NAPANATILI ng Asian Development Bank (ADB) ang ‘economic growth outlook’ para sa Pilipinas ngayong taon at sa susunod na taon sa gitna ng inaasahan na paggaan ng inflation na susuporta sa ‘consumption at investment activities.’
Sa July edition ng flagship publication nito, Asian Development Outlook (ADO), sinabi ng ADB na ang gross domestic product (GDP) growth forecast ng bansa ay nananatili sa 6.0% para sa 2024 at 6.2% para naman sa 2025.
Ito’y kaparehong growth rates na tinataya para sa Pilipinas ngayong taon at ang susunod ay sa April edition ng ADO.
“Moderating inflation and expected monetary easing in the second half of 2024 will support household consumption and investment,” ayon sa multilateral lender.
“The ADB’s forecasts fall within the lower end of the Marcos administration’s GDP target range of 6% to 7% for the year and 6.5% to 7.5% for next year,” ayon sa ulat.
Tinukoy ng ADB ang Philippines GDP growth rate na 5.7% sa first quarter ng 2024 sa likod ng “domestic demand, along with a recovery in merchandise exports.”
“Household consumption growth, while below last year’s level, remained the main contributor supported by low unemployment and remittances from overseas workers,” ang sinabi nito.
Tinuran pa ng ADB na nagpapatuloy ang public infrastructure spending upang iangat ang paglago sa nasabing panahon, habang “merchandise exports rebounded, particularly electronic products (about 60% of total exports), while services exports remained buoyant, including tourism and business process outsourcing.” (Daris Jose)
NANINIWALA si Sen. Risa Hontiveros na may ugnayan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pharmally.
“P29 Rice Program”: Pinasalamatan nina Navotas Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco si Pangulong Bongbong Marcos dahil may 1,500 Navoteño ang nakabili ng hanggang limang kilo ng P29/kilo na bigas. Pinuri rin ng Tiangco brothers ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang access sa abot-kayang bigas, kasunod ng pag-anunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na dadagdagan nila ang bilang ng mga Kadiwa outlet na nag-aalok ng P29 kada kilo ng bigas na makapaghandog para sa mga senior, PWD, 4Ps, at solo parents. (Richard Mesa)
INARESTO ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (HTRAD) ang isang indibidwal dahil sa pagbebenta ng bata sa online sa Paranaque City.
TATLONG araw iiral ang gun ban sa Metro Manila kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22,
NAKAHANDA na ang detention facility ng Senado para sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at mga miyembro ng kanyang pamilya sakaling maaresto na ang mga ito.