• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2023

DSWD, nagpasaklolo sa LGUs para sa potensiyal na livelihood program beneficiaries

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HUMINGI na  ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) para sa assessment ng mga benepisaryo ng  Sustainable Livelihood Program (SLP).
Dumagsa kasi ang mga tao sa DSWD field office sa Maynila, araw ng Biyernes, Enero 13 sa Pag-asa na makakakuha ng cash aid.
“The LGUs will now have to consolidate the list of potential program beneficiaries from their respective jurisdictions, which will be endorsed to concerned DSWD Field Offices,” ayon sa kalatas ng DSWD.
Ang isang  indibidwal na nais na mag-avail ng livelihood assistance ay maaaring direktang magsumite ng kanilang  application documents sa LGU.
Ang inisyatiba na makatrabaho ang  LGUs ay ginawa upang bitbitin ang livelihood program malapit sa mga  constituents ng bawat lokalidad at maiwasan ang insidente na nangyari sa DSWD-National Capital Region office, kahapon Enero 13, kung saan  2,000 indibidwal ang nakapila sa pag-asang mababayaran.
Gayunman, binigyang diin nito na nire-require ng programa ang mga benepisaryo nito na dumaan sa serye ng “orientation at skills training” bilang bahagi ng  selection process ng programa.
Samantala, nilinaw ng DSWD na ang nangyaring insidente sa kanilang field office ay dahil lamang sa  proliferation ng “fake news” na kumalat sa SMS at pekeng  Facebook accounts.
Pinaalalahanan naman ng DSWD ang publiko na maging  “more critical in the information they get from unverified sources.”
Idagdag pa rito, pinayuhan ng  DSWD ang publiko na komunsulta, magtanong at ipadala ang kanilang concerns sa  official Facebook page ng ahensiya. (Daris Jose)

Napaganda pa dahil pang-primetime: SOFIA at ALLEN, inamin na kinabahan kung bakit ‘di naipalabas last year ang teleserye

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng AlFia loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay na kinabahan sila kung bakit hindi pa raw naipalalabas last year ang kanilang natapos na teleserye na Luv Is: Caught In His Arms. 

 

Noong July 2022 pa raw nila natapos ang buong teleserye noong mag-lock-in taping sila sa Baguio City. October ang sinabi sa kanilang airing date ng Luv Is, pero hindi ito natuloy.

 

“Sa totoo lang po, akala namin may naging problema kaya hindi pa nila ineere. Nandoon yung kaba na baka hindi siya lumabas na maganda o baka may kailangan palitan.

 

“Pero hinihintay lang daw nila ang perfect timing at maganda raw na ipalabas ito sa January 2023 bilang buena mano sa primetime,” pahayag ni Sofia.

 

Isa rin daw sa hinintay ay ang pagpayag na ipagamit sa Luv Is bilang theme song ang “Can This Be Love?” na version ni Zephanie ang ginamit.

 

Sa trailer at music video pa lang ay kilig na sa mga Gen Z ang kuwento ng Luv Is: Caught In His Arms. Isama pa rito ang million readers ng nobela sa WattPad. Kaya tama lang ang desisyon ng GMA na gawing New Year’s presentation ang series na ito ng Alfia loveteam.

 

Bukod kina Sofia at Allen, kasama rin ang SPARKADA na sina Vince Maristela, Tanya Ramos, Michael Sager, Caitlyn Stave, Raheel Bhyria, Cheska Fausto, Sean Lucas at Kirsten Gonzales. Mula ito sa direksyon ni Barry Gonzales.

 

***

 

BIG break para kina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes ang bagong GMA Afternoon Prime series na Underage.

 

Sa naging dalawang buwan nilang lock-in taping last year, marami nga raw silang natutunan ba life lessons sa pagganap nila sa mga naging role nila sa teleserye.

 

Para sa StarStruck Season 7 First Princess Lexi Gonzales, natutunan daw niya ang halaga ng pagiging isang panganay sa pamilya tulad ng character niyang si Celine sa Underage.

 

“Dahil sa Underage, mas lalo kong na-realize ‘yung importance and ‘yung strength ng isang panganay. Iba ‘yung bunso, iba ‘yung gitnang anak, lalo na kapag big family talaga na marami kayong magkakapatid.

 

“‘Yung panganay ‘yung parang nagba-bind sa lahat ng mga kapatid, and I felt like it is really my job and it is really my part bilang Celine sa Underage. And mas nabigyan ko ng importance ‘yung pagiging panganay ko rin in real life.”

 

Si Elijah naman na gumaganap na Chynna, natutunan niyang huwag sarilihin ang anumang problema na meron siya.

 

“If you’re sad, you can message a friend, you can message your siblings, or if alam mong may matindi kang pinagdaraanan na alam mong hindi mo kakayanin mag-isa, maraming puwedeng tumulong sa’yo and mag-pray ka lang din kay God.”

 

Para naman kay Hailey, ang pagbigay ng respeto sa mga magulang at ang pagiging matapang ang mga natutuhan niya mula sa kanyang karakter na si Carrie.

 

“Sundin sila kasi mas alam nila ‘yung tama para sa’yo at ‘wag padalos-dalos sa mga desisyon kasi hindi mo alam ‘yung buong scenario kaya ‘wag ka magdesisyon kaagad. At natutuhan ko rin po maging matapang kasi si Carrie po, lagi po siyang palaban. Pero inn real life po, talagang iyakin po ako kahit masaya, malungkot. Mababaw po ang luha ko pero dahil kay Carrie po, naging strong na ang personality ko.”

 

Ang world premiere ng Underage ay today na, January 16 sa GMA Afternoon Prime at kasama rin sina Snooky Serna, Sunshine Cruz, Gil Cuerva, Nikki Co, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Bautista, Vince Crisostomo, Maey Bautista and Smokey Manaloto.

(Ruel J. Mendoza)

Napili sina Dennis, Julie Anne at Andrea: Mahusay na pagganap ni BARBIE sa ‘Maria Clara at Ibarra’, inisnab

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANO kaya ang magiging reaction ng mga fans ni Primetime Princess Barbie Forteza, at ng mga netizens na gabi-gabing sumusubaybay sa “Maria Clara at Ibarra” na parang hindi pinansin ng Philippine TV & Film Updates ang acting niya bilang si Klay?  

 

 

Napili nila kasi ang performances sa serye nina Dennis Trillo bilang Best Actor in a TV Series, Julie Anne San Jose as Best Supporting Actress in a TV Series, Andrea Torres as Best Guest on a Cameo Performance in a TV Series, Zig Dulay as Best Directing for a TV Series plus other technical awards like sina Suzette Doctolero, Joanna Marie Katanyag, Benson Logronio, Melchor Escarcha, Maria Zita Garganera, Annette Gozon and RJ Nuevas for Best Writing for a Television Series, and Best Cinematography for a Television Series, at Best Series  ang “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Hindi nga matanggap ng mga netizens na hindi napansin ang mahusay na pagganap ni Barbie sa serye.

 

 

Kaya sabi nga ni Jonathan Manzano Batin, “sobrang deserve niyang manalo. Hindi ko pinalalampas itong panoorin gabi-gabi.  Napakahusay ni Barbie para hinsi siya ma-nominate, tulad din ng ibang kasama nila sa serye, lahat sila deserving manalo.”

 

 

Simula ngayong gabi, iiwanan na ba ni Klay ang mga kaibigang sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Fidel at si Sisa at babalik na siya sa kasalukuyang panahon?

 

 

***

 

A friend who has just came from New York, na naging kaibigan din ni LJ Reyes, ang nagkuwento sa amin na mukhang wala na raw balak bumalik sa Pilipinas ang Kapuso actress.

 

 

Successful naman daw ito, na nagpu-produce ngayon ng mga mini-concerts doon.  May iba pa ring daw work si LJ, at masaya itong kasama ang Mommy niya at ang mga anak na sina Aki at Summer.

 

***

 

 

TOTOO nga kayang babalik na muli at mapapanood na si Vhong Navarro sa afternoon show na “It’s Showtime?”

 

 

Sabi raw ni Vice Ganda, may mga magbabalik daw muli sa afternoon show nila kaya ang hula ng mga netizens, si Vhong na raw ba ang magbabalik?  Si Vhong lang daw ang inaasahan nilang magbabalik.

 

 

Simula nang lumaya si Vhong last December, inaabangan na nila ang pagbabalik nito sa “It’s Showtime” lalo na nang mabalita na ibinasura ng Taguig Trial Court ang hirit ni Deniece Cornejo na kanselahin ang kanyang piyansa at ibalik na si Vhong sa kulungan.

 

 

Next month na raw, sa February, ang pagdinig ng kaso ni Vhong.

 

***

 

 

DAILY palang mapapanood ang King of Talk, si Boy Abunda, tuwing hapon, sa muli niyang pagbabalik sa television, to his first home, ang GMA Network.

 

 

Kaya ngayon pa lamang excited na ang mga fans ni Boy, lalo na kung sino kaya ang unang Kapuso celebrity na mai-interview niya, pahulaan pa ito, dahil hindi pa raw nai-interview ni Boy kahit kailan ang kanyang first guest.

 

 

May nagsabi na si Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang first guest niya, pero minsan na raw na-interview ni Boy si Alden.

 

 

So, sino nga kaya siya?  Abangan!!!

(NORAV. CALDERON)

Ads January 16, 2023

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAKAKUHA ang Pilipinas ng  €150-million o mahigit  na ₱9 billion policy-based loan mula  France para idagdag at gamitin sa  “climate change mitigation at adaptation.”
Sinabi ng  French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre  29, 2022.
Naglalayon itong tulungan ang climate-vulnerable Philippines na makamit ang itinakda nitong target na pagaanin ang greenhouse gas emissions.
“France remains more than ever engaged in a race against time for the preservation of our planet, and the fight against the climate crisis that becomes a concrete and devastating reality in the Philippines,” ayon kay Michèle Boccoz, Ambassador of France to the Philippines.
“It will devote €6 billion each year, until 2025, to help developing countries, including the Philippines, finance their transition and cope with climate disasters,” dagdag na wika ni Boccoz.
Tinuran ni AFD country director Bénédicte Gazon, ang bagong   loan program kasunod ng  nagdaang €250 million adaptation program loan na ginamit sa pagtatapos ng 2021 para bawasan ang  disaster risk sa local level.
Samantala, ang  AFD loan ay sinasabing parte ng pinagsamang  policy-based loan katumbas ng  €390 million na nakatakdang tanggapin ng bansa.
 Ang natitirang US$250 million ay manggagaling mula sa Asian Development Bank loan na nilagdaan noong Hunyo ng nakaraang taon. (Daris Jose)

Mga manufacturer ng sardinas, meat loaf, corned beef, sabon, kape humirit ng dagdag presyo sa mga produkto

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HUMIRIT  ang mga manufacturer ng  sardinas, meat loaf, corned beef, kape at sabon sa Department of Trade and Industry (DTI) na taasan ang presyo ng mga nasabing produkto.
Sa katunayan, nakatanggap ang DTI ng notice of price adjustment mula sa mga ito.
Ayon sa departamento, masusi nilang pinag-aaralan  ang bagay na ito.
Pagsusumikapan nila na maging reasonable ang presyo para sa kapakanan ng mga mamimili.
Agosto 2022 nang huling magpalabas ang  DTI ng suggested retail price (SRP) guide para sa ilang items.
Samantala, araw ng Biyernes, magkasamang binisita nina DTI Secretary Alfredo Pascual at Senador Mark Villar, chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, ang ilang supermarket sa Makati City para magsagawa ng inspeksyon.
Natuklasan ng mga ito na ang mga items na binebenta ay sumusunod sa  SRP o mas mababa pa.
Nagpunta rin sina Pascual at Villar sa Guadalupe Market sa  Makati City para i- check ang mga agricultural products.
“Ilan ba talagang toneladang sibuyas ang naha-harvest natin? At ilan ang demand total? Ilan ang shortage na kailangang ma-meet at kung sakali ng import? So kailangan gagawing digitalized system ‘yan,” ani Pascual.
“Kung may buffer stock na kontrolado ng gobyerno, ang tingin ko, ‘yung mga traders, hindi magkakalakas loob na mag-hoard at mag-manipulate ng price,” dagdag na pahayag ni Pascual.
Sinabi naman ni Villar na ang susunod nilang iinspeksyunin ay ang mga wholesalers.
“Ang next naming bibisitahin namin ay ang mga wholesalers para ma-trace namin kung saan nagkakaroon ng malaking pagtaas ng presyo,” ani Villar.
“Ang babantayan natin ‘yung mga nasa lower price ranges kasi ‘yon ang mga binibili ng mga karaniwang mamimili. Pag-aaralan naman namin kung kayang ma-absorb ‘yung presyo,” ayon naman Kay Pascual. (Daris Jose)

Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey.

 

Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng mga Pinay na nagkahalaga ng $30K (P1.6M) sa apat na araw na pasarguhan ng World Pool-Billiard Association (WPA).

 

Pero nahaharap sa mabigat na laban ang dalawang tumbukera ng bansa kontra sa 62 iba pang mga astig ding cue atist sa iba’t ibang panig ng mundo sa torneong may aktuwal na kabuuang papremyong $148K.

 

Isa sa mga astig na kalahok dito na magbabalik matapos ang apat na taong pagliban dahil sa pandema ay si Brit Kelly Fisher, na tinalo ang Austrian na si Jasmin Ouschan sa pagrereyna sa huling huling ediyon sa Sanya, China noong 2019.

 

Naabot ni Amit ang Final 4 sa parehong edisyon pero nabigo kay Ouschan, 9-2. Pinakataas na tinapos ng ‘Pinas ang segunda sa pamamagitan din ng Cebuana player noong 2007 sa Taiwan na pinamayagpagan ni Chinese Pan Xiaoting.

 

Ang torneo ay magpapatupad ng double-elimination format na race-to-7, winner breaks matches, pa-final-16 paiiralin ang knockout, race-to-9 system.

 

Magkadikti sina Amit at Centeno sa world rankings sa pagpanlima at pangwalong puwesto sa WPA, ayon sa pagkakasunod.

 

Motibasyon ni Amit sa korona ang kakulangan nito sa koleksiyon niya tapos na makopo ang dalawang world 10-ball crown, 10 SEA Games gold medal, at isang world 10-ball team title noong nakaraang taon nang makipaggsanib-puwersa kina Carlo Biado at Johann Chua sa Klagenfurt, Austria. (CARD)

Kyle Kuzma: SEASON HIGH 40 POINTS

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinalamig ng New York Knicks ang katunggaling Washington Wizards sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw.

 

Pinangunahan ng Knicks 26 year old point guard player na si Jalen Brunson ang kanyang team matapos nitong magpaulan ng 34 points , 8 rebounds at 8 assist.

 

Ito ang ika dalawampu’t apat na panalo ng Knicks ngayong season ng National Basketball Association dahilan upang manatili ito sa ika anim na pwesto para sa Eastern Conference ng NBA.

 

Solido naman ang naging kontribusyon ng New York Knicks small forward player na si Kyle Kuzma ng umiskor ito ng 40 points, 7 rebounds at 7 assist.

 

Apat na puntos ang naging lamang ng Knicks kayat hanggang sa mga huling minuto ng laro ay pinilit pa rin ng Wizards na umabante.

 

Naitala ng Wizards ang kanilang ika siyam na na talo sa sarili nilang baluarte sa Capital One Arena na pinanuod ng libo-libong NBA fans.

 

Samantala, nangunguna pa rin ang Boston Celtics sa standings para sa Eastern Conference ng National Basketball Association at mayroon itong record na 31 wins at 12 loses habang pumangalawa naman ang Brooklyn Nets na may 27 wins at 14 loses.

 

Sa Western Conference standings naman ng NBA ay pinangunahan ito ng Denver Nuggets na mayroong 28 wins at 13 loses.

 

Nasa pangalawang pwesto rin ang Memphis Grizzlies dala ang kanilang record na 28 wins at 13 loses. (CARD)

Jade Bornea hahamon sa IBF junior bantamweight

Posted on: January 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AALAMIN ang isang purse bid para sa world title fight nina International Boxing Federation junior bantamweight champion Fernando Martinez at challenger Jade Bornea para sa mandatory title bout ng Argentinian ngayong taon.

 

Si Martinez ang humablot ng IBF titleng kababayang Pinoy ni Bornea na si Jerwin Ancajas via unanimous decision sa sa Estados Unidos nung Pebrero 2022, tumapos limang taon at siyam na ulit na pagtatanggol sa korona ng huli.

 

Ginanap naman ang kanilang rematch nung Oktubre 8 na natapos sa dominasyon din ni Martinez sa California. Nais ni Martinez ang unification bout, pero kailangang harapin pa sa mandatory defense si Bornea

 

“The Challenger’s failure to comply with this rule will result in the Championships Committee recognizing the next leading available contender as the mandatory challenger and moving the challenger to a position below #10 in the rankings for at least six months,” ayon kay IBF president Daryl Peoples. (CARD)

Myla Pablo lumipat na sa F2 Logistics

Posted on: January 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Si Myla Pablo ay lumipat mula sa Petro Gazz sa F2 Logistics.

 

 

Ginawa ng ahente ni Pablo na Virtual Playground ang anunsyo noong Biyernes.

 

 

Ayon kay Pablo, ang paglipat sa Cargo Movers ay isang bagay na kailangan niya para sa kanyang personal na paglaki.

 

 

“This coming year, papasok ako sa taon na may bagong team and family,” said the 29-year-old spiker out of Tarlac, who spent the last two seasons with the Angels. “My decision to transfer sa F2 was mainly driven dahil gusto ko mag-grow pa sa career.”

 

 

Si Pablo ay isa sa mga pinalamutian na spikers sa liga.

 

 

Siya ay isang dalawang beses na Conference MVP. (CARD)