• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

MANILA LGU, LEGAL ANG UPDATED GARBAGE FEES

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na legal at naaayon sa Konstitusyon ang Ordinance No. 9151 na nagtatakda ng updated garbage collection fees para sa mga negosyo sa lungsod.
Ayon kay City Legal Officer Atty. Luch Gempis Jr., hindi dapat ikumpara ang ordinansa sa Quezon City case na tinalakay ng Korte Suprema dahil magkaiba ang saklaw at layunin.
Sa QC, household at condominium ang siningil at inilaan ang kikitain para sa socialized housing, samantalang limitado sa business establishments ang revised garbage fees ng Maynila at itinuturing na regulatory fee, hindi buwis.
Sinabi rin ni Gempis na huling na-update noong 2013 ang garbage fees sa kabila ng pagtaas ng volume ng basura at mas mataas na hauling at disposal costs, lalo na nang i-redirect ng MMDA ang pagtatapon sa San Mateo Landfill sa Rizal.
Ayon naman kay City Treasurer Atty. Paul Vega, layunin ng ordinansa na bawasan ang agwat ng nakokolekta ng lungsod at aktwal na gastos sa waste collection.
Tiniyak ng Bureau of Permits na system-generated ang assessments at bukas ang mga tanggapan para sa paglilinaw mula sa mga negosyo. (Gene Adsuara)

DVOREF kabilang sa top 5 Law schools sa 2025 Bar exams

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISA ang Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation (DVOREF) College of Law sa Top 5 law schools sa bansa na may mataas na passing percentage sa 2025 Bar Examinations, base sa official data na ipinalabas ng Supreme Court (SC).
Nakapagtala ang DVOREF ng 80.19% passing rate sa mga
first-time examinees mula sa schools na may mahigit sa 100 candidates, na 4th overall, na una sa San Beda College of Law–Alabang at kasabayan sa ibang nangungunang institutions, kabilang na ang Ateneo de Manila University, University of the Philippines, at University of Santo Tomas.
Sa 106 examinees, nasa 85 ang pumasa sa Bar, na naglagay sa DVOREF na tanging law school sa probinsiya sa national Top 5.
Ang DVOREF College of Law ay pinamumunuan ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, na nagtapos ng Bachelor of Laws mula sa University of the Philippines College of Law.
“This achievement shows that excellence in legal education is not confined to Metro Manila,” Romualdez said. “I thank our administrative staff, faculty members, students, and parents for standing with us every step of the way and for helping turn our shared goal into reality,” ani Dean Romualdez.
(Vina de Guzman)

Joyride driver na wanted sa rape sa Valenzuela, nabitag sa Rizal

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit isang taon pagtatago ng isang joyride driver na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Valenzuela City matapos matunton ng tumutugis na pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento na ang akusado ay isang 42-anyos na Joyride driver na katala bilang Top 3 Most Wanted sa Valenzuela CPS.
Ang akusado ay may nakabinbing arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 16, Valenzuela City, noong November 18, 2024 para sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 na walang inirekomendang piyansa.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS, kaagad nila ikinasa ang manhunt operation katuwang ang NDIT, RIU-NCR, at Inspectorate Group.
Dakong alas-11:35 ng gabi nang tuluyang maaresto ang aksuado ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes sa isang residential area sa South Ville 9, Pinugay, Baras, Rizal.
Matapos nito, dinala ang akusado sa Valenzuela City Emergency Hospital para sa medical examination bago tinurnover sa kustodiya ng Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS kung saan siya pansamantalang ipiniit habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa City Jail. (Richard Mesa)

16-anyos na estudyanteng nagtangkang tumalon sa mall sa Valenzuela, nailigtas

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY na nailigtas ng pulisya at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa 16-anyos na estudyante na nagtangkang tumalon mula sa roof deck ng isang malaking mall sa Valenzuela City, Miyerkules ng tanghali.
Sa ulat, mabilis na nirespondehan ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento ang natanggap nilang ulat hinggil sa napipintong pagtalon ng binatilyo na nakatayo na sa barandila sa gilid ng roof deck ng apat na palapag na mall sa Gulod St. Brgy. Bignay dakong alas-12:00 ng tanghali.
Pinangunahan ni P/Maj. Randy Llanderal, Assistant Chief of Police for Operation (ACOPO) na siyang tumayong negosyador ang pagresponde sa lugar habang si City Fire Marshal F/Supt. Ma. Theresa Alqueza naman sa panig ng Bignay Fire Station ang tumugon sa rescue operation.
Nang magpamalas na ng pagkabalisa ang binatilyo pilit siyang pinakalma ni Maj. Llanderal at malumanay na sinabihang mahal siya ng kanyang mga magulang at hinihintay na ang kanyang pag-uwi.
Nang bahagyang kumalma ang binatilyo, palihim na lumapit at umakyat si P/SSg Mark Tiu ng Police Detective Unit sa kinatatayuan ng bata at nang makatiyempo, hinawakan at kinabig niya ang kamay habang nakaalalay naman si Pat Ian Capangyarihan at mga tauhan ng BFP na silang sumalo sa bata.
Matapos ang rescue operation ala-1:11 ng hapon, kaagad na sinuri ng Emergency Medical Services ang kalagayan ng binatilyo bago siya dinala sa Barangay Social Welfare and Development Office (BSWD) upang mapangalagaan.
Labis naman ang pasasalamat ng mga magulang ng estudyante sa pulisya at BFP sa pagkakaligtas sa buhay ng kanilang anak na hinihinalang dumaranas ng depresyon sa hindi na tinukoy na dahilan.
Pinuri naman ni Mayor Wes Gatchailan ang Valenzuela-PNP at Valenzuela-BFP sa kanilang matagumpay na pagkakaligtas sa buhay ng binatilyo. (Richard Mesa)

Erice, de Lima naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa unprogrammed funds sa 2026 budget

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN sina Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Edgar R. Erice, at ML Rep. Leila M. de Lima, ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa konstitusyonalidad ng Unprogrammed Appropriations sa 2026 General Appropriations Act, Huwebes ng umaga.
Layon ng petisyon na ito na ipawalang-bisa ang Section XLIII ng 2026 GAA at humihiling ng agarang temporary restraining order at iba pang injunctive reliefs upang pigilan ang pagpapatupad ng mga probisyong ito habang dinidinig ang kaso.
Ayon sa mga petitioner, ang unprogrammed appropriations ay nagpapahintulot ng paggastos ng pondo ng bayan nang walang malinaw at umiiral na pinagkukunan ng pondo, na labag sa Saligang Batas at lumilikha ng isang “budget sa loob ng budget.”
Anila, nagdudulot ito ng seryosong banta sa transparency, pananagutan, at sa balanseng hatian ng kapangyarihan sa pamahalaan.
Tinukoy sa petisyon ang paglabag sa ilang probisyon ng 1987 Constitution, kabilang ang mga patakaran sa budget ceiling, contingent appropriations, at wastong paglalaan at paggastos ng pondo ng publiko.
Para sa 2026, mula sa halos ₱249.9 bilyong iminungkahing unprogrammed funds, ₱243.4 bilyon ang inaprubahan ng Kongreso. Matapos ang ₱92.5 bilyong veto ng Pangulo, humigit-kumulang ₱150.9 bilyon ang nanatili, na ayon sa mga petitioner ay patuloy na may panganib na mailabas at magastos nang labag sa Konstitusyon.
Binigyang-diin ng mga petitioner na kapag nailabas na ang pondo ng bayan, hindi na ito maaaring bawiin, kaya’t mahalaga ang agarang interbensiyon ng Korte Suprema gamit ang pinalawak nitong kapangyarihan ng judicial review.
Samantala, iginiit ni Rep. Erice na ang paghahain ng petisyong ito ay isang hakbang upang ipagtanggol ang integridad ng pambansang badyet at matiyak na ang pondo ng bayan ay ginagastos alinsunod sa Konstitusyon at sa tuntunin ng batas. (Richard Mesa)

K9 INSPECTION NG PDEA SA ISANG COURIER HUB NAGRESULTA SA PAGKAKAKUMPISKA NG MARIJUANA RESIN OIL

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8 ng isang magkasanib na operasyon ng inspeksyon ng K9 noong Martes ng gabi, Enero 7, 2026, sa isang courier hub na matatagpuan sa Palo, Leyte.

Isinagawa ang operasyon bandang 11:29 PM ng PDEA8-Tacloban City Office / Airport Interdiction Unit (AIU). Ang aktibidad ay isinagawa kasama ang PDEA8-SIU, Leyte Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit (LPPO-PDEU), at Palo Municipal Police Station (MPS).

Sa isinagawang inspeksyon ng K9, natuklasan at nakumpiska ng mga awtoridad ang sampung (10) piraso ng vape cartridges na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana resin oil, na tinatayang nagkakahalaga ng Php 50,000.00.

Narekober din bilang ebidensya na hindi hinggil sa droga ang tatlong (3) piraso ng ukay-ukay shorts, na natagpuan sa parehong pakete.

Walang naaresto sa operasyon dahil ang mga nakumpiskang gamit ay naharang muna bago ipinamahagi.

Ang mga nakumpiskang bagay ay wastong naidokumento at sinigurado para sa karagdagang imbestigasyon at naaangkop na disposisyon alinsunod sa mga umiiral na batas at pamamaraan.

Muling ipinapahayag ng PDEA Region 8 ang kanilang pangako na paigtingin ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at mga proaktibong hakbang upang mapigilan ang pagpasok at pamamahagi ng mga ilegal na droga sa Silangang Visayas, at patuloy na nananawagan sa publiko na suportahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad. (PAUL JOHN REYES)

DOH: ‘Wag maalarma sa ‘super flu’

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na walang dapat na ikaalarma ang publiko hinggil sa mga ulat ng ‘super flu’.

Ipinaliwanag ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ang flu outbreaks sa malalamig na bansa, gaya ng Estados Unidos at United Kingdom, ay dulot ng winter conditions doon.

Sa Pilipinas aniya, karaniwang nagkakaroon ng mga sakit na influenza sa panahon ng tag-ulan.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ni Herbosa ang mga Pinoy na bumibiyahe sa mga naturang malalamig na bansa na magsagawa ng kaukulang mga pag-iingat, kabilang na ang pagbabakuna.

“Not alarming, but there is a new variant out there,” aniya pa. “If you’re going to North America or the UK, maybe get the Northern Hemisphere vaccine.”

Kinumpirma rin naman ni Herbosa na noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay naka-detect na rin naman ng 17 kaso ng naturang bagong flu variant, ngunit pawang nakarekober ang mga ito.

An intense thriller with near-reality science fiction awaits in “Mercy,” starring Chris Pratt and Rebecca Ferguson

Posted on: January 8th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SCIENCE fiction takes inspiration from real life dystopia in Mercy, an action thriller from Unfriended (2015), and Searching (2018) director Timhur Bekmambetov.

Mercy utilizes his groundbreaking Screenlife style and format, combined with cutting edge visual technology.

“Mercy is a very intense, thrilling mystery, a new approach to the Screenlife language with a very entertaining, serious, impactful subject,” says Bekmambetov. “I loved this story not just as a Screenlife movie, but as a traditional movie. It involves how we behave and interact with technology.”

Watch the trailer: https://youtu.be/TSCQGx4IF5w

Mercy takes place in the not too distant year of 2029, where Detective Chris Raven (Chris Pratt, the Guardians of the Galaxy trilogy, Avengers: Endgame) is accused of murdering his wife, Nicole (Anabelle Wallis, Peaky Blinders TV series). The judge presiding over his case is an artificial intelligence system he once championed, personified as Judge Maddox (Rebecca Ferguson, Dune, the Mission Impossible franchise). Tasked with his own defense, he must prove himself innocent to Maddox, or else face execution.

Chris Pratt was immediately hooked as soon as he received the script for Mercy, and Bekmambetov’s distinct style. “I thought it was an inventive mystery story unlike anything I’d read before, which is saying a lot because I read everything! But this really caught my attention,” Pratt says. “MERCY is a ‘multi-genre’ film — it’s a courtroom drama, a thriller, a mystery, and an action film,” Pratt adds. “And it utilizes Screenlife, a genre curated by Timur. MERCY really takes all of that to the next level.”

Rebecca Ferguson feels as though Mercy takes a magnifying glass into the real world problems that can arise with the increasing reliance on technology. “Mercy highlights the shortcomings in a world where Artificial Intelligence is growing but is still very limited when it comes to actually revealing the truth,” she says. “The problem is that we expect accuracy, and more and more we need to question what the online world is telling us.” Ferguson wishes that it imparts insight onto audiences. “I hope that people do question AI, and humans’ relationship to AI,” says Ferguson. “Artificial Intelligence is a fantastic tool, but it should always be just that — a tool to aid humans, not an alternative to humans. This film highlights, in a narrative sense, some of the ways that relying on AI could go very wrong.”

Producer Robert Amidon is excited for the latest Bekmambetov film with his signature Screenlife style. “Timur Bekmambetov has the biggest passion for the digital world and where it is today,” adds Amidon. “The concept in Mercy aligned with his previous films Missing, Searching, and Profile. And like those, this story that was set in 2029 was grounded in reality while going into different genres.”

Everything is on the line as Mercy is coming to Philippine theaters on January 28, 2026, including IMAX and 3D. Mercy is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #MercyMovie @columbiapicph

(ROHN ROMULO)

Ads January 8, 2026

Posted on: January 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Nakabalik sa Batanes after 8 years at tinupad ang pangako… Direk DARRYL, umaming naging dishonest sa ‘Honesty Store’ dahil sa gutom

Posted on: January 7th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

“Oo, Naging Dishonest ako sa Honesty Store,” ito ang simula ng Facebook ng controversial director na si Darryl Yap nag-celebrate ng kanyang 39th birthday (Jan. 7).
Pagpapatuloy niya, “kung kakilala nyo talaga ako, or nakasama nang matagal—
I’m sure alam nyo na ang Kwentong-Batanes ko;
“Noong 2018, nanalo ang team ko sa CLTV Sine Gitnang Luzon Originals Shortfilm Festival sa Pampanga, binigyan kami ng Award ng Philippine Airline, at kasama sa premyo ay ang Trip to Batanes.
“2018– sobrang broken ako, Broken-hearted na, Broke pa. Wala kaming kapera-pera.
Dahil mapapaso na ang premyo—pumunta na kami., akala namin dahil probinsya—mura lang. hindi pala.
“Sa totoo lang, nung panahon na yan may suicidal tendencies ako, kasi yung 7 year relationship ko natapos at andaming atraso ng group ko dahil naapektuhan lahat.”
Kuwento pa ni Direk Darryl, “pagdating sa Batanes, akala ko mai-inspire ako—kaso sakto— black lahat ng hills, sakto raw na nagsusunog at naglilinis lahat; lalo akong na-depress.
“Pero nung sinabi nung tricycle driver na ganun talaga para makapagsimula ulit—
nakaramdam ako ng pag-asa.
“Natulog kami sa bedspace na halagang 180 isa at nagtiis sa mga tinapay at isang meal ng silog.”
Rebelasyon pa niya, “bago umalis sa Island, pumunta kami sa sikat na Honesty Store—yung natitirang pera namin ay sakto na lang pampamasahe at environmental fee.
“Binilhan ako ni Arel Ebana ng fita at nag-share kami sa isang softdrinks; inihulog nya ang bayad namin sa isang garapon.
“Sabi ko kay Arel, nagugutom pa ko, di na kami nag-dinner at nagtatangahalian.
sabi nya, tiisin ko na lang daw.
“Hindi ako nakinig. Sabi ko kukuha ako ng Hansel at Mt. Dew.
“Hindi ko binayaran. hindi alam ni Arel ang gagawin nya, Ako—naman kunwari hustler.”
Dagdag kuwento pa niya, “pagkatapos noon, nagyaya siyang magsimba kami sa katapat na na St. Joseph of Ivana Church.
“Doon, Nagsabi ako kay Lord, na di ako naging Honest sa Honesty Store—sabi ko kay Lord: “Lord, gawin mo naman akong mayaman, ayaw ko namang kunin yun kaso gutom na gutom ako—promise ko Lord, pag ginawa mo akong mayaman, di ako magiging madamot; Babalik ako rito ay babayaran ko yun ng mahigit pa sa 100x.”
“Pagkatapos nun. nagviral na ang VinCentiments, pumirma na ako sa VIVA Films—mula 2019, nung nagbox-office yung #Jowable, nagkaNetflix ako, nagkapandemic, ni-launch ko ang Vivamax, nagtagumpay ang #MaidinMalacañang—taun-taon, gusto kong bumalik pero hindi ko talaga maisingit.”
And this year nga natupad ang pangako niya sa Diyos…
“Pero ngayong 2026, 8 years after—nakabalik ako.
“Tinupad ko ang Promise ko kay Lord, hindi lang dahil tinupad nya ang dasal ko;
kundi dahil yun ang tamang gawin.”
Pagtatapos pa ni Direk Darryl, “bumalik rin ako sa Simbahan—nagpasalamat at muling nagdasal sabi ko “Lord, ngayon naman po, gawin mo naman akong masaya.”
Marami naman ang natuwa at na-touch sa kanyang birthday post, at nagwi-wish na matupad ang kanyang ipinagdasal.

(ROHN ROMULO)