• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2022

PBA balik na sa Pebrero 11

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na ang pagbabalik-aksiyon ng Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Pebrero 11 na posibleng ganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

 

 

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang magandang balita kung saan nakikipag-usap na ito sa pamunuan ng Big Dome at sa local government unit ng Quezon City para sa resumption ng liga.

 

 

“Siguro sa Araneta Coliseum ang return but we’re stil finalizing ng venue. We’re returning on February 11,” ani Marcial.

 

 

Makakapagsimula na rin ng ensayo ang mga PBA teams simula bukas (Pebrero 1). Binigyan ng liga ng 10-araw ang lahat ng teams para makapag-ensayo bago muling simulan ang liga.

 

 

Nagpasalamat si Marcial sa Games and Amusements Board (GAB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagtulong nito sa pakikipagpulong sa anim na LGUs na nakasasakop sa training venues ng mga PBA teams.

 

 

Ito ay ang Quezon City, Parañaque, Pasay, Pasig, Mandaluyong at San Juan. “We had six LGUs, which have jurisdiction of where teams hold their practices, but we’ve already talked to them, thanks in particular to MMDA and GAB for helping us,” dagdag ni Marcial.

 

 

Magandang balita pa ang bumungad sa PBA dahil isasailalim na sa mas magaan na Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) dahilan para muling magbukas ang usapin sa live audience.

 

 

Matatandaang natigil ang liga matapos ibalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) na pumalo sa halos 40,000 kada araw.

 

 

Subalit unti-unti nang humuhupa ang kaso sa NCR dahilan para muling ibaba ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang restriksiyon.

Kaya simple ang celebration nila ni DOMINIC: BEA, on strict diet bilang paghahanda sa movie nila ni ALDEN

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS to Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa success ng kanyang documentary concert, na siya ang producer at hands on sa lahat ng paghahanda sa show na ginanap last Sunday, January 30.

 

 

Umani ng papuri ang ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr. na ipinakilala ni Alden ang sarili niya at ang mga pinagdaanan niya simula nang pasukin niya ang showbusiness.

 

 

Binati rin siya ng netizens na nanood ng concert, sa magandang presentation ng show.

 

 

Comment ng netizen, Sarap sa puso panoorin, very inspiring, ang husay, ang galing, ganda! Nandoon na lahat, life changing. Sana ipalabas ulit at panonoorin ko po ulit.  Congratulations po sa inyo!

 

 

Alden thanked naman lahat ng mga sumuporta at nanood ng docu-concert.

 

 

Ipinangako ni Alden na ang lahat ng proceeds ng docu-concert ay ilalaan niya sa mga pag-aaralin niyang mga estudyante ng kanyang AR Foundation.

 

 

Pero back to work agad si Alden kinabukasan after ng concert, January 31, dahil nag-shoot na siya para sa online selling app na Lazada, kasama sina Bea Alonzo at Kathryn Bernardo. 

 

 

Sa pagbabalik nang live ng Eat Bulaga wish ng fans nila ni Maine Mendoza na makapag-guest muna siya bago siya magsimula ng quarantine nila ni Bea para sa lock-in shoot ng movie na gagawin nila for Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Special Moments.

 

 

***

 

 

KAYA naman ang new leading lady ni Alden Richards, si Bea Alonzo ay naghahanda na rin para sa pagsasama nila sa trabaho.

 

 

The other day ay nag-celebrate si Bea at ang boyfriend  na si Dominic Roque ng first anniversary nila as sweethearts.  Naiiba ang celebration dahil hindi ito dinner sa isang sikat na restaurant, sa halip, dahil parehong mahilig sa arts, pinasyalan nila ang Pinto Museum sa Antipolo City.

 

 

Tiniis daw nila ang init ng panahon, pero nag-enjoy daw sila. Kaya may nagtanong sa IG story ni Bea bakit ganoon lamang ang celebration nila.

 

 

Sagot ng actress: “strict diet kasi ako, in preparation sa start ng lock-in shooting namin ni Alden ng movie this February.”

 

 

Pero tulad ni Alden, tinapos din muna ni Bea ang mga TVC shoots niya ng mga endorsements niya at thankful siya sa mga bago pang endorsements na dumating na tinapos na rin niya ang shoot, dahil araw lamang ang pagitan sa pagsisimula rin ng lock-in taping nila ni Alden for their first teleserye sa GMA Network, after ng movie shoot nila.

 

 

***

 

 

ISA ring queen of endorsements si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

 

 

Everytime na magbukas ka ng Instagram at IG stories niya, may makikita kang iba’t ibang bagong product na ini-endorse niya, kasama na ang isang health card na kailangan natin sa mga panahong ito.

 

 

Pero hindi rin nagpapahinga si Marian, pagkatapos nilang mag-anak na gumaling sa Covid-19, back to work na rin sila ng husband niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. 

 

 

Nag-tape na si Marian ng spiels niya ng bagong episodes ng OFW documentary na Tadhana na si Dingdong naman ang nagdirek at last Saturday nga, nagsimula na itong mapanood sa GMA-7, after ng Prima Donnas.

 

 

Meanwhile, marami nang nag-aabang kung ano ang magiging finale ng Primetime series na I Can See You: AlterNate, na gumaganap sa dual role si Dingdong, as Nate and Michael.  Napapanood ito gabi-gabi, pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.

(NORA V. CALDERON)

RAFAEL NADAL nagkampeon sa Australian Open matapos talunin si Daniil Medvedev

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGHAL na kampeonato ng Australian Open si Rafael Nadal matapos talunin si Daniil Medvedev.

 

 

Nakuha ng tennis star ng Spain ang scorena 2-6, 6-7, 6-4, 6-4, 7-5 ang Russian tennis star.

 

 

Naging kapana-panabik ang laban ng habulin ng 35-anyos na Spain ang dalawang set ng dominado ni Medvedev dahil sa pagpasok ng third set ay doon na siya umarangkada.

 

 

Itinuturing kasi na si Nadal ang paboritong manalo ng titulo dahil sa hindi paglalaro ng defending champion Novak Djokovic dahil sa isyu ng visa habang may injury si Roger Federer.

 

 

Ito na ang pangalawang pinakamatagal na laban ng Grand Slam Final sa kasaysayan na ang una ay noong 2012 final sa Melbourne Park ng mabigo si Nadal kay Novak Djokovic na mas matagal ng 30 minuto.

 

 

Dahil sa panalo ay nagtala si Nadal ng record-breaking ng makuha ang 21st Grand Salm men’s title na umabot sa limang oras at kalahati ang laban ng Australian Open final.

 

 

Nahigitan nito sina Roger Federer at Djokovic na mayroong tig-20 Grand Slam title.

 

 

Itinuturing kasi na si Nadal ang paboritong manalo ng titulo dahil sa hindi paglalaro ng defending champion Novak Djokovic dahil sa isyu ng visa habang may injury si Roger Federer.

Bilang ng mga adolescent mothers, bumaba sa 23.8K sa taong 2020

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT  ng Commission on Population and Development (PopCom) na bumaba ng 23,855 ang bilang ng mga kabataan na nanganak noong 2020.

 

 

Noong 2019, umabot sa 180,915 ang mga ipinanganak ng mga ina na wala pang 19 taong gulang at bumaba sa 157,060 noong nakaraang taon.

 

 

Ang isang malaking bahagi ng pagbaba ay nasa 15 hanggang 19 na age bracket, kung saan ang 23,557 mga ina ay bumubuo ng 98.7 porsyento ng pagbaba.

 

 

Ang daily birth rate ng 15-19 na grupo ay nasa 425, mas mababa kaysa sa 2019 na 489.

 

 

Ang adolescent birth rates ay nasa 31 bawat 1,000 batang babae noong 2020, na mas mababa kaysa sa 47 bawat 1,000 sa 2017 National Demographic Health Survey (NDHS) base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ads February 1, 2022

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PRO-PH DIPLOMATIC POLICY ISUSULONG NG UNITEAM

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ng BBM-Sara UniTeam na ang kanilang diplomatic policy ay hindi para sa interes ng ibang bansa o alinmang superpower nation kundi para isulong lang ang kapakanan ng Pilipinas at ng mga mamamayan.

 

 

Sa panayam ng social media influencer na si Thinking Pinoy, agad itong sinagot ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ng “pro-Philippines” nang tanungin siya kung magiging anti-or pro-US o China ba ang polisiya niya sakaling maluklok bilang pangulo ng bansa.

 

 

“Pro-Philippines, I’ve always said that,” ayon kay Marcos.

 

 

“When asked, are you pro-Philippines? Pro-China? Pro-US? Well it’s very simple in my mind. I don’t work for Washington DC, I don’t work for Beijing, I work for the Philippines, so what is in the national interest of the Philippines? ‘Yun lang naman dapat ang ating isipin. ‘Yun ang ipaglaban natin,” sinabi pa ni Marcos.

 

 

Ani Marcos nauunawaan niya na mayroon tayong sigalot sa pagitan ng China dahil sa agawan sa West Philippine Sea pero siniguro nito na anuman ang magiging desisyon niya ay siguradong para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

 

 

“You cannot afford over mistakes or misjudgments or lack of understanding of policy when it comes to the Department of Foreign Affairs (DFA) when it comes to foreign policy. We have to get it absolutely right,” paliwanag ni Marcos.

 

 

“The Philippines right now is trying to walk a very fine line between all the superpowers. I mean, we are talking to the United States, we have special relationship with the US, which will endure, I think through all over our lifetime,” wika niya.

 

 

“Now the emerging power in the region, of course, is the People’s Republic of China. Luckily, we also have a good relationship with China,” dagdag pa niya.

 

 

Tinukoy pa ni Marcos ang kahalagahan ng pagtatalaga ng isang mahusay na kalihim ng Department of Foreign Affairs na siguradong nauunawaan at tiyak na makatutulong para sa mas maayos nating relasyon sa ibang mga bansa.

 

 

“Well, it might still be considered a political appointment, but it has to be somebody who is very well versed in the diplomatic community and the  most important thing is well-supported siya ng mga career officers,” ani Marcos.

LeBron James wala pang katiyakan kung kelan makakapaglaro dahil sa injury sa tuhod

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG  matagalan pa bago tuluyang makapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James.

 

 

Sinabi ng Lakers coach Frank Vogel na nagkaroon ng pamamaga sa kaliwang tuhod ni James.

 

 

Dagdag pa nito na hanggang nandoon ang pamamaga ay patuloy pa rin itong hindi makakapaglaro.

 

 

Ang 37-anyos na si James ay hindi na nakasama sa tatlong games ng Lakers.

 

 

Mayroon itong average na 29.1 points, 7.7 rebounds at 6.3 assists kada laro ngayong season.

Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines.

 

 

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng technical, logistical, at in-kind assistance sa buong coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

“These are life-saving equipment indeed critical in our pandemic response and also including some supplies and consumables, which have already arrived last year,” ayon kay Duque sa idinaos na ceremonial handover ng nasabing donasyon sa Goetz Cargo Center sa Parañaque City.

 

 

Ang Pilipinas ay nakatanggap ng  30 solar-powered vaccine refrigerator, walong walk-in cold rooms equipped na may generator, 106 set ng spare parts, at 20 set ng personal protective equipment.

 

 

“Rural health units located within geographically isolated and disadvantaged communities in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao and Davao region will get a solar-powered vaccine refrigerator each,” ayon kay Unicef Representative to the Philippines Oyunsaikhan Dendevnorov.

 

 

Ang magiging benepisaryo naman ng ibang equipment ay ang Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga regions.

 

 

“This partnership is exemplary for our joint commitment to strengthen the national health system and making sure that health services and Covid-19 and routine immunization reach families in the Philippines,” ani Dendevnorov.

 

 

Sinabi naman ni Australian Ambassador Steven Robinson na ang donasyon ay makadaragdag sa layunin ng pamahalaan na bilisan ang Covid-19 vaccination program sa mga remote areas sa pamamagitan ng pagbibigay ng cold storage facilities na makapag-iimbak ng malaking bilang ng mga bakuna

 

 

“It will help ensure that those most at risk and other vulnerable members of the population have equal access to vaccines,”ayon kay Robinson.

 

 

Aniya pa, nangako ang Australian government na suportahan ang Pilipinas na itaas ang cold chain capacity, paghusayin ang information management, at palawakin ang suplay ng Covid-19 vaccines.

 

 

Samantala, nakiisa naman sa idinaos na ceremonial handover ng nasabing donasyon sina DOH Undersecretary Ma. Carolina Taiño, immunization specialist Dr. Carla Orozco, cold chain officer Benme Bersola, at Unicef Health section chief Dr. Malalay Ahmadzai. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

7 drug suspects timbog sa P1 milyon shabu sa Malabon, Navotas at Valenzuela

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang pitong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela, Malabon Navotas Cities.

 

 

Sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 051 C Molina St., Brgy., Viente Reales na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeffrey Diaz alyas “Boss”, 36.

 

 

Nakuha kay Diaz ang tinatayang nasa P30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P204,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 15 pirasong P500 boodle money, cellphone at coin purse.

 

 

Sa Malabon, alas-3 ng madaling araw nang madakma din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa Pinagtipunan Circle corner Santol Road., Brgy. Potrero sina Ester Dela Cruz alyas “Teru”, 37, Sharon Dela Cruz alyas “Shawie”, 31, at Benjie Gardoce alyas “Bebe”, 23, pawang ng Caloocan City.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 9 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,200 at P500 marked money.

 

 

Nauna rito, dakong alas-9:30 ng gabi nang masakote ng kabilang team ng SDEU si Adrian Besin, 24, delivery rider at Christer Olajay alyas “Terry Boy”, 18, kapwa ng Caloocan City sa buy bust operation sa M.H Del Pilar Brgy. Tugatog.

 

 

Ani PMSg Randy Billedo, nasamsam sa kanila ang tinatayang nasa 7.00 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P47,600.00 at P500 marked money..

 

 

Samantala, tinatayang nasa 103.00 grams ng hinihinalang shabu na nasa P700,400.00 ang halaga ang nakumpiska naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Dexter Ollaging kay Abdullah Pasandalan alyas “Abdul”, 41 ng New UE, Baseco, Port Area Manila matapos maaresto sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City dakong alas-12:05 ng madalibg araw. (Richard Mesa)

Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

Posted on: February 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.

 

 

Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level 3 noong Enero 3 matapos na sumirit ang Omicron variant cases.

 

 

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, magpapatuloy ang ginagawa nilang monitoring dahil inaasahan na nilang daragsa ang mga tao sa mga malls at iba pang public places habang tataas naman ang workforce.

 

 

“Ang pinaka-importante kasi dyan ‘yung cooperation ng lahat. Nakita naman natin nu’ng nag-Alert Level 3, hindi na tayo nag-Level 4. Sila na ‘yung nag-stop papunta ng mall, sila na mismo ‘yung tumigil sa mga ibang  activities. That’s a good sign that we have learned so much from this pandemic,” ayon sa Kalihim.

 

 

Kailangan din aniyang mapagtanto ng mga Filipino ang kahalagahan na magpabakuna, kilalanin ang sintomas ng Covid-19, at mag-isolate kung kinakailangan.

 

 

“Kahit na marami ‘yung numbers na na-infect, hindi overwhelmed ‘yung ating health care facilities. ‘Yung nagkakasakit sa bahay lang gagaling so ibig sabihin pwede tayong magbukas ng mga economic activity. Ang kailangan lang dito ‘yung individual responsibility na watch out for yourself. Kapag ikaw ay naging close contact, dapat self-isolate na. Look out for symptoms,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, inilagay din naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao sailalim ng Alert Level 2 hanggang Pebrero 15, ayon kay , Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Maliban sa mga general guidelines, ang local government units ay maaaring magpatupad ng iba pang paghihigpit na “subject to evaluation.”