u-usapan po naman ang sistema para mapalawak po ang coverage ng lifeline rate,” ang sinabi ni Garin.
Sa ika-apat na State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inanunsyo ng Chief Executive ang pagpapalawak ng Lifeline Rate para mas maraming pamilyang mababa ang kita, hindi lamang mga benepisyaryo ng 4Ps.
“Habang inaayos natin ang kumplikado nating sistema ng enerhiya sa bansa upang mai-pababa ang presyo, pinapalawig pa natin ang Lifeline Rate,” ani Pangulong Marcos.
“Bukod sa mga miyembro ng 4Ps, kasama na rin ngayon ang mga pamilyang nasa listahanan na maliit lamang ang kinikita at ang konsumo naman ay hindi lumalagpas sa ‘lifeline rate,”‘ dagdag pa niya.
Basta’t pasok sa itinakdang konsumo, maaari na rin silang makinabang sa diskwento sa kuryente.
“Kasama na rin ang mga pamilyang nasa listahan ng mga low-income earners na hindi lumalagpas sa lifeline rate,” ayon sa Pangulo.
Ipinapromote din ng gobyerno ang Net Metering Program na nagbibigay-daan sa mga kabahayan na gumamit ng renewable energy gaya ng solar panels upang makatipid sa kuryente.
Samantala, ang Lifeline Rate ay isang subsidized rate para sa mga kwalipikadong mahihirap na pamilya, at isa lamang service account kada household ang pinapayagang makinabang. ( Daris Jose)

Lt. Gen. Antonio Nafarrete, itinalaga bilang Army chief

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Lieutenant General Antonio Nafarrete bilang bagong commanding general ng Philippine Army.
Sa katunayan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang change of command ceremony sa Taguig City, Huwebes ng umaga.
Pinalitan ni Nafarrete si Lieutenant General Roy Galido, pinagkalooban ng Presidential Legion of Honor Award bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo at dedikasyon sa panahon ng kanyang liderato.
Si Nafarrete ay nagsilbi bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command (WESMINCOM) noong November 2024.
Pinamunuan din niya ang 1st Infantry Division at ang Joint Task Force Zampelan ng WESMINCOM, at humawak ng iba’t ibang leadership position sa 1101st Infantry Brigade, 11th Infantry Division, at maging sa Office of the Deputy Chief of Staff for Operations, J3, AFP.
Samantala, kapwa naman nagtapos sina Nafarrete at Galido sa Philippine Army chief sa Philippine Military Academy (PMA) “Bigkis-Lahi” Class of 1990. ( Daris Jose)

PAGPUPULONG NG MGA KATIPUNEROS,  GINUNITA SA CAVITE

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA KAUNA-unahang pagkakataon, ipinagdiwang ang ika -127 Anibersaryo ng “Pagpupulong ng mga Kaputineros”
na ginanap sa Bahay na Tisa, Cuenca House  sa Bacoor City Cavite.
Ang  Bacoor Assembly ay naganap noong August 1 1898 sa Bacoor Cavite  kung saan ang 1 August Acta de Independencia  ay nilagdaan ng mga pinunong sibiko na higit  sa 186  na mga pinuno mula sa 16 na probinsiya  na  pumirma sa naturang pahayag.
Ang 16 na lalawigang ito ay nagpadala ng kanilang  mga demokratikong halal na pinuno  ss assemblea upang patunayan  kay Pangulong Aguinsldo  na ang isang malaking bahagi ng bansa  ay nagkakaisa sa bisyon at pamahalaan.  Ito ay pinangunahan nina  President Emilio Aguinaldo  at Apolinario Mabini.
Sinabi ni 1st District Representative Lanie Mercado -Revilla na  mahalaga ang pag-alala sa kasaysayan  katulad  ng lihim na pagpupulong sa Bacoor Cavite sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Ayon pa kay Revilla,  ito rin ang kauna-unahang pagdiriwang na ginanap sa Bahay na Tisa matapos mapirmahan ng mismong may -akda na si Sen Loren Legrada na siya ring pangunahing pandangal sa nasabing okasyon  at nag-alay ng bulaklak  sa harapan ng lumang bahay.
Paliwanag naman ng  National Historical Commission of the Philippines, na sa Acta, ang pagdedeklara ng Kalayaan ng Pilipinas ay pinagtibay hindi lamang bilang isang tagumpay sa larangan ng militar kundi, at kasinghalaga rin bilang isang gawaing sibiko.
Bagama’t ang  paggunita sa Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo ay nananatiling makapangyarihan at simbolikong paggunita ng kasaysayan, ito ay kalauna’y pinagtibay at pinalawak ng Acta de Independencia, na nagbukas ng mas malawak na sibikong pakikilahok. Ito ang nagbigay daan upang magkaroon ang deklarasyon ng mas pormal at mas inklusibong saligan.
Kasama rin sa programa sina Chair Regalado Trota Jose Jr ng National Historical Commission, Kinatawan  ng ikalawang distrito  ng Cavite na si Lani Mercado Revilla, Tagapangulo ng NCCA na si Victorino Mapa Manalo, Alkalde ng lungsod ng Bacoor na si Strike Revilla at Bise Alkalde Rowena Bautista – Mendiola . ( Gene  Adsuara)

Lalaki na wanted sa panggagahasa sa bata sa Valenzuela, laglag sa selda

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SHOOT sa selda ang isang lalaki na akusado sa panggagahasa sa isang menor-de-edad matapos makorner ng tumutugis na mga pulis sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Gerson Bisayas ang naarestong akusado na si alyas “Papa Joey”, 35.
Ayon kay Col. Bisayas, si alyas Papa Joey ay parehong nakatala bilang No. 5 Top Most Wanted Person sa NPD at Valenzuela CPS kaya iniutos niya sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa akusado.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Lingunan, agad silang nagkasa ng operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Papa Joey dakong ala-1:10 ng hapon sa Francisco Street, sa naturang barangay.
Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City para sa 2 counts of Rape under Article 266-A Paragraph 1(d) of the Revised Penal Code and violating Section 10(a) of R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) na walang inirekomendang piyansa.
Ang operation ay naidokumento gamit ang Body-Worn Camera, alinsunod sa pangako ng PNP na transparency at accountability.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Pinuri naman ni PGen. Protacio ang pagsisikap ng arresting team: “This arrest demonstrates our unrelenting commitment to justice and public safety. Our operatives, along with our partner agencies, continue to work tirelessly to locate and apprehend individuals who attempt to evade the law.” pahayag niya. (Richard Mesa)

Kelot, kulong sa baril sa Caloocan

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 25-anyos na kelot matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-Station (SS2) na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril si alyas “Jokwa” kaya nag-apply sila ng search warrant sa korte.
Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 124 para sa paglabag sa R.A 10591, agad sinalakay ng mga tauhan ni Col. Goforth ang bahay ng suspek.
Sa harap ng mga witnessed mula sa elected barangay official at media representative, hinalughog ng mga tauhan ng SS2 ang bahay ng suspek sa Brgy., 120 kung saan nakuha nila ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Nang walang naipakita na mga dokumento hinggil sa ligaledad ng naturang baril, inaresto ng mga pulis ang suspek dakong ala-1:20 ng hapon.
Ayon sa pulisya, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Section 28 ng R.A 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni P/BGen. Jerry Protacio, Acting District Director ng Northern Police District, ang kasipagan at professionalism ng arresting teams na binibigyang-diin ang kanilang hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)

NHA, NAGBIGAY NG TULONG PINANSYAL PARA SA MGA PAMILYANG NAGING BIKTIMA NG KALAMIDAD

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng P200,000 Emergency Housing Assistance Program (EHAP) para sa 20 pamilyang naging biktima ng kalamidad, sa katatapos lang na “LAB for All” Caravan sa Malabon Sports Complex.
Bilang patuloy na tugon sa pangangailangan ng publiko, pinangunahan ni General Manager Joeben A. Tai ang delegasyon ng NHA sa pamamahagi ng paunang tulong. Binigyang-diin din ni GM Tai ang agarang pagbibigay ng ahensya ng mas malawak na paglingap kapag natapos na ang pangongolekta ng datos mula sa lokal na pamahalaan.
Alinsunod sa bisyon ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang inisyatiba ay nagpapakita ng dedikasyon ng NHA na maghatid ng mabilis at naaayong tulong patungkol sa pabahay, upang masiguro na walang pamilyang Pilipino ang maiiwan sa panahon ng kalamidad.
Naglatag din ang NHA ng housing assistance desk sa caravan upang tumugon sa mga katanungan tungkol sa mga programang pabahay, mga alalahanin sa pagbabayad at maging ang eligibility requirements upang ma-avail ang iba’t ibang serbisyo ng ahensya.
Ang pamamahagi ng EHAP ay bahagi ng LAB for All: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat program ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, na naglalayon na pagsama-samahin ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno, kabilang ang tulong medikal, panlipunan, at pangkabuhayan.
Highlight din ang “On Wheels Assistance for the Malabueños”, na isang local initiative ng Malabon City na naglalayong magbigay ng mobile access sa mahahalagang serbisyo ng lungsod.
Naging matagumpay ang kaganapan dahil na rin sa suporta mula sa iba’t ibang national at local agencies, na kinabibilangan nina Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Jose Francisco Benitez, Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta, at Dr. Charlie Ho ng Integrated Philippine Association of Optometrists. Malugod silang tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, na naging co-host ng caravan.
Dumalo rin ang iba pang ahensya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Migrant Workers (DMW), Land Transportation Office (LTO), Senate Public Assistance Office, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Development Bank of the Philippines (DBP), GoNegosyo, at iba pa mula sa pribadong sektor. (PAUL JOHN REYES)

Utang ng Pinas, lampas na sa P17 trillion nito lamang June 2025

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
LUMAMPAS na sa P17-trillion mark na naitala nitong Hunyo ang kabuuang utang ng Pilipinas dahil sa mataas na local borrowing para mapunan ang tinatawag ng fiscal shortfall.
Makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr) na ang ‘total outstanding debt’ ay P17.267 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, tumaas ng 2.1% mula P16.918 trillion noong Mayo, at 11% na mas matas kaysa sa P15.483 billion noong June 2024.
Sinabi ng BTr na ang pagtaas ay dahil sa “strong investor demand for government securities, with P11.950 trillion worth of domestic borrowings during the month—P886.478 billion in treasury bills, and P11.063 trillion in treasury bonds.”
“This strategy is consistent with the government’s goal to boost the local capital market while lowering foreign exchange risks and building investor trust in Philippine-issued securities,” ang nakasaad sa kalatas ng BTr.
Pumalo naman sa P5.316 trillion ang external debt, tumaas ng 3.5% mula sa P5.138 trillion sa nakalipas na buwan.
Kabilang dito ang P2.602 trillion sa mga pautang, at P2.714 trillion sa external debt securities.
Pinawi naman ng BTr na kahit na tumaas ang utang ay nananatiling sustainable pa rin ang gobyerno.
“The national government’s prudent debt management approach strategy reflects the Marcos Jr. administration’s commitment to safeguarding fiscal sustainability, supporting inclusive growth, and ensuring that every peso borrowed is used to build a stronger economy for the Filipino people,” ayon sa BTr.

34 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan

Posted on: August 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
UMABOT sa 34 pamilya ang nawalan ng tirahan habang 15 residente naman ang napaulat na sugatan sa naganap na sunog na tumupok sa may 70 kababayan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. 160 East Libis Baesa, dakong alas-10:35 ng gabi sa hindi pa matukoy na dahilan na mabilis kumalat sa mga kahabayan na karamihan ay pawang mga gawa lamang sa kahoy.
Sa bilis ng paglaki ng apoy, karamihan sa mga residente ay nataranta na sa pagkukumahog na mailigtas ang mahahalagang gamit na naging dahilan upang karamihan sa kanila ay nagtamo ng bahagyang paso sa katawan habang ang ilan ay nakatapak ng matatalim at matutulis na bagay.
Aminado ang Caloocan Burau of Fire Protection (BFP) na nahirapan sila sa pag-apula kaagad ng apoy dahil hindi makapasok ang kanilang mga firetruck sa maliit na lansangang patungo sa lugar.
“Kaya po ang nangyari, halos karamihan ng mga fire trucks, dito na lang naka-puwesto sa may NLEX at pinagdugtong-dugtong na lamang ang fire hose para kaagad maapula ang apoy,” pahayag ng Comander ng Talipapa Fire Station.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago na-kontrol ng mga bumbero ng alas-12:17 hanggang tuluyang ideklarang fire out ng alas-12:41 na ng madaling araw ng Linggo.
Pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Brgy. 160 ang apektadong mga pamilya habang wala naman napaulat na nasawi sa sunog na tumupok sa tinatayang P500,000.00 halaga ng mga ari-arian habang inaalam pa ang pinagmulan ng nito. (Richard Mesa)