NAIS ng isang eksperto na maamyendahan ang Vape Law at maitaas ang legal vaping age sa 25 mula sa kasalukuyang 18.
Sa health literacy media conference sa Subic, Olongapo City, sinabi ng pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, dating pangulo ng Philippine College of Chest Physicians, na kailangan nang maamyendahan ang naturang batas na kilala rin sa tawag na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.
Ipinaliwanag ni Limpin na sa kasalukuyan, kahit ang mga batang edad 13 at 15 ay gumagamit na ng vape habang ang mga nagkakasakit naman dahil sa vape ay nasa edad 21 hanggang 23-anyos lamang.
“Ibig sabihin, iyong batas na allowing purchase [ng vape]… dating 21 na binaba pa sa 18. So siguro itaas na lang uli natin. Gawin na lang nating, ideally dapat 25,” aniya pa.
Paliwanag ni Limpin, ang pag-mature ng control center ng utak ay nagaganap sa edad na 25 at sa edad aniya na ito ay maaari nang mag-isip ang isang indibidwal kung makasasama sa kanya ang isang gawain.
Sa ganitong edad aniya ay mas kaya na ring kontrolin ng isang tao ang kanyang sarili at hindi na basta nagpapadala lamang sa kanyang mga nakikita sa iba.
Sakaling hindi kaya ang edad na 25 ay maaaring gawin na lamang itong 21-anyos.
Hindi lamang naman aniya sa vaping ito maaaring iaplay, kundi sa pag-inom rin ng mga nakalalasing na inumin.
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) upang masiguro ang ‘uniform valuation’ sa real property assets.
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).
MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang.
NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo.
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea.
ITINAKDA na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagdaraos ng public hearing sa minimum wage adjustment sa Hunyo 20.
BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumanggap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024.