• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2022

Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado.

 

 

Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente.

 

 

Mahigit tatlong talampakan ng snow ang itinapon sa mga bahagi ng New Mexico, kung saan dalawang tao ang namatay sa aksidente dahil sa sama ng panahon.

 

 

Isang buhawi ang bumagsak malapit sa Tuscaloosa, Alabama, na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng walong iba pa.

 

 

Sa Texas, mahigit 70,000 customer ang nawalan ng kuryente.

Ads February 8, 2022

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CARLA, parang sinasadya na ipakitang ‘di na suot ang ‘wedding ring’; pag-asang sila pa ni TOM tila gumuho na

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PALAISIPAN sa mga netizens kung bakit daw sa latest picture na pinost ng Kapuso actress na si Carla Abellana ay wala na itong suot na wedding ring.

 

 

      Mainit pa sa lahat sina Carla at Tom Rodriguez kaya bawat gawin nila o i-post, nabibigyan talaga ng kulay. Ang mga fans nila ay parang humuhugot ng pag-asa kapag may napapansin sa kanila na may ‘pag-asa’ pang maayos ang marriage ng mga ito.

 

 

Tulad nang sabay nilang binati ang kanilang baby o pet dog. Pero ngayon, parang gumuho na naman ang pag-asa ng mga ito dahil parang ipinapakita raw talaga ni Carla na wala na sila.

 

 

Hmmm… baka naman nagkataon lang din na at that time, hindi nga naisuot  ni Carla ang wedding ring nila.  Pero katwiran naman ng ibang netizens, “tatlong buwan pa lang silang kasal, hindi na suot ang wedding ring!”

 

 

Nag-upload din si Carla ng bagong YouTube video niya at kitang-kita rin nga na wala siyang suot na wedding ring.

 

 

Kaya comment ng ilang netizens, lalo na ng mga fan nila, “Kayo lang ni Tom ang bukod tanging hinahangaan ko. Praying that everything will be okay. Sana nxt vlog mo suot mo na wedding ring mo.”

 

 

“Hellow Idol Magsalita nman po kau na fake news lang ung Balita na Hiwalay na Kayo.”

 

 

      “Parang sinasadya niyang ipakita ang left and right hands niya na wala na siyang suot na wedding ring.”

 

 

Anyway, sinabi naman ni Carla na noong second week pa ng January niya nai-shoot ang vlog. So, iba naman na siguro ang kuwento ngayong February.

 

 

***

 

 

NAGKAGULATAN na lang talaga sa desisyon na hanggang sa February 11 na lang mapapanood ang Wowowin sa GMA-7.

 

 

Ilang taon din si Willie Revillame bilang Kapuso simula nang lumipat siya. Pero sabi nga sa showbiz, the only permanent thing is change.

 

 

So sabi ng nakausap namin since si Willie nga ay wala pa rin inilalabas na statement, “siyempre malaki ang possibility na sa network ni Villar lilipat si Willie. Alam naman natin kung gaano sila ka-close.

 

 

“‘Di ba nga, sinasabi na si Villar naman daw ang talagang major sponsor ni Willie.”

 

 

Sey lang ‘yun ng source namin so, ‘di tayo sure kung gano’n nga. Pero siguro after February 11, baka break muna talaga para sa comeback nito kung sa AMBS na nga.

 

 

May nagsasabi na hindi na raw ni-renew ng GMA-7 si Willie na mag-eexpire ang kontrata sa February 15.

 

 

Parang coincidence naman sa pagkaka-acquire ng frequency ni Villar sa ABS-CBN. Kaya kung totoo na hindi man siya ni-renew, may fallback na agad.

 

 

***

 

 

MUKHANG mapapaaga na mapanood ang actor na si Xian Lim bilang Kapuso.

 

 

Originally pala ay sa June pa naka-sched ang seryeng False Positive na eere sa GMA-7 pero may nakapagsabi sa amin na posible raw na isalang na ito ngayong February 14.

 

 

So ‘pag nagkataon, hindi lang sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion for First Lady ang mapapanood simula sa Valentine’s Day, sina Xian at Glaiza de Castro.

(ROSE GARCIA)

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa ika-6 na sunud-sunod na linggo, asahan

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING magtatakda ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa ika-anim na magkakasunod na linggo.

 

 

Tataas mula P1.10 hanggang P1.30 ang singil sa kada litro ng gasolina.

 

 

Habang nasa P1.00 hanggang P1.10 naman ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

 

 

Papatak naman sa P1.15 hanggang P1.25 itataas ng presyo sa kada litro ng kerosene.

 

 

Samantala, batay sa datos ng Department of Energy (DOE) ay pumalo na sa P5.70 ang total net increase ng year-to-date adjustments stands sa kada litro ng gasolina, habang nasa P7.95 sa kada litro ng diesel, at nasa P7.20 kada litro naman sa kada litro kerosene.

COVID-19 vaccination ng edad 5-11 nagsimula sa Pilipinas

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGMISTULANG  circus at children’s party ang ilang COVID-19 vaccination sites sa Metro Manila sa pagsisimula ng pagtuturok ng gamot sa mga batang edad lima hanggang 11 kahapon ika-7 ng Pebrero.

 

 

Maliban sa mga lobo, mascots, atbp. may libreng tsokolate, candy at magic shows pa ang ilang local government units (LGUs) para i-engganyo ang mga chikiting na makilahok sa pediatric vaccination sa National Capital Region, Lunes.

 

 

“Ayon kay Mayora Abby, may nakalaang 10,000 piraso ng premium chocolates ang Makati para sa mga batang magpapabakuna laban sa COVID-19,” wika ng City Government of Makati kanina.

 

 

“Sa pagbubukas ngayong araw ng Bakuna Makati program para sa mga batang 5-11 years old, siniguro ng Pamahalaang Lungsod na magiging masaya at hindi traumatic ang kanilang vaccination experience.”

 

 

Sa Maynila, ginamit din ang newly rehabilitated Manila Zoo bilang isa sa mga pilot sites ng pagpapabakuna sa first dose ng naturang age group.

 

 

Ilang pakulo naman ang ginagawa ngayon ng Lungsod ng San Juan para sa mga batang magpapabakuna ngayong araw.

 

 

“Magkakaroon tayo ng mga superheroes, magkakaroon ng mga mascots, magic show, mga gumagawa ng balloons, at pagkatapos at meron pa silang mga loot bags na may lamang mga candy,” ani San Juan City Mayor Francis Zamora sa isang ulat ng TV Patrol, na present naman sa bakunahan sa  FilOil Flying V Centre kanina.

 

 

Sa Caloocan, na nagsasagawa ng kanilang bakunahan sa SM Grand Central at Caloocan City Medical Center (South Caloocan), Caloocan City North Medical Center, Caloocan Sports Complex, at Bagong Silang Elementary School, makakikita ng makukulay na dekorasyong pambata.

 

 

“Paalala sa lahat, ang pagtanggap ng mga walk-in para sa nasabing age group ay magsisimula lamang ng ala-1 ng hapon, depende sa availability ng slots,” ani Caloocan Mayor Oscar Malapitan.

 

 

“Bibigyang prayoridad ang mga nag-online registration na nakatanggap na ng text message para sa kanilang schedule at gayundin ang mga naka-schedule sa tulong ng DepEd Caloocan.”

 

 

Ilan sa mga hihingiing requirements doon ay ang:

 

 

ID ng bata at guardian

 

 

proof of affiliation tulad ng birth o barangay certificate

 

 

Kung may comorbidity o karamdaman, kailangan ang medical certificate

 

 

Ilang bata naman ang nagbigay ng kanilang mga personal na testimonials sa Makati City kung bakit sila nagpabakuna, bagay na makakatulong raw sa mabilis na pagbalik ng face-to-face classes.

 

 

Ngayong Pebrero lang nang dumating sa Pilipinas ang unang batch ng Pfizer-BioNTech vaccines para sa nasabing age group, bagay na na-delay ng isang araw.

 

 

Kamakailan lang nang amyendahan ng Department of Health (DOH) ang memorandum nito para tanggalin ang polisiyang nagpapahintulot sa estado na bigyan ng “consent” ang COVID-19 vaccination ng mga batang lima hanggang 11-anyos kahit na hindi pumayag ang mga magulang ng nabanggit.

 

 

Aabot na sa 3.6 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling ulat ng DOH nitong Linggo. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 54,526 katao.

China kinampihan ang Russia sa panawagan na ‘wag na dapat sumali ang Ukraine sa NATO

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUHA  ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance.

 

 

Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa.

 

 

Kapwa nagkasundo ang dalawang opisyal na dapat itigil na ang pagpapalawig pa ng NATO Forces sa lugar at nanawagan din ang mga ito sa North Alliance na tanggalin na ang ideological approches ng Cold War Era.

 

 

Magugunitang naglagay ng mahigit 100,000 na sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine na ikinabahala ng US at mga kaalyadong bansa nito.

 

 

Mariing itinanggi ng Russia ang alegasyon na kanilang lulusubin ang Ukraine.

BI NAGSAGAWA NG SORPRESANG PAGSALAKAY SA LOOB NG BI FACILITY

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng sorpresang pagsalakay ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa mga nakakulong sa kanilang warden facility (BIWF) sa Taguig City.

 

 

Kabilang sa mga nagsagawa ng sorpresang pagsalakay na tinawag na “Greyhound Operation”  ay ang  BIWF management, mga opsiyal mila sa BI Intelligence Division gayundin ang BI Anti-Terrorist Group sa koordinasyon sa Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) Intelligence Division, at assistance mula sa PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) at ang PNP NCRPO – Regional Mobile Force Battallion (RMFB).

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang ginawang pagsalakay ang bahagi ng serye ng sorpresang inspeksiyon upang masiguro na ang pasilidad ay nananatiling drug-free at wala ring mga drug paraphernalia.

 

 

“This shakedown is long overdue, as the last raid that we conducted done a year ago,” ayon Morente.  “Such raids are also done to ensure that there is no special treatment in PDL,” dagdag pa nito.

 

 

Ilan sa mga nakumpiska sa loob ay mga gadgets  katulad ng tablets, laptops, cellphones, nakalalasing na inumin, gambling paraphernalia, kitchen knives, gunting at iba pang matutulis na bagay  tulad ng screwdrivers, martilyo at mga pliers.

 

 

“While the facility is not a jail, the use of gadgets is regulated.  Gambling paraphernalia are not allowed, and sharp objects are prohibited to prevent any untoward incidents,”  ayon kay  Morente.

 

 

Ang mga nakumpiska ay nasa  safekeeping ng BIWF at ibabalik sa may-ari paglabas nito (for deportation). GENE ADSUARA

Humbling experience na ginu-groom na ‘next big star’: RURU, feeling blessed and thankful sa opportunity na ibinigay ng GMA

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA si Ruru Madrid sa ginu-groom ng GMA Network to become it’s next big star.

 

 

Feeling blessed and thankful si Ruru sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA at ng Sparkle (bagong tawag sa Artist Center na pinamumunuan ni Johnny Manahan).

 

 

Humbling experience daw ito for Ruru dahil alam niya na maraming mga artists na deserving din to be given a break.

 

 

“But sabi nga nila, you should never take for granted the opportunity that is being presented to you. As for me, I always give my best in every project I undertake, and I am also willing to learn and do whatever it takes to improve my craft as an artist.   “I think one way of showing gratitude is by giving your best performance as an artist. Yung makita mong masaya ang lahat sa nakikita nila sayo bilang artista on- and off-cam,” pahayag ni Ruru.

 

 

“I want to claim that it will be a better year. I want to prove to myself that I can do more and learn new things that will help me in my career and as a person. I’ll be more visible and more active and hopefully, I can give back to my fans and supporters the kind of performance they expect from me.

 

 

Watch out for Lolong, one of the biggest projects of GMA this year. Maybe a movie is forthcoming and of course, my YouTube channel.”

 

 

Kasisimula lang ni Ruru sa kanyang YouTube channel kung saan pwede niya ma-express ang kanyang sariling pananaw pati ang success stories ng ibang tao.

 

 

Ang gusto raw niya na mangyari ay maka-inspire sa mga tao ang You Tube channel niya by featuring successful people.

 

 

***

 

 

PAHAYAG ni Denise O’Hara na mahuhusay lahat ang mga artistang nakakatrabaho niya sa pelikula.

 

 

“Happy ako sa willingness ng mga artista ko to work with each other. Everyone worked to come up with good film. Mahuhusay ang mga artista ko rito,” sabi ni Direk Denise with Louise delos Reyes, Diego Loyzaga and Cara Gonzales, her actors sa Vivamax film na The Wife.

 

 

***

 

 

LOUISE delos Reyes plays the lead role sa bagong Vivamax offering na The Wife.

 

 

Talking about her role, palaban daw siya pagdating sa pag-ibig. Kung ano raw ang ginawa ng karakter niya sa movie ay ganito rin ang gagawin niya.

 

 

Ipaglalaban niya ang kanyang husband. “Iba kasi pag kasal kayo. Pag maganda ang foundation ng marriage ninyo, ipaglalaban mo talaga,” sabi ni Louise.

 

 

“Ano ang kaya kong gawin for love? Kung makikita ko na mayroon pa rin future, hindi ako mag-give up.”

 

 

Iniisip din ni Louise na if ever she settles down in the future, she will do everything to become a good wife.

 

 

The Wife will be streamed sa Vivamax on February 11.

(RICKY CALDERON)

CARA, nabigyan na nang pagkakataong maipakita na kayang makipagsabayan sa pag-arte

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HATID ng Best Director ng Gawad Urian noong 2019 na si Denise O’Hara, ang isang nagbabagang adult drama na The Wife, na exclusive na mapapanood sa Vivamax ngayong February 11.

 

 

Pinagbibidahan ito ng mahusay na aktres na si Louise delos Reyes, kasama sina Diego Loyzaga at breakthrough star mula sa Pornstar 2, Hugas at Palitan na si Cara Gonzales.

 

 

Sa The Wife, nabigyan na rin ng pagkakataon ang baguhang sexy star ng Viva Films na maipakita na kaya rin niyang makipagsabayan sa pag-arte kina Louise at Diego. At hindi lang palaban sa pagsabak sa mga daring scenes na nagawa sa past movies niya.

 

 

Kaya masasabi niya na, “siguro ito na ‘yun biggest break para sa akin. Kasi dito ako na-challenge sa pagiging aktres ko. Lalo na ang kasabayan ko ay isang Louise delos Reyes.

 

 

“Ang dami kong naging improvement sa pag-arte, lalo na sa tulong ni Direk Denise.”

 

 

At dahil nga first time niyang maidirek ng ang isang female director, may kaibahan ba ang daring scenes na pinagawa sa kanya compared sa past movies?

 

 

“Siguro, ito ang pinaka-sweetest sa nagawa kong sexy scenes kaya nagpapasalamat ako sa direktor namin dahil maayos namin nagawa ni Diego.

 

 

“First time ko to be directed by a female director at mas nagustuhan ko ang paraan niya ng pagdidirek,” pahayag pa ni Cara.

 

 

Sa movie, gaganap si Louise bilang Mara, ang soft-spoken  asawa ni Cris (Diego). Masisira ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang mangaliwa si Cris at may mangyari sa kanila ng dating kasintahan na si Lee (Cara), isang agresibo at outspoken na babae, kabaligtaran mismo ng pagkatao ni Mara.   Pero habang nagsisikap ang mag-asawang maisaayos ang kanilang nasirang relasyon, si Cris naman ay natuklasang may cancer.

 

 

Sasalamin ang pelikula sa kung hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasamang mag-asawa sa kabila ng pagtataksil. At sa matapat na pagtupad sa sinumpaang magsasama sa sakit man o kalusugan, paanong tatanggapin ng asawa ang huling hiling na may kaugnayan sa naging babae ng kanyang mister?

 

 

Saksihan kung paanong magtutuloy ang kanilang kwento dito sa Vivamax Original movie. Mapapanood ang The Wife sa Vivamax sa February 11, 2022.

 

 

Para sa local subscriptions, pwedeng i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store, Huawei App Gallery, at App Store. Manood nang tuluy-tuloy sa Vivamax sa halagang P149/month at sa halagang P399 naman para sa tatlong buwang mas makakatipid. Ngayon, may mas sulit pang option, sa halagang P29 lang pwede nang makanood nang tuluy-tuloy sa tatlong araw!

 

 

Available din ang Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA. Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo.

 

 

Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa plato ng bawat kandidato, at hindi dapat ituring na simpleng kuwento dahil mahigit kalahati ng populasyon ay apek­tado nito.

 

 

Bilang isang magsasaka, sinabi ni Pangilinan na ang eleksiyon ay hindi lang dapat nakatuon sa mga kandidato kundi pati na rin sa kanilang agenda at sa direksiyon kung saan nila dadalhin ang bansa.

 

 

Dadalhin si Pangilinan ng Byahe ni Kiko van sa mga siyudad at lalawigan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makipagpulong at makinig sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, estudyante, micro at small entrepreneurs, professionals, at manggagawa.

 

 

Sinabi ng kandidato sa pagkabise presidente na dapat pakinggan ang boses ng mga sektor dahil magiging mahalagang bahagi sila ng solusyon sa kanilang mga problema.