Walang indikasyon ng lockdown tapos ng halalan – Duque
- Published on May 2, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
“Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” pahayag ni Duque sa panayam ng Dobol B TV.
Paliwanag niya, kung kinakailangan, magkakaroon lamang ng granular lockdowns at hindi widespread lockdown.
Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Sa 50% pagbaba sa compliance ng MPHS sa Metro Manilla ay maaring magresulta sa 25,000 hanggang 60,000 bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa kalagitnaan ng Mayo.
Samantala, 20% naman na pagbaba sa MPHS compliance nationwide ay maaring magbunga ng 34,788 active COVID cases, at 30% na pagbaba sa compliance ng MPHS ay lalong magpapataas hanggang sa 300,000 sa nasabing panahon. (Daris Jose)