• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buhay reyna na kasi kahit ‘di mag-artista… ERICH, wala pang balak magbalik-showbiz tulad ni GRETCHEN

TULAD ni Gretchen Barretto, retired na raw si Erich Gonzales sa kanyang showbiz career.
Pero hindi pa naman nagsasalita ng tapos ang pretty actress, kung isinasara na ba niya o hindi ang pinto para sa kanyang karera sa entertainment industry?
Super yaman naman kasi ng negosyanteng husband ni Erich na si Mateo Lorenzo. Kaya kahit na hindi na siya mag-artista ay buhay reyna na siya.
Maging sa showbiz events ay hindi na rin nasisilayan ang beauty ni Erich. Excited na sana ang fans ng Kapamilya actress sa balitang makakasama ito sa cast ng action-drama series na pagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Pero bigo ang lahat dahil si Bela Padilla ang balik telebisyon at hindi ang idol nila.
Well, makikita si Erich sa Beauty Clinic ni Dra. Aivee na favorite doctor niya for her face and skin.
Yes kahit na wala sa showbiz, ay inaalagaan pa rin ni Erich ang kanyang looks. Socialite na nga ang dating nito sa kanyang latest photos.

***

AFTER ng imbitasyon sa “Pop Rock Diva” of the Philippines na si Rozz Daniels ng Cruz Family sa Masantol Pampanga, para maging celebrity Judge sa idinaos na Singing Contest sa Fiesta ni Sto. NiƱo sa Brgy. Nigui Sitio.
This Feb. 8. ay invited, naman si Rozz, para sa opening ng Pinoy Seafood Restaurant sa Paseo de Sta. Rosa Mall, sa Sta. Rosa Laguna.
Hindi naman makalilimutan ni Rozz, ang masaya niyang experience sa Cruz Family sa Masantol, Pampanga kasama ang american husband niyang si David, also your columnist and Benny Andaya.
Maliban sa very warm welcome at magandang pag-iistima sa amin during our stay there. Hindi lang basta naging hurado rito si Rozz kundi tumayo pa siyang Chairman of the Board for Judges sa singing contest.
At masaya si Mommy Gloria at anak nitong si Melchor Cruz, na Hermano Mayor sa fiesta sa tagumpay ng kanilang event na suportado rin ng sister na si Maribel na isang nurse sa Wisconsin na matagal ng bestfriend ni Rozz. Ang itinanghal na grand winner rito na si Karl Aris Tanhueco, na world class ang talent, ay gagawing front-act ni Rozz sa kanyang upcoming big concert this year.
Bongga kapag may duet si Rozz at Karl at parehong world class ang kanilang singing talents.

(PETER S. LEDESMA)