• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 26th, 2026

Kaugnay ng “ghost” flood control projects sa Bulacan… Subpoena vs Jinggoy kinakasa na ng DOJ

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TAKDA nang i-subpoena ng Department of Justice (DOJ) si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng “ghost” flood control projects sa Bulacan.

Ito ang sinabi sa QC briefing ni Prosecutor General Richard Fadullon, head ng National Prosecution Service ng DOJ na nagsasagawa ng pagbusisi sa flood control scandal sa bansa.

Aniya, si Estrada ang isa sa nais nilang ipatawag sa susunod na linggo para maisagawa ang preliminary investigation hinggil sa kaso.

Bukod dito, may tatlo pang kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control ang kanilang isasampa rin sa susunod na linggo laban sa mga dating opisyal ng DPWH-Bulacan at anim na contractor na sinasabing nakinabang umano sa proyekto.

Hindi lamang aniya agad naisasagawa ang pagsasampa ng kaso dahil maingat sila sa paghimay sa imbestigasyon.

Aniya, kailangang dumaan sa ­proseso ang isasampang kaso para matiyak na may prima facie evidence na hawak para maidiin ang mga inaakusahan dito.

Humingi rin ng paumanhin si Fadullon sa publiko sa mabagal nilang pagsasampa ng kaso sa mga inaakusahan sa ghost flood control projects.

“Alam naming na maraming tao na ang naghihintay sa pagsasampa ng kaso naming. Marami nagsasabi bakit sinabi Pasko may makukulong na big mga big fish” bakit ilan lang ang nakasuhan. Kaya nga humihingi kami ng paumanhin sa mamamayan na hindi ganun kabilis na makapagsampa ng kaso sa mga inaakusahan dito dahil mayroon kaming sinusunod na proseso at dapat matindi ang hawak naming mga ebidensiya laban sa mga akusado,” paliwanag ni Fadullon.

Sa ngayon si dating Senador Bong Revilla pa lamang na kinasuhan sa flood control ghost projects ang sinasabing “big fish” na nakakulong ngayon sa BJMP detention cell.
( Daris Jose)

Unang Mega Job Fair sa 2026 na inilunsad ng Malabon LGU, dinagsa ng aplikante

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DINUMOG ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho ang inilunsad na unang Mega Job Fair and Livelihood Skills Training sa taong 2026 ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, katuwang ang Trabaho Partylist na ginanap sa Malabon City Square.

Lumahok sa naturang job fair ang 40 lokal na kompanya at anim na overseas companies na nagbukas ng 7,000 trabaho para sa mga Malabuenos. kabilang sa mga nagnanais na maging seaman na alok ng United Philippine Lines, isang Filipino Maritime Company.

“Pagpasok pa lamang po ng buwan ng Enero, pinagtuunan na po natin ang mabigyan ng oportunidad ang mga naghahanap ng trabaho para mas mapaunlad ang pamumuhay nila at ng kanilang pamilya,” pahayag ni Mayor Jeannie.

Ayon sa Public Employment Service Office (PESO), may mga bukas na trabaho para sa nagnanais na maging brand ambassadors, machine operators, clerks, production workers, engineers, electricians, helpers, customer service representatives, drivers, delivery crews, merchandisers, nurse, encoders at iba pang trabaho sa opisina.

Mayroon ding inilagay na one-stop-shop para sa mga aplikante na kukuha ng mga kinakailangang dokumento sa Philippine Statistics Authority, Philhealth, Pag-Ibig, Social Security System, Philippine National Police, Land Transportation Office, Department of Labor and Employment ay iba pang sangay ng pamahalaan.

Nagkaloob din ng skills at livelihood training para sa mga nagnanais matutong gumawa ng dishwashing liquid, maging aircon maintenance, at hydrophonics upang madali silang matanggap sap ag-aaply ng nais na trabaho.

“Bagong taon, bagong pag-asa para sa mga kababayan nating nagnanais na mapabuti ang kanilang pamumuhay. Hindi lang natin sila binibigyan ng pagkakataong makapag-apply sa trabaho, kundi ay inihahanda rin natin sila na nagkaroon ng kakayahan para sa kanilang pagkakakitaan,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

BAGONG POLISIYA NA MAGBABAWAL SA PAG RENEW NG PRANGKISA NG MGA BULOK NA PUV, BINUBUO NA NG LTFRB

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYANG gumagawa na ng bagong polisiya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Giovanni Z. Lopez ng Department of Transportation (DOTr), na magbabawal sa pag-renew ng prangkisa ng mga bulok na pampublikong sasakyan (PUV) sa buong bansa.

Binanggit ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II na layunin ng hakbang na ito na mapabuti ang sistemang pampublikong transportasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyakin ang maaasahan at komportableng biyahe para sa mga Pilipinong mananakay.

“Magpapatupad tayo ng bagong proseso ng kumpirmasyon. Wala po tayong iko-confirm na prangkisa kung sira-sira ang sasakyan,” ani Chairperson Mendoza.

Ibinahagi ni Chairperson Mendoza ang kanyang sariling karanasan at mga reklamo ng publiko hinggil sa kalagayan ng mga pampasaherong bus at jeepney—kasama na ang mga modernong jeepney. Isinalaysay niya na minsang nakasakay siya sa isang jeepney sa Visayas na may malaking butas sa gitna ng sahig ng pasahero, habang ang ilan namang jeepney sa Metro Manila ay may sirang at maruruming upuan.

Dagdag pa niya, may mga drayber na nakikitang naka-sando, shorts, at tsinelas habang nagmamaneho.

“Hindi nararapat na maranasan ng mga Pilipinong mananakay ang ganitong uri ng transportasyon. Dapat silang igalang,” ani Mendoza.

Ang LTFRB ay magsasagawa ng mas agresibong reporma na magsisimula sa mas mahigpit na inspeksyon at pagmamanman sa kalagayan ng mga PUV—mula jeepney at taxi hanggang pampasaherong bus.

“Kami sa LTFRB ay inatasan ng batas na i-regulate ang pampublikong transportasyon sa bansa, tiyakin ang road worthiness, masiguro na ang mga drayber ay may sapat na kakayahan at pagsasanay, at garantisado ang kaligtasan, kahusayan, at kaginhawaan ng ating mga pasahero,” paliwanag ni Mendoza.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng paradigm shift sa paraan ng regulasyon sa transportasyon, at sinabi na tatalakayin ng Board at mga opisyal ng LTFRB ang mga panukala upang makabuo ng malinaw na gabay sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito. (PAUL JOHN REYES)

Taas sahod, top concern ng Pinoy – survey

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagtaas ng sahod ng mga ­manggagawa ang na­nguna bilang pinaka-urgent na national concern ng mga Pilipino sa ikaapat na bahagi ng 2025, na pinakamala­king pagtaas mula noong Marso 2024, batay sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Sa nasabing survey na ginawa noong Disyembre 3-11, 2025, nasa 45% ng mga respondents ang nais na maaksyunan agad ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang Balance Luzon at Visayas na may 47% ng respondents ang na­ngunguna na nagsabing pangunahing alalahanin nila ang usapin sa sahod. Sumunod ang Mindanao, 42% at National Capital Region, 41%.
“The share of adult Filipinos citing improving or increasing workers’ wages as an urgent national concern rose sharply in the Fourth Quarter (Q4) of 2025,” ayon sa OCTA.
Bukod sa taas-sahod, prayoridad din ng mga Pinoy ang pagkontrol sa presyo ng bilihin (Inflation – 41%); access sa abot-kayang pagkain (30%); paglaban sa graft and corruption (29%); at libre at de-kalidad na edukasyon (28%).

Sa kabila ng ­hiling na taas-sahod, bumaba naman ang ­unemployment rate sa 4.4% (2.25 milyong tao) noong ­Nobyembre 2025, habang tumaas ang employment rate sa 95.6%.

Sa socioeconomic class, 45% sa Class ABC respondents ay top concern ang pagkontrol ng pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo habang 43% sa pagtataas sa sahod.

Sa Class D, ang pagtataas sa sahod ang top concern na nasa 46%, kasunod ang price control sa 40%.
Sa Class E, ang pagkontrol sa presyo ng bilihin na top concern ng 48%, 42% sa pagtataas ng sahod at 37% ang abot kayang pagkain.

Tinanong sa survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa.

Are you ready for…..THE BRIDE!? Watch the new trailer for Maggie Gyllenhaal’s “THE BRIDE!” starring Jessie Buckley and Christian Bale

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

THE dead have got something to say. “The Bride!,” written, directed and produced by Maggie Gyllenhaal (Academy Award-nominated writer/director of “The Lost Daughter”) and starring Golden Globe winner Jessie Buckley as The Bride, and Academy Award winner Christian Bale as Frankenstein, is a bold, iconoclastic take on one of the world’s most compelling stories.

Also starring Peter Sarsgaard, Annette Bening, Jake Gyllenhaal and Penélope Cruz. The film opens in cinemas March 4, 2026.

Watch the main trailer: https://youtu.be/JI_BiGdqrDE

Official synopsis:

A lonely Frankenstein (Bale) travels to 1930s Chicago to ask groundbreaking scientist Dr. Euphronious (five-time Oscar nominee Bening) to create a companion for him. The two revive a murdered young woman and The Bride (Buckley) is born. What ensues is beyond what either of them imagined: Murder! Possession! A wild and radical cultural movement! And outlaw lovers in a wild and combustible romance!

About “The Bride!”:

From Maggie Gyllenhaal (Academy Award-nominated writer/director of “The Lost Daughter”) and starring Academy Award nominee Jessie Buckley and Academy Award winner Christian Bale comes THE BRIDE! A bold, iconoclastic take on one of the world’s most compelling stories.

A lonely Frankenstein (Bale) travels to 1930s Chicago to ask groundbreaking scientist Dr. Euphronious (five-time Oscar nominee Annette Bening) to create a companion for him. The two revive a murdered young woman and The Bride (Buckley) is born. What ensues is beyond what either of them imagined: Murder! Possession! A wild and radical cultural movement! And outlaw lovers in a wild and combustible romance!

The film stars Buckley, Bale, Peter Sarsgaard, with Bening, Academy Award nominee Jake Gyllenhaal, and Oscar winner Penélope Cruz. Maggie Gyllenhaal directs from her own screenplay and produces alongside Oscar nominee Emma Tillinger Koskoff, Talia Kleinhendler and Osnat Handelsman Keren. The executive producers are Carla Raij, David Webb and Courtney Kivowitz.

Gyllenhaal is supported behind the camera by a team of award-winning film artisans, including director of photography Lawrence Sher, production designer Karen Murphy, editor Dylan Tichenor, music supervisor Randall Poster, composer Hildur Gudnadóttir and costume designer Sandy Powell.

Warner Bros. Pictures Presents A First Love Films / In The Current Company Production, A Maggie Gyllenhaal Film: THE BRIDE!. The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, only in theaters and IMAX in North America on March 6, 2026, and internationally beginning 4 March 2026. #TheBrideMovie

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

(ROHN ROMULO)

Buhay reyna na kasi kahit ‘di mag-artista… ERICH, wala pang balak magbalik-showbiz tulad ni GRETCHEN

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TULAD ni Gretchen Barretto, retired na raw si Erich Gonzales sa kanyang showbiz career.
Pero hindi pa naman nagsasalita ng tapos ang pretty actress, kung isinasara na ba niya o hindi ang pinto para sa kanyang karera sa entertainment industry?
Super yaman naman kasi ng negosyanteng husband ni Erich na si Mateo Lorenzo. Kaya kahit na hindi na siya mag-artista ay buhay reyna na siya.
Maging sa showbiz events ay hindi na rin nasisilayan ang beauty ni Erich. Excited na sana ang fans ng Kapamilya actress sa balitang makakasama ito sa cast ng action-drama series na pagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Pero bigo ang lahat dahil si Bela Padilla ang balik telebisyon at hindi ang idol nila.
Well, makikita si Erich sa Beauty Clinic ni Dra. Aivee na favorite doctor niya for her face and skin.
Yes kahit na wala sa showbiz, ay inaalagaan pa rin ni Erich ang kanyang looks. Socialite na nga ang dating nito sa kanyang latest photos.

***

AFTER ng imbitasyon sa “Pop Rock Diva” of the Philippines na si Rozz Daniels ng Cruz Family sa Masantol Pampanga, para maging celebrity Judge sa idinaos na Singing Contest sa Fiesta ni Sto. Niño sa Brgy. Nigui Sitio.
This Feb. 8. ay invited, naman si Rozz, para sa opening ng Pinoy Seafood Restaurant sa Paseo de Sta. Rosa Mall, sa Sta. Rosa Laguna.
Hindi naman makalilimutan ni Rozz, ang masaya niyang experience sa Cruz Family sa Masantol, Pampanga kasama ang american husband niyang si David, also your columnist and Benny Andaya.
Maliban sa very warm welcome at magandang pag-iistima sa amin during our stay there. Hindi lang basta naging hurado rito si Rozz kundi tumayo pa siyang Chairman of the Board for Judges sa singing contest.
At masaya si Mommy Gloria at anak nitong si Melchor Cruz, na Hermano Mayor sa fiesta sa tagumpay ng kanilang event na suportado rin ng sister na si Maribel na isang nurse sa Wisconsin na matagal ng bestfriend ni Rozz. Ang itinanghal na grand winner rito na si Karl Aris Tanhueco, na world class ang talent, ay gagawing front-act ni Rozz sa kanyang upcoming big concert this year.
Bongga kapag may duet si Rozz at Karl at parehong world class ang kanilang singing talents.

(PETER S. LEDESMA)

Naniniwala sa negatibong epekto sa kabataan… SOLENN, ‘di muna bibigyan ng gadgets ang mga anak nila ni NICO

Posted on: January 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI raw muna bibigyan ng anumang gadgets ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang kanilang dalawang anak hanggang hindi pa raw sila nasa tamang edad.

Naniniwala ang mag-asawa na may hindi magagandang epekto ang gadgets sa mga kabataan ngayon.

“Tili doesn’t know Instagram. She doesn’t have an iPad. She’s six na. Hindi ako nagga-gadgets sa kanila. Wala. Never. Their first phone maybe at 18, 19. Sana. Kung may pager, baka pager puwede muna. Pero iPad I don’t want,” tawa pa ni Solenn.

Gusto raw ni Solenn na kapag nasa labas sila, may bonding sila through talking sa isa’t isa. Unlike daw ng ibang pamilya na may kanya-kanyang gadgets.

“Nico owns a restaurant, so we’re at the restaurant a lot kasi, and he’s very hands-on, so I go with him. Ako nagda-dine lang. And then I see all the families having dinner together, but not ‘together.’

“‘Yung dad nasa phone, ‘yung mom nasa phone, ‘yung isang baby nasa iPad, ‘yung mas maliit nanonood ng TV. I get so frustrated because I’m like, this is so sad. This is what we’ve become?”

Ngayon kasi, bukod sa paglabas sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ bilang si Cassiopeia, simple lang ang pamumuhay ni Solenn kasama ang kanyang pamilya.

***

UMABOT na ng mahigit 10 million views ang teaser ng inaabangang mystery-drama series na The Secrets of Hotel 88.

Nagbigay na ng ilang clues ang teaser kung ano ang magiging kwento nang magbukas ito sa mga karakter nina Will Ashley, Brent Manalo, at Ralph De Leon.

Kalaunan ay tila makakaalitan nila ang mga karakter nina Mika Salamanca, Bianca De Vera, River Joseph, at Josh Ford.

Makakasama rin nila rito ang ilang former housemates ng unang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng ilan sa cast ang tila rollercoaster na emosyon na mapapanood at mararamdaman nila sa serye.

“Rollercoaster po kasi talaga ‘yung Hotel 88. It’s not one-sided, it’s not all drama, but it’s also not all fun at the same time. So ‘yung mga iyakan du’n, ‘yung mga galit, ‘yung mga away, it happens,” sabi ni Ralph.

Ayon pa sa cast, may ilang eksena raw na walang sinusunod na script kaya naman raw emotions at reactions ang masisilayan ng mga manonood.

“I think it depends po sa eksena, kasi ako I’ve trained myself na rin po to get used to like on the spot, like improvisations and everything. So not having the script is also pretty exciting for me,” sabi ni Kira Balinger.

Kwento naman ni Mika, paunti-unti kung ibigay sa kanila ang script kaya naman, kaniya-kaniyang hintay ang mga bida ng serye.

“Kahit kami talaga, kailangan namin hintayin talaga ‘yung kwento, ganiyan, kasi po ang dami po talagang secrets,” sabi ni Mika.

Bukod sa dating mga housemate, mapapanood din ang ilan sa mga beteranong aktor sa serye tulad nina Ina Raymundo, Dominic Ochoa, at Gardo Versoza.

Inaasahang mapapanood ang serye sa first quarter ng 2026 sa GMA Primetime.

***

PINABULAANAN ng country music singer na si Karley Scott Collins na siya ang pinalit ni Keith Urban sa ex-wife nitong si Nicole Kidman.

Ayon sa 26-year-old singer, professional daw ang ugnayan nila ni Urban. Naging opening act siya sa 2025 High and Alive World Tour ni Urban last year.

Sa kanyang Instagram Stories, pinawalang-totoo ni Karley na live-in na sila ni Urban. Caption niya: “yall, this is absolutely RIDICULOUS and untrue.”

Officially divorced na last Jan. 6, 2026 sina Nicole at Keith after 19 years of marriage.

(RUEL J. MENDOZA)