• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 19th, 2026

Obrero na wanted sa pagbebenta ng droga, timbog

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang construction worker na wanted sa kaso ng pagbebenta ng iligal na droga matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Quezon City.
Kinilala ni PDEG SOU-NCR OIC Chief P/Lt. Col. Christopher Navida ang naarestong akusado bilang si alyas “Gilbert”, 46, ng Barangay Sauyo, Quezon City.
Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng PDEG SOU-NCR hinggil sa kinaroroonan ni alyas Gilbert kaya kaagad bumuo ng team si Lt. Col. Navida para sa pagdakip sa kanya.
Katuwang ang mga tauhan ng QCPD Station 3 Talipapa, ikinasa ng mga operatiba ng PDEG SOU-NCR sa pangunguna P/Lt. Juan Carlos De Ramos, kasama sina PCpl Alpha Jericho M Olegario, PCpl Raymart A Ditalo, PCpl Christian E Fabrigar, PCpl Christian Jade O Borromeo, Pat Dennis R Yang, Pat Argie S Garcia, Pat Ferdinand Mark B Belleza, Pat Joey E Uy, Pat Resty Jonh B Mejia at Pat Melwin A Eugenio ang pagtugis sa akusado sa koordinasyon sa PDEA.
Dakong alas-9:30 ng gabi nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng SOU-NCR ang akusado sa Old Sauyo Road, Brgy., Sauyo Quezon City.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ng Quezon City RTC-NCJR Branch 226, noong December 26, 2025 para sa paglabag sa Section 5, Article II ng R.A 9165 (service of sentence).
Dalawang Alternative Recording Devices (ARDs) ang ginamit ng pulisya sa operation habang tinurnover naman ang akusado sa kustodiya ng QCPD Police Station 3 Talipapa para sa documentation at proper disposition. (Richard Mesa)

DATING DPWH MANNY BONOAN, BALIK PINAS

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdating sa bansa ng dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Manuel “Manny” Bonoan sa Ninoy Aquino International Airport nitong Linggo ng umaga, Enero 18, 2026.

Dumating si Bonoan sakay ng China Airlines flight CI0701 mula Taipei.
Isinailalim siya sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) alinsunod sa utos ng Department of Justice (DOJ) upang bantayan ang kanyang mga galaw kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa mga flood control project at tinaguriang mga “ghost project.”

Ayon sa mga rekord, umalis ng bansa si Bonoan noong nakaraang taon upang samahan ang kanyang asawa sa Estados Unidos para sa isang medikal na pamamaraan.

Wala siyang ibang kasamang pasahero sa kanyang pagdating.

Muling iginiit ng BI na ang paglalabas ng immigration lookout bulletin ay layong matiyak na agad na naipapaalam sa mga awtoridad ang pagdating o pag-alis ng mga persons of interest sa mga kasalukuyang iniimbestigahan.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na agad nilang ipinaabot ang impormasyon sa Kalihim ng Katarungan, alinsunod sa umiiral na mga alituntunin. (Gene Adsuara)

Nag-viral na reckless driver sa Valenzuela, isinuko sa pulisya

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAKARAANG mag-viral sa social media ang walang habas na pagpapalit-palit ng linya habang binabaybay ang maliit na kalsada ng minamanehong trailer truck at inuunahan ang ibang mga sasakyan na nakakasabay nito, isinuko sa pulisya ng may-ari ng trucking company ang kanilang driver sa Valenzuela City.

Sa ulat, nangyari ang insidente noong Huwebes ng gabi, Enero 15, sa Sapang Bakaw St. Lawang Bato na naglagay sa panganib sa buhay ng mga pedestrians at tatlong motocycle riders na muntik ng masagi.

Nang makarating kay Mayor Wes Gatchalian ang pangyayari, kaagad niyang inatasan si P/ Col. Joseph Talento, hepe ng Valenzuela police na hanapin ang driver ng trailer truck.

Paliwanag ng driver na si alyas “Nelson”, 41, kay Mayor Gatchalian na nais umano niyang makauwi agad dahil may sakit ang kanyang asawa, na hindi tinanggap ng alkalde dahil inilagay naman niya sa panganib ang buhay ng mga indibiduwal sa dinaanang makitid na kalye.

Sinabi ni Mayor Wes na nakipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Office (LTO) na kaagad naglabas ng Show Cause Order para isuko ng driver ang kanyang lisensiya matapos patawan ng 90-araw na suspensiyon, habang inilagay na rin sa alarm status ang trailer truck.

“Hindi po namin tino-tolerate ang mga ganitong kaskasero at bastos na driver sa aming lansangan. Valenzuela City is the home of 15,000 industries, warehouses, and commercial establishments. This is the reason why we are very strict and we put order talaga sa aming mga lansangan. Dahil alam po naming kami ay dinadaanan ng maraming trucks of various sizes dito sa aming lungsod, kaya po mas strict pa kami [sa batas trapiko],” ani Mayor Wes.

Inirekomenda naman ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang temporary closure and suspension ng mga operasyon ng trucking companies na employer ng driver para sa pagsulong ng imbestigasyon.

Hinimok naman ni Mayor Wes ang tatlong rider na magsampa ng kaso laban sa driver at bahala aniya ang lokal na pamahalaan na sagutin ang legal na tulong habang inalok niya ang kompanya na isailalim ang lahat ng kanilang empleyado ng drug testing na sasagutin din ng pamahalaang lungsod.

Pinaalalahanan din niya ang mga Trucking Services Company na maging mabusisi sa mga empleyadong kanilang tinatanggap upang hindi na maulit pa ang ganitong insidente ng kapabayaan. (Richard Mesa)

LTFRB GAGAMITIN ANG ‘WORKING DAYS’ SA COMPLIANCE PERIOD SA LAHAT NG PATAKARAN AT REGULASYON NG AHENSYA

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na unahin ang kapakanan ng mga Pilipino sa lahat ng serbisyo ng pamahalaan, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Giovanni Z. Lopez ng Department of Transportation (DOTr), ay naglabas ng memorandum na nagbibigay ng malinaw na depinisyon sa compliance period sa lahat ng polisiya at regulasyon ng ahensya.

Ipinahayag ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II na ang Memorandum Circular 2026-001 ay magtatakda ng paggamit ng “working days” bilang batayan sa pagtupad sa mga regulasyon ng Board.

“Ito ay upang maiwasan ang kalituhan sa ating mga kliyente dahil ang kasalukuyang prescriptive period ay nagdudulot ng abala sa publiko, lalo na sa ating mga kliyente,” ani Chairperson Mendoza.

Dagdag pa niya, malinaw ang direktiba ng DOTr Secretary Lopez:

“Malinaw ang direktiba ng ating DOTr Secretary Banoy Lopez: Tiyakin na ang lahat ng rules and regulations ay maliwanag at laging isasaalang-alang ang kapakanan ng ating mga kababayan.”

Sa memorandum na may petsang Enero 15 at nilagdaan ng LTFRB Board, tinukoy ang kahulugan ng working days kumpara sa calendar days upang maiwasan ang kalituhan sa lahat ng kawani ng LTFRB, lalo na sa mga nakatalaga sa frontline services.

Ayon sa circular, ang working days ay tumutukoy sa anumang araw maliban sa Sabado, Linggo, o mga itinakdang non-working holidays.

“Kaya’t ang Sabado, Linggo, at mga non-working holidays ay hindi kasama sa bilang ng compliance period,” nakasaad sa memorandum.

Ang Memorandum Circular ay agad na magkakabisa matapos itong mailathala sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon at maipasa ang tatlong kopya sa UP Law Center.

“Umaasa kami na ito ay makapagbibigay-linaw sa lahat ng tao, lalo na sa ating mga kliyente,” ani Chairperson Mendoza.
“Mahalaga sa bawat polisiya o kautusan na ang prescriptive period ng compliance ay malinaw, makatarungan, at patas upang maiwasan ang anumang kalituhan at abala sa lahat ng stakeholders,” dagdag pa niya. (PAUL JOHN REYES)

Lakbayaw Festival sa Tondo dinagsa

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DINAGSA ng libo libong deboto ng ­Minor Basilica and Archdio­cesan Shrine ng Sto. Niño de Tondo ang nakiisa at sumayaw para sa prusisyon sa Lakbayaw 2026 sa Tondo sa lungsod ng Maynila.

Ang prusisyon ay umikot sa kahabaan ng Ilaya Street sa kanto ng Recto Ave­nue nitong Sabado ng umaga na tradisyunal na inoobserbahan bilang bahagi ng pagdiriwang sa kapiyestahan ng Sto. Niño de Tondo.

Ang mga deboto ay sabay-sabay na umindak na masayang-masaya habang dala-dala ang imahe ng Sto. Niño sa nasabing prusisyon.

Nabatid na Biyernes pa lamang ay nagsimula na ang Lakbayaw Festival na dinadagsa ng mga deboto at maging mga turista na nakikiisa sa pagdiriwang ng masa­yang okasyon.

Samantalang todo bantay naman ang Manila Police District sa kaliwa’t kanang aktibidad na tatagal hanggang ngayong araw, Enero 18, ang kapiyestahan ng Sto Niño de Tondo.

Sa latest update sa kanyang kalusugan… KRIS, pinasilip ang new hairstyle at mas mabuti na ang kalagayan

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng update ang hair dresser at make artist na Jonathan Velasco tungkol sa kalusugan ni Kris Aquino matapos ang kanyang operasyon.
Sa Facebook post sinabi nito na, “New hair, same brave spirit. Madam Kris Aquino is on the mend!
“Please continue to keep her in your thoughts and prayers as she gets stronger every day.[pink hearts emoji]
#KrisAquino
#KrisAquinoUpdate.
Pinost niya ang video habang ginugupitan at mine-make-up-an si Kris, na patuloy na nagpapagaling sa ospital
Expressing her gratitude, sinabi ni Kris na, “literally so grateful to be breathing.” Patuloy naman ini-encourage ang kanyang upporters na ipagdasal si Kris na ngayon ay naka-focus sa kanyang pagpapagaling.
Ikinatuwa nila ang naturang health update at hairstyle cng Queen of All Media at umaasa ang marami na tuloy tuloy na nga pagbuti ng kalagayan niya.

***

The Star Factory 2.0: PlayTime Entertainment, inilunsad ang PT IDOLS

OPISYAL na ang pagpasok ng PlayTime Entertainment sa talent scene sa paglulunsad ng PlayTime IDOLS (PT IDOLS).

Isang malaking hakbang ito sa misyon ng kompanya na makabuo ng isang world-class entertainment ecosystem dito mismo sa Pilipinas.

Ang PT IDOLS ay isang next-generation platform na binuo para i-discover, i-develop, at bigyan ng spotlight ang susunod na wave ng performers, creators, at digital stars.

Ngayong ang industry ay lumipat na sa creator-led content at digital-first vibes, narito ang PT IDOLS para tiyaking laging nangungunA ang talentong Pinoy.

Kalimutan na ang old-school rules! Hindi lang ito traditional agency; ang PT IDOLS ay isang all-in-one hub na pinagsasama ang:
● Digital-First Branding: Sinisigurong bida ang stars sa mga platform na talagang trending.

● Content Creation: Tinutulungan ang creators na ikwento ang journey nila sa sarili nilang paraan.

● Commercial Partnership: Binubuksan ang pinto para sa big-brand opportunities sa iba’t ibang formats.

Ang PT IDOLS ay nag-kick off na sa ilang dance-based creator groups at kasalukuyang may 25 active creators. Balak nilang palaguin ito hanggang 60 very soon.

Mapapanood ang mga ganap sa TikTok via @ptimeicons. Humahakot na rito ng seryosong hype ang kanilang talents—hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa United States. Patunay ito na ang Pinoy talent ay may matinding cross-border appeal.

“PT IDOLS is more than just a talent initiative; it’s a deliberate step in making entertainment a core pillar of PlayTime Entertainment,” ayon kay Krizia Cortez, PlayTime Entertainment Director of Public Relations.

Bilang bahagi ng PlayTime family, ang PT IDOLS ang nagsisilbing tulay ng talent, fans, at brands. Ginawa nilang mas madali ang recruitment gamit ang kanilang dedicated TikTok platform: PlayTime IDOL (Hiring). Dito, may malinaw at structured na path mula sa pagiging “discovered” hanggang sa maging isang professional icon.

Sa pag-expand mula gaming hanggang sa puso ng content at live entertainment, todo-invest ang PlayTime sa mga creator of tomorrow. Simple lang ang mission nila: itaas ang standard ng talent development at siguraduhing ang kwentong Pinoy ay kayang lumaban—at manalo—sa global stage.

Sa pamamagitan ng PT IDOLS, ang PlayTime Entertainment na ang official gateway para sa susunod na era ng Philippine entertainment.

Si Rochelle daw ang dapat kinuhang judge… RAYVER, minamaliit ng netizens ang husay bilang dancer

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKALOKA rin talaga ang ilang netizens. Ipinakilala pa lang sa mediacon si Rayver Cruz bilang bagong judge ng ‘Stars on the Floor’, aba may nabasa na kaming comment sa X.

Na kesyo dapat daw si Rochelle Pangilinan ang ginawang host at sinakyan na ng network ang pagiging hot nito ngayon dahil sa success ng Sexbomb reunion concert.

As much as may tama naman ang netizen dahil keri nga ni Rochelle na maging judge, hindi naman ito dahilan para itsa-pwera si Rayver o ang dating, parang nagkamali ang network sa pagkapili sa kanya.

Eh, hindi rin naman matatawaran ang husay ni Rayver bilang isang dancer. Tinanong nga namin siya kung mas okay siya na maging judge o isa sa mga contestant. Sey namin, kung contestant siya, malaki ang chance niya na mag-champion.

Sabi naman ni Rayver, “Magkaibang pressure po kasi ‘yon. Pero mas may pressure kapag contestant.

“Pero kung yun ang naging destiny ko, siyempre, I will take it as a challenge like my brother. Kasi, hindi naman na tayo bumabata, e.

“Iba pa rin ‘yung lakas ng youth. Pero kapag nasa certain age ka na, matsa-challenge mo na ‘yung sarili mo.”

Mukhang mae-enjoy ni Rayver ang pagiging judge kunsaan, makakasama n’ya rin sina Coach Jay at Marian Rivera. At siyempre, si Alden Richards bilang host.

***

NAGMARKA sa amin nang binasa namin ang post ni Rabiya Mateo tungkol sa pinagdaanan at pinagdadaanan n’ya pa rin sa kanyang mental health.

‘Yung sinabi n’ya na, “You don’t know how little kindness mean to a depressed person like me and how your words can push me to do something else.”

Siyang tunay naman talaga. Kaya sana talaga instead na manghusga, mas maging kind dahil hindi mo alam ang pinagdadaanan ng bawat isa.

Kaya pala rin nawala si Rabiya last year, 3 months din siya sa U.S. at ito rin yung instead na kilalanin siya, itinakwil pa siya ng hinanap n’yang biological father.

Major depressive with anxious distress ang naging finding sa kanya. Sabi pa n’ya, “I planned to keep my depression to myself. Years of battling it every day. Years of trying to keep myself together.

“Bullying needs to stop now. It causes harm more than you ever know!”

Ayon pa rin kay Rabiya, “Mental Health Awareness.

“2025, I was diagnosed with depression and anxious distress. I had my several rounds of medication. I left the country for 3 months so I won’t get triggered by people who have no idea what I’ve been going through.

“Everyday was a struggle to survive. I almost deactivated everything and disappear to have a quiet and peaceful life. I fought hard and still fighting up until now.

“When I saw what happen to Emman and saw how painful it was for Kuya Kuya Kim Atienza and his family, I made a promise to myself to never give up because I don’t want my Mama to experience the same thing.”

Napakarami ng dumadaan sa mental health issue, gaya ni Rabiya sana ay mas maging matatag ang lahat.

(ROSE GARCIA)

Inalala na nagsimula sa pagiging alalay ng artista… LITO, ‘di malilimutan ang first kissing scene sa isang lalaki

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang hindi nakakaalam na nagsimula bilang personal assistant ang veteran actor na si Lito Pimentel.

“Alalay pa ang tawag sa P.A. noon. Naging alalay ako sa mga talents ni Vic Mampusti noong 1982. Yung inaalalayan ko noon ay yung singer na si Sid Malhabour.

“May mga nangyari noon kaya nakilala ko si Tito Alfie Lorenzo. Kinuha ako ni Tito Alfie bilang alalay sa talent niya noong si Edgar Mande,” pagbalik-tanaw ni Lito.

First movie ni Lito ay ang pelikulang School Girls na bida sina Dina Bonnevie, Snooky Serna at Maricel Soriano. Nag-volunteer daw siya dahil kulang ng isang extra sa eksena.

“Di ko alam na aarte ka kapag nakatutok na sa ‘yo ‘yung kamera. E nung action na, umarte-arte na ako. Pinagalitan ako ni Direk Maryo J. delos Reyes. Pero pinabalik pa niya ako kasi nakatanggap ako ng call slip para mag-shooting ulit.

“Years later, si Direk Maryo din yung magbibigay sa akin ng acting award para sa pelikulang ‘Kapag Napagod Ang Puso.’ Nanalo ako ng best supporting actor sa 1989 Gawad Urian.”

From alalay ay naging talent na rin ni Tito Alfie si Lito. Kapag di raw available si Edgar, siya ang pinu-push sa mga producers. Kaya nagsisimula pa lang si Lito nakatrabaho na niya ang mga award-winning directors tulad nila Lino Brocka (Miguelito: Batang Rebelde), Ishmael Bernal (Hindi Kita Malimot), Gil Portes (Never Ever Say Goodbye) at Marilou Diaz-Abaya (Moral).

“Pinaka-unforgettable sa akin yung Moral. Kasi yun ang first screen kiss ko sa lalaki. Naalala ko kinausap ako ni Direk Marilou at may kissing scene daw ako. Akala ko with Sandy Andolong, yun pala with Juan Rodrigo! Hinanda ko na lang yung sarili ko at nagawa naming maayos ni JR yung kissing scene namin.

“Noon napakakontrobersyal ng gano’ng eksena. Kina-cut yun. Ngayon parang normal na lang na naghahalikan ang dalawang lalaki sa TV o pelikula,” sey ng 62-year old actor na kabilang sa cast ng GMA Afternoon Prime na ‘House of Lies’.

***

INALALA ng aktres na si Susan Africa ang kanyang mister na si Spanky Manikan sa ika-8th death anniversary nito noong January 14.

Sa kanyang naging post sa social media, humiling ng dasal ang aktres mula sa kanyang mga kaibigan at followers.

Pinaramdam ni Susan na araw-araw niyang nami-miss ang kanyang “dearest Pangga” na si Spanky.

In bisaya language, “Pangga” is an endearment word that is used to address someone you love.

Heto ang pinost ni Susan sa Instagram:

“Please remember Spanky in your prayers as today is his eight anniversary in heaven.

“It has been eight years since you left us, my dearest Pangga, but we still miss you every second of each day.

“You will forever be in our hearts. I pray and hope that you are infinitely happy and at peace, dancing and singing with God and the angels.

“Your legacy of excellence and great love for family and friends will live on forever.”

Pumanaw si Spanky Manikan sa edad na 75 noong Jan. 14, 2018 dahil sa sakit na lung cancer.

Kinasal sila ni Susan noong 1989 at tatlo ang naging anak nila.

Naging aktibo bilang aktor sa entablado si Spanky noong 1972. Lumabas siya sa ilang theater productions ng Philippine Educational Theater Association (PETA), Dulaang UP, Manila Metropolitan Theater, Bulwagang Gantimpala at Tanghalang Pilipino ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Lumabas din si Spanky sa mga pelikulang Maynila… Sa Kuko ng Liwanag, Bona at Broken Marriage.

Nanalong namang best supporting actor sa Metro Manila Film Festival at Catholic Mass Media Award si Spanky para sa 1982 film na Himala.

Nagwagi rin siyang Best Supporting Actor sa GMA Bahaghari Awards para sa tele-movie na Parola in 1995.

In 2014, Manikan was awarded the Best Actor (Non-Musical) by the Aliw Awards

for his portrayal of Zacarias Monzon in Tanghalang Pilipino’s Mga Ama, Mga Anak.

Nakapagtrabaho naman si Spanky sa mga international films na Behind Enemy Lines, Saigon Commandos, A Dangerous Life, Le Zhan Chang An, In Naam der Koningin, Tatort-Manila, Au Bout De Rouleau, and Amigo.

Huli napanood si Spanky sa 2017 GMA teleserye na My Love From The Stars.

Noong November 2025 ay pinalabas ang pelikulang Lakambini: Gregoria de Jesus kunsaan gumanap si Spanky bilang si Julio Nakpil. Ito ang last screen role ng aktor na noong 2015 pa nakunan ang mga eksena niya.

***

DAHIL sa health issues, hindi makaka-attend sa kanyang 80th birthday celebration on Jan. 19 at the Grand Ole Opry si Dolly Parton.

Ang kanyang health issue rin ang reason kung bakit hindi natuloy ang Las Vegas residency niya last year, pati ang pagtanggap niya ng Jean Hersholt Humanitarian Oscar noong November 2025.

Mensahe ni Dolly: “Well, hey there, Grand Ole Opry family. I just wanted to say how much it means to me that you’re all coming together again this year to celebrate my big ol’ birthday with some of my songs.

“Some of my favorite memories happened right here onstage at the Grand Ole Opry, and I wish I could be there in person but I’ll be sending you all my love, for sure. So, you have the best night ever.”

Nagpadala pa siya ng video captioned: “I ain’t dead yet!”

(RUEL J. MENDOZA)

Fear brought to life. The cast of “PRIMATE” on their characters in the horror-mystery

Posted on: January 19th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

Johnny Sequoyah (Lucy) and Ben in #PrimateMovie

IM the down-and-dirty process of making his new horror movie Primate, director Johannes Roberts brought together an ensemble of dedicated performers who immersed themselves. “Our cast is amazing,” he says.

“They went through so much and were so committed to their roles, which were physically and emotionally exhausting. They helped ground this world with beautifully nuanced performances, so when the horror kicks in, it feels real.”

Primate tells the story of the Pinborough family and their pet chimpanzee Ben, who goes from a gentle pet to a deadly stalker. When Lucy Pinborough (Johnny Sequoyah) returns home to Hawaii after her freshman year in college, she is looking forward to a carefree holiday with pals Hannah (Jessica Alexander), Kate (Victoria Wyant) and Nick (Benjamin Cheng), her sister Erin (Gia Hunter), and the family’s beloved pet chimp, Ben. With her father Adam (Academy Award winner Troy Kotsur) called away on business, Lucy and the girls are looking forward to decompressing by the pool at the family home, a luxury hideaway tucked into a secluded cliffside. But their tropical vacation soon turns into a terrifying, primal tale of horror and survival.

Watch the trailer: https://youtu.be/Toiqr_T1y3w

image.jpeg

(From left) Johnny Sequoyah, Troy Kotsur and Gia Hunter play the Pinboroughs in #PrimateMove

Lucy’s late mom was a linguistics professor trying to discover language connections between chimpanzees and humans. “She brought Ben home as a baby and trained him to communicate using sign language and a special keyboard,” Johnny Sequoyah shares how Ben came to be a member of their family.

“There was an instant connection between Ben and Lucy and Erin. They have never considered Ben a pet. He is more like a little brother. When Lucy notices signs that something isn’t right with Ben, she’s concerned about him, but it would never cross her mind to be afraid of him. She is a loyal person in an impossible situation. She loves everyone in her life with all of her being, but she has to find the fierceness to protect herself and the others from Ben.”

Oscar winner Troy Kotsur (who won the Best Supporting Actor Academy Award in 2022 for his role in CODA) plays Lucy’s dad Adam. “Adam may be deaf, but he is no victim,” says Kotsur of his efforts to save his family. (Check out the “Silence is Deadly” featurette, showing a terrifying scene without sound, to show Adam’s perspective.)

British actress Gia Hunter rounds out the Pinborough family as younger sister Erin. Erin has been lost since her mother died and her sister went to the mainland for college. “Her dad has withdrawn into his grief,” Hunter says. “She’s very lonely. Ben is her lifeline, the only remnant of her mother. She was three when they met, so they grew up together. The film is scary but it’s also quite emotional. At one point she tries to sign with him and he snaps. Imagine what it feels like when a pet you’ve loved and trusted all your life turns on you.”

image.jpeg

(From left) Victoria Wyant, Jessica Alexander, Gia Hunter and Johnny Sequoyah in #PrimateMovie

Victoria Wyant plays Lucy’s best friend Kate. “Kate and Lucy have grown apart a bit, which has been influenced by people like Hannah, a shiny new friend who Kate thinks is really cool,” says Wyant. “She has a nice arc of rediscovering her priorities, which is an unusual thing to find in a horror film.”

Jessica Alexander, who plays Kate’s new friend Hannah, describes her character as a bit materialistic and an attention-driven girl. “I guess you could see her as a stereotypical mean girl, but she’s a little bit more than that,” says the actress. “A part of her is a little bit annoyed that Lucy has such a cool house, because she doesn’t want to be the least cool one there. But she thinks she kind of is.”

image.jpeg

(From left) Benjamin Cheng, Victoria Wyant, Jessica Alexander, Johnny Sequoyah and Ben in #PrimateMovie

Kate’s brother Nick, played by Benjamin Cheng, joins the girls for a party. “Nick is a 20-year-old chilled-out guy who likes a good time,” says Cheng. “He knows that Lucy has had a crush on him forever, but he clearly has something going on with Hannah. I really liked how there was some level of romance in there. It plays on the audience’s heartstrings when they get ripped into the chaos. You want to see these people have a happy ending.”

image.jpeg

#PrimateMovie

Get ready to go bananas for PRIMATE when it opens in Philippine cinemas January 21, 2026. #PrimateMovie

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

(ROHN ROMULO)

Ads January 19, 2026

Posted on: January 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments