• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2025

Robert Francis Prevost napili bilang kauna-unahang American Pope

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAPILI bilang bagong Santo Papa si Cardinal Robert Prevost.
Ang 69-anyos na si Prevost ay siyang kauna-unahang American pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.
Papangalan siya bilang Pope Leo XIV na siyang magiging ika-267th na Santo Papa.
Si Pope Leo XIV ay ipinanganak noong Setyembre 14, 1955 sa Chicago, Illinois.
Taong 2023 ng italaga siya ni Pope Francis bilang prefect of the Dicastery for Bishops at pangulo ng Pontifical Commission for Latin America.

FIFA ipinakita ang mga venue ng 2027 Women’s World Cup

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAKITA na ng FIFA ang lugar kung saan gaganapin ang 2027 Women’s World Cup sa Brazil.
Isa sa mga napili ay ang Maracana stadium sa Rio de Janiero.
Kabilang din ang mga lugar na Belo Horizonte, capital Brasilia, Fortaleza, Porto Alegre, Recife, Salvador at Sao Paulo .
Lahat aniya ng mga stadium na nabanggit ay ginamit na noong 2014 men’s World Cup kung saan host din ang Brazil.
Sa Maracana stadium ay doon tinalo ng Germany ang Argentina sa extra time.
Sinabi ni FIFA secretary general Mattias Grafstrom, na ang nasabing sports ay lumalaki sa Brazil kung saan inaasahan nila na marami pa ang magkakainterest dito.

Pinas, muling nanawagan para sa ‘total elimination’ ng nuclear weapons 

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULING nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas para sa “total elimination” ng nuclear weapons.
Sa katunayan, hinikayat nito ang lahat ng mga estado na isantabi ang “narrow interests” at suportahan ang global disarmament.
Ang panawagan ay isinagawa sa general debate ng 3rd Session ng the Preparatory Committee for the 2026 Review Conference of the Parties to the Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT) noong April 28 sa New York City.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na committed ang Pilipinas sa mga layunin ng NPT na pigilan ang paglaganap ng nuclear weapons habang pino-promote ang pagtutulungan sa mapayapang paggamit ng nuclear energy.
“The Philippines reaffirmed its commitment to these objectives, highlighting that the treaty remains the cornerstone of the global nuclear disarmament and non-proliferation architecture,” ayon sa DFA.
Sa kabilang dako, inihayag ni DFA Undersecretary Charles Jose ang Philippine statement sa general debate at binigyang diin ang madaliang “time-bound, phased, and verifiable program for the total elimination of nuclear weapons, and the provision of legally binding security assurances to Non-Nuclear-Weapon States.”
“Precisely because we live in a time of geopolitical instability, we must rally behind the NPT and the grand bargain it represents. The Treaty must be preserved, strengthened, and meaningfully implemented,” aniya pa rin.
Nagsalita si Usec. Jose sa ngalan ng Non-Proliferation Disarmament Initiative (NPDI), nagpahayag ng alalahanin ukol sa napaulat na pagtaas ng nuclear warheads s abuong mundo.
“Put simply, the world is now heading in the wrong direction,” ang babala nito.
Matatandaang, muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang posisyon ng Pilipinas na kontra sa paglaganap ng nuclear weapons, alinsunod sa national policy na may international commitments.
Sinabi ng DFA na ipagpapatuloy ng gobyerno na bigyang-diin ang kahalagahan ng ‘multilateral cooperation, dialogue, at legally binding instruments’ para makamit ang world free ng nuclear weapons.
Ang 3rd NPT PrepCom ang pinal na sesyon bago ang 2026 Review Conference, kung saan ang mga states parties sa tratago ay to the treaty in-assess ang implementasyon ng NPT.
Ang sesyon ay tatakbo mula April 28 hanggang May 9. (Daris Jose)

PNP target zero violence sa 2025 midterm elections

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ZERO violence sa 2025 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na target nila limang araw bago ang halalan.

Ayon kay Marbil, hangad nila ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng halalan sa buong bansa.

Sa pagbubukas ng National Election Media Action Center (NEMAC), sinabi ni Marbil na layon nila na makamit ang “zero violence” sa buong panahon ng halalan.

Mahigpit ang direktiba ni Marbil sa lahat ng police commanders na bumaba sa mga komunidad at gamitin ang lahat ng kanilang resources upang hadlangan ang mga tao o grupo na magtatangkang maghasik ng kaguluhan sa eleksyon.

Nagbabala rin si Marbil na sasampahan ng kaso ang sinumang pulis na mapapatunayang nagpabaya sa kanilang tungkulin ngayong halalan.

Que ransom case isang ‘serious national security threat’

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBABALA  si Surigao  del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang laundering ng ransom money na ibinayad sa Anson Que kidnapping case sa pamamagitan ng junket operators, e-wallets at cryptocurrency platforms ay lumilitaw na isang  “deep and alarming national security threat.”
“This is no longer just about ransom—it’s about a vast shadow economy of crime that’s infiltrating and abusing our financial system,” ani  Barbers, chairman ng  House Committee on Dangerous Drugs at Quad Comm, na nagsagawa ng imbedtigasyon sa bugso ng  criminal operations na may kaugnayan umano sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na namayagpag sa panahon ni dating Duterte administration.
“What we’re dealing with is a deeply entrenched network of foreign syndicates using the Philippines as a safe haven for financial crimes,” dagdag ni Barbers.
Pinapurihan din ni Barbers ang PNP, sa ilalim ng pamunuan ni Gen. Rommel Francisco Marbil, sa naging breakthrough sa pagkadiskubre sa  money trail at pagbubunyag sa malawak na  laundering scheme.
“We thank the PNP for its relentless efforts in unmasking this operation. Their work is crucial in the Marcos administration’s fight against transnational syndicates,” dagdag nito.
Sinabi nito na ang kaso ay nagpapakita kung papaano nakakapag-adopt ang mga criminal syndicates sa paggamit ng digital tools at mahinang regulations para sa transnational operations.
Sinabi ng PNP na ang  ransom money ay idinaan sa pamamagitan ng dalawang  junket operators bago ito ipinamahagi sa10 e-wallets, na pawang pekeng pangalan.
Ang pondo ay ginawang cryptocurrency, kaya mas mahirap na itong bawiin at i trace.
Isa sa mga e-wallets na ginamit ay pag aari umano ng isang Chinese national na naaresto kamakailan dahil sa kasong espionage, ayon sa  Anti-Money Laundering Council.
“These are not isolated incidents. Junkets and POGOs have become channels for money laundering, kidnapping, and possibly even espionage,” dagdag ni Barbers.
Nagbabala si Barbers na ginagamit ng mga  organized crime groups ang  digital finance infrastructure, kabilang na ang hindi sapat na pagpapatupad ng  Know-Your-Customer o KYC regulations sa mga e-wallet at virtual asset providers. (Vina  de Guzman)

Malaki ang maitutulong sa showbiz ‘pag nanalong senador: BENHUR, nagulat sa pag-eendorso ni VICE GANDA kaya labis ang pasasalamat

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAMIN ni Senatorial candidate Atty. Benjamin ‘Benhur’ Abalos na nagulat siya sa pag-eendoso sa kanya ni Vice Ganda.
Sa isinagawang media con na pinatawag ng Regal Entertainment producers na, sina Roselle at Keith Monteverde sa 38 Valencia Events Place sinabi ito ng dating DILG secretary.
“Parang si Vice hindi basta-basta nag-e-endorse eh. Ano siya eh, very miticulous, namimili. Kaya I’m very thankful for that (pag-endoso). Isipin mo 16 million views, I think close na sa 17 million views ang kanyang page.
“At this point gusto ko rin pasalamatan sina Jake Cuenca, Ai Ai delas Alas, Priscilla Meirelles, Bea Santiago, at ‘yung aking kamag-anak si Jason Abalos. Bawat isa sa kanila ay tumulong talaga sa pagtakbo ko.”
Hindi pa raw nakakaharap ng personal ni Abalos si Vice kaya naman inihayag niya ang pasasalamat sa naturang press conference.
“Vice maraming salamat ha sa ginawa mo. It’s a simple 30 seconds pero very catchy. Nagulat din ako. Talagang very catchy, very true.
“Sandaling segundo ‘yun. It caught a lot of attention and parang binigyan ako ng second look ng mga tao tuloy.
“Nag-search sila sa akin, tiningnan ako, kung sino ako? It means a lot.  Maraming salamat Vice Ganda,” emosyonal na pahayag pa niya.
Dagdag pa niya sa kanyang nararamdaman, “who would not be emotional? Even my journey has been quite difficult and very challenging. But these last two days lahat ng blessings pumapasok. And recently, kusa, sabi ko nga ‘yung mga nag-eendorse sa akin, ‘sigurado kayo?’ And sabi nila, ‘yes.’
“I’m very thankful right now for all of these. Walang pinag-usapan, para bang surprise birthday party para sa iyo eh, parang ganoon. The last day of campaign is tomorrow after that tapos na po. And this is very critical time at maraming-maraming salamat talaga,” sambit pa ni Abalos.
At sakaling manalo bilang senador si Abalos, natanong sina Roselle at Ms. Boots Anson-Rodrigo kung ano ang hihilingin nila rito para sa showbiz?
Sagot ni Roselle, “more than the industry, ang talagang may kailangan talaga ng tulong is ang buong bansa at iyon muna ang unahin natin.
“At naniniwala ako na si Sen. Abalos ay subok na sa serbisyo. Subok na ‘yan sa maraming natulungan at nagawa noong siya pa ay mayor, chairman ng MMDA, ay saka DILG. At naniniwala ako sa kanyang kakayahan.
“Siya ang kailangan natin sa senado at siya talaga ang iboboto natin. Iboboto ko siya sa Lunes. Kaya mag-isip naman tayong mamamayan kasi kailangan na natin ng progreso.
“Napag-iiwanan na tayo ng maraming bansa sa Asia. So, kailangan talaga natin ng isang taong marunong tumupad at marunong magserbisyo sa ating bansa,” giit pa ni Ms Roselle.
Pangako naman ni Abalos, pag-upong-pag-upo niya bilang senador aniya, “ginawa ko na ito 20 years ago when I was a congressman. Uunahin ko ang koryente natin na alisan ng tax o buwis. Twenty years ago tinayuan ko, tinutulan ko ang pagpatong ng buwis.
“Bakit? Once tumaas ang kuryente, tataas ang tubig, bilihin. Lahat tataas. Tataas ang overhead, mawawala ang mga kompanya, lilipat ng ibang bansa.
“Past forward 2025, pangalawa tayo sa pinakamahal na kuryente sa buong Asean Region.”
“On record, ipinapangako ko, babawasan natin ito kung kailangan natin tanggalin, aalisin natin. Kung bakit? Once bumaba ang kuryente, datami ang manufacturing firms, ‘yung sinasabi nilang industrialization dadami ang trabaho at gagaan ang pagbayad ng bawat Pilipino.”
Sinabi naman ni Ms Boots, “even before na nag-serve si Sen Abalos as chairman of MMDA at lalong-lalo na nang pumasok siya sa DILG, alam na niya ang mga problema natin (showbiz industry). Even sa MMFF before every year umaabot iyon sa kanya, itong nakaraang dalawang taon hindi lang very active kahit hindi na siya ang MMFF head, si Sen Abalos remain very very relevant and concern about specifically taxation in the industry kaya hindi ko makakalimutan … pati mga foreign counterparts hindi lamamg hihinto sa exemption o reduction ng amusement taxes during the Metro Manila Film Festival and all year round kung aalisin ang taxation na ‘yan o mababawasan para sa kapakanan ng mga producer.”
Sa pagharap ni Benhur Abalos sa entertainment media ay sinuportahan din siya nina MMDA Chairman Romando Artes, Dondon Monteverde, direk Perci Intalan, Nico Antonio at Phoebe Walker.
(ROHN ROMULO)

Ads May 10, 2025

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments