• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2022

2 wanted person nalambat sa Valenzuela

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG wanted person ang natimbog ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

 

 

Dakong alas-5:55 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni (SS6) commander PLT Armando Delima at deputy chief  SS6 PLT MAuel Cristobal, kasama sina PSMS Roberto Santillan, Pat Michael Cedric Patas at B/T Joven Dela Cruz sa ilalim ng matatag na pamumuno ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang akusadong si Rene John Ongkiko, 38 ng 351 I. Marcelo St., Lingahan, Brgy. Malanday.

 

 

Isinilbi ni PSMS Santillan sa akusado ang warrant of arrest na inisyu noong June 20, 2019 ni Hon. Nancy Rivas-Palmores, Presiding Judge ng RTC Branch 172, Valenzuela City para sa kasong Child Abuse under Sec. 10 (a) of RA 7610 sa Malanday 3S, M.H. Del Pilar.

 

 

Nauna rito, nakumbinsi ng pulisya at ni Efren Santiago, Kapitan ng Brgy. Malanday ang akusado na kusang loob na sumuko sa mga awtoridad.

 

 

Samantala, nasakote naman sa joint operation ng pinagsamang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pamumuno PLT Robin Santos at SS7 commander PMAJ Lawrence Tubongbanua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Haveria si Bernito Padilla, 23, sa Gulod St., Brgy., Bignay matapos ang halos dalawang buwan pagtatago.

 

 

Si Padilla ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong December 6, 2021 ni Judge Maria Nena Santos ng RTC Branch 171, Valenzuela City para kasong Attempted Rape at may i-nirekomenda ang korte na P200,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 

 

Ani PLt. Santos, ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay resulta ng intensive monitoring ng mga intelligence operatives at mga sibilyan na nagbigay ng karagdagang impormasyon. (Richard Mesa)

Mandatory vaccination isa ng batas sa Austria

Posted on: February 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGIGING mandatory na sa Austria ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Austiran President Alexander Van der Bellen na pinirmahan na niya ang batas sa pagpapabakuna sa lahat ng mga mamamayan niya na nasa hustong edad.

 

 

Nakasaad sa batas na ang mga hindi bakunado at walang anumang vaccine certificate o exemption ay papatawan ng multang nasa $680.

 

 

Magsisimula ipatupad ang nasabing batas sa Marso 15 at magtatapos ng hanggang Enero 31, 2024.

 

 

Dahil dito ay magiging kauna-unahang bansa ang Austria sa Europa na maging mandatory ang COVID-19 vaccines.