• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2022

Kung pinuri noon sa ginawang pagpapatawad: CHERRY PIE, hanga sa katapangan ni VP LENI kahit patuloy na binabatikos at binabastos

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA kanyang IG Post ay nagpasalamat si Edgar Allan Guzman (ea_guzman) sa GMA Network, Arnold Vegafria, Gigi Lara, Daryl Zamora, at Sparkle GMA Artist Center at ALV Talents para sa bago niyang project.

 

 

May special thank you si EA kay Ms. Helen Rose Sese na nagbigay sa kanya ng tiwala at greenlight para gampaman ang role ni Frank Querubin sa bagong GMA telebabad offering titled Widows Web.

 

 

“It is definitely the most challenging role na nagawa ko sa isang teleserye,” posted EA sa kanyang IG account. “Grabe ‘yung emosyon ng character. Thank you again from the bottom of my heart.”

 

 

Based sa teaser ay mukhang very interesting ang kwento ng Widows Web. Maraming pagsubok na dadaanan ang karakter ni EA at ang partner niya na si Pauline Mendoza.

 

 

Hindi naman bago kay EA ang pagganap ng challenging roles. Whether bida or kontrabida, laging maasahan si EA in coming up with a good performance always.

 

 

Sa February 28 na ang pilot telecast ng Widows Web sa GMA 7.

 

 

***

 

 

UMANI ng papuri ang aktres na si Cherry Pie Picache sa kanyang katapangan nang patawarin niya ang pumatay sa ina ilang taon na ang nakalipas.

 

Ngunit kahit na itinuturing bilang isa sa magandang halimbawa ng katapangan at radikal na pagmamahal, sinabi ni Picache na bilib siya kay Vice President Leni Robredo sa kanyang katapangan kahit pa inuulan ng batikos, pambabastos at fake news nang mahigit limang taon na.

 

“Mayroon nga akong kilala, limang taon siniraan, binastos, winalanghiya, pero araw-araw pinili niya pa rin na gawin ang tama, iyong manindigan, mag-alaga na may pagkalinga at nang buong katapatan,” wika ni Picache sa isang video message.

 

      “Kaya may matapang sa akin. Si Leni Robredo iyon. Katapangan iyong piliin ang paninindigan, iyong pagsilbihan ang mga tao kahit sinaktan, iyong ipaglaban ang katotohanan kahit na alam mong mas makapangyarihan sa iyo ang babanggain mo,” dagdag pa niya.

 

Para kay Picache, kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan at personal niya itong nasaksihan kay Robredo, na walang pagod na nagtatrabaho para sa taumbayan sa kanyang mga programa at plano.

 

      “Kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan. At hindi madali iyon ha. Pero biyaya iyon para maisabuhay mo ito. Lahat iyon, nakita ko at patuloy na ipinapakita sa ating lahat ni Leni Robredo,” wika pa niya.

 

Tinakalay naman ng kapwa aktres na si Nikki Valdez ang “women power” sa kanyang video message sa gitna ng mga paratang na hindi kayang pamunuan ni Robredo ang bansa.

 

      “Pero kasi hindi totoo iyan. Iba, iba ang lakas ng kababaihan. Hindi ako naniniwala na kahinaan ang pagiging babae. Kasi alam niyo kung ano ang mas matibay sa kamay na bakal, ginintuang puso at busilak na kalooban,” giit ni Valdez.

 

      “Kaya kapag babae, lalo na kung isang mabuting ina ang mamumuno sa ating bayan, malayo ang ating mararating. Isang babaeng tapat, mahusay at hindi nagpapatinag sa anumang paninira at kasinungalingan,” dagdag pa niya.

 

Kung buhay lang ang kanyang ina, sigurado si Picache na isa lang ang pipiliin nilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan sa Mayo.

 

“Iyong pinakamatapang na ina at lider na kilala ko. Si Leni Robredo,” pagtatapos niya.

 

Bilang patunay sa mabuting pamamahala ni Robredo, natanggap ng Office of the Vice President (OVP) ang pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit (COA) sa tatlong sunod na taon pagdating sa paggamit ng pondo ng bayan.

 

Kahit maliit ang budget ng OVP, nakapaghatid pa rin si Robredo ng kailangang tulong sa ating mga kababayan tuwing may kalamidad at ngayong pandemya, kung saan inilunsad niya ang ilang programa gaya ng Bayanihan E-Konsulta, Vaccine Express, libreng COVID-19 testing, libreng sakay para sa frontliners, at mga programang pangkabuhayan at ayuda sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya.
(RICKY CALDERON)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 37) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA WAKAS  ay muling nabuo ang pamilya Cabrera. Sina Bernard, Angela at ang anak nilang si Bela. Kaya naman walang ibang nasa isip ngayon ang mag-asawa kundi paghandaan ang selebrasyon para sa pagbabalik ni Bela sa kanilang buhay. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman nila.

Nakakuha rin ng magandang tiyempo si Andrea para magpaalam sa kanyang mga amo, maliban kay Jeff na nais hadlangan ang pag-alis niya.

“ANDREA! ANDREA!”

 

Huminto sa paglakad ang dalaga pero hindi lumingon.

 

“Inuutusan kitang bumalik sa kuwarto mo.”

 

Walang tugon mula sa dalaga.

 

“Bingi ka ba? Ang sabi ko bumalik ka sa kuwarto mo!”

 

Naiiling na ipinagpatuloy ni Andrea ang paglalakad palabas ng gate.

 

“Andrea, gusto mong itawag kita ng taxi?” tanong ng guard.

 

“Salamat po manong, pero magta-tricycle na lang po ako. Mag-iingat po kayo lagi.”

 

“Ikaw din hija.”

 

Inis na sinundan ni Jeff ang dalaga.

Nakapara na ito ng tricycle ngunit nagulat ito nang biglang humarang si Jeff sa daraanan ng sasakyan.

 

“Sir, anong ginagawa mo?”

 

“Pwede ba, huwag mo nang painitin ang ulo ko, bumaba ka na riyan at pumasok sa loob!”

 

Hindi bumaba si Andrea.

 

“Kuya, paandarin mo na, nahihibang na ang lalaking ‘yan!”

 

Paaandarin na sana ng driver ang tricycle nang bigla itong abutan ni Jeff ng pera.

 

“Eto ang 500, pababain mo ang sakay mo.”

 

Napakamot ng ulo ang driver, nalilito kung sino sa dalawa ang susundin.

 

“Kuya, tara na!”

 

“Ibaba mo na ‘yan, sayang ‘tong 500, kailangan ‘to ng pamilya mo!”

 

“Kuya ano ba?”

 

“Ano, 500 o ‘yang pasahero mong bente lang ang ibabayad sa’yo hanggang kanto?”

 

Napalunok ang driver. Bumaling ito sa dalaga.

 

“E ma’am, pasensya na po ah, dalawampu’t limang pasahero ko na po ang binabayaran ni sir, mahirap pong makahanap ng gano’n ngayon.”

 

Inis na bumaba na lang si Andrea. Sa kabilang banda ay naiintindihan naman niya ang driver. Pero naiinis pa rin siya dahil wala itong kaprinsi-prinsipyo for the sake of money.

 

Nang makuha ang pera ay agad na umalis ang tricycle driver.

 

“O ngayon, anong balak mo sir? Kakaladkarin mo ako papasok sa loob, pagkatapos igagapos mo ako para hindi ako makaalis?”

 

Isang makahulugang pagngisi ang isinagot ni Jeff sa tanong ni Andrea. Kaya napakunot noo ang dalaga.

 

“A-anong balak niya?” sa isip nito.

 

Nabigla pa siya nang mabilis siyang nalapitan ng binata sabay karga sa kanya na para lang siyang pusang isinampay sa balikat nito.

 

“EEEEEEE!” tili ni Andrea na nahihirapang pumalag at nabitawan pa ang bag.

 

“Manong guard, pakipasok sa loob ‘yung bag niya.” utos ni Jeff sa guard na agad namang tumalima.

 

Nanlalaki naman ang mga mata ni Manang Sonya sa pagtataka nang dumaan sa harap niya si Jeff na pakargang bitbit ang dalagang sige lang sa pagtili.

 

Walang pakialam si Jeff sa reaksyon ni Manang Sonya. Sa halip na sa kuwarto ni Andrea ay sa kuwarto niya mismo ito dinala at pabagsak na inihagis sa kama. Pagkatapos ay ini-lock ang pinto.

 

Kung anuman ang nangyari sa loob sa ikalawang beses ay siguradong pareho silang magiging masaya kahit pa i-deny ng dalaga ang kanyang nararamdaman sa mga pagkakataong iyon.

Matagal na nakapinid ang pinto. Mula alas diyes ng umaga hanggang sa buong magdamag. Maski si Manang Sonya ay hindi nagtangkang istorbohin ang dalawa.

 

Umaga.

 

“Hays, ang mga kabataan nga naman ngayon…pero palagay ko nama’y naiinlab na itong si Sir Jeff kay Andrea…hindi naman kasi naging ganyan ang attitude niya sa ibang babae. Karaniwan ay nilalambing niya ng husto para mauto niya, pero si Andrea, dinaan niya sa dahas…malakas ang kutob ko na pinagtatakpan lamang ng dahas na iyon ang tunay niyang nararamdaman…” sa isip ng matanda habang nakatingin sa nakasara pa ring pinto ng kuwarto ni Jeff.

 

Labis na ang pag-aalala nina Bernard at Angela nang ilang oras na nilang hindi nakokontak ang anak. Magkatabi silang nakaupo sa terrace habang nagkakape noong umagang iyon.

 

“Bernard, puntahan na kaya natin siya?”

 

“Maghintay pa tayo, baka busy lang siya ro’n sa bahay. Nangako naman siya na babalik na siya sa atin. Isa pa, one week ang hiningi niya, pang 4 days pa lang naman ngayon kaya hayaan na muna natin siya.”

 

“Pero…”

 

“Angela, nag-aalala rin naman ako, pero mas pinipili ko ngayon na magtiwala sa anak natin.”

 

Unti-unting nagmulat ng mga mata niya si Andrea. Sa nanlalabo pa niyang paningin ay nakita niyang nakahiga sa tabi niya si Jeff at mahimbing pang natutulog. Napamulagat siya at napasilip sa loob ng kumot. Pareho silang walang saplot!

 

Sinulyapan niya si Jeff. Hindi niya namalayan ang ngiting kusang sumilay sa kanyang mga labi. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming nag-uumapaw sa saya sa mga sandaling iyon. Parang sasabog na ang kanyang puso sa sobrang kasiyahan.

 

Muli niyang sinulyapan ang binata. Mas pinili muna niyang manatili sa tabi nito at pagmasdan ang maamong mukha na kabaligtaran ng magaspang na ugali nito.

 

“Sir Jeff…salamat…salamat sa masayang sandaling gaya nito…babaunin ko ang mga nakakakilig na alaala at iiwan ko na rito yung mapapait…”

 

Marahang hinaplos ni Andrea ang pisngi ng binata.

 

“Kahit pinaglalaruan mo lang ako…mahal pa rin kita…pero, baka ito na ang huling pagkakataon nating dalawa…paalam Sir Jeff…I love you po…” pagkasabi niyon ay maingat niya itong hinagkan sa noo at saka maingat na tumayo ng kama para magbihis.

 

Nang magising si Jeff ay wala na sa tabi niya si Andrea.

 

“ANDREAAA!”

 

Kumakabog ang dibdib ni Andrea nang tunguhin ang San Martin para puntahan ang taong pinagkakautangan niya ng loob.

Marahan ang pagkatok niya. Ilang saglit pa ay nagbukas ang pinto.

 

“Andrea…”

 

“Mama Cecille…”

 

“Ba’t naisipan mong umuwi?” bungad na tanong nito sabay talikod papasok sa loob ng bahay.

 

Sumunod si Andrea.

 

“Magpapaalam lang po ako…natagpuan ko na  po sila…ang tunay kong mga magulang.”

 

Natigilan si Cecilia.

 

(ITUTULOY)

Pinadalhan na ng demand letter ng abogado ng media workers: PAOLO, patuloy na kakasuhan dahil ‘di pa nakikipag-settle sa financial obligation

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagsampa ng kaso kay Paolo Bediones dahil hindi pa rin daw ito nakikipag-settle sa financial obligation niya sa higit na 116 media workers.

 

 

Pinadalhan na raw ng demand letter si Bediones ng abogado ng media workers.

 

Sa isang pinadalang statement ni Bediones, sinabi nito na fully aware daw ang kanyang company na Ei2 Tech sa obligasyon nito sa mga media workers.

“However, there are also some areas of dispute and compliance which have yet to be resolved, like the non-issuance of ORs, unliquidated advances, non-completion of tasks and no clearance,” ayon pa sa statement ni Bediones.

 

Ang latest ay na-disqualify na ang production company ni Bediones sa pag-bid sa second phase ng DepEd TV project na may halagang P654 million, ayon sa Department of Education.

 

Pinapaalis ng E12 Tech media workers ang kanilang pangalan sa listahan dahil wala raw silang alam sinali pa rin ni Bediones ang mga pangalan nila para sa second phase. Sa first phase ng project ay hindi pa rin sila nababayaran ni Bediones.

 

Ayon sa DepEd: “The bidder failed to justify the withdrawal of the key personnel of the Ei2 Tech, Inc’s production team. Neither has the bidder answered or responded to the allegations of falsifications by the team members and use the latter’s names without their knowledge, as well as their discontinued engagement with Ei2 Tech, Inc. as early October 2021.”

 


      Ayon sa isang dating program managers of DepEd TV, higit na 200 media workers ang hindi nabayaran na aabot sa P42 million.

 

 

***

 

 

KAHIT na naging isang success ang seafood business ng aktor na si Neil Ryan Sese, inamin na ilang beses niyang iniyakan ang pagpasok sa negosyong ito noong magkaroon ng pandemya.

 

Kuwento ng aktor, noong mawalan siya ng trabaho ng ilang buwan dahil sa pandemya, may kaibigan siyang matagal nang naghihikayat sa kanya na pasukin ang seafood business. Noong tanggapin niya ito, wala raw siyang alam tungkol sa ganitong negosyo.

 


      “Ang hirap ng negosyong seafood. Mahilig lang ako sa seafood pero wala akong alam sa business side. Nung nag-start na yung business, grabe ang hirap talaga, nalula ako. First three weeks ko, umiiyak ako gabi-gabi,” pag-amin pa niya.

 

Nakadagdag pa raw sa kanyang lungkot ay ang pangungutya ng kanyang mga kaibigan. Mula raw sa pagiging aktor, naging fish vendor na lang daw siya ngayon.

 

“May kasama pa, yung mga kaibigan mo pinagtatawan ka. Na parang, ‘Artista ka tapos ngayon nagbebenta ka ng seafood, nagdedeliver ka pa. Alam ko naman nung una na joke din lang naman sa kanila ‘yon pero sensitive ako. Halimbawa kung napagkuwentuhan namin nung regular inuman, tatawanan ko ‘yan,” diin pa ni Neil.

 

Nagbago raw ang lahat noong mag-guest ang aktor sa ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga. Tinulungan din si Neil ng kanyang mga kaibigan sa showbiz. Bumili ng maraming seafoods sa kanya sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at iba pa. Nakatulong daw ng malaki ang pag-post nila sa kanilang social media tungkol sa seafood business niya.

 

 

“Dahil sa mga kaibigan ko, dumami ang orders namin every week. Hindi na ako nabakante sa pag-deliver. Nabigyan ko pa ng trabaho ang ilang riders dahil sa paglaki ng business namin.

 

 

Sa una lang mahirap ang lahat ng bagay. Yung kasabihan na, kung may tiyaga may nilaga, totoo,” diin pa niya.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS iwanan ang showbiz noong nakaraang taon, nagtatrabaho bilang isang bartender sa Hawaii ang former Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette.

 

 

Nag-post si Andre sa kanyang Instagram habang nagtatrabaho ito sa hotel bilang bartender. Nilagyan niya ng caption ang post niya na: “What can I make for you?”

 

Kinumpirma ni Andre sa mga nagtatanong na netizens na isa na nga siyang bartender at hindi niya ikinakahiya ang trabaho niya ngayon after niyang iwan ang showbiz.

 

Noong nakaraang taon napagdesisyunan ni Andre na bumalik na lang sa Hawaii dahil wala raw kasiguraduhan ang career niya dito sa Pilipinas. Hosting sa mga events ang isa sa laging ginagawa ni Andre, pero walang nagaganap big events dahil sa pandemya.

 

 

Wala rin daw siyang regular na show simula noong mawalan ng franchise ang ABS-CBN 2 kunsaan siya nakakontrata.
Dahil sa desisyon niyang ito, nakipag-break na rin siya sa girlfriend niyang si Lou Yalong na nakasama niya bilang housemate sa Otso edition ng PBB.

 

Si Andre na rin daw ang nagsabi na mahirap ang long distance relationship at ayaw niyang mag-suffer ang personal lives nila ni Lou.
(RUEL J. MENDOZA)

Mga negosyante sa Baguio nag-‘yes’ sa Lacson-Sotto platform

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANI ng papuri sina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III mula sa mga negos­yante at miyembro ng Rotary Club International District 3790 Cluster 1C dahil sa mga iprinisinta nilang mga plano at programa sa kanilang pagbisita rito.

 

 

Malaki ang pag-asa ng mga grupo na nasa sektor ng negosyo na makakaya ng Lacson-Sotto tandem na maihatid ang pagbabago na kailangan ng bansa, kung silang dalawa ang magiging mga pinuno sa susunod na anim na taon.

 

 

Mismong si Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong ang nagpakilala kina Lacson at Sotto sa ginanap na dayalogo kasama ng mga Rotarian at mga mamamahayag. Kasunod ito ng pag-endorso ng alkalde sa tambalan ng dalawang batikang public servant bilang mga susunod na presidente at bise presidente.

 

 

Sa ginanap na forum sa Newtown Plaza Hotel nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Lacson kung paano nila isasagawa ang kanilang mga plano na ‘Aayusin ang Gobyerno at Uubusin ang Magnanakaw’ upang magkaroon ng pangmatagalang kaunlaran hanggang sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.

 

 

Para mahimok ang mga botanteng Pilipino na pumili ng tamang kandidato, ibinigay na halimbawa ni Lacson ang isang 35-anyos na ama at kanyang pamil­ya na posibleng umahon sa buhay o mas masadlak sa kahirapan pagsapit ng 2028 o pagtapos ng anim na taong termino ng susunod na admi­nistrasyon.

 

 

Kabilang sa mga natalakay sa forum ang tungkol sa pagpapaunlad ng mga lugar na malayo sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment program ng Lacson-Sotto tandem. Gayundin ang tungkol sa mining industry, isyu sa mga political appointee at modernisasyon sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ni Magalong na ang progreso ng Summer Capital of the Philippines sa nakalipas na tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay mararanasan din sa buong bansa kung bibigyang pagkakataon sina Lacson at Sotto na mamuno sa mga Pilipino.

BEHOLD THE FIRST TRAILER OF BAZ LUHRMANN’S “ELVIS”

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments
WARNER Bros. Pictures has just unveiled the first trailer of “Elvis,” the new movie event from visionary filmmaker Baz Luhrmann. 
Check out the trailer below and watch the film only in Philippine cinemas June 22.

 

 

YouTube: https://youtu.be/KAKR3Xej0Nk

 

Facebook: https://fb.watch/beej31ajLZ/

 

About “Elvis”

 

From Oscar-nominated visionary filmmaker Baz Luhrmann comes Warner Bros. Pictures’ drama “Elvis,” starring Austin Butler and Oscar winner Tom Hanks.

 

The film explores the life and music of Elvis Presley (Butler), seen through the prism of his complicated relationship with his enigmatic manager, Colonel Tom Parker (Hanks).  The story delves into the complex dynamic between Presley and Parker spanning over 20 years, from Presley’s rise to fame to his unprecedented stardom, against the backdrop of the evolving cultural landscape and loss of innocence in America.  Central to that journey is one of the most significant and influential people in Elvis’s life, Priscilla Presley (Olivia DeJonge).

 

Starring alongside Hanks and Butler, award-winning theatre actress Helen Thomson (“Top of the Lake: China Girl,” “Rake”) plays Elvis’s mother, Gladys; Richard Roxburgh (“Moulin Rouge!” “Breath,” “Hacksaw Ridge”) portrays Elvis’s father, Vernon, and DeJonge (“The Visit,” “Stray Dolls”) plays Priscilla.
Luke Bracey (“Hacksaw Ridge,” “Point Break”) plays Jerry Schilling, Natasha Bassett (“Hail, Caesar!”) plays Dixie Locke, David Wenham (“The Lord of the Rings” Trilogy, “Lion,” “300”) plays Hank Snow, Kelvin Harrison Jr. (“The Trial of the Chicago 7,” “The High Note”) plays B.B. King, Xavier Samuel (“Adore,” “Love & Friendship,” “The Twilight Saga: Eclipse”) plays Scotty Moore, and Kodi Smit-McPhee (“The Power of the Dog”) plays Jimmie Rodgers Snow.

 

 

Also in the cast, Dacre Montgomery (“Stranger Things,” “The Broken Heart Gallery”) plays TV director Steve Binder, alongside Australian actors Leon Ford (“Gallipoli,” “The Pacific”) as Tom Diskin, Kate Mulvany (“The Great Gatsby,” “Hunters”) as Marion Keisker, Gareth Davies (“Peter Rabbit,” “Hunters”) as Bones Howe, Charles Grounds (“Crazy Rich Asians,” “Camp”) as Billy Smith, Josh McConville (“Fantasy Island”) as Sam Phillips, and Adam Dunn (“Home and Away”) as Bill Black.

 

To play additional iconic musical artists in the film, Luhrmann cast singer/songwriter Yola as Sister Rosetta Tharpe, model Alton Mason as Little Richard; Austin, Texas native Gary Clark Jr. as Arthur Crudup, and artist Shonka Dukureh as Willie Mae “Big Mama” Thornton.

 

Oscar nominee Luhrmann (“The Great Gatsby,” “Moulin Rouge!”) directed from a screenplay by Baz Luhrmann & Sam Bromell and Baz Luhrmann & Craig Pearce and Jeremy Doner, story by Baz Luhrmann and Jeremy Doner.  The film’s producers are Luhrmann, Oscar winner Catherine Martin (“The Great Gatsby,” “Moulin Rouge!”), Gail Berman, Patrick McCormick and Schuyler Weiss.  Courtenay Valenti and Kevin McCormick executive produced.

 

The director’s behind-the-scenes creative team includes director of photography Mandy Walker (“Mulan,” “Australia”), Oscar-winning production designer and costume designer Catherine Martin (“The Great Gatsby,” “Moulin Rouge!”), production designer Karen Murphy (“A Star Is Born”), editors Matt Villa (“The Great Gatsby,” “Australia”) and Jonathan Redmond (“The Great Gatsby”), Oscar-nominated visual effects supervisor Thomas Wood (“Mad Max: Fury Road”), music supervisor Anton Monsted (“Australia,” “Moulin Rouge!”) and composer Elliott Wheeler (“The Get Down”).

 

Principal photography on “Elvis” took place in Queensland, Australia with the support of the Queensland Government, Screen Queensland and the Australian Government’s Producer Offset program.

 

A Warner Bros. Pictures Presentation, A Bazmark Production, A Jackal Group Production, A Baz Luhrmann Film, “Elvis” will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

Join the conversation online and use the hashtag #ElvisMovie

Beermen hiniya ang Gin Kings

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMAKOT  si import Orlando Johnson ng 31 points, 10 rebounds at 8 assists para banderahan ang San Miguel sa 110-102 paggupo sa nagdedepensang Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Nag-ambag si CJ Pe­rez ng 23 markers para sa ikaapat na panalo ng Beermen sa pitong laban at buhayin ang kanilang pag-asa sa quarterfinals.

 

 

“This is my first to play basketball again after a year. I knew it’s just a matter of time before I get my rhythm back,” sabi ni Johnson na dating naglaro para sa Ginebra.

 

 

Nalasap ng Gin Kings, nakahugot kay import Justin Brownlee ng 40 points, ang ikaapat na sunod na pagkatalo matapos ang 3-0 panimula sa torneo.

 

 

Kumonekta ang San Miguel ng anim na triples sa third period sa likod nina Johnson, Perez at Marcio Lassiter para angkinin ang 13-point lead, 86-73, sa hu­ling 1:26 minuto nito.

 

 

Ilang beses nagpumilit ang Ginebra na maputol ang nasabing kalamangan sa fourth quarter sa pamamagitan ni Brownlee, ang huli ay sa 100-106 sa 2:35 minuto nito.

 

 

Ngunit ang fastbreak dunk ni Johnson sa nala­labing 1:19 minuto ang mu­ling naglayo sa Beermen sa 108-100.

 

 

Sa inisyal na laro, hinataw ni import Tony Bishop ang 20 sa kanyang 26 points sa second half habang iniskor ni Allein Maliksi ang 12 sa 19 markers niya sa fourth period para sa 93-88 panalo ng Meralco (5-1) sa Rain or Shine (3-5).

 

 

Nagtala si center Raymond Almazan ng 17 points at 7 rebounds para ilapit ang Bolts sa quarterfinals berth kasabay ng pagpapatikim sa Elasto Painters ng ikalawang dikit na pagkatalo.

 

 

“We talked about it at halftime that we are just going to focus on our defense,” sabi ni Meralco coach Norman Black sa depensa nila sa Rain or Shine sa second half.

AFP kinalma ang publiko kaugnay sa terror plot ng Hamas sa Pilipinas

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GUMAGALAW na rin sa ngayon ang intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa napaulat na terror attack ng kilalang international terrorist group na Hamas sa Pilipinas.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa PNP kaugnay sa nasabing intel report.

 

 

Ibinunyag kasi ng PNP kamakailan na may isang Fares Al Shikli alias Bashir ang nanghihikayat umano ng mga Pinoy na may koneksyon sa mga Lokal na Terrorista para magkasa ng pag-atake laban sa Israeli Community sa bansa.

 

 

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, hindi naman aniya sila tumitigil sa pagbabantay at sa katunayan aniya ay wala naman silang nakikitang anumang banta sa seguridad sa kasalukuyan.

 

 

Sinabi ni Centino nakatuon aniya ang kanilang pansin sa papalapit na halalan kung saan, kailangan din nilang tuldukan ang pamamayagpag ng mga elemento ng CPP-NPA at NDF bilang bahagi aniya ng direktiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ayon kay Centino, nakalatag na ang kanilang deployment sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) gayundin sa SOCCSKSARGEN na kilalang election hotspot.

 

 

Ang AFP ang siyang magiging frontliner sa pagpapatupad ng peace and order sa nasabing mga rehiyon sa pakikipag tulungan sa PNP at Comelec. (Daris Jose)

Pinoy workers na nagka-COVID-19 sa Hong Kong, sinibak ng employers

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPANAGUTIN ng Philippines’ Consulate General sa Hong Kong ang mga employers na magsisibak sa mga Filipino workers na nagpositibo sa COVID-19 sa gitna ng pagtaas ng kaso infections sa nasabing bansa.

 

 

Sinabi ni Consul Ge­neral Raly Tejada, na iba-blacklist ng Pilipinas ang employers na magsisibak sa kanilang mga manggagawang Pinoy na nahawa ng nasabing virus.

 

 

Paliwanag ni Tejada na ang mga walang pusong employer na nagsisibak ng mga may sakit na Filipino ay mananagot dahil labag ito sa batas sa Hongkong.

 

 

Mayroon nang nasagip na 10 Filipino workers ang consulate dahil napipilitan silang matulog sa labas ng pintuan ng bahay dahil sinibak ng kanilang mga employer matapos mahawa ng COVID-19.

 

 

Ang mga na-rescue ay nakuha na at nailagay na rin sa isolation facility at medical facility.

 

 

Nilinaw din ni Tejada na ang mga employers ang responsable sa pagpapagamot ng kanilang mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Sa sandaling mapatunayan na guilty sa pagsibak sa mga empleyado na nagkasakit, maaring magmulta ang mga employers o parusa ang kanilang kakaharapin dahil nakipag-ugnayan na umano si Tejada sa Hongkong labor office.

 

 

Kung pinili naman ng isang manggagawa na bu­ma­lik sa kanilang employer ay hindi nila ito pipigilan. Sa kasalukuyan ang HK ay dumaranas ng COVID outbreak dahil na rin sa mas nakakahawang Omicron variant. (Gene Adsuara)

‘Vaccine hesitancy’ ng mga Pinoy, 10% na lang

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA na sa 10% ang ‘vaccine hesitancy’ o ang kawalang-tiwala sa COVID-19 vaccines ng mga Pilipino sa kabila na bigo ang Department of Health (DOH) na maabot ang target na bilang sa katatapos na ikatlong bugso ng ‘national vaccination drive.’

 

 

“At the start talaga, since last year, meron talagang hesitancy ‘yan na mga 30%, although bumaba na ngayon, nasa 10% na lang,” ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega.

 

 

Nitong Sabado, una nang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bigo ang pamahalaan na maabot ang limang milyong vaccination target sa ikatlong bugso ng “Bayanihan, Bakunahan” program na idinaos mula Pebrero 10 hanggang 18.

 

 

Ngunit sapat na rin umano ang naabot na 3.5 milyong indibidwal na kanilang nabakunahan sa walong araw na bakunahan.

 

 

Ikinatwiran ni Vega na isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi naabot ng pamahalaan ang target ay dahil mabagal pa rin ang pagbabakuna sa ilang lugar sa Min­danao na naapektuhan ng bagyong Odette.

 

 

Pangunahing target ngayon ay mabakunahan ang mga senior citizen na 65% pa lamang nila ang nababakunahan.

 

 

Target ng gobyerno na umabot sa 90 mil­yong Pilipino ang mabakunahan bago bumaba si Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan sa Hunyo.

Amir Khan balak ng magretiro matapos ang pagkatalo kay Brook

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINOKONSIDERA na ni British boxer Amir Khan ang pagreretiro sa boxing matapos na patumbahin siya sa ika-anim na round ni Kell Brooks.

 

 

Mula kasi sa simula ay hindi na nakaporma pa ang 35-anyos na si Khan.

 

 

Si Khan na nagwagi ng silver medals bilang lightweight boxer sa Athens Olympics noong 2004 na nais na lamang niyang maglaan ng mas mahabang oras sa kaniyang pamilya.

 

 

Paliwanag nito na marami na ito ng napatunayan gaya sa Olympics na nakakuha ng silver medal sa edad na 17 at nagwagi ng world title noong edad 22.