• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, inaprubahan ang vaccination certificates ng mas marami pang bansa

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Linggo ang “acceptance and recognition” ng national COVID-19 vaccination certificates ng Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.

 

 

Ito’y naglalayon ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa arrival quarantine protocols, at maging interzonal/intrazonal movement.

 

 

Karagdagan aniya ito sa ibang countries/territories/jurisdictions kung saan ang proofs of vaccination ay inaprubahan ng IATF para kilalanin sa Pilipinas at walang pagtanggi sa iba pang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF para sa lahat ng inbound travelers.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Nograles na inatasan ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation – One-Stop-Shop at Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF. (Daris Jose)