• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Heat breaks’ dapat gawing mandatoryo para sa mga manggagawa

SUPORTADO ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang panawagan ng mga manggagawa sa pamahalaan na magpatupad ng special o unscheduled breaks sa trabaho tuwing panahon ng sobrang init sa bansa.
“Both the government and employers share responsibility for ensuring the health and safety of workers. As temperatures soar across various regions in the country, reaching potentially dangerous levels, workers are at heightened risk of heat-related illnesses and fatalities,” ani Brosa.
Habang nakapaloob sa Labor Advisory 08, series of 2023, na ipinalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga guidelines para sa sitwasyon nang sobrang init ng, iginiit ni Brosas na kailangan ng mas malawak na hakbang na sasakop sa lahat ng mga manggagawa kahit ano pa man ang estado ng trabaho nito.
Bigo aniya ang Labor Advisory 08-23 na protektahan ang mga outdoor workers at informal workers, kabilang na yaong nasa agrikultura, daungan, construction, delivery riders, at iba pang platform workers.
Sinabi ng mambabatas na mas bukas ang mga ito sa heat stress at posibilidad na heat strokes.
Hinikayat nito ang pamahalaan na magpalabas ng isang executive order na magmamandato para sa pagapatupad ng heat breaks, at iba pang kinakailangang safety measures, upang maprotektahan ang mga manggagawa sa lahat ng sektor. (Vina de Guzman)