• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng Pinas, lampas na sa P17 trillion nito lamang June 2025

LUMAMPAS na sa P17-trillion mark na naitala nitong Hunyo ang kabuuang utang ng Pilipinas dahil sa mataas na local borrowing para mapunan ang tinatawag ng fiscal shortfall.
Makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr) na ang ‘total outstanding debt’ ay P17.267 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, tumaas ng 2.1% mula P16.918 trillion noong Mayo, at 11% na mas matas kaysa sa P15.483 billion noong June 2024.
Sinabi ng BTr na ang pagtaas ay dahil sa “strong investor demand for government securities, with P11.950 trillion worth of domestic borrowings during the month—P886.478 billion in treasury bills, and P11.063 trillion in treasury bonds.”
“This strategy is consistent with the government’s goal to boost the local capital market while lowering foreign exchange risks and building investor trust in Philippine-issued securities,” ang nakasaad sa kalatas ng BTr.
Pumalo naman sa P5.316 trillion ang external debt, tumaas ng 3.5% mula sa P5.138 trillion sa nakalipas na buwan.
Kabilang dito ang P2.602 trillion sa mga pautang, at P2.714 trillion sa external debt securities.
Pinawi naman ng BTr na kahit na tumaas ang utang ay nananatiling sustainable pa rin ang gobyerno.
“The national government’s prudent debt management approach strategy reflects the Marcos Jr. administration’s commitment to safeguarding fiscal sustainability, supporting inclusive growth, and ensuring that every peso borrowed is used to build a stronger economy for the Filipino people,” ayon sa BTr.