• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2022

Reyes, Amit sabak Hanoi Southeast Asian Games

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes  ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Bibida si national playing-coach Reyes at Carlo Biado sa men’s squad, habang si Rubilen Amit ang mamumuno sa women’s team na misyong maparehasan,’di man mahigitan ang 4-3-5 gold-silver-bronze medals na kinopo ng mga Pinoy cue artist sa 2019 SEA Games sa ‘Pinas.

 

 

“Let’s pray and wish them all the best of luck,” bulalas Lunes sa People’s BALITA ni Billiard Sports Confederation of the Philippines, Inc.  secretary general Roberto Mananquil.

 

 

Tutumbok sina Reyes  at Francisco Dela Cruz sa 1 cushion at 3-cushion carom ng snooker, habang sasargo sina Alvin Barbero at Fefrey Roda sa singles at 6-red singles.

 

 

Titirada naman si Biado sa 10-ball at 9-ball singles tulad ni Johann Chua.

 

 

Samantalang si two-time world 10-ball queen Amit  ay kakasa sa 10-ball at 9-ball singles events gaya ni 2017 Malaysia SEAG gold medallist Chezka Centeno. (REC)

Ilang airline companies nagkansela ng flight patungong Ukraine

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN ang mga airline companies na nagkansela ng kanilang flights sa Ukraine dahil sa tumataas na tensiyon doon .

 

 

Pinakahuling nagkansela ay ang Air France at German airline company na Lufthansa kung saan sinabi nila na ang hakbang ay bilang pag-iingat.

 

 

Tiniyak ng dalawang airline companies na kanilang imomonitor ang kalagayan sa lugar.

 

 

Magugunitang mula noong Enero ay maraming mga airline companies na ang nagbawas ng kanilang flights habang ang iba ay nagkansela dahil sa lumalalang tensiyon at banta ng Russia na paglusob sa Ukraine.

PDu30, tiniyak ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 2022

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na sisiguraduhin ng kanyang administrasyon ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa May 9, 2022.

 

 

Idagdag pa rito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagsasagawa ng electoral exercise na ganap na aayon o susunod sa requirements ng Konstitusyon at batas.

 

 

Gayundin, nangako ang Pangulo na ang pagpili sa appointees sa mga posisyon na binakante ng kamakailan lamang na retired officials ng Commission on Elections ay magiging “completely transparent,” kung saan ang mga kandidato ay sasailalim sa “stringent merit-based vetting process.”

 

 

Matatandaang, opisyal nang nagretiro sina Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. sa kani-kanilang puwesto.

 

 

Ang pagreretiro ng tatlong opisyal ay nag-iwan sa kasalukuyang apat na komisyoner na mamuno sa poll body sa pagsasagawa ng 2022 national at local elections. Lahat sila ay appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ang apat na komisyoner na natitira ay sina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.

 

 

Ang pagtatalaga ng pangulo ng mga bagong komisyoner ay sasailalim sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) — isang body na binubuo ng mga mambabatas mula sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso. (Daris Jose)

Isko iginiit si Doc Willie pa rin kanyang VP

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN  si 2022 presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na si Dr. Willie Ong pa rin ang kanyang katambal sa pagkabise presidente — ito kahit nangampanya siya sa Mindanao kasama ang mga nagsusulong ng Isko-Sara Duterte tandem.

 

 

Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kandidato sa pagkabise presidente ni presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“Ako po, Isko-Doc Willie. Period,” paglilinaw ni Domagoso sa interview kasama ang media, Martes.

 

 

“‘Yung mga organisasyon na kanya-kanya… as a candidate hindi naman natin mapipigilan ang mga choices ninyo [na iboto ang hindi magkapartido sa highest positions] kasi hindi naman tayo two-party system katulad ng Estados Unidos na kapag binoto ang presidente, panalo na ang vice president.”

 

 

“In the case of Doc Willie and I, kami talaga. Straight forward, Isko-Doc Willie.”

 

 

Una nang sinabi ng campaign manager ni Domagoso na si Lito Banayo na kinausap niya si Ong na huwag munang sumama sa campaign sorties sa Mindanao ngayong linggo lalo na’t may ilang grupo roon na ipinagpapares ang Manila mayor kay Duterte-Carpio, na taga-Davao.

 

 

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na Sabado nang sabihin ni Domagoso na umaasa siyang ieendorso siya ng ruling PDP-Laban party ni Digong, na tatay ni Inday Sara. Wala pa rin kasing ineendorso ang PDP-Laban sa pagkapangulo sa ngayon.

 

 

“Ayaw namin siyang mapahiya [sa Mindanao]. If you’re true to your partner [hindi mo ‘yun gagawin], baka maalanganin ka lang. Kasi may iba naman silang [organizers] preferred candidate, which is sila naman ang nag-host, sila naman ang gumastos, sila naman ang tumulong,” dagdag pa ni Domagoso sa media.

 

 

“I’m grateful to Doc Willie, talagang naniniwala siya sa akin, in the same manner, naniniwala rin ako kay Doc Willie.”

 

 

Nananawagan naman si Domagoso sa publiko na sana kilalanin pa nang husto ang kanyang kasama sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko, bago ang eleksyon. Kilala si Ong sa kanyang sari-saring health tips na ipino-post sa sari-saring social media platforms, at natalo noon sa pagkasenador noong 2019 midterm elections.

 

 

Lunes nang magpaskil si Ong ng kanyang video statement sa Facebook kaugnay ng isyung “mix and match” ng mga kandidato, habang pinasasalamatan ang kanyang mga tagasuporta. Gayunpaman, itutuloy-tuloy lang daw niya ang kanyang pangangandidato upang puntiryahin ang posisyon ng ikalawang pangulo.

 

 

“Focus lang ako sa kailangan kong gawin. Salamat kay Mayor Isko, pinili niya ako, nakatakbo tayo bilang vice president, pero ngayon nasa akin na ‘yung bola eh. So tuluy-tuloy tayo hanggang May 9, walang atrasan ito,” banggit niya kahapon.

 

 

“Wala namang magbabago… eye on the ball ako eh. Kailangan kong manalo kasi kailangan kong maibigay ‘yung tulong sa mahihirap, sa gamutan, sa pagkain.”

 

 

Wala rin naman daw siyang galit sa puso niya dahil hindi ito makatutulong. Matatandaang nasa ikaapat na pwesto si Ong pagdating sa VP preference ng mga Pilipino sa January Pulse Asia survey, matapos makakuha ng 5%.

 

 

Hindi naman naiwasan ng netizens na maawa kay Doc Willie dahil sa nangyayari, lalo na’t tila iniwan daw sa ere ni Isko Moreno ang kanyang partner.

 

 

“Parang nalungkot ako for Doc Willie Ong. ????????????,” wika ng  komedyante at talent manager na si Ogie Diaz kahapon habang nagpopost ng litrato ni Domagoso na nakasakay sa kotseng may poster na Isko-Sara.

 

 

Ganyan din naman ang ipinahiwatig nang marami online sa pamamagitan ng memes, kung saan magkahalong katatawanan at awa ang nararamdaman ng internet users.

 

 

Sa post na ito sa FB group na memes out 4 du30: election year, makikitang binitiwan ni Isko si Doc Willie habang makikita namang pinag-aagawan nina Bongbong at Isko si Sara sa isang paskil sa grupong New Malacañang Pro-Wrestling. (Gene Adsuara)

Nag-celebrate na sila ng second wedding anniversary: SARAH, kitang-kita na sobrang happy at wini-wish na magka-baby na sila ni MATTEO

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE na last Sunday, February 20 ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng kanilang second wedding anniversary.

 

 

Minarkahan ng 31-year-old hunk actor ang isa pang milestone nila bilang mag-asawa ng tinaguriang Popstar Royalty sa pamamagitan ng nakakakilig na series of photos sa kanyang IG post.

 

 

Ikinasal noong February 20, 2020 sina Matteo at Sarah, ilang linggo bago sumipa ang COVID-19 cases sa bansa.

 

 

May caption ito ng, “Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life.

 

 

“I love you my beautiful wife! You’re the best. happy 2nd year anniversary,” he added.

 

 

Sa comments section, pinusuan at umapaw ang pagbati mula sa kanilang celebrity friends at ilang dito sina Iza Calzado, Karen Davila, Angel Locsin, Alex Gonzaga, Tim Yap, Martin Nievera, Iya Villania, at Vice Ganda.

 

 

Say naman ng mga marites na tuwang-tuwa rin sa entertainment blog na fashionpulis.com:

 

“Sarah G is so happy! So happy for her!”

 

 

“Wish ko magka baby na sila! Wish ko lang naman. Kung ayaw (pa) nila okay lang din naman. Na-imagine ko lang na mommy si SG!”

 

 

“Happy 2nd Anniversary! Really happy for them & god bless their marriage. They are enjoying na sila muna for now pero mag baby na sana this year.”

 

 

“Happy 2nd anniversary. Parang di na sungki ang ngipin ni Sarah.”

 

 

“She had braces. May photos sya I think last year or last last year na naka-braces siya.”

 

 

“Ganda ni Sarah I wonder bakit dati pa hindi sya nag pa brace kung ganyan pala ang kakalabasan.”

 

 

“Magkamukha pala sila.”

 

 

“Parang Sarah aged so fast in the past 2 yrs but she still looks so good. Dami din niang na experience na nagawang bago in the past 2 yrs compared to the her past yrs na single. Genuinely happy.”

 

 

“Anyare sa career ni Sarah nung nawala ignacia naging inactive na sya.”

 

 

“I miss the sing and dance of Sarah G! Beh! Balik ka na ASAP!”

 

 

“I think that’s her choice. Parang si AnneCurtis lang di pa rin bumabalik ng full time sa showbiz, the only difference is, active si Anne sa social media account(s) niya.”

 

 

“Happy Anniversary, Matteo and Sarah!”

 

(ROHN ROMULO)

Gobyerno ng Pinas, nagpaabot ng tulong sa mga OFWs sa HongKong na tinamaan ng Covid-19

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong, sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag-positibo sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang POLO ang siyang agarang nagbigay sa mga OFWs ng pagkain, hygiene kits at power banks para hayaan ang mga ito na makapag-communicate habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection at HK Labour Department.

 

 

Idagdag pa rito, nakikipag-ugnayan naman ang POLO sa non-government organization upang magbigay ng isolation facility para ma- accommodate ang ilang OFWs.

 

 

Nakikipag-ugnayan din aniya ang POLO sa HK Labour Department, kung saan nagtayo ng isolation facility para sa mga kababayang Filipino, pending admission sa quarantine facility, maliban pa sa pagbibigay ng transportation arrangements.

 

 

Nagbigay din ang POLO ng USD200 para sa “after care financial assistance to those who recovered from COVID-19.”

 

 

“Of our 28 kababayans in Hongkong who tested positive for COVID-19, as of February 19, 2022, five have already recovered, and 3 of whom are back to their respective employers,” ayon kay Nograles.

 

 

Samantala, magbibigay naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng USD200 para sa bawat COVID-positive OFW.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

3 PUGANTENG DAYUHAN, INARESTO SA TELCO FRAUD AT ECONOMIC CRIMES

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted sa telecom fraud at isang Chinese national na kinasuhan ng economic crimes sa kanilang bansa.

 

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang South Koreans na sina Kim Changhan, 25, at Kim Junhee, 38, matapos maaresto ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) sa magkahiwalay na operasyon sa Makati City at  Porac, Pampanga.

 

 

Habang kinilala ang babaeng Chinese na si Zhang Yujie, 51, na naaresto ng  mga operatiba ng BI-FSU sa Mandaluyong City.

 

 

Ayon sa BI Chief na ang dalawang South Koreans ay mayroon nang summary deportation orders na inisyu laban sa kanila noong pang 2019 at 2020 dahil sa pagiging undesirable aliens.

 

 

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, na ang deportation order laban kay Kim Changan ay bunsod sa warrant of arrest na inisyu ng Seoul Central District Court noong October 2020 habnag nahaharap naman ng warrant si Kim  Junhee  na inisyu ng Seoul Nambu District Court noong July 2019.

 

 

Nakasama rin ang kanilang pangalan sa red notices na inisyu ng nterpol  matapos na lumabas ang kanilang arrest warrant .

 

 

Sa impormasyon ng Interpol’s national central bureau (NCB) sa  Manila na si Kim Changan ay ang leader umano ng  sindikato ng telecom fraud  sa  Sandong-sung China na sangkot sa voice phishing upang maloko ang halos 63 million won o US$53 million ang kanilang mga biktima.

 

 

Ayon pa sa NCB , si Kim Junhee ay miyembro din ng  sindikato ng  telecom fraud sa Tianjin, China na nakapanloko din sa kanyang mga biktima ng halos 110 million won o US$92 million.

 

 

Habang si Zhang ay sangkot naman sa Economic crime kaya hiniling ng Chinese authorities ang kanyang deportasyon. (GENE ADSUARA)

86 DAGDAG NA SKILLED WORKERS SA NAVOTAS

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN pa ang mga skilled workers ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng virtual graduation ng 86 trainees mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

 

 

Sa 86, 17 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Automotive Servicing,16 ang Electrical Installation and Maintenance habang 35 trainees naman ang nakapagtapos ng Japanese Language and Culture II, at ang nakatapos ng kanilang Massage Therapy NC II course.

 

 

“Having tech-voc skills open more livelihood opportunities that is why we offer free trainings to Navoteños. Since 2019, we had 1,975 graduates of various tech-voc courses and we hope more Navoteños will avail of this program,” ani Mayor Toby Tiango.

 

 

May apat na training center ang Navotas na bukas para sa mga Navoteño at non-Navoteño trainees. Maaring mag-aral ng libre ang mga residente sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring mag-enroll at kumuha ng mga pagsusulit sa pagtatasa nang may bayad, depende sa kursong kukunin nila.

 

 

Napapatuloy ang enrollment para sa mga kurso sa Electrical Installation and Maintenance NC II, Automotive Servicing NC I at Shielded Metal Arc Welding NC I at NC II.

 

 

Available rin ang Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Massage Therapy NC II, Housekeeping NC II, Food and Beverages Services NC II, Barista NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Food Processing NC II.

 

 

Bukas din ang mga kurso sa Tailoring NC II, Dressmaking NC II, Japanese Language and Culture II, Basic Korean Language and Culture gayundin ang Korean Language and Culture II (KOICA), at Basic Visual Graphic and Design.

 

 

“Competition is inevitable in any field or industry, and the key to staying ahead or at least at par with others is to continuously get yourselves better.  Learn new skills or strengthen your old ones to ensure that you are ready to face and fight for the job or business that you want and dream of,” pahayag ni Cong. John Rey Tiangco.

 

 

Ang NAVOTAAS Institute ay nagbibigay ng mga allowance at tool kits sa mga trainees sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program, na pinondohan ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng tanggapan ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

Ads February 22, 2022

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IATF, inaprubahan ang vaccination certificates ng mas marami pang bansa

Posted on: February 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Linggo ang “acceptance and recognition” ng national COVID-19 vaccination certificates ng Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.

 

 

Ito’y naglalayon ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa arrival quarantine protocols, at maging interzonal/intrazonal movement.

 

 

Karagdagan aniya ito sa ibang countries/territories/jurisdictions kung saan ang proofs of vaccination ay inaprubahan ng IATF para kilalanin sa Pilipinas at walang pagtanggi sa iba pang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF para sa lahat ng inbound travelers.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Nograles na inatasan ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation – One-Stop-Shop at Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF. (Daris Jose)