• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy workers na nagka-COVID-19 sa Hong Kong, sinibak ng employers

PAPANAGUTIN ng Philippines’ Consulate General sa Hong Kong ang mga employers na magsisibak sa mga Filipino workers na nagpositibo sa COVID-19 sa gitna ng pagtaas ng kaso infections sa nasabing bansa.

 

 

Sinabi ni Consul Ge­neral Raly Tejada, na iba-blacklist ng Pilipinas ang employers na magsisibak sa kanilang mga manggagawang Pinoy na nahawa ng nasabing virus.

 

 

Paliwanag ni Tejada na ang mga walang pusong employer na nagsisibak ng mga may sakit na Filipino ay mananagot dahil labag ito sa batas sa Hongkong.

 

 

Mayroon nang nasagip na 10 Filipino workers ang consulate dahil napipilitan silang matulog sa labas ng pintuan ng bahay dahil sinibak ng kanilang mga employer matapos mahawa ng COVID-19.

 

 

Ang mga na-rescue ay nakuha na at nailagay na rin sa isolation facility at medical facility.

 

 

Nilinaw din ni Tejada na ang mga employers ang responsable sa pagpapagamot ng kanilang mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Sa sandaling mapatunayan na guilty sa pagsibak sa mga empleyado na nagkasakit, maaring magmulta ang mga employers o parusa ang kanilang kakaharapin dahil nakipag-ugnayan na umano si Tejada sa Hongkong labor office.

 

 

Kung pinili naman ng isang manggagawa na bu­ma­lik sa kanilang employer ay hindi nila ito pipigilan. Sa kasalukuyan ang HK ay dumaranas ng COVID outbreak dahil na rin sa mas nakakahawang Omicron variant. (Gene Adsuara)