• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2024

“Transformers One” trailer, starring Chris Hemsworth, makes historic launch in Space

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

The first trailer for Transformers One has just debuted like no movie trailer ever had: In Space! 

 

The long-awaited origin story of the most iconic characters in the Transformers universe will unfold in Transformers One. The action-adventure’s first trailer debuted as a literal space launch, journeying into space for an hour, 125,000 feet above the earth. At its peak, the trailer was revealed with a custom introduction video from Chris Hemsworth, who lends his voice as Orion Pax, and Bryan Tyree Henry, who will voice D-16.

 

Trailer: https://youtu.be/SIAqc-N_bd0

 

Transformers One reveals how Orion Pax and D-16, once brothers-in-arms turn into sworn enemies as leader of the Autobots, Optimus Prime, and founder of the Decepticons, Megatron. The film also stars Scarlett Johansson as Elita-1, Keegan-Michael Key as B-127, along with Steve Buscemi, Laurence Fisburne, and Jon Hamm.

 

Transformers One arrives in Philippine cinemas on September 18. Join the conversation with #TransformersOne

 

Photo and video credit: “Paramount Pictures”

(ROHN ROMULO) 

Dayuhang estudyante sa Pinas, sasailalim pa rin sa govt. intel

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang estudyante  na may hawak na student visa ay  sasailalim parin  sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa  ay maari pa ring sumailalim sa pagsusuri ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at  National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang mga aktibidades “which appear to be inimical to the security of the State”.

 

 

Sinabi ni Tansingo na ayon sa Executive Order No. 285, s. 2000, na nakapaloob sa batas ng inter-agency committee on foreign students  na ang BI ay bahagi ng inter -agency na pinamumunuan ng Commission on Higher Education (CHED), kasama ang NBI, NICA, Department of Foreign Affairs (DFA), at  Department of Education (DepEd).

 

 

Sa naturang batas, klinaro ni Tansingco na ang BI ay maaari lamang makapag-isyu ng student visa sa isang dayuhan kung iniendorso ito ng isang lehitimong eskuwelahan at ng CHED.

 

 

Dagdag pa nito na ang isang eskuwelahan na tumatanggap ng isang dayuhang estudyante ay inoobliga na magsumite ng regulan na ulat sa BI na siyang mag-monitor ng kanilang visa compliance , habang ang CHED ang nagsiguro sa pagpapatupad ng education -related policies at ang NICA ang magsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaduda-dudang aktibidades.

 

 

Ayon kay Tansingco na sa taon 2023, may kabuuang 1,516 na mga Chinese national ang nabigyan ng student visa sa Cagayan na lahat ay inendorso ng isang unibersidad, Gayunman, tinatayang 400 na mga Chinese national ang nakikita on-site kung saan ang eskwelahan ay nag iimplement ng distance learning.

 

 

Naniniwala si Tansingco na posibleng ang pagtaas ng bilang mga mga estudyante ay dahil sa post pandemic at marketing strategies ng mga eskuwelahan at pagpapalakas ng turismo.

 

 

“The national government has actively promoted the country as an education hub in Asia,” ayon kay  Tansingco.

 

 

“We hope that these concerns do not scare away legitimate students whose stay in the country could greatly help re-boost our economy,”  dagdag pa nito. GENE ADSUARA

Nabawasang bulto at halaga ng nasamsam na illegal na droga sa Batangas, walang dahilan para magduda- Abalos

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nakikitang dahilan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para magduda at pagdudahan ang dami at halaga ng napalathalang nahakot na illegal na droga sa Alitagtag, Batangas matapos na mabawasan ito.

 

 

Giit ni Abalos, dumaan ito sa tamang proseso.

 

 

Kaya nga ang pakiusap ng Kalihim sa publiko at sa mga mamamahayag ay alisin ang pagdududa at bigyan ng pagkilala ang mga taong nasa likod ng matagumpay na operasyon.

 

 

Nauna na kasing napaulat na humigit kumulang dalawang tonelada ng hinihinalang shabu ang nasabat sa checkpoint ng mga awtoridad na nasa isang van sa Alitagtag, Batangas. Ang halaga nito, umaabot sa P13.3 billion, ayon sa pulisya.

 

 

Subalit ngayon ay lumalabas base sa paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles na nasa 1.4 tonelada lamang o P9.68 bilyong halaga ng crystal meth, na tinatawag na shabu, ang nasabat ng mga tauhan nito sa bayan ng Alitagtag sa lalawigan ng Batangas noong Abril 15 batay sa opisyal na bilang nito.

 

 

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang ulat na ang halagang P13 bilyon na ibinigay nung una ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay pagtatantya lamang.

 

 

“Yung almost 2 tons na ibinigay was just an initial estimate of PDEA na base sa itsura at laman ng sako pero wala pa pong actual counting na nangyari doon,” ani Fajardo sa isang phone interview.

 

 

“Then nung matapos po ‘yung inventory kahapon, ang nabilang na lahat ng laman ng sako it turned out na nasa 1.4 tons po yung official count ng mga illegal drugs,” dagdag pa ng opisyal.

 

 

Sinabi rin ni Fajardo na ang inilabas na numero ng Batangas police ay hindi isang corrected version, dahil isinara niya ang anumang implikasyon na maaaring nabawasan na ang mga nakumpiskang narcotics.

 

 

“Hindi na dapat ito pag-uusapan kasi para sa akin klaro naman na estimate,” ang pakiusap naman ni Abalos.

 

 

Matatandaang, si Abalos ang nag-anunsyo na “more or less” P13.3  bilyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtyoridad, itinuturing itong “biggest single haul” ng illegal na droga na nakumpiska.

 

 

Ipinakita rin nya ang mga nasabing epektos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Idinepensa naman ni Abalos ang nauna niyang pahayag sa isang video kung saan sinabi niya ang tinatayang halaga.

 

 

Sa bagong kabuuang halaga ng nasamsam na illegal na droga, sinasabing P3.6 bilyong piso ang ibinaba nito sa kabuuan na nauna nang inanunsyo. (Daris Jose)

Desisyon ng Comelec, hihilingin na isaalang-alang

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIHILINGIN  ng Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema na isaalang-alang ang desisyon nito na ang poll body ay nakagawa ng grave abuse of discretion nang i-disqualify nito ang service provider ng Smartmatic bago ito makapagsumite ng anumang bid para sa 2025 elections .

 

 

Katunayan ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sila ay maghahain ng motion for reconsideration.

 

 

Sa kabila ng nasabing hakbang, sinabi ni Garcia na tinatanggap nila ang desisyon dahil nilinaw ng Korte Suprema na hindi nito mapapawalang-bisa ang kontrata ng Comelec para sa vote-counting machines para sa halalan sa South Korean Firm na Miru Systems.

 

 

“Lumalabas kung ano yung nangyari, valid na po lahat yan. Yung award namin wala na pong problema. Wala na pong effect, therefore, sa ating halalan sa 2025,”

 

 

Ayon kay Garcia, ang sinasabi lang ng Korte Suprema na kung sakali sa mga susunod na procurement sa mga darating na panahon ay dapat kasali na sila.

 

 

Binigyan-diin din ni Garcia ang integridad ng poll body ay hindi naapektuhan sa desisyon, at idinagdag na ito ay malugod na tinanggap dahil nilinaw nito ang lawak ng Comelec’s authority.

 

 

Ang Smartmatic ay diniskwalipika ng Comelec noong Nobyembre 2023 mula sa lahat ng procurement ng poll body dahil sa alegasyon ng bribery laban kay dating Comelec chairman Juan Andres “Andy” Bautista kapalit para sa awarding ng kontrata para sa election machines sa Smartmatic Corp.

 

 

Sinabi naman ng Smartmatic na ang diskwalipikasyon ay unfair dahil ito ay batay sa mga ulat lamang ng balita at hindi opisyal , nag-leak na mga dokumento mula sa ibang bansa ay talagang hindi katanggap-tanggap sa anumang hurisdiksyon kabilang ang PIlipinas.

 

 

Ang kumpanya ay naghain naman ng petition for certiorari na may aplikasyon para sa pagpapalabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction (WPI) sa SC.

 

 

Samantala, sinabi ng kinatawan ng Smartmatic na si Atty.Christian Lim na nauna nang tinanggap ang desisyon  at sinabing ibinabalik nito ang hustisya at nagpapakita ng malinaw na mensahe sa mga namumuno sa Comelec. GENE ADSUARA

Top 5 at 7 most wanted person ng NPD, nabitag sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang Top 5 at 7 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) matapos malambat sa magkahiwalay na manhunt operations Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ipinag-utos ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang pagpapaigting sa pagtugis kay alyas “Boy Manyak” upang mabigyang katarungan ang sinapit ng dalagitang kanyang pinagsamantalahan noong nagdaang taon hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa kinaroroonan ng akusado.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Investigation and Detective Management Section (IDMS), Northern Maritime Police Station at RIU-NCR, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang SIS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado, dakong alas-5 ng hapon sa Phase 8a, Block 89, Lot 28, Brgy. 17 Bagong Silang.

 

 

Ani Col. Lacuesta, binitbit ang akusado sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Branch 131 na may petsang Disyembre 28, 2023 para sa kasong Statutory Rape at Lascivious Conduct sa ilalim ng R.A. 7610 o Special Protection Against Chile Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga tauhan ng SIS ng Valenzuela police sa manhunt operation sa harap ng isang gas station sa Mac Arthur Hi-way, Brgy. Malinta bandang alas-11:15 ng gabi ang isa pang akusado na nasa top 5 MWP naman ng NPD na si alyas “Dodong”.

 

 

Ayon kay Valenbzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dinakip ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S Mendoza-Francisco ng RTCt, Branch 270, Valenzuela City noong August 23, 2021, para sa kasong Sec. 2. Par. 2 of the RPC as amended by R.A. 8353 of RPC Art 266-A (Rape) and Sec. 2, Par 1(B) of the RPC as amended by RA 8353 of RPC Art. V266-A (2 counts of Rape).

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen, Rizalito Gapas ang Caloocan at Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang akusado. (Richard Mesa)

Estudyante, 1 pa arestado sa higit P.2M droga sa Caloocan

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang narescue na isang menor-de-edad na lalaki ang mahigit P.2 milyong halaga ng droga matapos masita sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-3:00 ng madaling araw, nagpapatrulya at nagpapatupad ng city ordinance sa Julian Felipe St., Brgy. 8 ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station 4 nang mapansin nila ang menor-de-edad na lalaki na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa ordinansa ng lungsod (curfew).

 

 

Nang lapitan nila para hingan ng ID upang maisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay tumakbo ang binatilyo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakuha ng mga pulis sa 17-anyos na binatilyong estudyante ang isang brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa 1 kilogram ang timbang at may katumbas na halagang P120,000.

 

 

Nauna rito, inaresto din ng mga tauhan ng SS4 si alyas “Pat”, 29, ng Brgy. 75 nang mabisto ang dalang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00 makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na damit habang gumagala sa Salmon St., Brgy. 8, dakong alas-4:20 ng madaling araw.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the RPC o Resistance and Disobedience to Agent of Person in Authority or Agent of such Person at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2002. (Richard Mesa)

Gumamit ng teknolohiya para labanan ang krimen, magsilbi sa mga Filipino

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 223 bagong uniformed personnel sa ilalim ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Layag-Diwa” Class of 2024 na gamitin ang teknolohiya sa paglaban sa krimen at pagsisilbi sa mga mamamayang Filipino.

 

 

“Most of you were born when the internet was no longer in its infancy, and you were shaped to be tech savvy, digital natives. I challenge you to leverage that technology that you are familiar with as aids in protecting and serving our people, especially in battling cybercrime. I ask you to embrace smart policing, fire prevention, and penology,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 45th PNPA Commencement Exercises sa Silang, Cavite.

 

 

“There is still no substitute for pounding the streets.  When it comes to assuring the people, analog will always beat digital. But there is now a need to patrol the information highway for robbers lurk there, too. The fight against crime is now a potent mix of gadgets and war rooms, and old-fashioned grunt work, by gritty police officers,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.

 

 

Gayundin, hinikayat ni Pangulong Marcos ang PNPA graduates na nakatakdang sumapi sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na gumamit ng information technology para mapahusay ang pagpapaabot ng serbisyo habang pinaliliit ang gastos.

 

 

“We should not be content with current fire response time, but instead strive to make it faster. We should not crow about jail improvements, but we should push the envelope further, lessening congestion. And most of those in uniform have kept the values and principles that define who public servants truly are,” aniya pa rin.

 

 

Gayundin, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga bagong uniformed personnel na ang kanilang serbisyo ay “not a race to collect insignia nor accumulate prized assignments.”

 

 

“Let me remind you that your career should not be measured by the speed you have moved up the ranks alone, but by the quality of the service that you have given to our people… It is to do as much good as often to as many without expecting any reward in return, because service itself is our reward,” ang winika ng Pangulo.

 

 

Samantala, kasama ng Pangulo sina Vice President Sara Duterte at Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa 45th PNPA Commencement Exercises. (Daris Jose)

40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon  hanggang sa katapusan ng Mayo.

 

 

 

Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang Isabela ng 40 tempera­tura nitong nagdaang April 15 at patuloy pa ang pagtindi ng init ng panahon kayat inaasahan na ang pagtaas pa dito ng temperatura.

 

 

 

Binigyang diin ni Solis na mas matindi ang init na nararamdaman sa mga Urban areas o ang Urban Heat Island Effect dahil matindi ang init ng solar heat emission na tumatama sa mga semento tulad ng mga bato,  gusali, kalsada na gawa sa semento kayat napakainit ng pakiramdam sa urban areas laluna kung lalabas ng etablisimyento o tahanan.

 

 

Binigyang diin ni Solis na tataas sa 36.9 maximum daytime temperature.

 

 

 

Umaasa naman ang PAGASA na sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay maglaho na ang panahon ng El Niño tuloy makaranas na ng katamtaman at normal na panahon ang bansa lalu na ang Metro Manila.

Babae, inaresto sa paggamit sa anak sa online show

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng  National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae na ginagamit ang kanyang menor de edad na anak para sa online sexual show at exploitation.

 

 

Nag-ugat ang operasyon mula sa idinulog na kaso ng Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) laban sa isang babae na umano’y ginagamit ang kanyang mga menor de edad na anak para sa isang palabas sa online.

 

 

Dahil dito, noong April 12, 2024 ay nagsagawa ng entrapment operation at pagsisilbi ng WSSECD  ang pinagsamang pwersa ng NBI-HTRAD at  NBI-Northeastern Mindanao Regional Office (NBI-NEMRO) kasama ang NBI-Digital Forensics Laboratory laban sa suspek sa kanyang bahay sa San Luis, Gingoog, Misamis Oriental.

 

 

Dito naaktuhan ang suspek sa aktong inaalok nito ang kanyang mga anak  sa isang online sexual show kapalit ng pera.

 

 

Sa nasabing operasyon, ni-rescue ang tatlong menor de edad.at kasalukuyang nasa-kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Kasong paglabag sa  R.A. 11930 (Anti- OSAEC at CSAEM Act), R.A. 9208 as amended ng  R.A. 10364 at  further amended ng  R.A. 11862 (Anti-Trafficking in Persons Law) in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Law), R.A. 7610 (Child Abuse Law), at  Rape by Sexual Assault.laban sa naarestong suspek. GENE ADSUARA

Panawagan ni Alvarez, pangungutya sa intergidad, propesyonalismo ng AFP, PNP -Año

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MALINAW na pangungutya sa integridad at propesyonalismo ang naging panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na bawiin ng mga ito ang kanilang suporta mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

“Both institutions are loyal to the Constitution, the rule of law, the chain of command, and the President as Commander-in-Chief of the Armed Forces. Insinuations to the contrary are baseless and unfounded,” ayon kay National Security Adviser (NSA) Eduardo Año.

 

 

Para kay Año, maituturing na “illegal at unconstitutional” ang ginawang hakbang ng isang public official, lalo pa’t isang high-ranking military reservist.

 

 

“It erodes the very foundation of our democratic institutions and undermines the supremacy of civilian authority over the military. Such utterances and actions can be construed as seditious or rebellious and they have no place in our society,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran pa rin nito na ang armed forces sa isang ‘democratic country’ gaya ng Pilipinas ay “neutral at apolitical” at nakatuon sa pagsisilbi sa interest ng bayan.

 

 

“Rep. Alvarez, and others who may be similarly inclined, should not drag such respected institutions to serve their partisan agenda or self-interest, even if such calls are made, as he claimed, in a fit of emotion,” ayon sa NSA.

 

 

Sa kabilang dako, nanawagan naman si Año sa Department of Justice (DOJ) na masusing rebisahin ang bagay na ito at ikonsidera ang akmang legal na aksyon laban kay Alvarez at iba sa iba pang kahalintulad na indibiduwal.

 

 

“His words and deeds are a disservice to our men and women in uniform who risk their lives daily to safeguard our nation’s security, defend us from all manner of threats, and uphold the Constitution,” diing pahayag ni Alvarez.

 

 

Samantala, hiniling na ng Philippine Navy kay Alvarez na ipaliwanag nito ang kanyang naging panawagan. (Daris Jose)