• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2022

PAKISTANI, INARESTO SA PAG-OPERATE NG SHOP NA WALANG VISA

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani dahil sa pag-operate ng kanyang shop na walang kaukulang visa.

 

 

Sa ulat na isinumite kay BI Commissioner Jaime Morente ng  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang Pakistani na si Nasir Khan, na inaresto sa kanyang ika-25 mismong araw na kaarawan  dahil sa pag-operate ng  kanyang surplus shop sa Brgy. Apopong, General Santos City while possessing only a tourist visa.

 

 

Ang pag-aresto ay ipinatupad ng BI Regional Intelligence Operations Unit XII head Andre Joseph Fournier at  Mindanao Intelligence Task Group Head Melody Penelope Gonzales sa pakikipagtulungan ng Police Station 2 ng  General Santos City Police Office, ka-ugnay ng mission order  na inisyu ni Morente.

 

 

Batay sa records, nagpaso ang working visa ni  Khan held noon pang June ng nakaraang taon at tanging tourist visa na lamang ang kanyang hawak.

 

 

“Foreign nationals are not allowed to conduct commercial activities without the proper visa,” ayon kay Morente.  “This is considered a violation of the Philippine Immigration Act of 1940, and is grounds for deportation and blacklisting,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)

Mystery Thriller ’Death on the Nile’ Is Set To Open in PH Cinemas

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Death on the Nile is an upcoming mystery thriller film directed by Kenneth Branagh, based on the 1937 novel of the same name by Agatha Christie.

 

 

Produced by Branagh, Ridley ScottJudy Hofflund and Kevin J. Walsh, the film is a follow-up to Murder on the Orient Express (2017) and stars Branagh returning as Hercule Poirot, along with Tom Bateman (also returning from the first film), Annette BeningRussell BrandAli FazalDawn FrenchGal GadotArmie HammerRose LeslieEmma MackeySophie OkonedoJennifer Saunders, and Letitia Wright round out the ensemble cast.

 

 

The film is the third screen adaptation of Christie’s novel, following the 1978 film and an episode of the television series Agatha Christie’s Poirot broadcast in 2004.

 

 

About Death on the Nile:

 

 

Belgian sleuth Hercule Poirot’s Egyptian vacation aboard a glamorous river steamer turns into a terrifying search for a murderer when a picture-perfect couple’s idyllic honeymoon is tragically cut short. Set against an epic landscape of sweeping desert vistas and the majestic Giza pyramids, this tale of unbridled passion and incapacitating jealousy features a cosmopolitan group of impeccably dressed travelers, and enough wicked twists and turns to leave audiences guessing until the final, shocking denouement.

 

 

Death on the Nile reunites the filmmaking team behind 2017’s global hit Murder on the Orient Express, and stars five-time Academy Award® nominee Kenneth Branagh as the iconic detective Hercule Poirot.

 

 

Death on the Nile is written by Michael Green, adapted from Christie’s novel, and is produced by Kenneth Branagh, p.g.a., Judy Hofflund, p.g.a., Ridley Scott, Mark Gordon, Simon Kinberg and Kevin J. Walsh, with Matthew Jenkins, James Prichard and Matthew Prichard serving as executive producers.

 

 

Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=dZRqB0JLizw

 

 

The film is set to open in Philippine theaters on February 9, 2022 and it will be distributed worldwide by 20th Century Fox.

(ROHN ROMULO)

Paniniwala ni Sec. Concepcion, puwede nang hindi magpatupad ng Alert Level system pagdating ng Marso o Abril

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril.

 

 

Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Concepcion na pabagsak na ang level of infection na nililikha ng Omicron variant ang ang naging pasiya ng IATF na alisin na ang quarantine restrictions sa mga turista at OFW ay isang indikasyon na nagsisimula na tayong mag-move on.

 

 

Maituturing aniyang “good news” na naibalik na rin ang maraming lugar sa Alert level 2 gaya ng NCR habang naruruon din aniya ang kanyang pag- asa na Alert level 1 na sa katapusan ng Pebrero ang Metro Manila.

 

 

Giit ni Concepcion na kakayanin kung tutuusin na tanggalin ang alert level system bastat siguraduhin lang na tuloy ang pag- oobserba ng minimum health protocol at gawing walang patid ang pagbabakuna. (Daris Jose)

Crime rate sa Metro Manila, bumaba ng 17% – PNP

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Philippine National Police na bu­maba ng 17 porsiyento ang crime incidents sa National Capital Region mula November 2021 hanggang Enero 2022.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang pagbaba ng crime incidents mula Nob. 20, 2021 at hanggang Enero 23, 2022 ay indikasyon ng maigting na kampanya ng PNP laban sa iba’t ibang krimen sa bansa.

 

 

Kabilang sa mga tinututukang crime incidents sa Metro Manila ay physical injuries, theft at robbery.

 

 

Sa katunayan ang pagbaba ng mga kaso sa NCR ay nakita rin sa ilang rehiyon sa bansa.

 

 

Walong kaso ang tinutukan ng PNP na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft at carnapping.

 

 

Posibleng nakatulong sa pagbaba ng crime incidents ang ipinatutupad na qua­rantine restrictions sa COVID-19.

 

 

Gayunman, tiniyak ni Fajardo na hindi magi­ging kampante ang PNP lalo pa at papalapit ang halalan.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 20) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL bigo ang mga naunang plano ay nagdesisyon na si Cecilia na aminin ang kanyang nararamdaman para kay Bernard.

 

Muntik nang maibuga ni Bernard ang hinigop na kape nang biglang lumuhod sa harapan niya si Cecilia at umiiyak na nagsabi.

 

“Mahal kita Sir Bernard. Mahal po kita. Huwag mo po akong iwan!”

 

Sa bukana ng hardin ay bumungad si Angela.

 

Nagmamadaling itinayo ni Bernard si Cecilia.

 

“Ano bang nangyayari sa’yo Cecille?”

 

“Hindi ko rin po alam. Basta isang umaga nagising na lang ako na mahal na kita!”

 

Tumingin si Bernard kay Angela na nakatingin lang sa kanila.

 

“Look at her Cecille. Look at my wife. Siya lang ang kaisa-isang babae na nasa puso ko at hindi na iyon mababago. Ayokong saktan ka, pero mas makakabuti kung kakalimutan mo na lang ang nararamdaman mo para sa akin.”

 

Unti-unting lumipat ang tingin ni Cecille mula kay Bernard patungo kay Angela.

 

“Tingnan mo siya Sir Bernard. Hindi na sa’yo umiikot ang mundo niya. “

 

Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin niya kay Bernard at hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi.

 

“Tingnan mo ako Sir Bernard…ikaw na ang mundo ko ngayon. Kahit anong gusto mo gagawin ko. Kahit anong trahedya pa ang pagdaanan ko mananatiling sa’yo iikot ang mundo ko, hindi tulad ni Ma’am Angela, nakalimutan ka na niya!”

 

Inalis ni Bernard ang mga kamay ni Cecilia sa pisngi niya at hinawakan ito nang mariin.

 

“Wala kang karapatan sabihin ‘yan sa asawa ko. Wala kang alam sa mga pinagdaanan niya noon at ngayon. Wala kang alam sa mga pagtitiis at pagsasakripisyo niya para sa akin, para sa pag-ibig na mananatiling nagbubuklod sa aming dalawa. Kaya kung ako sa’yo, piliin mo na lang na lumayo at unahing mahalin ang sarili mo. Matatagpuan mo rin kung sino ang nakalaan para sa’yo.” Pagkasabi niyon ay binitawan na ni Bernard ang mga kamay ni Cecille at tinalikuran ito.

 

Inakay na ni Bernard si Angela papasok sa loob ng bahay. Naiwang nagpupuyos ang kalooban ni Cecilia. Sobrang sakit para sa kanya ang mabigo sa kauna-unahang pag-ibig na kumatok sa kanyang puso. Wala palang saysay ang damdamin na inakala niyang makapagbibigay sa kanya ng saya.

 

Pag-alis ng mag-asawa ay nilapitan ni Lola Corazon si Cecilia.

 

“Cecilia, naiintindihan kita.”

 

Nagpahid ng luha ang dalaga nang makita ang matanda.

 

“Pasensya na Lola Corazon.”

 

“Nauunawaan ko ang damdamin mo. Pero huwag kang masyadong malungkot. Ang lahat ay dumaraan sa kabiguan. Balang araw, ang kabiguang ito ay lilingunin mo at mapapangiti ka na lang.”

 

“S-sana nga po lola…”

 

Bago ang kanilang flight ay kausap ni Bernard si SPO2 Marcelo sa cellphone.

 

“Bernard, wala kaming makuhang ebidensya na makapagtuturo kay Roden na siya ang utak sa muntik na pagkidnap kay Angela. Pero yung kaso na pagtatago sa asawa mo doon sa isla, maitutuloy natin ‘yon.”

 

“Nagbago na ang isip ko Marcelo. Hindi ko na itutuloy ang demanda kay Roden. Huwag mo na ring ituloy ang pag-iimbestiga kay Cecilia. Pag-alis namin ni Angela, hindi na nila kami magagambala.”

 

“Sigurado ka ba?”

 

“Oo. Salamat sa tulong mo. Pero ang paghahanap sa anak ko, huwag kayong hihinto.”

 

“Oo babalitaan kita agad kung anuman ang makuha naming impormasyon.”

 

Naihatid na ni Mang Delfin si Lola Corazon sa bahay nito. Nakauwi na rin si Cecilia sa Lola Lucia niya.

Habang ikinakandado ni Bernard ang gate ng kanilang bahay ay nakamasid lang si Angela rito. Iniikot ang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay.

 

“Bela…” sa isip niya.

 

Saglit ding pinagmasdan ni Bernard ang tahanang naging pugad ng pagmamahalan ng binuo nilang pamilya ni Angela.

 

“Bela anak, hindi kami susuko. Babalik kami ng mommy mo at mabubuo tayong muli.” Iyon lang at sumakay na sila sa taxi na maghahatid sa kanila sa airport.

 

Makalipas ang labingwalong taon.

 

“HAPPY 85th BIRTHDAY LOLA CORAZON!” bungad ng mag-asawa sa bahay ng matanda.

 

Napaiyak si Lola Corazon na nakaupo sa wheelchair nang makita ang mag-asawang matagal ding nawalay sa kanya. Nilapitan siya ng mga ito at pinagmanuhan saka niyakap.

 

“Nasorpresa ka ba lola?” tanong ni Bernard.

 

“Ito na yata ang pinakamagandang sorpresang regalo na natanggap ko. Ang pagbabalik ninyong dalawa.”

 

Bumaling si Lola Corazon kay Angela.

 

“Angela, magaling na magaling ka na talaga!”

 

“Ikaw talaga lola, para namang hindi tayo nagvi-video call!”

 

“Pero iba pa rin ‘yung makita kita ng personal na masigla at masaya, tulad ng dati!”

 

“Huwag kang mag-alala lola, nag-usap na po kami ni Bernard, mula ngayon magkakasama na ulit tayo, dito na muna kami mamamalagi sa bahay mo!”

 

Tumingin si Lola Corazon kay Bernard.

 

“Siya nga ba apo?”

 

“Opo lola. Gusto rin kasi ni Angela na magtayo ng restraurant dito para magamit niya ang mga itinuro mong recipe noong araw. Saka ayaw na muna naming bumalik sa bahay hangga’t wala pa ring balita tungkol kay Bela…” ani Bernard na lumungkot ang boses sa dulo nang mabanggit ang anak.

 

“Talagang hindi pa rin kayo sumusuko kay Bela.”

 

“Opo lola. Habambuhay kaming aasa sa pagbabalik niya.” malungkot din ang tinig na tugon ni Angela.

 

“Tama. Habang tayo ay buhay, mananatiling buhay si Bela sa ating puso at isipan. Hindi talaga natin siya dapat kalimutan.”

 

“O, teka, birthday mo naman lola, mas okay kung magsasaya muna tayo, ano po bang mga pinaluto ninyong putahe?” tanong ni Bernard.

 

“Anong pinaluto?  Damuho ka , hindi ko nga alam na darating kayo, sandali tatawagin ko si Janine!”

 

“Sino si Janine lola?” tanong ni Angela.

 

“Ah, oo nga pala, hindi ko pa naikuwento sa inyo, malilimutin na talaga ko. Iyon kasing dating nurse na nag-aalaga sa akin e nangibang bansa na. Pero may inirekomenda naman siya sa akin bago siya umalis. Yung pamangkin niyang bago pa lang nurse. Magandang bata si Janine at mabait kaya nagkasundo kami agad kahit ilang araw pa lang siya rito.”

 

“Talaga lola? Mabuti naman kung gano’n.” ani Angela.

 

“Sandali, tatawagin ko siya, inutusan ko kasing ipagpakulo ako ng tubig.”

 

“Lola Corazon, andito na’ko, hindi nyo na po ako kailangang tawagin!” nakangiting sabi ni Janine mula sa kanilang likuran.

 

Sabay na napalingon sa dalaga sina Angela at Bernard.

 

(ITUTULOY)

‘Sabay tayo magbitiw sa Comelec’

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon si commisioner Aimee Ferolino — kapwa humahawak sa disqualification case ni presidential candidate Bongbong Marcos at ponente nito — na mag-resign kasabay niya ngayong nadadawit sa kontrobersiya ang poll body.

 

 

Biyernes lang nang sabihin ni Guanzon na may “senador” sa likod ng “unreasonable delay” sa paglalabas ni Ferolino ng desisyon sa DQ case ni Bongbong.

 

 

“I challenge Comm Ferrolino, let us resign together [from the Comelec] before [February] 3 since the integrity of the @COMELEC is now in question,” wika ni Guanzon sa isang tweet, Lunes.

 

 

Sinasabi ito ni Guanzon ngayong nakatakda siyang magretiro mula sa posisyon sa Comelec sa ika-2 ng Pebrero.

 

 

Nakatakdang ilabas ang desisyon ng Comelec  sa kaso ni Bongbong noong ika-17 ng Enero, bagay na pinagkasunduan ng First Division na ilabas noong ika-17 ng Enero, sabi ni Guanzon.

 

 

Una na niyang sinabi na bumoto siya pabor sa disqualification petition laban sa anak ng diktador, na nakitaan niya ng “moral turpitude” kaugnay ng 1995 tax conviction ng huli.

 

 

Pero dahil inilabas niya ito bago pa i-promulgate ang opisyal na hatol sa kaso, hinihiling ngayon ng Partido Federal ng Pilipinas ni Bongbong na maparusahan si Guanzon sa pamamagitan ng:

 

pag-disbar sa kanya

 

pagbawi ng kanyang retirement benefits at pensyon

 

 

Isa ang moral turptide sa mga grounds sa disqualification ayon sa Section 12 ng Omnibus Election Code:Any person who has been declared by competent authority insane or incompetent, or has been sentenced by final judgment for subversion, insurrection, rebellion or for any offense for which he has been sentenced to a penalty of more than eighteen months or for a crime involving moral turpitude, shall be disqualified to be a candidate and to hold any office, unless he has been given plenary pardon or granted amnesty.

 

 

Matapos ang pananahimik, inaakusahan ngayon ni Ferolino si Guanzon ng pag-iimpluwensya sa kanyang desisyon sa Marcos disqualication case.

 

 

“[Guanzon] also consistently took liberties in telling me to adopt her opinion… she is trying to influence my decision and trying to persuade me to her direction,” wika niya sa isang liham na naka-address kay Comelec chair riff Abas.

 

 

“There was no internal agreement between and among the First Division Commissioners that the promulgation of the resolution is set on 17 January 2022. It was the presiding commissioner herself who set that date and imposed the same upon me and Commissioner Marlon Casquejo.”

 

 

Si Casquejo ay isa sa tatlong komisyoner na humahawak sa kaso ni Bongbong, kasama sina Guanzon at Ferolino.

 

 

Nananawagan ngayon ang sari-saring grupo gaya ng Bayan Muna party-list, Campaign Against the the Return of the Marcoses and Martial Law, atbp. na mailabas na ang desisyon pagdating sa petisyon laban kay Bongbong, lalo na’t nagdudulot daw ito ng duda sa poll body.

 

 

Dagdag pa ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi na dapat ipagpaliban pa ang promulgation upang mabigyan ng sapat na oras ang mga partido na umapela sa Korte Suprema kung sakali.  (Daris Jose)

Series of photos nila ni MATTEO: SARAH, kitang-kita na wala pa ring baby bump

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINUSUAN ng netizens ang series pf photos sa social media ng bakasyon ng mag-asawang Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli sa Tanay, Rizal.

 

 

Ngayon lang daw kasi ulit nilang nakitang magkasama ang dalawa after ng kanilang Christmas special noong nakaraang December.

 

 

Enjoy ang dalawa sa horseback riding at pagsakay sa motorsiklo habang nagne-nature tripping.

 

 

Sa mga photos, kitang naman na wala pang baby bump si Sarah.

 

 

Nag-rent pa sila ng family house sa Daraitan kunsaan kasama nila roon ang kanilang mga alagang aso.

 

 

Magsi-celebrate nga sina Sarah at Matteo ng kanilang second wedding anniversary sa February 20.

 

 

***

 

 

ANG Filipino film na The Headhunter’s Daughter ay nanalo ng Short Film Grand Jury Prize in the 2022 Sundance Film Festival Awards.

 

 

Dinirek ang pelikula ni Don Josephus Raphael Eblahan, isang independent filmmaker na taga-Ifugao.

 

 

Bida sa kanyang pelikula si Ammin Acha-ur bilang si Lynn, na iniwan ang kanyang pamilya sa Cordillera para matupad ang kanyang pangarap na maging isang country singer.

 

 

“There are significant reasons as to why the sounds, the poetry, and the instruments of country music originated from enslaved African Americans, First Nation Peoples, Native Americans, and colonized Indigenous Peoples of the Pacific.

 

 

They sang songs of emancipation and dreamt of the freedom that awaits them – someday. Indigenous Igorots of the Cordilleras too sang songs of emancipation, and this is the thread that binds us all together,” sey ni Eblahan.

 

 

***

 

 

ANG Filipino-American actress na si Ivory Aquino ang magiging kauna-unahan na transgender woman na makakasama sa isang DC  Comics film.

 

 

Si Aquino ay confirmed na kasama sa DC Film na Batgirl na mai-stream sa HBO Max ngayong 2022.

 

 

Gaganap si Aquino bilang si Alysia Yeoh, ang best friend ni Barbara Gordon a.k.a. Batgirl na gagampanan ng actress-singer na si Leslie Grace. 

 

 

Kasama rin sa cast sina Brendan Fraser as Firefly, Michael Keaton as Batman and Oscar winner J.K. Simmons as James Gordon.

 

 

Nakilala si Aquino sa documentary series na When We Rise in 2017 kunsaan gumanap siya as transgender activist Cecilia Chung.

 

 

Sa totoong buhay, aktibista talaga si Aquino at isang staunch critic ng Donald Trump administration.

 

 

Lumabas din si Aquino sa season 1 ng crime series na FBI: Most Wanted.

(RUEL J. MENDOZA)

Fully vaccinated na mga batang nasa 12 to 17y/o, pumalo na sa 7.5M- Malakanyang

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa 7.5 milyong mga bata na nasa 12 to 17 y/o ang fully vaccinated, “as of Jan 28, 2022.”

 

 

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, resulta aniya ito sa patuloy na pagbabakuna ng pamahalaan sa mga naturang age group.

 

 

Ani Nograles, makasisiguro naman ang lahat na ligtas at epektibo ang mga bakunang itunurok at ituturok sa mga bata.

 

 

Wala rin aniyang dapat na ipangamba ang mga magulang dahil sumailalim sa reformulation o mas pinababa ang doses ng mga bakunang ito na ginagamit para sa mga bata. (Daris Jose)

Concert tour ng ‘Iconic’, tuloy na sa July: SHARON, super excited na nag-post at sinabing masosolo na si REGINE

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPER excited nga na pinost ni Megastar Sharon Cuneta ang poster ng concert tour nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na sa wakas ay matutuloy na sa July 2022

 

 

Caption ni Mega, “NANAAAA!!! @reginevalcasid Masosolo na kita abroad sa wakas! I miss you and I love you.

 

 

“Get ready North America!
“We are so excited to let you know that “ICONIC” is finally coming your way this July.
“This highly anticipated first ever back to back concert will be at a venue near you soon.
“Watch out for updates here!”

 

 

Naka-tag naman sa IG post ni Sharon:

@boldmp @jhett_tolentino @mrreggielee @jeff.g.l @_tessalapradez @lorrainerecto @egan_aileen @aninagayla @bethtamayo21 @cesiboleon6 @jokoy

 

 

Marami naman ang natuwang followers nina Sharon at Regine na ngayon pa lang ay nag-congratulate na and hoping na maging successful ang kanilang concert tour.

 

 

***

 

 

ITATAMPOK ang Pilipinas sa isa sa mga nangungunang documentary film festivals sa Europa, ang Ji.Hlava International Documentary Film Festival (IDFF) sa Jihlava, Czech Republic sa darating na taon, 2022.

 

 

Ang kolaborasyon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ng mga organizer ng Ji.Hlava ay pormal nang pinagtibay upang ilatag ang research at film retrospective lineup, ito ang koleksyon ng mga Filipino documentary films na maaaring itanghal sa 26th edition ng IDFF sa ika-25 hanggang 30 ng Oktubre, 2022.

 

 

Ipinahayag matapos ganapin ang 2021 IDFF noong Oktubre na ang Pilipinas ay napili bilang country of focus ngayong taon.

 

 

Nasa labingwalong pelikula na mula sa Pilipinas ang naipalabas at nakilahok sa iba-ibang kategoryang pangkompetisyon ng IDFF sa nakalipas na sampung taon. Noong 2014, pinarangalan din dito ang itinuturing na Father of Filipino Independent Film na si Kidlat Tahimik, kung saan nakapagbigay rin siya ng isang Masterclass para sa mga kalahok noong taon na iyon.

 

 

Nagsimula bilang isang grupo lamang ng high school students noong 1997, lumago ang IDFF upang maging isa sa mga pinakamahalagang pagtitipon ng mahigit 1,000 documentary film professionals sa  Central at Eastern Europe sa loob ng 25 na taon.

 

 

Ayon kay FDCP CEO & Chairperson Liza Diño, “Ji.Hlava focuses on featuring documentary, hybrid, and experimental documentary films — which I believe to be one of our strong suits. Our country and our talents have a lot to offer in this genre and I’m proud that our country will get special attention in next year’s edition. It is an event worth looking forward to every year.”

 

 

Dalawang documentary films mula sa Pilipinas ang lumahok sa IDFF 2021 — ang Santelmo ni Liryc Dela Cruz, para sa kompetisyon na Opus Bonum, kung saan ang mga napiling pelikula ay magtutunggali para sa titulong Best World Documentary Film.

 

 

Ang Panambi (Mother’s Land) nina Jane Mariane Biyo, Katya Marie Corazon Puertollano, at Myra Angeline Soriaso naman ay kalahok sa Short Joy Competition, ang kategorya para sa short documentary films.

 

 

Malaki rin ang ginampanan ng Pilipinas sa huling edisyon ng festival dahil si Khavn De La Cruz, isa sa mga batikan sa larangan ng local independent cinema, ang nag-disenyo ng kanilang official spot. Bukod sa natatanging paglahok na ito, nakikipag-ugnayan siya sa festival upang pangunahan ang kanilang Academy workshop. Isa rin siya sa mga hurado at may-akda ng kanilang festival diary.

 

 

Ang IDFF ay isa sa mga festivals kung saan ang mga nagwawagi ay napapabilang sa pre-selection ng prestihiyosong Academy Awards (mas kilala bilang the Oscars) at European Film Award.

(ROHN ROMULO)

‘No vax, no ride’ sa Metro Manila, tigil muna – DOTr

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA Pebrero 1, ay pansamantalang ititigil ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng ‘no vaccination, no ride policy’ sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

 

 

Kasunod na rin ito nang pagsasailalim na ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2, simula Pebrero 1 hanggang 15.

 

 

Nangangahulugan ito na hindi na kakailanganin pa ng mga commuters sa capital region na magpakita ng vaccination cards o katibayan na bakunado na sila sa COVID-19 para makasakay sa mga pampublikong transportasyon.

 

 

Once we de-escalate to Alert Level 2, the no vaxx, no ride policy shall automatically be lifted,” ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

 

 

Una nang sinabi ng DOTr na ang polisiya ay iiral lamang kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3 at pataas.

 

 

Bukod sa Metro Manila, isasailalim na rin sa Alert Level 2 ang mga lalawigan ng Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan. (Daris Jose)