• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 5th, 2025

VP Sara, ‘panatag’ kung anuman ang kalalabasan ng impeachment trial na isinampa laban sa kanya

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI NI Vice President Sara Duterte na ‘panatag’ siya anuman ang kalalabasan ng impeachment trial na inihain laban sa kanya na pansamantalang nakatakdang magsimula sa Hulyo 30.

“As I said on the stage earlier, I will not talk about my impeachment because people might think that this is about my interests. I told them that you just leave the impeachment to me and I am at peace, I am at peace whatever the outcome of the impeachment trial will be, whether I may be acquitted or guilty, I already accepted that, the two possibilities,” ang sinabi ni VP Sara sa sidelines ng campaign event ng mga lokal na kandidato sa Zamboanga City.

Matatandaang noong Pebrero 5 ay inaprubahan ng House of Representatives ang impeachment laban kay Duterte at sa Hunyo naman posibleng simulan ng Senado ang paglilitis.

Kung matatalo naman si VP Duterte sa impeachment case sa Senado, hindi lang ito matatanggal sa puwesto, bawal na rin siyang tumakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno.

Sa kabilang dako, sinabi ni VP Sara na ang nalalapit na impeachment trial ay hindi lamang tungkol sa kanya, “This is about politicians and the administration promising to the people that they will deliver genuine public service.”

Samantala, kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema ang vali­dity at constitutionality ng ikaapat na impeachment complaint na inihain laban sa kanya.

Nabatid na naghain ang kampo ng bise presidente ng petition for certiorari and prohibition with urgent application of temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction sa Supreme Court (SC) hinggil dito.

Layunin ng petisyon na humingi ng ‘judicial intervention’ mula sa Korte Suprema at harangin ang impeachment complaint laban sa bise presidente. (Daris Jose)

PCO, lilikha ng interagency task force para labanan ang ‘fake news’

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na lilikha ito ng interagency task force para labanan ang ‘online misinformation at disinformation’ lalo na sa social media.

Sa katunayan, nakipag-ugnayan na si PCO Secretary Jay Ruiz sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at Department of Justice para bumuo ng balangkas upang mapilitan ang social media platforms na labanan ang disinformation.

“I hope this forum will be done on a regular basis so that we can work together. Kasi when you say you’re running different horses o iba-iba ang sagwan natin ay walang mangyayari,” ayon kay Ruiz sa “The War on Truth: A Consultative Forum,” itinaon sa paglulunsad ng Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) ng PNP at Camp Crame sa Quezon City.

Sinabi ni Ruiz na ang fake news ay isang national security concern.

“Pero sa pagkaka-isa ng bawat ahensya ng gobyerno tungo sa paglaban sa fake news, sigurado po may mangyayari kasi this is the clear and present danger we have now to address,” ang sinabi ni Ruiz sabay sabing “It is not the question of freedom of speech, ngayon po ay national security concern na po itong fake news.”

Aniya, mapipilitan ang social media platforms na alisin ang mga materyales na nagbibigay at nagpapakalat ng mali at malisyosong impormasyon.

Kabilang na rito ang paglikha ng regulatory body para sa social media, kahalintulad sa Movie and Television Review and Classification Board na pinangangasiwaan ng entertainment industry.

“Papaano kung ‘yung pinakalat mong information, nagdulot na ng matinding kasamaan sa lipunan? Hindi ba pwedeng tawagin na itong mga cyberterrorist ? It’s a perception game. So, we have to win that perception. We have to have that legal basis na, kapag sinabing fake ‘yan, agad susunod ‘yung mga platforms,” diing pahayag nito.

Para naman kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, mahalaga ang pagtutok sa mga digital na kasinungalingan.

“Hindi lang tayo nakaharap sa misinformation. Ngayon, may tatlong uri ng kasinu­ngalingan, malinformation, disinformation, at misinformation na may malalim na epekto sa ating bansa at hindi ito mga simpleng pagkakamali; ito ay mga hakbang na ginawa para linlangin at paghiwalayin tayo,” ani Marbil.

Pinagtibay ni Marbil ang pangako ng PNP na protektahan ang katotohanan hindi sa pamamagitan ng pagsupil sa kalayaan ng pagpapahayag, kundi sa pagprotekta nito laban sa maling impormasyon.

“Hindi natin pinipigilan ang kalayaan sa pagsasalita. Pinoprotektahan natin ito mula sa mga kasinungalingan,” dagdag pa nito.

Inihayag ni Marbil ang buong suporta sa JAFNAC na siyang tungkulin at hakbang upang protektahan ang demokrasya, tiwala ng publiko, at pambansang kapayapaan.

Nilinaw nito, ang inisyatiba ay hindi para labanan ang kalayaan sa pagpapahayag kundi ay para labanan ang maling impormasyon.

Nanawagan din ito sa lahat ng stakeholders na maging tagapagtanggol ng katotohanan at responsable sa komunikasyon.

Ang PNP ay patuloy na magsusulong ng katotohanan at responsableng paggamit ng digital na teknolohiya, alinsunod sa layunin ng Pangulo na magkaroon ng mas ligtas at mas maalam na bansa. (Daris Jose)

Senior Citizens Commissioner sinibak ng Malakanyang

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pagbibigay ng mga bonuses sa mga hindi kuwalipikadong personnel, sinibak ng Malakanyang si National Commission for Senior Citizens (NCSC) Commissioner Reymar Mansilungan.

Ang dismissal order ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos mapatunayan ang mga reklamo laban kay  Mansilungan.

Kabilang sa mga reklamo na nakasaad sa dismissal order ang  ­serious dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sinabi ni Bersamin na dapat manatiling ­tapat ang mga opisyal at kawani ng gobyerno at sumusunod sa ­mandatong nakapaloob sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Mahalaga rin aniya ang integridad sa mga nasa gobyerno at walang puwang ang sinoman na gumagawa ng dishonesty.

“Reymar R. ­Mansilungan is hereby found administratively ­liable for serious ­dishonesty, grave misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of the service and meted out the penalty of DISMISSAL from the service with all its accessory penalties,” nakasaad pa sa desisyon ni Bersamin.

Naunang sinuspinde ni Bersamin si ­Mansilungan noong Pebrero 2024 dahil sa reklamong isinampa ng isang Miguelito Garcia tulad ng misrepresentation ng kaniyang educational background sa kaniyang aplikasyon bilang NCSC Commissioner at ­ginamit umano ang pera ng gobyerno para umupa ng opisina sa Lucena City subalit natuklasang residential building at walang opisyal na ­ resibo. (Daris Jose)

PPCRV, nangangailangan ng volunteers para sa Eleksiyon 2025

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANGANGAILANGAN  ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng mas maraming volunteers upang makatulong nila sa isasagawang pagbabantay sa May 12, 2025 National ang Local Elections (NLE).

Ayon kay PPCRV national coordinator Arwin Serrano, sa ngayon ay mayroon na silang 350,000 volunteers na nagpahayag ng kahandaang tumulong sa halalan. Gayunman, kailangan pa aniya nila ng mas maraming ­volunteers.

Aniya, ang mga interesadong mag-volunteer ay kailangan lamang na magpalista sa pinakamalapit na Katolikong parokya sa kanilang lugar.

Nilinaw naman ni Serrano na hindi kuwalipikasyon ang relihiyon sa pagiging volunteer dahil ang kailangan lamang nila ay yaong non-partisan.

“Hindi ninyo kinakailangang maging Katoliko. Welcome po kami for all kinds of religion basta’t siguraduhin lamang na non-partisan po kayo sa inyong pagnanais na mag-volunteer sa PPCRV,” ani Serrano sa isang pulong balitaan.

Ang PPCRV ay isang election watchdog, na binigyan ng Commission on Elections (Comelec) ng akreditasyon upang maging citizen’s arm nila sa midterm polls.

Ads May 5, 2025

Posted on: May 5th, 2025 by @peoplesbalita No Comments