NANANATILING suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila.
Ang katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nananatiling “manageable” ang trapiko sa metropolis .
Ani Abalos, ang limiitadong transportation system na ipinatutupad ng Department of Transportation at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Kalakhang Maynila ay “one-seat apart arrangement” sa mga sasakyan.
“Alam naman po natin ang IATF one-seat apart po ang sasakyan ng kotse. Once tanggalin natin ang number coding baka mag siksikan sa isang kotse,” ayon kay Abalos.
“Pangalawa, hindi pa po normal ang ating transport system at manageable pa naman po ang ating traffic, except of course for rush hours,” dagdag na pahayag ni Abalos.
Tiniyak naman ni Abalos na gagawin ng lahat ng MMDA at maghahanap ng paraan para makatulong na mapagaan ang trapiko lalo na kapag rush hours.
Sinabi pa nito na nakapagtala ang MMDA ng improvement o pagbuti sa average speed ng mga sasakyan sa Metro Manila.
“Currently, cars average a speed of 24 kilometers per hour which is higher than the average speed of 11 kilometers before the pandemic,” anito.
“Car volume however, is lower during the pandemic at 382,000 compared to before the outbreak’s 400,000,” dagdag na pahayag ni Abalos.
Matatandaan unang sinuspinde ng MMDA ang number coding scheme noong 2020 “until further notice” dahil sa “limited operations of public transportation in Metro Manila.” (Daris Jose)
Ang pagbubukas ng dalawang (2) bagong Light Rail Transit (LRT) Line 2 Extension na estasyon ay pinagpaliban sa darating na buwan ng Hulyo.
PATAY na ang guwardiya na binaril ng isang pasyente na nakulitan matapos na sitahin sa kanyang paglabas masok sa kanyang ward sa loob mismo ng Jose Reyes Memorial Hospital.
Personal na iginawad ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang unang safety seal certification ng labor department sa CDO Foodsphere, Inc. noong Hunyo 18, 2021 sa Valenzuela City.
Isang biyaya ng Diyos para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila si Cardinal Jose Advincula.
Binawian na ng buhay si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos ang mga ulat na isinugod sa ospital ngayong Huwebes.
MARAMI ang nabahala sa biglang pagpayat ng katawan ni Chynna Ortaleza.
Naibaba na sa ‘low risk classification’ ang National Capital Region (NCR) base sa mga datos at trend ng COVID-19 sa rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH).
Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.