TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na patuloy na igigiit ng Philippine delegation sa 2024 World Economic Forum (WEF) ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pulong noong nakaraang taon na bukas ang Pilipinas para sa negosyo at ito ang pinaka-akmang lugar sa rehiyon para maglagak ng puhunan.
Sinabi ni Speaker kanila itong binigyang-diin sa isinagawang welcome lunch para sa Philippine delegation na ginanap sa Hotel Belvedere sa Davos.
Sina WEF head of Business Engagement for the Asia-Pacific Clara Chung, WTO Permanent Representative Ambassador Manuel A.J. Teehankee, Philippine Ambassador to the Swiss Confederation and Principality of Liechtenstein Bernard Faustino Dy, at iba pang affiliate ang sumaubong sa delegasyon ng Pilipinas.
Tinuran ni Speaker Romualdez ang matatag na economic fundamentals ng Pilipinas na nasa rehiyong may pinakamabilis na pag-unlad sa buong mundo.
Ayon sa 2024 Chief Economist Outlook ng WEF, inaasahan ng mayorya sa mga nangungunang ekonomista sa buong mundo na hihina ang pandaigdigang ekonomiya sa loob ng isang taon ngunit mananatiling matatag naman ang ekonomiya sa Timog at Silangang Asya.
Tinukoy pa ni Speaker Romualdez ang matatag na gobyerno ng Pilipinas na pinamumunuan ng isang malakas at popular na lider na si Pangulong Marcos Jr na patuloy na isinusulong ang inklusibo, matatag at pang matagalang pag-unlad sa nalalabing apat na taon sa termino.
Ibinida rin ni Speaker Romualdez ang mga hakbang ng Pilipinas para mas maging investor friendly kagaya na lang ng pagpapaluwag sa restrictive o mahigpit na mga probisyon ng 1987 Constitution.
Aniya, ang Senado na dati ay may alinlangan sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay sinimulan na ang proseso ng pagsusulong sa pagbabago sa economic provision ng Saligang Batas.
Inihayag din ni Speaker Romualdez ang pagkakaroon ng Pilipinas ng paraan para makakuha ng pamumuhunan sa pamamagitan ng sarili nitong sovereign wealth fund na Maharlika Investment Fund.
Pagsusumikapan aniya ng delegasyon na panatilihing nag-aalab ang apoy at sisiguruhin na ang mensahe ng Pangulong Marcos ay magpapatuloy at mararamdaman aniya ang presensya ng Pilipinas sa Davos bago muling bumalik ang Pangulo doon para sa susunod na pulong ng WEF sa susunod na taon. (Daris Jose)
TINATAYA ng PAGASA na mas lalamig pa ang panahon sa susunod na linggo.
KAPWA tinintahan ng Pilipinas at United Kingdom (UK) ang memorandum of understanding (MOU) na bumabalangkas sa nilalayon na defense engagements ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.
MAY balitang “asawa” na raw ang tawag ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose kaya hinihintay na lang ng JulieVer fans kung kelan magaganap ang kasal.
BILANG bahagi ng pagdiriwang sa ika-118 anibersaryo ng Navotas, nagsagawa ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, katuwang ang tanggapan ni Senator Bong Go, ng groundbreaking sa itatayong Super Health Center sa Brgy. NBBS Kaunlaran. Kabilang sa mga serbisyong kayang ipagkaloob ng Super Health Center ang outpatient care, pre-natal at birthing care, diagnostics tulad ng X-Ray at ultrasound, TB-DOTS, at pharmacy. (Richard Mesa)
MATAPOS ang tatlong taon, muling nagsagawa ng Pangisdaan Festival Street Dance Competition sa Lungsod ng Navotas bilang bahagi ng pagdiriwang ng 118th Navotas Day. Angat ang galing ng mga mag-aaral na Navoteño sa kanilang performance tampok ang masaya, makulay, at mayamang kultura ng pangisdaan sa Navotas. Binati naman ni Mator John Rey Tianco ang lahat ng mga nakikahok kung saan nag champion ang Tangos National High School. (Richard Mesa)
HALOS sabay nagka-Covid ang mga bida ng ‘Linlang’ na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, kaya wala sila sa presscon na ginanap sa Dolphy Theatre.
HINDI napigilan ni Jericho Rosales na matawa nang makita niya ang paper dolls nila ng dating karelasyon na si Heart Evangelista.
KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted matapos masuko sa isinagawag manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.