• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 8th, 2024

PBBM, ipinag-utos ang adopsyon ng Nat’l Cybersecurity Plan 2023-2028

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang adopsyon at implementasyon ng National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 para palakasin ang seguridad at katatagan ng cyberspace ng bansa.
Sa ilalim ng Under Executive Order (EO) 58 na tinintahan ni Pangulong Marcos nito lamang Abril 4, ang NCSP 2023-2028 na nilikha ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay magsisilbi bilang “whole-of-nation roadmap for the integrated development and strategic direction of the country’s cybersecurity.”
Sa pamamagitan ng EO 58, binibigyan nito ng mandato ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities na bumalangkas, mag-adopt at magpatupad ng kanilang cybersecurity plans at estratehiya na may kaugnayan sa kani-kanilang mga mandato, alinsunod sa NCSP 2023-2028.
Hinikayat naman ang Local government units (LGUs) na gawin din ito.
“Pursuant to its mandate under Section 15 of RA (Republic Act) 10844, the DICT formulated the National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028, which outlines the country’s policy direction and provides operational guidelines towards a trusted, secured, and resilient cyberspace for every Filipino,” ang nakasaad sa EO.
“It is imperative for all concerned national government agencies and instrumentalities, and local government units, to support and cooperate towards the successful implementation of the NCSP 2023-2028,” dagdag na pahayag ng EO.
Inatasan ang DICT na mag-adopt ng sistema para sa epektibong implementasyon, monitoring, at pagrerebisa ng NCSP 2023-2028, nababatay sa umiiral na batas, rules and regulations.
Ipinag-utos naman ng EO 58 sa DICT na makipagtulungan sa pribadong sektor sa pagbibigay ng kinakailangang technical assistance sa ibang ahensiya ng pamahalaan at tanggapan para sa implementasyon ng NCSP 2023-2028.
Ayon sa EO, kailangan na magsumite ng DICT sa Pangulo, sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at National Cybersecurity Inter-Agency Committee, ng isang bi-annual report hinggil sa kalagayan at progreso ng implementasyon ng NCSP 2023-2028.
Ang budget na kakailanganin para sa implementasyon ng EO 58 ay huhugutin sa kasalukuyan at available na appropriations ng mga concerned agencies, iyon nga lamang ay “subject to pertinent budgeting, accounting, and auditing laws, rules and regulations.”
Ang kakailanganing pondo para sa pagpapatuloy ng implementasyon ng kautusan ay isasama sa General Appropriations Act, nakabatay sa karaniwang budget preparation process.
“The strengthening of security and resilience of the country’s cyberspace is one of the key strategies to ensure safety and security in cyber and physical spaces under the Philippine Development Plan 2023-2028,” ayon sa ulat.
Ang kopya ng EO 58 ay ipinalabas araw ng Sabado. Magiging epektibo ang kautusan sa oras na mailathala na sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation.
(Daris Jose)

PBBM, hinikayat ang mga stakeholders na tukuyin ang energy locations sa Visayas

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. sa lahat ng stakeholders na tukuyin ang mga karagdagang lokasyon para sa energy storage systems sa Visayas region.
Ito ang bahagi ng naging talumpati ng Pangulo sa ceremonial energization ng Cebu-Negros-Panay 230KV Backbone Project sa Bacolod City, Negros Occidental.
”I implore all our stakeholders in the Visayas to strategically identify suitable locations that will host new baseload generation plans as well as renewable energy and energy storage systems,” ayon kay Pangulong Marcos.
”This will bolster energy sufficiency and sustainability in Negros and Panay,” dagdag na wika nito.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga private generators ”to invest in Negros and Panay sub-grids so that the region can meet its energy demands and ensure self-sufficiency in the long run.”
Matatandaang, sa unang bahagi ng taon ay nakaranas ng power outage ang Panay na nauwi sa P3.8 bilyong halaga ng pagkalugi sa ekonomiya.
Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines na ang Cebu-Negros-Panay Backbone, kinabibilangan ng Negros-Panay Interconnection Project Line 2, ay naglagay ng tatlong stages at ang huli ay nakompleto nito lamang Marso 27, 2024.
Sinabi ng NGCP na napunan nito ang umiiral na Amlan-Samboan submarine cable na kasalukuyang ginagamit para makakonekta sa Cebu at Negros islands.
Ang unang stage ng CNP Project ay nagdagdag ng bagong 230kV transmission line mula Bacolod tungong E.B Magalona, habang ang 2nd stage ay in-upgrade ang Cebu Substation sa 230kV level.
Idinagdag pa nito na ang CNP ay naglagay ng 670 transmission towers saklaw ang 442 circuit kilometro ng overhead lines, 98.9 circuit kilometro ng submarine cables na may 10 bagong substations at ang pinalawig na 2 umiiral na pangunahing substations.
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na magtutulungan naman ang national government, local government units, at pribadong sektor na pabilisin ang permit issuance sa energy projects at pagkuha ng right of way para sa transmission lines. (Daris Jose)

“Heat breaks’ dapat gawing mandatoryo para sa mga manggagawa

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SUPORTADO ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang panawagan ng mga manggagawa sa pamahalaan na magpatupad ng special o unscheduled breaks sa trabaho tuwing panahon ng sobrang init sa bansa.
“Both the government and employers share responsibility for ensuring the health and safety of workers. As temperatures soar across various regions in the country, reaching potentially dangerous levels, workers are at heightened risk of heat-related illnesses and fatalities,” ani Brosa.
Habang nakapaloob sa Labor Advisory 08, series of 2023, na ipinalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga guidelines para sa sitwasyon nang sobrang init ng, iginiit ni Brosas na kailangan ng mas malawak na hakbang na sasakop sa lahat ng mga manggagawa kahit ano pa man ang estado ng trabaho nito.
Bigo aniya ang Labor Advisory 08-23 na protektahan ang mga outdoor workers at informal workers, kabilang na yaong nasa agrikultura, daungan, construction, delivery riders, at iba pang platform workers.
Sinabi ng mambabatas na mas bukas ang mga ito sa heat stress at posibilidad na heat strokes.
Hinikayat nito ang pamahalaan na magpalabas ng isang executive order na magmamandato para sa pagapatupad ng heat breaks, at iba pang kinakailangang safety measures, upang maprotektahan ang mga manggagawa sa lahat ng sektor. (Vina de Guzman)

Top 5 at 7 most wanted person ng NPD, nabitag sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang Top 5 at 7 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) matapos malambat sa magkahiwalay na manhunt operations Caloocan at Valenzuela Cities.
Ipinag-utos ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang pagpapaigting sa pagtugis kay alyas “Boy Manyak” upang mabigyang katarungan ang sinapit ng dalagitang kanyang pinagsamantalahan noong nagdaang taon hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa kinaroroonan ng akusado.
Katuwang ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Investigation and Detective Management Section (IDMS), Northern Maritime Police Station at RIU-NCR, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang SIS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado, dakong alas-5 ng hapon sa Phase 8a, Block 89, Lot 28, Brgy. 17 Bagong Silang.
Ani Col. Lacuesta, binitbit ang akusado sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Branch 131 na may petsang Disyembre 28, 2023 para sa kasong Statutory Rape at Lascivious Conduct sa ilalim ng R.A. 7610 o Special Protection Against Chile Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga tauhan ng SIS ng Valenzuela police sa manhunt operation sa harap ng isang gas station sa Mac Arthur Hi-way, Brgy. Malinta bandang alas-11:15 ng gabi ang isa pang akusado na nasa top 5 MWP naman ng NPD na si alyas “Dodong”.
          Ayon kay Valenbzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dinakip ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S Mendoza-Francisco ng RTCt, Branch 270, Valenzuela City noong August 23, 2021, para sa kasong Sec. 2. Par. 2 of the RPC as amended by R.A. 8353 of RPC Art 266-A (Rape) and Sec. 2, Par 1(B) of the RPC as amended by RA 8353 of RPC Art. V266-A (2 counts of Rape).
          Pinuri naman ni NPD Director P/BGen, Rizalito Gapas ang Caloocan at Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang akusado. (Richard Mesa)

Chery Tiggo tinapos ang suwerte ng PLDT

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINOSTE ng Chery Tiggo ang pang-limang dikit na ratsada matapos pigilan ang PLDT Home Fibr, 25-22, 25-16, 25-20, sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Tinapos ng Crossovers ang five-game winning streak ng High Speed Hitters para palakasin ang tsansa sa semifinals.
“Iyong mindset namin talaga is to win every point muna, huwag mamadaliin, pagtrabahuhan muna,” sabi ni Eya Laure na umiskor ng 12 points mula sa siyam na attacks at tatlong blocks.
Nagkaroon ng four-way tie sa hanay ng Chery Tiggo, PLDT, nagdedepensang Creamline at Petro Gazz sa magkakatulad nilang 7-2 record sa ilalim ng lider na Choco Mucho (8-1).
Matapos ang pahirapang 25-22 panalo sa first set ay ganap na dinomina ng Crossovers ang se­cond at third sets tampok sina Eya Laure, Aby Maraño, Mylene Paat at Ara Galang.
Samantala, pinatibay ng Petro Gazz ang tsansa sa Final Four matapos walisin ang Cignal HD, 25-13, 25-18, 25-17, para sa kanilang ikatlong sunod na arangkada.
Nagbagsak si Jonah Sabete ng 16 points mula sa 13 attacks, dalawang blocks at isang service ace.
“Mas lumilinaw iyong daan papunta sa semis. Pero hindi pa rin naman tapos iyong eliminations, hindi pa rin kami puwedeng mag-relax,” dagdag ni Remy Palma na may walong puntos.
Lagapak ang HD Spi­kers sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 5-4 baraha.

Chery Tiggo tinapos ang suwerte ng PLDT

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINOSTE ng Chery Tiggo ang pang-limang dikit na ratsada matapos pigilan ang PLDT Home Fibr, 25-22, 25-16, 25-20, sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Tinapos ng Crossovers ang five-game winning streak ng High Speed Hitters para palakasin ang tsansa sa semifinals.
“Iyong mindset namin talaga is to win every point muna, huwag mamadaliin, pagtrabahuhan muna,” sabi ni Eya Laure na umiskor ng 12 points mula sa siyam na attacks at tatlong blocks.
Nagkaroon ng four-way tie sa hanay ng Chery Tiggo, PLDT, nagdedepensang Creamline at Petro Gazz sa magkakatulad nilang 7-2 record sa ilalim ng lider na Choco Mucho (8-1).
Matapos ang pahirapang 25-22 panalo sa first set ay ganap na dinomina ng Crossovers ang se­cond at third sets tampok sina Eya Laure, Aby Maraño, Mylene Paat at Ara Galang.
Samantala, pinatibay ng Petro Gazz ang tsansa sa Final Four matapos walisin ang Cignal HD, 25-13, 25-18, 25-17, para sa kanilang ikatlong sunod na arangkada.
Nagbagsak si Jonah Sabete ng 16 points mula sa 13 attacks, dalawang blocks at isang service ace.
“Mas lumilinaw iyong daan papunta sa semis. Pero hindi pa rin naman tapos iyong eliminations, hindi pa rin kami puwedeng mag-relax,” dagdag ni Remy Palma na may walong puntos.
Lagapak ang HD Spi­kers sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 5-4 baraha.

Kano na wanted sa fraud arestado 

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TIMBOG ang isang American national na wanted sa kanilang bansa dahil sa fraud.
Kinilala ang pugante na si Paul David Cardwell, 57, na nagtangkang palawigin ang kanyang temporary visitor’s visa gamit ang BI online services noong Marso 27.
Sinabi ni BI visa section Raymond Remigio na ang rekord ni Cardwell ay isinailalim sa secondary check matapos malaman sa Sistema na siya ay convicted US felon.
Siya ay iniulat na pugante na wanted para sa muling panloloko ng $850,000 o higit pa sa P48M mula sa ospital sa Wyoming, USA.
Isinagawa ang manhunt at natagpuan siya ng intelligence operatives sa Cebu noong Abril 3 habang nagtatanong tungkol sa proseso para sa pag-appky ng permanent residence visa.
Matapos maaresto, nanatili sa BI facility si Cardwell bago ang kanyang deportation sa Amerika. GENE ADSUARA

Kelot na nanggulo habang armado ng sumpak, swak sa selda

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
ISANG lalaki na nanggulo at nambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril ang bitbit ng pulisya sa selda sa Caloocan City.
Dakong alas-1:30 ng madaling araw nang mabulabog ang gising ng mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ginawang panggugulo at paghahamon ng away ng suspek na si alyas “Topak” habang may bitbit na isang sumpak.
Ayon kay Caloocan police chief Ruben Lacuesta, kaagad itinawag ng isang concerned citizen sa lugar ang pagwawala ng suspek na dahilan upang respondehan ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station-11 na nakakasakop sa lugar.
Pagdating sa lugar ay naabutan ng mga pulis, kasama ang ilang barangay tanod ang suspek na palakad-lakad at patuloy sa pagwawala habang hawak ang isang baril na dahilan upang dambahin kaagad siya ng mga otoridad.
Nakumpiska sa suspek ang isang improvised shotgun na may karga pang isang 12-gauge na bala.
Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunations Regulations Act ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Piston nagbanta muling maglulunsad ng welga laban sa PUVMP

Posted on: April 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA GITNA ng darating na crackdown sa mga traditional jeepneys, ang mga drivers at operators ay nagbantang maglulunsad na naman ng isang welgang bayan sa Metro Manila habang padating ang deadline sa April 30 upang sila ay sumunod sa consolidation sa ilalim ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.
Sinabi ni Piston president Mody Floranda na sila ay humiling kay President Ferdinand Marcos na kanyang ipag-utos ang pagrerepaso sa PUVMP bago magtapos ang tatlong buwan na palugit na kanyang pinagutos.
“We condemn the impending crackdown as we all know that jeepney drivers and operators are really suffering,” wika ni Floranda.
Ito ang sagot ni Floranda matapos magbigay ng isang pahayag si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz na ipapatupad nila ang panghuhuli sa mga colorum na public utility jeepneys simula May 1.
“During our meeting with chairman Guadiz last week, we asked him to study the PUVMP. That is what we are demanding, especially now that many of those who joined the consolidation program withdrawn from corporations because since operators joined the cooperatives, they have lost their source of income,” dagdag ni Floranda.
Hindi lang welga ang gagawin ng pinagsanib na grupo ng Piston at Manibela kasama na rin ang paglulungsad ng mga rallies.
“For us, holding a transport strike is always an option. We are prepared for all forms of protests, including big rallies,” saad ni Floranda.
Nagpahayag naman si Floranda ng pagasa na ang Supreme Court (SC) ay magbibigay ng temporary restraining order (TRO) upang ihinto ng pamahalaan ang pagpapatupad ng PUVMP.
“We are still hoping that the high court will issue a TRO, based on petition we filed on Dec. 20, 2023,” sabi ni Floranda.
Nilinaw niya na hindi sila tutol sa modernization. Ang tutol sila ay yoon consolidation ng prangkisa na ayon sa kanila ay bakit kailangan pa na ma revoke ang binigay na prangkisa upang makalahok sa kooperatiba o korporasyon. Dagdag pa nila na sana ay ang pamahalaan ay binigyan pansin ang mga lehitimong transport associations.
Base sa mga report na natanggap nila, ang mga PUV operators na nag withdraw sa programa sa consolidation ay mula sa National Capital Region (NCR), Iloilo, Bacolod, Southern Tagalog at Bicol region. LASACMAR