Kano na wanted sa fraud arestado
- Published on April 8, 2024
- by @peoplesbalita
TIMBOG ang isang American national na wanted sa kanilang bansa dahil sa fraud.
Kinilala ang pugante na si Paul David Cardwell, 57, na nagtangkang palawigin ang kanyang temporary visitor’s visa gamit ang BI online services noong Marso 27.
Sinabi ni BI visa section Raymond Remigio na ang rekord ni Cardwell ay isinailalim sa secondary check matapos malaman sa Sistema na siya ay convicted US felon.
Siya ay iniulat na pugante na wanted para sa muling panloloko ng $850,000 o higit pa sa P48M mula sa ospital sa Wyoming, USA.
Isinagawa ang manhunt at natagpuan siya ng intelligence operatives sa Cebu noong Abril 3 habang nagtatanong tungkol sa proseso para sa pag-appky ng permanent residence visa.
Matapos maaresto, nanatili sa BI facility si Cardwell bago ang kanyang deportation sa Amerika. GENE ADSUARA