• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

AIR QUALITY SENSOR, IKINABIT SA LUNGSOD NG MAYNILA

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAGAY ng mga air quality monitoring sensor sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila upang masuri ang kalagayang pangkapaligiran at mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at mapanatiling malinis at ligtas sa lugar.
Pinangunahan ng Department of Environment and Public Services, katuwang ang City Electrician’s Office ang pagkakabit ng apat na air quality monitoring sensor.
Partikular itong ikinabit sa Anda Circle, sa tapat ng San Sebastian Residences, Sta. Ana Hospital, at malapit sa isang supermarket sa Tayuman.
Magbibigay ng real-time data ang mga sensor upang masuri ang kalidad ng hangin at antas ng mga pollutant.
Magsisilbi itong mahalagang batayan sa pagsusuri ng kalagayang pangkapaligiran, pagbuo ng mga polisiya, at pagpapatupad ng angkop na hakbang para sa pagkontrol at pagbawas ng polusyon sa hangin.
(Gene Adsuara)

Dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez itinanggi ang alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa mga Discaya

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALANG kinalaman si dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa mga Discaya,
pahayag ito ni Atty. Ade Fajardo, abogado at spokesperson ni Leyte Rep. Romualdez.

Kaugnay ito sa lumabas na ulat na iniuugnay si dating Speaker Romualdez sa paggamit sa mga Discaya sa pagbili ng ari- arian.
Ayon kay Fajardo, hindi nakipagpulong o nakipagkita si Romualdez sa mga Discaya at nakilala lamang sila base sa sinasabi sa media reports.
“As such, the claim in the report about using the Discayas as a front in a property purchase is outright baseless,” anang abogado.
Una na rin aniyang inihayag ng mga Discaya sa Kamara na wala silang direktang transaksyon kay Romualdez.
Sa kanyang testimonya sa Kamara noong September 2025, sinabi ni Curlee Discaya na “gusto ko lang pong linawin na wala po akong direktang transaksyon. Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaksyon kay Speaker Martin Romualdez.”

Sinabi pa ni Discaya na ginamit lamang ng iba ang pangalan ng Speaker kahit wala naman itong personal knowledge, humarap sa meeting o transaction.

Ang naturang sinumpaang salaysay ni Discaya ay bahagi ng official congressional record at direktang tumataliwas sa lumalabas na alegasyon laban sa dating Speaker.

“Let us be reminded that allegations cannot override testimony given under oath. Facts cannot be replaced by speculation,” ani Fajardo.

Ninirespeto aniya ni Rep. Romualdez ang institutional processes at kumpiyansa na ang anumang patas at evidence-based inquiry ay magpapatunay sa katotohanan.
(Vina de Guzman)

Pilipinas, hindi patitinag sa pagpapatahimik ng China sa isyu sa West Philippine Sea

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI magtatagumpay ang Chinese Embassy sa nangyayari sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Coast Guard. (PCG) .
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela , hindi magpapatinag ang Pilipinas sa China .
Matatandaang nagpahayag si Guo Wei ang deputy spokesperson ng Chinese Embassy to the Philippine tungkol sa opisyal .
Aniya kahit anong sabihin ni Wei ay patuloy nilang ilalahad ang facts at mga katotohanan para maiwasan ang miscalculation sa relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Tarriela na malinaw na naiinis at natatakot na ang China sa ginagawang transparency efforts ng Pilipinas na kinakampihan ng marami kabilang na ang international community.
Sinabi pa ni Tarriela na patuloy nilang igigiit ang karapatan at walang isusuko sa ating mga teritoryo.
Hindi rin aniya mananaig ang katotohanan na iligal, agresibo at mapanlinlang ang mga aksyon ng China na paglabag sa UNCLOS at 2016 Arbitral Award . (Gene Adsuara)

Bebot na wanted sa Qualified Theft sa Makati, natimbog sa Valenzuela

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang isang babae na wanted sa kasong Qualified Theft sa Lungsod ng Makati matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang akusado ay isang 30-anyos na bebot.

Napag-alaman ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS na may warrant of arrest ang akusado na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 135, Makati City nitong January 14, 2026 para sa pitong bilang na kasong Qualified Theft.

Nang makatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Valenzuela City ay agad ikinasa ng mga operatiba ng WSS ang pagtugis sa kanya.

Dakong alas-5:20 ng hapon nang tuluyang maaresto ng mga operatiba WSS ang akusado sa kahabaan ng G. Lazaro Street, Barangay Dalandanan sa bisa ng arrest warrant na may inirekomendang piyansa na P280,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pinuri naman ni BGen. Dela Cruz ang dedikasyon at pagsisikap ng Valenzuela CPS sa paghahanap sa mga wanted na kriminal upang maaresto at mapanagot sa nagawa nilang kasalanan. (Richard Mesa)

₱54.4-M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA MULA SA TARGET-LISTED DRUG PERSONALITY, 3 IBA PA SA NAGA CITY, CEBU

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang isang target-listed personality at ang kanyang tatlong kasamahan na nahulihan ng ₱54.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Cebu Provincial Office at PDEA 7 Intelligence Section – Intelligence Operation Unit, kasama ang Naga City Police Station, PNP Drug Enforcement Group, Cebu Provincial Police Office, Naval Forces Central, at Coast Guard Central District Office, sa Sitio Suba, Barangay Tuyan, Naga City, Cebu, bandang alas-11:25 ng gabi noong Enero 13, 2026.

Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang naarestong suspek sa operasyon at target-listed drug personality na si alyas Clifford, 47, drayber, at residente ng South Poblacion, Naga City, Cebu.

Nadakip din ang tatlong kasabwat ng suspek na sina alyas Maricel, 39, walang trabaho, mula sa Barangay Tuyan, Naga City, Cebu; alyas Joseph, 52, driver, mula sa Barangay Looc, Mandaue City; at alyas Barbara, 29, online seller, mula sa Barangay Umapad, Mandaue City.

Nakumpiska sa operasyon ang walong pakete ng shabu na may bigat na humigit-kumulang 8,000 gramo na may tinatayang average market value na ₱54,400,000, buy-bust money, ilang ATM at identification card, pitong cellular phone, at isang unit ng four-wheel motor vehicle.

Ang pagbebenta ng mga ilegal na droga, anuman ang dami at kalidad ay hindi maaaring piyansahan at may kasamang pinakamataas na parusang habambuhay na pagkakakulong at may multang ₱500,000 hanggang ₱10 milyon. (PAUL JOHN REYES)

Mayor Joy at LTO kapit-bisig sa road safety ng E-trike, E-bikes

Posted on: January 16th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPULONG sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Land Transportation Office (LTO) Chief Markus V. Lacanilao para talakayin ang mga polisiya sa paggamit ng e-trikes at e-bikes sa lungsod.

Ayon kay ­Belmonte ang pulong ay bunsod ng ng ipinatutupad na ban ng LTO sa pagdaan sa national highways ng mga e-trikes at e-bikes.

Sinabi naman ni QC Traffic and Transport Management Department Chief Dexter Cardenas na layon nilang palakasin ang kolaborasyon sa road safety.

Tiniyak aniya sa kanila ng LTO na maglalabas ito ng malinaw na guidelines para sa operasyon ng e-bikes at e-trikes gayundin ang pagtatalaga ng designated bike lanes para sa mga e-bike na may bigat na 50 kilo pababa, na ipatutupad ng lokal na pamahalaan.
Binigyan-diin pa ni Cardenas na ito ay isang joint effort ng LTO at ng QC LGU para matugunan ang road safety concerns.

Kasabay nito, inaasahang magpapasa naman ang LGU ng isang ordinansa na magtatakda ng malinaw na enforcement mechanism para sa operasyon ng mga e-trikes sa QC.

Ads January 16, 2026

Posted on: January 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads January 15, 2026

Posted on: January 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Sexy and beautiful pa rin kahit galing sa break-up BEAUTY, happy sa peace of mind ng kaibigang na si ELLEN

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAUNLAK ng pahayag si Beauty Gonzalez tungkol sa isyu ng hiwalayan ng matalik niyang kaibigang si Ellen Adarna at dati nitong karelasyong si Derek Ramsay.“Ellen is doing fine. She’s f_ck_ng sexy and beautiful. Nakakainis!“Which is good kasi, ‘di ba, you have to look beautiful and move forward.“So I’m really happy for her. I’m happy for her peace of mind.“And that’s all I can say ’cause I don’t like talking about my friends so much ’cause I really don’t know what’s happening with their lives, e.“Basta if people don’t get your… if people don’t get your vibe, change the people, not your vibe.” Sa tanong kung sinuportahan niya si Ellen…“She doesn’t need support, e. It’s not her new… it’s not her new thing, di ba?“It happened na before with… with many relationships. So I think she knows how to handle herself.“And iba talaga when you’re a woman, when you have a choice. So she’s very lucky.“Yeah. Proud ako sa kanya.“And I don’t really wanna talk so much kasi mahilig siya mag-announce sa Instagram kaya…”Bida si Beauty at si Kris Bernal sa bagong GMA Afternoon Prime drama series House of Lies.“I am playing Marjorie Castillo in my new show House of Lies, isang bahay na itinayo ng kasinungalingan at gigibain ng katotohanan.“At ako lang ang yung walang alam sa katotohanan dito.“Yeah, it’s a story about, like, a bunch of nice people behaving badly, except me.”Mabait siya dito?“Yeah, yeah, yeah. Yeah, mabait, sobra.“Like, natatawa nga ako kay direk [Jerry Lopez Sineneng], yung iba-ibang hugot ng mga iyak ko, kasi talagang andaming pinagdadaanan ng character ko dito.“So, alam mo yun, minsan yung iyak mo hindi naman isang tono. Talagang iba’t iba talaga. Di ko ma-explain.”Araw-araw daw siyang umiiyak sa serye.“Yeah, ganung level. But you know what? I mean, like, I love what I’m doing. I’m not complaining naman.“Just so hard pag may sipon ka. Sh_t. Parang may migraine ka.”“I mean, this is where I started. Sa Kadenang Ginto, ganun din naman ako. Iyak ako every day.“Pero di naman ako yung sobrang umiiyak na hindi ako… walang palaban. Lumalaban din ako.”Sa istorya raw humuhugot si Beauty sa pag-arte.“Anong hugot ko? Hugot ko is basically the story.“Di ako humuhugot sa sarili kong buhay kasi wala, I mean, like, I have past challenges pero di ko siya ma-apply sa buhay ko.“Parang iba tuloy lumalabas na emotion ko.“And actually, every time I have a new project, I always get surprised with the personality of the character that I’m portraying.“Kasi slowly by slowly, maki-create mo yung sariling personality nung character based on anong istorya nung writer na ginawa.”Bukod kina Beauty at Kris ay nasa serye sina Mike Tan at Martin del Rosario, at sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Snooky Serna at ang mga Sparkle artists na sina Kayla Davies, Angel Cadao, Geo Mhanna, at Kokoy de Santos.Kasama rin sa cast sina Tanya Gomez, Patricia Tumulak, at Gee Canlas.Mapapanood ang House of Lies simula Lunes, sa January 19, 2026, 3:20 pm.(ROMMEL L. GONZALES)

Top Team na Thunder, tinalo sa unang pagkakataon ang Spurs

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA UNANG pagkakataon ngayong season, nagawa ng top NBA team na Oklahoma City Thunder na talunin ang karibal na San Antonio Spurs.

Matatandaang nakuha ng Spurs ang panalo sa unang tatlong laban kontra OKC, ngunit sa ikaapat na pagkikita nila ng defending champion ay nanaig ang Thunder, 119-98.

NBA Finals MVP Shai Gilgeous-Alexander ang nanguna sa panalo matapos makapagtala ng 11 field goals. Sa kabuuan, umabot siya sa 34 points, kabilang ang 11 free throws.

Nag-ambag naman ng 20 points at dalawang steal ang ikalawang scorer ng koponan na si Jalen Williams.

Sa panig ng Spurs, nalimitahan lamang sa 17 points ang bigman na si Victor Wembanyama at hindi naipakita ang kanyang karaniwang two-way play.

Nasayang din ang impresibong performance ng guard na si Stephon Castle na kumamada ng 20 points, pitong rebounds, walong assists, at isang steal.

Ang dalawang magkaribal na koponan ang nangunguna ngayon sa Western Conference, kung saan hawak ng Thunder ang 34 na panalo habang umabot na sa 27 wins ang Spurs.