• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAKISTANI, INARESTO SA PAG-OPERATE NG SHOP NA WALANG VISA

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani dahil sa pag-operate ng kanyang shop na walang kaukulang visa.

 

 

Sa ulat na isinumite kay BI Commissioner Jaime Morente ng  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang Pakistani na si Nasir Khan, na inaresto sa kanyang ika-25 mismong araw na kaarawan  dahil sa pag-operate ng  kanyang surplus shop sa Brgy. Apopong, General Santos City while possessing only a tourist visa.

 

 

Ang pag-aresto ay ipinatupad ng BI Regional Intelligence Operations Unit XII head Andre Joseph Fournier at  Mindanao Intelligence Task Group Head Melody Penelope Gonzales sa pakikipagtulungan ng Police Station 2 ng  General Santos City Police Office, ka-ugnay ng mission order  na inisyu ni Morente.

 

 

Batay sa records, nagpaso ang working visa ni  Khan held noon pang June ng nakaraang taon at tanging tourist visa na lamang ang kanyang hawak.

 

 

“Foreign nationals are not allowed to conduct commercial activities without the proper visa,” ayon kay Morente.  “This is considered a violation of the Philippine Immigration Act of 1940, and is grounds for deportation and blacklisting,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)