• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Walang indikasyon ng lockdown tapos ng halalan – Duque

Posted on: May 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

 

“Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” pahayag ni Duque sa panayam ng Dobol B TV.

 

 

Paliwanag niya, kung kinakailangan, magkakaroon lamang ng granular lockdowns at hindi widespread lockdown.

 

 

Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

 

Sa 50% pagbaba sa compliance ng MPHS sa Metro Manilla ay maa­ring magresulta sa 25,000 hanggang 60,000 bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa kalagitnaan ng Mayo.

 

 

Samantala, 20% naman na pagbaba sa MPHS compliance nationwide ay maaring magbunga ng 34,788 active COVID cases, at 30% na pagbaba sa compliance ng MPHS ay lalong magpapataas hanggang sa 300,000 sa nasabing panahon. (Daris Jose)

170,000 Pilipinong botante sa ibang bansa, nakaboto na–Comelec

Posted on: May 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT na sa 10% o katumbas ng 170,000 ng rehistradong Pilipinong botante sa ibang bansa ang nakaboto na ayon sa Commission on Election (Comelec).

 

 

Ayon kay Casquejo nasa kabuuang 76,745 katao na ang nakabboto sa Asia Pacific.

 

 

Nasa 13,462 overseas voters naman ang nakaboto na sa Europe, 83,450 Pilipino ang nakaboto naman sa Middle East at Africa.

 

 

Sa America nasa inisyal na 1,809 overseas voters ang nakaboto na.

 

 

Sa ngayon, hindi pa inisyal pa lamang ang naturang bilang ng overseas voters habang inaantay pang makapagsumite ang ilang foreign service posts gaya ng Philippine embassies, consulates, foreign service establishments, at iba pang Philippine government agencies abroad.

 

 

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala si poll Commissioner Marlon Casquejo sa overseas voting sa ngayon na nasa humigit kumulang 175,266 botante pa lamang ang nakaboto bagamat hindi pa ito accurate dahil ilang mga posts ang hindi nakapagsumite ng bilang ng overseas voters na nakapadala na ng kanilang mail-in ballots.

Buong mundo “malulusaw” kung gagamitin ni Putin ang nuclear weapons laban sa Ukraine- Pangulong Duterte

Posted on: May 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng “worst possible outcome” para sa buong mundo sa gitna ng patuloy na banta ng Russia sa posibilidad na gamitin ang tactical o low-yield nuclear weapons laban sa Ukraine.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Lapu-Lapu City, Cebu sa idinaos na 501 taong anibersaryo ng Victory of Mactan, nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Duterte sa nuclear threats ni Russian President Vladmir Putin at mangamba na ito na ang maging katapusan ng mundo.

 

 

“Putin’s threat is not good. If he really presses the button there and it goes nuclear and they use nuclear armaments, I think that my brother Lapulapu is waiting for all of us there in heaven because the world will melt,” ayon sa Pangulo.

 

 

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Pangulong Duterte subalit iginiit nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon sa ginawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

 

 

“Our history is evolving, the history of our world. How we react, how we define ourselves, how we would stand in this conflict if it really goes nuclear,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang, nanindigan si Pangulong Duterte na dapat ay manatiling neutral ang Pilipinas hinggil sa nagpapatuloy na sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ipinahayag ito ng pangulo sa kanyang naging talumpati sa Palo, Leyte at sinabing mas makakabuti para sa bansa na hindi makisali dito sa kadahilanang hindi dapat madamay o makaladkad ang Pilipinas sa naturang sitwasyon ng krisis.

 

 

Hangga’t siya ang tumatayong presidente ng Pilipinas ay sinabi rin ni Duterte na tatanggi siya na magpadala ng mga sundalong Pilipino sa bansang sinalanta ng digmaan kahit na maging kahilingan pa ito ng Estados Unidos dahil sa pangamba na ito ay maaaring mag resulta lamang ng spill over na magdudulot ng aktwal na giyera dito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Grizzlies sinibak ang Wolves

Posted on: May 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WINAKASAN ng Grizzlies ang ka­­nilang first-round series ng karibal na Minnesota Timberwolves matapos ang­kinin ang 114-106 pa­na­lo sa Game Six papasok sa Western Con­ference se­­mifinal round.

 

 

Lalabanan ng Memphis sa best-of-seven se­mi­finals series sina ‘Splash Brothers’ Stephen Curry at Klay Thompson at ang Gol­den State Warriors, ang NBA champions noong 2015, 2017 at 2018.

 

 

Kumamada sina Desmond Bane at Dillon Brooks ng tig-23 points para sa 4-2 pagtiklop ng Grizzlies sa ka­nilang best-of-seven series ng Timberwolves.

 

 

Nagtala si Brandon Clarke ng 17 points at 11 re­bounds, habang nag-am­bag si star guard Ja Morant ng 17 points at 11 assists.

 

 

Bumangon ang Memphis mula sa 74-84 pagkakaiwan sa third period bago nakatabla sa Minnesota sa 97-97 mula sa basket ni Brooks.

 

 

Ang triple ni Bane ang nag­bigay sa Grizzlies ng 101-99 bentahe sa hu­ling 3:03 minuto ng fourth quarter.

 

 

Pinamunuan ni Antho­ny Edwards ang Timberwolves sa kanyang 30 points at may 24 markers si Jaden McDaniels.

 

 

Tumapos si cen­ter Karl-Anthony Towns na may 18 points at 10 re­bounds.

 

 

Samantala, inihayag ka­hapon ng Philadelphia 76ers na nagkaroon si star center Joel Embiid ng right orbital fracture at mild concussion.

 

 

Posibleng hindi maglaro ang NBA scoring champion at MVP finalist sa confe­rence semis opener ng 76ers at Miami Heat.

PH men’s volleyball team ng bansa desididong makakuha ng gold medal sa SEA Games

Posted on: May 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ng Philippines men’s volleyball team na mayroon silang malaking improvements sa pagsabak nila sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Sila kasi ngayon ang binabantayan na koponan matapos na makakuha ng silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.

 

 

Bagama’t hindi na nagsisimula ang mga liga ng mga volleyballs sa bansa ay tiniyak ni head coach Dante Alinsunurin na handa silang makapagtala ng kasaysayan sa Hanoi matapos ang matagumpay na training camp sa Qatar.

 

 

Handa na ang kanyang koponan at nakapag-adjust na rin ang mga ito para makamit ang target sa SEA Games.

Mahigit 1 million katao inilikas mula Ukraine patungong

Posted on: May 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 1 milyong tao na ang inilikas mula sa Ukraine patungo sa Russia mula noong Pebrero 24.

 

 

Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov, kabilang sa 1.02 million individuals ang 120,000 foreigners at ang mga taong inilikas mula sa Russian-backed breakaway regions ng Ukraine na tinatawag na Donetsk at Luhansk People’s republics.

 

 

Ayon sa data mula sa United Nations, higit sa 5.4 milyong tao ang tumakas sa Ukraine mula nang magsimula ang pagsalakay.

 

 

Tinatawag ito ng Moscow na isang “espesyal na operasyon” upang i-demilitarize at “i-denazify” ang Ukraine.

 

 

Sinasabi ng Ukraine at ng West na ang Russia ay naglunsad ng isang walang dahilan na war of aggression.

Subvariant ng Omicron, ‘di pa variant of concern

Posted on: May 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa dapat mangamba ang publiko sa nakapasok sa bansa na BA.2.12 subvariant ng Omicron variant ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang nasabing subvariant ay hindi pa tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest o variant of concern.

 

 

Muli niyang hinikayat ang publiko na magpabakuna o magpa-booster na laban sa COVID-19 at huwag nang maghintay na magkaroon muli ng surge ng virus bago pumila sa mga bakunahan.

 

 

Giit ng kalihim, maiiwasan ang pagkakaroon ng surge kung magiging maingat ang mga mamamayan, patuloy na tatalima sa mga health protocols at kung magpapabakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon sila ng proteksiyon laban sa virus.

 

 

Una nang kinumpirma ng DOH na naitala na nila ang unang kaso ng Omicron BA.2.12 sa Baguio City.

 

 

Ito’y isang 52-anyos na Finnish na dumating sa bansa noong Abril 2 mula sa Finland, at sinasabing nagkaroon ng 44 close contacts. (Daris Jose)