HINDI inisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magdeklara ng national state of calamity sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon.
Sa isang ambush interview sa Bacolod City, araw ng Lunes, sinabi ng Chief Executive na maaaring maramdaman ang epekto ng phenomenon subalit hindi naman ito mapanganib.
”Ang katotohanan niyan lahat maaapektuhan, ngayon gaano kalala ang magiging effect ng El Niño… It’s really, ang mga probinsya sa western side na… Western Luzon tapos dito Region 6. So those are the areas na nagde-declare ng calamity but the other areas, although ramdam pa rin, hindi naman critical,” ayon kay Pangulong Marcos.
”As a matter of fact, kasi naglagay nga tayo ng mga dam, patuloy na inaayos ang ating irigasyon, we should and we are trying to find new techniques of planting. We are harvesting more palay now than we are last year, that’s despite the El Niño, so it’s taking effect,” dagdag na wika nito.
Tinatayang nasa 18 local government units (LGUs) na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng nagpapatuloy na El Niño phenomenon.
Sa kabilang dako, batay sa pinakabagong report, ipinakita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang mga apektado ng LGUs ay ang 11 bayan sa lalawigan ng Occidental Mindoro
1. Bulalacao, Oriental Mindoro
2. Mandalay, Oriental Mindoro
3. San Vicente, Palawan
4. San Andres, Romblon
5. Mayoyao, Ifugao
6. Sinaloa, Antique
7. Zamboanga City
Base naman sa data mula sa Department of Agriculture (DA) na ang pinsala at pagkalugi sa agriculture sector dahil sa nakapapasong init ay tumama sa mahigit sa P2.63 bilyong piso.
Samantala, sinabi ni Presidential Communication Office Assistant Secretary Joey Villarama, tagapagsalita ng Task Force El Niño na mas maraming indibiduwal na lungsod at munisipalidad ang nagpahayag ng kanilang interest sa deklarasyon subalit “still need to fulfill the criteria to declare a state of calamity.”
Hindi pa inirerekomenda ng Office of the Civil Defense (OCD) ang pagdedeklara ng state of calamity sa Pilipinas dahil sa El Niño.
Ito ay kahit na inaasahang mararanasan ng mahigit 50 probinsiya ang matinding tagtuyot sa mga susunod na buwan.
Paliwanag ni OCD Administrator USec. Ariel Nepomuceno na sa ngayon nasa 20 probinsiya ang nakakaranas ng mahigpit na tagtuyot at inaasahan na sa buwan pa ng Abril posibleng titindi ito. Sinabi din nito na magkakaiba ang sitwasyon sa bawat probinsiya.
Ginawa ni Nepomuceno ang naturang pahayag kasabay ng kaniyang pagbisita sa Oriental Mindoro kung saan ang nagdeklara na ng state of calamity sa may bayan ng Bulalacao dahil sa El Nino.
(Daris Jose)
LARGA na ang 44 health centers ng lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Pertussis na karaniwang tumatama sa mga sanggol o bata.
MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa na taunang outreach program.
NAGBUBUNGA na ang mga nakuhang investments ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa kaniyang mga biyahe sa abroad.
SA GITNA ng darating na crackdown sa mga traditional jeepneys, ang mga drivers at operators ay nagbantang maglulungsad na naman ng isang welgang bayan sa Metro Manila habang padating ang deadline sa April 30 upang sila ay sumunod sa consolidation sa ilalim ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.
NAILIPAT na sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas ang nasa 364 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na mga senior citizens at may karamdaman.
FEW days ago ay isinulat na namin although blind item ang sinasabing nagdadalang-tao na raw ang maganda at magaling na aktres at kapatid ni Cong Arjo Atayde na si Ria Atayde.
ISANG lalaki na nanggulo at nambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril ang bitbit ng pulisya sa selda sa Caloocan City.
HINDI na nakalabas ng kulungan ang isang babaeng dadalaw lang sana sa nakakulong niyang kinakasama matapos mabisto ng babaeng jail officer ang shabu na itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan sa Caloocan City.